Fatal Attraction 3: La Impostora
Chapter 13
WILSON WAS amazed yet muddled by watching Sasahh firing a gun like a pro. Mula sa silid ay narinig niya ang mga putok na nagmumula sa baril at nakita nga niyang ang kanyang asawa ang nagpapaputok sa likod ng mansiyon.
Lahat ng pinapakawalan nitong bala ay tumatama sa shooting target. Bawat pagkasa at pagpalit ng bala ng baril ay nagagawa nito nang mabilis. Si Samantha ang babaeng hindi nino man aakalaing kayang humawak ng baril. Napatunayan na ni Wilson iyon nang minsang nagfa-firing siya at dumating si Samantha kasama si Robert sa shooting range. Hindi raw nito kayang humawak ng baril kaya pinagtatakhan ni Wilson ang nakikitang kayang gawin nito o marahil ay hindi lang nagsasabi nang totoo.
Akala niya tsamba lang nang tamaan nito ng bala ang lalaki sa isla sa centro ng noo, but it seems like she was aiming to shoot him on that spot.
Mula sa kanina pang pagmasid kay Sasahh habang nakatayo sa hindi kalayuan ay nagpasya si Wilson na lapitan ito. Nang maubos ang bala ng baril ay ipinatong ni Sasahh iyon sa mesang nasa harapan nito.
"Kelan ka pa natotong gumamit ng baril?" Tanong niya mula sa likuran ng asawa.
"Sa trabahong ipinapagawa nila sa atin, kailangan natin 'to."
"So are you saying that you are embracing this kind of life. The life that they've choosen for us?"
Inalis ni Sasahh ang earmuffs at eye protection, inilipag iyon sa mesa saka hinarap si Wilson.
"May pagpipilian ba tayo? Kaya mo ba silang kontrahin?"
"Pero pwede nating piliing huwag maging katulad nila. Hindi natin kailangang pumatay o ma-involve sa gawain nila, Samantha."
"Involve na tayo. Ipapaalala ko lang na nasa isla ka rin. Alam mo ang gawain nila pero wala kang ginagawa dahil duwag ka! Para kang tuta na sunod-sunuran sa mga inuutos nila! Kaya huwag mong sasabihin sa 'kin ang dapat kong gawin kung ikaw mismo ay hindi mo alam ang dapat at tamang gawin."
Puong-puno ng galit ang mga mata ni Sasahh na sinuyod ang kabuan ni Wilson. Nang bumalik ang titig nito sa mga mata ng lalaki ay nagpakawala ito ng nang-uuyam na ngisi.
"Hindi ka talaga nararapat kilalaning ama ni Ryke o kahit ng sinong bata. Mabuti na lang--" Tumigil sa sinasabi si Sasahh.
"Mabuti na lang ano?" Nakatiim ang mukha ni Wilson. Napipikon sa sinasabi ng kausap.
"Mabuti na lang at wala kang anak." Kinuha ni Sasahh ang cell phone mula sa mesa saka nilagpasan si Wilson pero muling natigil nang magsalita si Wilson.
"Wala kang alam sa buhay ko, Samantha! Alam ng diyos na hindi ko ginustong mapunta sa sitwasyong 'to. Dahil kung may pagpipilian lang ako. Baka sakaling namumuhay akong masaya ngayon kasama ng babaeng mahal ko."
Nilagpasan ni Wilson ang babaeng tila napako sa kinatatayuan nang hindi na ito kumilos pa. Nagngingit-ngit ang kanyang kalooban na bumalik sa loob ng mansiyon. Napakadali siyang husgahan ng ibang tao dahil wala itong alam sa kung ano ang sitwasyon niya. May tao na kailangan niyang protektahan at iyon ang higit na mahalaga sa kanya kaysa sa sariling kaligayahan.
"Eli?" Natigil si Wilson sa tangkang pag-akyat ng hagdan nang marinig ang boses ng ina.
"'Ma?" Naibsan ang nagngingitngit na kalooban nang makita ang maaliwalas na mukha ng kanyang mama. Sinalubong niya ito ng yakap.
"Ano ho ang ginagawa mo rito? Kasama mo ba si papa?"
"Hindi ko siya kasama. He's very busy man. At ikaw naman hindi ka kasi dumadalaw man lang kaya ako na ang bumisita." Himig itong nagtatampo. Hindi niya malaman kung kanino ba nagtatampo. Sakanya o sa pagiging busy ng kanyang ama.
"Busy ho kasi. Alkalde ang anak mo, 'ma," Wilson chuckled.
Sumimangot ito. "Kung ako lang, hindi talaga kita gustong pumasok ng pulitika. Nasaan nga pala ang mag-ina mo?" Nilinga ni Wilson ang kanyang likuran at saktong naroon ang asawa.
"Hi, Samantha!" Magiliw na bati ni Nadia sa manugang na tinugon ng babae ng naiilang na ngiti.
"Hello po! Akyat lang po muna ako." Sinundan ni Wilson ang asawa ng tingin na pumanaog sa hagdan.
"Mukhang hindi siya masaya." Ibinalik ni Wilson ang atensiyon sa ina.
"Mag-effort ka para magwork ang marriage niyo. Hindi porket arranged marriage lang ito, hindi mo na siya pakikitunguhan nang mabuti."
"Why do you assume that I was the one who's bad here? Eh, ako nga ang inaapi niya." Nanunumbat ang boses ni Wilson pero may ngiti sa labi.
"Mabuti naman kung ganoon."
"'Ma! Bias ka talaga! Dapat ako ang kinakampihan mo rito."
"Ganoon talaga kaming mga babae. Madalas mag-iba ang mood kaya dapat iniintindi. Hindi ka tunay lalaki kong sasabayan mo ang init ng ulo ng asawa mo."
"That's unfair!"
"Ganoon ang papa mo sa 'kin. Sinusuyo ako kapag nagtatampo kahit walang dahilan." Bumungisngis ang kanyang ina na parang teenager.
Ito ang gusto niya sa magulang niya. Mahal ang isa't isa. Napakalaki ng respeto ng kanyang papa sa kanyang mama at kitang-kita niya ang pagmamahal nito sa mama niya. At iyon ang hindi niya gustong masira. Ang magandang samahan ng magulang niya. Tiyak na ikamamatay ng kanyang mama kung sakaling iwan ito ng kanyang papa. Isa sa ipinagpapasalamat niya dahil hindi nagmana ang kanyang papa kay senator. Pero kung sakali sigurong hindi nakilala ng kanyang papa ang kanyang mama noon, siguradong magiging katulad din ito ni senator.
"Lola!!" Sabay na bumaling si Wilson at Nadia sa tumatakbong si Ryke.
"Apo ko!" Sinalubong ni Nadia ng isang mahigpit na yakap si Ryke. Binuhat nito ang bata.
"Napakabigat mo! Kumusta ka, Ryke?"
"I'm good, lola!"
"I'm glad to hear that." Niyaya ni Wilson ang kanyang mama sa patio sa backyard at naupo roon. Kalong ni Nadia si Ryke. Kahit hindi tunay na apo ay giliw na giliw si Nadia sa bata.
"Siya nga pala, nagkakausap ba kayo ng kapatid mo? Sabi ko sakanya dadalaw ako pero nasa bakasyon daw silang mag-asawa."
"We haven't yet talked since the wedding. Naging busy ako lately."
"Iba kasi ang kutob ko. Nararamdaman kong may problema ang kapatid mo, eh."
"Don't worry, 'Ma, pupuntahan ko na lang siya."
"Mabuti pa nga." Apat na bayan ang layo kung saan nakatira ang kanyang kapatid. Anak ng congressman ang napangasawa ng kanyang kapatid. Katulad niya ay ipinagkasundo rin ito. Noong nakaraang taon lang si Elisse si ikinasal. Kumontra pa siya sa bagay na iyon. Pero desidido si Elisse sa pagpapakasal kaya wala na siyang nagawa. Mukha naman raw kasing mabait si Winston. Masugid din naman itong manliligaw ng kanyang kapatid.
SHE WANDERED her gaze as soon as she stepped into the Confidential Club. Artificial fog, sexy background music, colorful lights and gorgeous young women who were dressed in theme- hell parties- who provide different types of fun for the guests embellished this elegant club. Confidential Club is a high-class, luxurious Gentlemen's club in Cebu that offers various levels of erotic dancing and entertainment.
Bakit siya naririto? Para kay Governor Francis Solana na paborito ang lugar na ito. For entertainment? Nah! To hide his real gender identity.
Bago siya humingi ng appointment sa Governor ng Cebu ay inalam niya muna ang lahat ng impormasyong maaaring makatulong sa kanya para mapasunod ito. Sa tulong ni Mitchell at kaibigan nitong detective ay nakakuha siya ng impormasyong higit sa inaasahan niya.
Isang propesyonal na ngiti ang ibinigay niya sa isang lalaking nakasuot ng pormal na 3-piece-suit na lumapit sa kanya.
"How can I help you, ma'am?"
"I'm her for Governor Francis Solana."
"You are, Samantha dela Fuente?"
"None other than."
"He is in champagne room. This way, ma'am." The man she assumed to be a manager of this club ushered her to the VIP room.
Agad na tumayo ang gobernador na nasa edad higit singkwenta.
"Mrs. Dela Fuente." Inilahad nito ang kamay sa kanya na malugod naman niyang tinanggap. He then gestured her to the seat across from him. Sasahh makes herself comfortable as she sat on the leather seat. She carries herself with ease because of her oozing confidence.
"Bakit ikaw ang ipinadala ni Robert? How sure are you that you can convince me?"
Sasahh smiled at governor. "I can, governor. I assure you that you will say yes at my proposal," buong kompiyansa niyang turan. Naglagay ng wine glass ang waitress sa mesa sa tapat ni Sasahh at sinalinan iyon ng wine bago muling umalis.
"So, how many digits can you offer me?"
"0 digit. There's no money involved in his negotiation, governor."
Tumaas ang kilay nito pero nanatiling tahimik nang kunin niya mula sa kanyang bag ang isang sobre. Inilapag niya iyon sa mesa.
"I'm sorry to say this but the 100 million that supposed to be yours was gone. I already donated the money to some foundations. But don't you worry. It's still win-win negotiation." She slid the envelop towards him.
The governor seems perplexed as he took the envelope from the table. Nakatingin ang lalaki kay Sasahh habang kinukuha ang mga larawan sa sobre. He sighed before averting his gaze to the photos he was holding. Unti-unti ay nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Tumiim ang bagang pero nasa mukha ang matinding pagkabigla.
Tumaas ang mga kilay ni Sasahh nang mag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki.
"Ano ang ibig sabihin nito?" Pinaghalong galit at nerbiyos ang mahihimigan sa boses nito.
"Let's just say that, I know your secret that could literally ruin your life if it came out."
Kumuyom ang kamay nito. Nalukot ang mga hawak na larawan.
"Hindi mo ba alam na maaari kitang ipapatay ngayon mismo?"
"Of course I know that, governor. Pero hindi mo gagawin 'yon dahil sa oras na hindi ako makauwi sa tamang oras lahat ng baho mo ay sisiwalat sa buong mundo. Bukas mismo, kakalat ang larawan na 'yan sa lahat social media. Hindi mo naman siguro gustong mangyari ang bagay na 'yon." Komportableng isinandal ni Sasahh ang likod at pinagkrus ang mga hita.
"Ano na lang kaya ang sasabihin ng pamilya mo. Lalo na ng papa mo, ang dating respetadong presidente ng Pilipinas kapag nalaman niya ang sekreto ng nag-iisa niyang anak. Kakayanin niya kayang malaman na ang anak niya ay tumatanggap ng pera sa krimenal. Kakayanin niya kaya kapag nalaman niyang isang bakla ang kanyang anak at batang-batang bodyguard ang kalaguyo nito. How about your children? Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ng asawa mo. Pinalabas mong masamang babae ang asawa mo pero ang totoo ay ikaw ang nanglalalaki?" Sinundan ni Sasahh ng malakas na halakhak ang huling sinabi.
Lalong nanggalit ang panga ng lalaki. Ang hawak nitong mga larawan ay scandal nito at ng bodyguard nito. Itong club na ito ang nagiging kota ng gobernador at ng kaluguyo nito. Para magmukhang naghahanap ng aliw sa ibang babae ang gobernador dahil sa kataksilan ng asawa nito ay ang club na ito ang ginagamit nito. Pero ang hindi alam ng marami, ang panglalalaki ng gobernador ang talagang dahilan kung bakit nasira ang samahan nito at ng asawa. Pero dahil makapangyarihan napatahimik nito at napasunod ang asawa nito sa mga kasinungalingan.
"What do you want?" he asked through clenched teeth.
A broad smile appeared on Sasahh's lips and she started to discuss her proposal. Pinakinggan naman siya ng gobernador at walang nagawa kundi ang pumayag sa gusto niya.
Tumayo si Sasahh matapos makuha ang gusto.
"It would be worth your while, governor. Ikaw ang higit na magbe- benefit dito. Malay mo sa gagawin mo, ikaw ang sumunod na presidente ng Pilipinas." Inabot ni Sasahh ang kopita sa mesa at sumimsin ng wine. Muli iyong inilapag sa mesa saka iniwan ang kausap na may kontentong ngiti sa labi.
"HOW are you, Elisse?" Tanong ni Wilson sa kapatid na katabing nakaupo mahabang sofa sa sala. Sinubukan niyang tawagan si Elisse kanina para itanong kung nakauwi na mula sa bakasyon pero hindi sinasagot ang tawag niya kaya nagpasya siyang daanan ang kapatid dahil saktong may malapit siyang pinuntahan dito.
Nagulat pa ito sa surprise visit niya.
"I'm good, kuya. Here. Your favorite. Sakto ang punta mo rito, gumawa ako ng banoffe pie." Inabot nito ang platito kay Wilson na may hiwa ng banoffe pie.
"Thank you, na-miss ko nga 'to." Magaling sa paggawa ng dessert ang kapatid niya at itong banoffe pie ang paborito niya sa lahat. Sa unang subo palang ni Wilson ng desert ay napatawa na si Elisse dahil mukhang sarap na sarap nga si Wilson dahil sa pag-hum niya habang kumakain.
"Napakaswerte ng asawa mo sa 'yo. Si Samantha walang alam lutuin." Wilson chuckled as he gobbled up the dessert. Hindi naman sa kanya isyu ang bagay na iyon. Ayos lang sakanya kung hindi ito marunong magluto. They have a cook.
Natigil ang tangkang pagsubo ni Wilson ng dessert nang mabalingan si Elisse na matamang nakatitig sa kanya.
"Bakit? Gwapong-gwapo ka na naman kay kuya ano?"
Tipid na ngumiti si Elisse. "Gwapo ka naman talaga. Walang kupas."
Bumuntong-hininga si Elisse at tumingin sa malayo. "I've missed the old times." She suddenly appeared to be sad.
"Ako, ikaw, si mama and papa. Na-miss ko 'yong mga time na pinagbe-bake ko kayo ng mga sweets and you guys are all excited to taste it." Nangislap ang mga mata ni Elisse sa pagbadya ng luha. Inilapag ni Wilson ang platito sa mesa.
He was about to reach and rub his sister's back to comfort her when something caught his attention. Itinaas niya ang laylayan ng manggas ng T-shirt ni Elisse nang mapuna ang nagkukulay violet na pasa braso nito.
"Napano 'to, Elisse?" Agad na tinakpan ni Elisse ng palad ang pasa.
"Nothing, kuya. Nabangga lang."
Hinawakan ni Wilson ang panga ng kapatid at tinitigan ang pasa nito sa may ilalim ng mata. Pawala na iyon at ayon sa kanyang kapatid nang mapuna niya iyon kanina ay nabangga daw sa pinto.
"Sinasaktan ka ba rito? You've never lied to kuya, Elisse." May pagbabanta ang tono ng kanyang boses. Sa isipang pinagbubuhatan ng kamay ang kanyang kapatid ay kumukulo na ang dugo niya. Makakapatay talaga siya.
"Tell me who did this to you! Ang asawa mo ba?" Tuluyang humikbi si Elisse. Binitwan ni Wilson ang panga ng kapatid.
"Ayaw ko na sanang malaman niyo 'to dahil gulo lang!"
"Tell me everything! Bakit ka niya sinasaktan?"
"He has never been a good husband, kuya. Akala ko mabait siya. Noong una maayos naman ang pagsasama namin. But after 3 months of marriage he became different. Nambababae na siya, kahit katulong wala siyang patawad. Then just recently, he tried to force me to have sex with his friend and he wanted to film us while doing that. Hindi ako pumayag kaya binugbog niya ako. He's terrible!" Mas lalong naiyak si Elisse.
Si Wilson naman ay hindi nakaimik sa ipinagtapat ng kapatid. Nanggagalit ng sobrang ang mga ngipin niya, umiigting ang mga panga. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan sa sobrang galit na nararamdaman. They treat Elisse like a princess. Hindi ito napagbuhatan ng kamay man lang sa kanila tapos sasaktan lang ng taratandong 'yon. Kinabig niya ang kapatid at masuyong hinaplos ang likod.
"I've missed the old times, kuya. Kung pwede lang sanang ibalik ang dati. I hate my life now. I hate this life. Gusto ko 'yong dati lang, the time where the only my biggest problem is when I over baked my cookies."
"Ibabalik ni kuya ang magandang buhay mo, Elisse. I promise that."
Elisse is precious to him. He loves her so much and he is willing to kill for her. She is 9 years younger than him. Hindi niya gusto ang ideyang pagpapakasal ni Elisse kay Winston dahil maganda ang kutob niya sa lalaking iyon. Damn it! Sana talaga hindi niya pinahintulutang mangyari iyon.
"What's going on here?" Wilson bared his teeth when his anger flared as he heard Winston. Agad siyang tiningala ni Elisse at bumaha ang pag-aalala sa mukha nito nang makita ang matinding galit ni Wilson.
"Kuya," usal nito at mahigpit na niyakap si Wilson.
"Tuturuan ko lang siya ng leksiyon. I will show him what will happen to those who do not know how to respect woman, specially their wives." Hinalikan ni Wilson ang ituktok ng ulo Elisse bago ito binitawan at tumayo.
Humakbang si Wilson palapit kay Winston habang mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao.
"Nandito ka pala, Eli," anito.
"Sino ang nagbigay sa 'yo ng permiso para saktan ang kapatid ko?" Sa halip na matakot o mag-alala ay isang nakakapikon na ngisi pa ang ibinigay sa kanya.
"I have all the rights to do what I want to my wife. So, fuck off!"
Napatili si Elisse nang bigla ay binigwasan ni Wilson si Winston. Tumimbuwang ang lalaki. Hindi na hinayaan pa ni Wilson na makabangon ang lalaki. Agad niya itong pinaulanan ng sunod-sunod na suntok na pawang sa mukha ang tama. Nagdidilim ang kanyang paningin. Nanginginig ang lahat ng laman niya sa katawan sa matinding galit.
"Walang kahit sinong maaaring manakit sa kapatid ko, tarantado ka!" Walang balak tumigil si Wilson sa pagsuntok sa ngayon ay wala ng malay na lalaki kung hindi lang siya inawat ni Elisse.
"Tama na, kuya. Baka mapatay mo siya! Please, kuya!"
Pulang-pula ang mukha ni Winston dahil sa dugo habang namamaga na rin ang kamao ni Wilson pero wala siyang maramdamang sakit.
"Gagu ka! Alamin mo kung sino ang gagaguhin mo!" Isang malakas na tadyak ang ibinigay ni Wilson sa sikmura ng walang malay na si Winston bago hinila si Elisse palabas ng bahay.
"Kuya, saan tayo pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Elisse nang marating nila ang nakaparadang sasakyan sa labas.
"Iuuwi na kita. Ipapaasikaso ko agad ang annulment niyo. Sakay na." Sumunod naman ang nakababatang kapatid na mukhang natutuliro pa rin.
"Paano si lolo?" tanong ni Elisse kay Wilson nang makalulan siya ng sasakyan.
Nakakunot ang noong binalingan niya si Elisse. "Bakit inaaalala mo ang matandang 'yon? Kaya kaba hindi nagsusumbong dahil si lolo ang iniisip mo?" Nagyuko si Elisse.
"Umamin ka nga, Elisse. Ano ba ang ginawang panakot sa 'yo ni senator para pumayag kang makasal kay Winston?" Nag-angat ng tingin sa kanya si Elisse. Matagal na sandali itong tumitig kay Wilson bago umiling at muling nagyuko.
Mariing ipinikit ni Wilson ang mata saglit bago binuhay ang makina ng sasakyan. Siguradong nagsisinungaling si Elisse. Tiyak may kinalaman si senator kaya napapayag nang ganoong kadali si Elisse sa pagpapakasal. Ang matandang 'yon! Ito ang anay sa pamilya nila.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store