ZingTruyen.Store

My Once In A Lifetime

45

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


"What are you cooking?" I smiled when I leaned on the counter while watching Airi cook. Kakatapos ko lang naman din na maligo at mag-ayos kaya bumaba na rin ako para matignan kung ano ang niluluto ni Airi ngayon.

I offered my help earlier but she just shoo me away and told me to just make sure everyone is coming. Hindi naman na ako nagpumilit dahil alam kong wala naman talaga akong talent sa pagluluto. Si Jahann, Cherinna at Airi ang mga biniyayaan ng ganoong talento.

"Chicken curry," sabi naman ni Airi sa akin bago kumuha ng isang kutsara para ipatikim sa akin ang sauce nito. I smiled as I tasted it. "It's so good!" sabi ko naman dito at matamis na ngumiti. Muli akong naglagay ng sauce nito sa kutsarang binigay sa akin ni Airi nang mahina nitong tapikin ang kamay ko.

"Stop it, mauubos mo 'yan bago pa natin sila makasama, e!" saway naman niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay muling tinikman ang luto nito.

"Pwede ka na mag-asawa pero huwag muna!" pang-aasar ko sa kanya na ikinapula ng pisngi niya. "Jahann will really kill Dean in case he do something stupid, you know?" dagdag ko pang sabi sa kakambal ko kaya naman inirapan na lang niya ako.

"Looks like you two are having fun here."

Sabay kaming napalingon ni Airi nang pumasok si Daddy sa loob ng kusina. He's wearing a white polo shirt and a black pants. Ang alam ko ay pupunta ito at si Mommy kina Tito Thunder dahil nagkayayaan ang mga ito na maglaro ng golf.

Inaya nila kami pero may ibang plano kami kaya naman hinayaan na lang nila kaming mga anak nila. We'll be having a picnic today. Airi arranged it when I came back from Tagaytay. Sinabi ko sa kanya na naging maayos naman ang pag-uusap namin ni Enzo kaya naisip nito na magsama-sama kaming ulit lahat para naman mawala na ulit ang naging gap sa amin noon.

They all agreed except Kuya Cloud, Ate Caryl and Kuya Kiro. Palagi naman kasing busy ang mga iyon sa kanilang mga buhay kaya hindi namin madalas maaya. Ang ibang pinsan naman namin ay hindi rin namin madalas makasama dahil wala naman sila sa Manila.

"I just tasted Airi's chicken curry, Dad. Masarap," sabi ko bago humalik sa pisngi nito. "Where's mom?" I asked him. Maging si Airi ay humalik sa pisngi nito bago kinuha ang mga tupperware na paglalagyan nito ng ulam na niluto nito.

She fried some pork chops earlier and she paired it with her chicken curry. Hindi ako sigurado sa dala ng iba pero alam kong kanin ang dala ni Keij dahil nagmessage pa ito sa amin na walang magdadala ng kanin at siya na ang bahala roon.

"She'll be here in no time," sabi nito sa amin bago lumingon sa akin. "Are you sure that you are okay now? I will see Blue later," sabi nito sa akin. I smiled a little and nodded my head. "I'm okay now, dad. Enzo explained everything to me already and Tito Blue is a really nice guy," I answered him.

Tumango naman si Daddy sa akin. Magkakakilala ang mga magulang namin kaya walang problema sa mga ito. More likely, they know what they are all capable of.

"Enzo is also a good guy, Dad," sabi naman ni Airi sa amin. Tumango naman si Daddy rito bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. He knows Airi's relationship with Dean as well. Wala naman din itong tutol sa relasyon ng mga ito dahil kilala nito si Tita Julia at Tito Dale. Kahit si Mommy ay walang pagtutol.

"Naririnig ko na naman 'yang mga pangalan ng boyfriends niyo," sabi naman ni Mommy nang pumasok ito sa kusina. "Love, did you bring my bag?" tanong ni Mommy kay Daddy.

Dad looked at her and smiled a little. "You look beautiful, Ai," he complimented her. Napangiti naman si Mommy bago mahinang tinapik ang balikat ni Daddy. "I always look beautiful, Love," sabi naman nito bago tumingin sa amin.

"Get a room!" pang-aasar ni Airi sa dalawa na tinawanan ko na lang din.

"We'll go ahead now," sabi nito sa amin bago nagpaalam. Hinatid ko naman sila sa may sasakyan nila hanggang sa makaalis ang dalawa. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko nang makabalik ako sa kusina para tulungan si Airi.

"They really love each other, no?" sabi nito sa akin. Tumango naman ako rito. From what I know from their story, they almost lost each other, but it was really love who brought them back together.

Maybe that's really the beauty of love. Sometimes it will cause you pain, it will break you, hurt you... but in the end, if it is true, it will always lead you to the one who you will be with for the rest of your life.

"Yes..." I nodded my head and helped her. Saktong tapos naman na kaming mag-ayos ng dadalahin namin nang tumawag si Lean sa akin.

"Hello?" I answered her call.

"We're near na. Enzo is driving so I called," sagot nito sa akin. Napangiti naman ako dahil narinig ko ang boses ni Enzo na hinihingi ang phone nito kay Lean.

"No, you're driving. Focus on the road, lover boy," sabi naman ni Lean sa kakambal nito. Napailing na lang ako dahil panigurado ay nakakunot na naman ang noo ng lalaki dahil sa pang-aasar ni Lean dito.

No one knows about our relationship. Alam nila ang nangyari pero hindi nila alam na kaming dalawa na ni Enzo kaya iniisip ng mga ito na nanliligaw pa rin sa akin si Enzo. Hindi ko naman din sila masisi dahil parang nanliligaw pa rin ang lalaki.

He's always giving me flowers, he's driving me home.

He's consistent.

"Okay, I can see your gate already, bye!" iyon lang at binabaan na ako ng tawag ni Lean. Tinawag ko na lang din si Airi para makalabas na kami at masalubong ang kambal.

Tama nga si Lean na nasa labas na ang mga ito nang makalabas na rin kami ng gate. Napakunot pa ang noo ko dahil hindi ko akalain na kasama na rin pala ng mga ito si Keij, Kol at Theon. Bumaba rin si Enzo sa sasakyan at lumapit sa akin para tulungan ako sa dala kong bag.

"May kamay at paa kaya yan si Alyanna," sabi ni Keij sa lalaki.

"You, too. So, drive," sabi ni Enzo bago initsa kay Keij ang susi ng sasakyan nito. Sinimangutan naman ni Keij ang lalaki bago inabot kay Kol ang susi. "Ikaw na, 'bal," sabi nito sa kakambal na hindi man lang nilingon si Keij.

"Si Theon na lang para hindi na ako lilipat," sabi ni Lean kaya walang nagawa ang lalaki kundi magpunta sa harap para magmaneho.

Pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan at sa dulo kami ni Enzo naupo. Katabi naman ni Keij at Kol si Airi. Jahann and Cherinna will just go to the park.

"So, may dala kang kanin?" tanong ni Airi kay Keij.

Napalingon ako kay Enzo ng hawakan nito ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at dinala naman niya ang kamay ko sa labi niya upang halikan ang likod ng palad ko.

"Hi..." he said softly.

"Hi..." I greeted him back.

He put his arm around me and pulled me closer to him. Idinikit ko naman ang katawan sa lalaki at isinandal ang ulo sa may balikat nito.

"Kitang-kita ni Theon ang kalandian niyong dalawa diyan," sabi ni Keij na lumingon sa aming dalawa ni Enzo. "Mauubos ipon ni Tito Kerko kakabayad mo kay Enzo para magpanggap, Alyanna," pang-aasar naman nito kaya sinipa ko ang upuan nito.

"Napaka leche mo talaga," sabi ko rito na kinunutan ko ng noo.

"Can you just shut up, Keij?" saway naman ni Enzo sa lalaki. Keij looked at Enzo and smirked. "You may be my cousin, but Alyanna is my cousin, too. Make her cry again and I will make sure even Kol won't be able to stop me from hitting you."

"Ang gwapo mo 'don," komento ni Airi sa lalaki bago ito tinapik.

"Who said I'll hurt her?" tanong ni Enzo sa lalaki. Nagkibit naman ng balikat si Keij bago ngumiting muli. "That's just a friendly reminder," sabi nito bago bumaling kay Airi at binigyan ang kakambal ko ng chocolate na dala nito.

Napailing na lang ako.

Keij is annoying but he's sweet as fuck. Madalas lang na nakakabwisit pero napaka protective rin naman talaga nito lalo na sa aming mga babae.

Sa malapit sa bahay ni Enzo kami nagpunta at ngayon lang din nalaman nila Theon, Lean, Airi at Keij na may bahay pala si Enzo sa Tagaytay. Cherinna and Jahann were already there when we reached the place. Kapag ginabi kami ay malamang na sa bahay kami ni Enzo magpapalipas ng gabi.

Tumulong ako kina Cherinna, Airi at Lean na mag-ayos ng pagkain namin habang inaayos naman nila Keij ang mauupuan namin. Naglalatag sila ng malalaking mga sapin para pwede raw na maupo at mahiga habang nagkukwentuhan.

No one is using their phone except for Kol who's busy texting someone.

Sila Jahann ang nagdala ng kanin dahil nagmessage raw si Keij kay Cherinna na ito na lang ang magdala kaya naman ilang mura ang natanggap ni Keij mula kay Theon.

"Ikaw ang nagluto nito?" tanong ko kay Enzo nang tikman ko ang beef steak na gawa nito. Tumango naman si Enzo sa akin at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Is it good?" he asked me.

Ngumiti ako at tumango sa kanya bago sinubuan din ang lalaki para kumain ito. Nagkanya-kanya na ng kuha ang mga kasama namin dahil nagugutom na rin talaga kami. We brought enough food to enjoy. Si Cherinna rin ang nagdala ng fruits para sa amin.

"Why don't you look for a girlfriend para hindi ka lagi nang-aaway ng boyfriend?" tanong ni Airi kay Keij. Hindi naman namin mapigilan na matawa nang sumimangot si Keij sa babae.

"I'm fine with my life, thank you very much," sagot nito sa babae. Wala naman kasi talagang steady girlfriend si Keij. Wala pa nga itong napakilala na girlfriend talaga nito dahil mas madalas na fling lang ang mayroon ang lalaki.

Mabuti na nga lang at mukhang nagbago na ito at nabawasan na ang pagiging babaero dahil wala naman na akong nababalitaan na nakikitang babaeng kahalikan daw ni Keij sa kung saan.

Nakayakap sa akin si Enzo habang nakasadal ako sa may dibdib nito. Nilalaro-laro ko rin ang daliri nito habang nakikinig sa mga usapan ng mga kasama namin. Si Lean at Theon naman ang pinag-uusapan ng mga ito at nagre-reminisce sa mga pinagdaanan ng mga ito noon.

"Are you happy?" bulong ni Enzo sa akin. I looked at him and nodded my head. Mas naging okay ang relasyon namin ngayon ni Enzo. What happened a few days and weeks ago was actually funny. Nakausap ko na rin naman si Elisha at humingi rin ito ng dispensa sa akin dahil nagkagulo kami ni Enzo.

Ito pa lang ang may alam na boyfriend ko si Enzo.

Naiisip ko rin na buti na lang ay hindi rin ako basta sinukuan ni Enzo kahit na nagpakababaw ako at hindi ko siya kinakausap dahil kung nagkataon ay wala akong Enzo ngayon.

Malamang ay nasa kwarto ko lang ako, umiiyak at iniisip kung paano na ang gagawin ko.

"How about you?" tanong ko rito habang pinipisil-pisil ang kamay nito. Nakikita ko ang ugat sa kamay ni Enzo at hindi ko maunawaan kung bakit ba parang nakakaattract ang ganoong klase ng kamay... or maybe because it was Enzo's?

Enzo heaved a sigh and hugged me tight. Parang hindi nito alintana kung kasama ba namin ang mga pinsan namin, ang mahalaga lang ay mayakap ako nito ng mahigpit na para bang hindi ako nito binibigyan pa ng pagkakataon na makaalis o makalayo pa mula rito.

"Baby, happy is an understatement..."

Kumunot ang noo ko at muling nilingon ang lalaki. Ang mga kasama namin ay abala pa rin sa pag-uusap sa kung ano-anong bagay. Hindi ko na masyadong nakukuha pa ang pinag-uusapan ng mga ito dahil ang focus ko ay napunta na lahat kay Enzo.

"What do you mean?" I asked him.

"Let's go," aya niya sa akin bago ito tumayo at inalalayan naman akong makatayo rin. Hindi na kami nagpaalam sa mga kasama namin at hinawakan na ni Enzo ang kamay ko upang maglakad papalayo sa mga ito.

"Where are we going?" I asked him again. He squeezed my hand.

"Enrico Lorenzo," I called his name.

Huminto naman na rin ito at tumingin sa akin. "Hmm?" he asked me.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid. The place looks good. May mga puno, nasa damuhan din kami at may mga bulaklak sa paligid. "What are we doing here and what do you mean that it was an understatement?" I asked him.

Enzo cleared his throat. Inayos din nito ang salamin na suot bago tumingin sa akin. "When I'm you, that's when I feel I am most alive..." simula ni Enzo. "There's no doubt that I am happy whenever I am with you and I know, they're still adjusting. They never thought this would happen, but, I don't really care if they're surprised... because one thing is for sure, and that is I am in love with you, Alyanna Samantha."

Nakatitig lang ako kay Enzo habang nagsasalita ito. Hindi ko alam kung paano ko ba sasagutin ang sinasabi nito.

"I am not just happy whenever I am with you, baby. I am alive when I am with you, and I think that's far better than being just happy. I am alive and that means, I am looking forward to seeing you everyday until one day, whenever I open my eyes, your face will be the first thing I will see..."

"Enzo..." nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinasabi ng lalaki. Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga iyon na sasabihin sa akin. I never thought this would happen.

"When I thought I'd lose you, I got so scared, baby. I got scared that I will never see you again and that you hate me..." he reached for my hand and looked at my face. "I know, this ain't the typical love story you saw in movies, read in books... I am a fucking boring person and I'm so sorry for that already, baby... but I can assure you that even in my silence, my love for you will always scream the loudest..."

"I love you, Alyanna Samantha."

He smiled at me and kissed my hand again. Napangiti ako at inabot ang pisngi ng lalaki. "I never thought you'd say those long lines..." pang-aasar ko sa kanya na ikinailing ni Enzo. I chuckled and moved closer to hug him.

I rested my head on his chest and hugged him tighter.

"Thank you for being there for me whenever I needed someone to talk to..." sabi ko habang nakayakap sa lalaki. "I know you watched me like someone else and you're hurting in silence, but despite all of that, you made yourself available for me whenever I needed you..."

I felt him hug me tighter.

"I love you, Enzo, and I never thought I was capable of loving someone this much..." nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti sa kanya. "You don't have to say sorry to me because you're everything that I want..."

He smiled and pecked on my lips.

I smiled at him and wrapped my arms around his neck and pulled him closer to kiss him more. He held my waist and kissed me deeper. I heard a soft moan from his lips.

Humiwalay ako ng bahagya kay Enzo at ngumiti ng matamis sa lalaki.

"Hmm?" he asked me.

"Let's make it official. I'll tell my parents you're my boyfriend..." sabi ko sa kanya na halatang kinagulat ni Enzo.

I took that opportunity to kiss him again. Hindi naman nagprotesta si Enzo at mas hinapit ako upang palalimin ang halik.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store