46
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
"Mom, what do you think? Red roses?"
I checked the red roses that were on display while talking to my mom. Nagpunta kami ngayon nila Cherinna at Airi para puntahan si Mommy at para na rin mamili ng bulaklak para sa dinner mamaya sa bahay kasama ang mga De Guzman.
I received a call from Enzo last night that they will be visiting us. Napag-usapan na rin kasi naming dalawa na sasabihin na namin sa mga magulang namin ang relasyon namin dahil wala naman kaming plano na ilihim talaga iyon sa lahat.
We all know what can happen if we keep it from them. Isa pa, wala namang dahilan para hindi namin sabihin ang totoo sa mga ito. I am sure that they will all be happy for us.
"These sunflowers looks good," sabi ni Airi bago tumingin kay Mommy at ngumiti. "Magdadala po ako sa bahay, ah? Para sa room ko," paalam nito kay Mommy bago nagpatulong sa staff na naroon para makapagbalot ito ng mga bulaklak para sa kakambal ko.
"White looks good, too."
Nilingon ko si Cherinna at ang hawak nitong white roses. I stared at the rose and shook my head. "Tita Cyan likes red, right? I mean she always wears red lipstick and red is actually really pretty..." I shrugged and looked at my mom who's smiling at me.
"It's so obvious that you want to impress Ate Cyan, Alyanna," she chuckled and walked towards me. Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa sinabi nito.
"I... that's not it, Mom..." tanggi ko naman sa sinabi nito. Hindi ko alam na ganoon pala ang nakikita nila pero ayoko lang talaga na may hindi magustuhan si Tita Cyan lalo pa at sasabihin na namin ni Enzo ang relasyon namin.
Based on the stories I read, it's important to get the approval of the mother of your boyfriend.
"I agree!" pang-aasar ni Airi sa akin na ngumisi pa.
Nilingon ko naman ito at inirapan bago muling tumingin kay Mommy na nakangiti rin habang nakatingin sa akin.
"Mommy... I just want our house to look good and–"
"Our house looks good!" muling sabi ni Airi.
"Shut up!" I rolled my eyes again and decided to just look at the flowers again. "I was just thinking that maybe it will look good if we will have fresh flowers and... our house will look more beautiful when they visit us tonight..." huminga ako ng malalim.
"You have nothing to be shy about, Alyanna..." lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang pisngi ko. She smiled at me and caressed my cheek before looking at Cherinna and Airi. "I remember when I was at your age, I was following your dad around. He was so still into someone else, but just like you... I'm trying to do whatever I can for him to notice me, to look at me..."
Nakatingin lang ako rito habang nagsasalita ito.
"He did fall in love with you, though..." sabi ni Cherinna na lumapit na rin sa aming dalawa. Tumango naman si Mommy sa kanya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "He did, but like what your dad always used to tell me, he fell in love with me because I am me..." muli siyang lumingon sa akin.
"You're all at the age of falling in love, getting hurt, learning from it and falling in love again..." lumingon siya kay Cherinna bago muling nagsalita. "I want to see you all happy. Kaya hindi ko rin pinaghihigpit na masyado ang Daddy niyo sa inyo pagdating sa mga manliligaw niyo dahil alam ko naman kung ano ang pakiramdam ng magkagusto sa isang tao. Just make sure you will still love yourself, that's the most important thing you should be aware of."
"So, it's okay with you, Mom, to have Enzo as Alyanna's boyfriend?" tanong ni Airi na may dala ng bouquet ng sunflower.
"Airi!" saway kong muli sa babae dahil sa sinabi nito kay Mommy.
"What?" painosente namang tanong nito. "He will be your boyfriend naman, diba?" She smiled at me again. Sinimangutan ko naman ang babae bago muling lumingon sa nanay namin. Kung minsan talaga ay masarap na sabunutan din itong si Airi sa pagiging sobrang madaldal, e.
"Of course, it's okay with me," sabi ni Mommy na ikinatigil ko. Napatingin ako sa kanya habang nananatiling nakatayo. "Enzo is a nice person. I know his family and I think he really likes you, Alyanna..."
Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito kaya naman napayuko ako. I heard my mom chuckle before calling her staff and telling her to prepare the red roses and telling her to send it to our house today.
"Red roses, then," sabi nito sa akin habang nakangiti. Hindi ko na napigilang hindi rin mapangiti at yakapin ito.
I know she went through a lot already. Mula noon hanggang ngayon dahil sa mga nangyari at talaga namang mataas ang respeto ko rin kay Mommy dahil sa kabila ng lahat ng nangyari, pinili pa rin nitong unawain ang lahat at patawarin ang mga taong nakasakit dito. Kaya naman hangga't maaari, ayoko na makagawa rin ako ng bagay na ikaka-disappoint nito o hindi kaya ay ikakasakit nito.
We stayed there for another hour since Mom ordered a snack for us. Hindi naman na rin namin hinintay si Mommy hanggang sa magsara ang flower shop dahil si Daddy ang sumusundo rito. Isa pa, kailangan ko rin namang makauwi para masiguro na maayos ang lahat sa bahay para sa pagbisitang muli nila Tito Blue at Tita Cyan sa bahay namin.
I checked on my phone and saw Enzo's message. Mabilis kong binuksan iyon at hindi ko napigilang hindi mapangiti nang mabasa ko ang message nito sa akin.
Enzo: I'll be busy today but I will not forget about you. See you later. I love you.
"Minemessage rin ako ni Dean pero hindi ako ganyan, Alyanna," tapik ni Airi sa akin na nakaupo sa may backseat ng sasakyan ko. Mabilis kong ibinalik sa bag ko ang phone ko bago ko nilingon si Airi. "Baka kasi hindi nakakakilig si Dean kaya ganoon," sagot ko naman sa kanya.
"So, kinikilig ka kay Enzo?" tanong naman ni Cherinna sa akin na nakaupo sa tabi ko. I looked at her and rolled my eyes.
"Umuwi na nga tayo!" sabi ko na lang sa kanila pero napuno na ng tawanan ng dalawang babae na kasama ko ang loob ng sasakyan ko.
"It's okay if you will say yes to Enzo, you know? He made it clear that he will not marry Elisha. I don't think there's a problem pa..." sabi ni Airi habang nakasandal at nakatingin sa labas nang tignan ko ito sa may rearview mirror.
"Jahann also said Enzo told him he really likes you," dagdag naman ni Cherinna sa sinabi ng babae. "And I think Enzo is good for you," natatawang sabi nito sa akin na ikinakunot ko ng noo.
"What do you mean?" I asked her while driving.
"You know, in love... sometimes we look for someone we think we have the same vibes with. Pero actually, it's better if you two are opposite. Napupunuan mo ang hindi niya kaya, napupunuan niya ang hindi mo kaya. And love is a feeling and a choice, actually..."
Napalingon ako kay Cherinna nang sinabi niya ang bagay na iyon.
She smiled at me. "It's a choice because not all the time things will be okay. You can't expect that things will always be smooth sailing... but it's your choice if you will stay or not because of that."
Napatango ako sa sinabi niya.
Naisip ko si Enzo at kung paano niya akong paulit-ulit na pinili kahit na may mga nagagawa akong nakasakit sa kanya. Kahit na may mga bagay akong nagagawa na hindi okay para sa kanya.
"In short, Enzo is the right choice," sabi naman ni Airi na ikinatawa ni Cherinna. Nagkakasundo talaga silang dalawa kapag inaasar nila ako kaya hinayaan ko na lang sila hanggang sa makauwi na kami ng bahay.
Mabilis lang akong naglinis ng katawan at tumulong na rin sa pag-aayos para sa dinner namin mamayang gabi habang si Cherinna naman ay nagpunta sa kwarto nito dahil naroon si Nikolai kasama ang yaya nito. Si Airi naman ay nagpaalam na matutulog muna dahil napuyat daw ito sa kakahanap ng DJ na pwedeng maimbitahan para sa event sa Ai's.
Kumunot ang noo ko nang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot iyon.
"Baby."
I smiled when I heard his voice. It was soft and sweet.
"Yes?" I asked him. Hindi ko pa rin siya natatawag sa endearment na ginagamit nito sa akin dahil nahihiya ako na gamitin ito. Naiisip ko lang na baka hindi magandang pakinggan kapag ako na ang nagsabi kaya hindi ko matawag ng baby si Enzo. "I thought you were busy today?" I asked him. Lumayo na rin muna ako sa mga kasambahay namin na naghahanda para mamaya.
"I am, I just want to hear your voice," sagot nito sa akin na ikinangiti ko naman.
"Since when you became cheesy, Enrico Lorenzo?" I asked him again. Nakangiti ako kahit na hindi naman niya ako nakikita.
"I'm just being honest," sagot nito at kahit na hindi ko siya nakikita, alam kong bahagyang napasimangot ito dahil sa pang-aasar ko rito.
"Yeah, right. I'm helping them to prepare our dinner later," sabi ko naman dito. Kasama nitong muli si Lean at mga magulang nito kaya naman gusto ko na maayos talaga ang dinner namin kasama ang pamilya ko.
"Don't tire yourself too much, okay?"
Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Yes, Dr. De Guzman," natatawang sagot ko rito.
"Tease me again and I'll kiss you hard later," sagot ni Enzo na ikinatigil ng tawa ko. Napalingon ako sa paligid at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi nito.
"Enrico Lorenzo!" saway ko rito. Ito naman ang bahagyang natawa sa kabilang linya. His laugh was sexy and hot. Hindi ko rin malaman kung bakit ba ganoon ang epekto ng tawa nito sa akin.
"I got to go. See you later, baby. I love you," paalam nito sa akin.
"Yes, yes. See you. I love you, too," sagot ko naman bago pinatay na ang tawag nito. Napailing na lang ako dahil hindi ko rin minsan akalain na may naughty side si Enzo...
Well, something happened to us already.
Once.
Hindi naman iyon naulit noong nasa Tagaytay kami dahil hindi hinayaan ni Enzo na mangyari ulit ang bagay na iyon. Natulog lang kami na magkatabi habang yakap niya ako at umuwi na rin kinabukasan.
That's it.
He controlled himself and I commended him for that.
Bumalik na lang ako sa kusina para muling tumulong sa pagluluto ng hapunan namin. Nagtataka man ako na marami ang niluluto ng mga ito ay hindi na lang ako nagtanong at inabala na ang sarili ko para mas mapabilis nila ang pagluluto.
Mabilis lang lumipas ang oras at nagpaalam na ako sa mga ito na aakyat na sa kwarto ko upang makapag-ayos na rin dahil isang oras na lang ay darating na ang mga bisita namin. Nakaayos naman na ang lamesa at maging ang mga bulaklak na dinala kanina sa bahay namin.
I chose to wear a light blue dress and light makeup as well. Sinuklay ko lang din ang buhok ko at naglagay ng simpleng pearl na hikaw bago bumaba para masiguradong maayos na ang lahat.
Maging si Airi at Cherinna ay bumaba na rin dahil dumating na sina Mommy at Daddy. Napansin ng mga ito ang ayos sa kusina kaya naman napangiti na lang din ako. Sana ay magustuhan din ng mga magulang ni Enzo.
Hindi ko rin malaman kung para saan ba ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Buong buhay ko namang kilala ang mag-asawang De Guzman, pero ngayon ay parang iniisip ko na rin kung mayroon ba akong hindi magandang nagawa noon dahil baka iyon pa ang maging dahilan para hindi nila ako magustuhan para kay Enzo...
But they agreed before that he will court me, tho?
"Wala pa sila Kuya?" tanong ni Mommy sa amin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Naunang umakyat sa kwarto ng mga ito si Daddy.
"What do you mean, Mommy?" tanong ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. "Your uncles are coming," iyon lang ang sinabi nito sa akin at nagpaalam na magpapahinga na muna at bababa na lang mamaya.
"Good luck," natatawang sabi ni Airi sa akin habang kumakain ito ng strawberries. Inirapan ko naman ito dahil noong huling naroon kaming lahat, parang ang natatandaan ko ay hindi maganda ang nangyari noon...
Kinuha ko na lang ang phone ko para sabihan si Enzo sa nangyayari pero tinawag na ako ng kasambahay para sabihin na naroon na sila Enzo at nakasabay pa nito sila Tito Thunder!
"What are you doing here?" tanong ni Tito Thunder sa daddy ni Enzo.
"This ain't your house," sagot naman ni Tito Blue rito.
"Namiss niyo na naman ang isa't isa," sabi naman ni Tita Rain na napapailing.
"Mukha nga, e," sang-ayon naman na sabi ni Tita Cyan sa mga ito.
Nakita ko ang pagtingin ni Tito Thunder sa akin nang iabot sa akin ni Enzo ang bouquet ng bulaklak. Napailing ito at napatapik sa balikat ni Tito Blue. "Mukhang alam ko na ito," sabi nito sa lalaki.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi nito.
Dumiretso na sila sa may komedor at naiwan kami sa may living room matapos ang maiksing batian ng mga ito. Sinamahan na rin nila Airi at Cherinna ang mga ito. Si Lean at Theon ay susunod na lang dahil dadaanan pa raw sina Keij at Kol. Pupunta rin kasi ngayon sina Tito Hunter at Tita Zyline.
Lumapit sa akin si Enzo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Don't fret," sabi nito sa akin. "You look pretty today," he smiled at me.
I rolled my eyes at him. "They will be all here..." sabi ko sa kanya na parang balewala lang naman kay Enzo base na rin sa itsura nito. He was wearing a dark blue polo. Gusto kong mainis dahil lahat na lang yata ng kulay ng damit ay bagay sa lalaki.
"Okay, so they will all know, then?" he said and smiled at me. "Don't be scared, baby. We're just going to tell them that we're together. I don't see anything wrong with that," sabi nito bago hinawakan ang kamay ko at dinala iyon sa mga labi nito. "Okay?"
I stared at his eyes and nodded my head.
"Yes..."
He smiled at me again and pecked on my lips. "I love you..." he whispered and kissed my head. I heaved a sigh and hugged him tight. "I love you, too..." I replied. I could smell Enzo's scent and to be honest, I can stay here and just hug him tight.
Napadilat lang ako nang biglang may tumikhim. Napalingon ako at nakita ko si Jahann na nakatayo roon at nakatingin sa amin ni Enzo. Napahiwalay ako sa katabi ko dahil na rin sa gulat.
"So, kayo na pala?" tanong nito sa amin.
"Jahann..."
"Yes, Jahann." Enzo said and held my hand. "I already told you I love Alyanna and–"
"Yeah. I just asked," he said and shrugged. "But, I think there's someone who wants to talk to Alyanna outside..." sabi nito na ikinakunot ng noo ko.
"Who...?" tanong ko sa kanya.
"Leo Saavedra."
Mas kumunot ang noo ko dahil sa pangalan na binanggit nito. Nasa labas ng bahay namin si Leo?
Bakit?
Ano namang ginagawa niya rito?
Napalingon ako kay Enzo at nakita ko na tumango siya sa akin na para bang sinasabi nito na kausapin ko ang lalaking nasa labas.
Napailing na lang ako nang sabay na pumasok na si Jahann at Enzo sa loob ng komedor at naiwan akong mag-isa.
Wala na akong nagawa kundi lumabas na lang at kausapin si Leo na nasa labas ng bahay namin ngayon.
Kung anuman ang dahilan nito sa pagpunta roon ngayon ay hindi ko alam.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store