ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 3: La Impostora

Chapter 12

Whroxie

Hello! Promote ko lang po. Sana suportahan niyo sa darating na MIBF. Release ng Fatal Attraction 1: Down and Dirty. It's pocket book size... wala pang price pero baka 179-189 ang price niya. Thank you!


****

Dr. Mitchell Salarzon is a 37-year-old physician who had earned board certification in two specialty. He isn't just an ordinary doctor who worked in a hospital,  treated health conditions and disease because he is more than that. He was a dean of his owned hospital. The hospital where she'd confined after the the car accident. One of the well-known hospitals in the country. Ito na ang namahala ng ospital ng sariling pamilya nang mamatay ang ama nito sa plane crash habang sariling ina ay nawala sa sarili matapos mamatay ang asawa.

Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit siya nito tinulungan at patuloy na tinutulungan. Iniwan ang paggagamot at ipinaubaya ang pamamahala ng sariling ospital sa iba para lang samahan siya sa Amerika.

"Baka isipin kong may pagnanasa ka sa 'kin sa paraan ng pagkakatitig mo." Unti-unti ay pinunit ng isang ngiti ang seryosong mukha ni Sasahh. Kinuha niya ang tinidor na nasa plato, tumusok ng cheesy beef casserole na mismong si Mitchell ang nag-bake.

"You're very talented, Mitchell. Bukod sa paggagamot, napakasarap mo ring magluto." Pati sa dessert ay napakahusay nito.

"Natuto na lang. Living in the US alone was though and you need to do everything by yourself. Saka simula nang magkasakit si Mama, madalas na ako ang nagluluto para sa kanya."

Hindi siya. Kasama niyang nanirahan sa US ang kanyang mommy at isang katulong habang nagmo-modelo siya noon. So, wala rin. Hindi niya naranasan ang sinasabing hirap sa gawaing bahay ng ibang kapwa niya Fipinong naninirahan sa ibang bansa. She's still living there like a señorita. Nito naman, matapos niyang maaksidente. Mitchell took care of her kasama si Jane na siya  niyang personal nurse sa mga panahong hindi pa siya nakaka-recover mula sa aksidente. May isang katulong na kinuha si Robert pero tinanggihan niya nang mangakong si Jane na lang ang mag-aalaga sa kanya. Iyon ang nais ni Mitchell. Mas makakabauti raw na kaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao niya.

"Thank you so much, Mitchell, for all the help you've given me. Hindi ko alam kung makaka-survive ba ako kung hindi kita nakilala. You are my savior."

Inilapag ni Mitchell ang tasa ng kape. "Pang ilan mo na ba tong pasasalamat?"

"I don't count but I won't stop until my last breath. Balang araw makakabayad rin ako sa 'yo."

"Hindi kailangan, Sasahh. Makita lang kitang maging masaya sapat na 'yon." Nagpunas si Sasahh ng bibig gamit ang linen napkin. Inilapag iyon sa mesa, tumayong paharal ng floor-to-ceiling window ng penthouse ni Mitchell kung saan malapit na nakapwesto ang maliit na mesa.

Tumanaw siya sa labas na pawang naglalakihang mga gusali ang makikita. 

"Hindi mangyayari 'yon hanggat hindi ko nakikitang nasa likod ng rehas si Robert Swift at Senator Dela Fuente."

Mula sa salamin malabo niyang nakikita ang kanyang repleksyon. Wala siyang mabanaag na kahit na katiting na kasiyahan sa kanyang mukha. Marahan niyang hinaplos ang pulang buhok. Kailan niya kaya makikita ang natural na kulay ng kanyang buhok. Naisalba ang buhay niya dahil sa kulay ng kanyang buhok. Nang araw na maaksidente sila ni Samantha ay parehas ang kulay ng kanilang buhok. Naging required sa photoshoot na kailangan parehas na auburn ang kulay ng kanilang buhok ni Samantha dahil sa Redhead na theme kaya kinailangan niyang magkulay ng buhok noon. Blessing in disguise para sa kanya pero hindi kay Samantha.

Tumayo si Mitchell. Lumapit ito kay Sasahh. Mula sa likuran ay ipinatong ni Mitchell ang mga kamay sa balikat ni Sasahh.

"It will happen if you'll stick with the plan, Sasahh." Pinisil ni Mitchell ang mga balikat ng dalaga.

"Avoid things that can spoil your plan. Iwasan mong magkaroon ng pagmamahal sa anak ni Samantha hanggat maaari." Inilapit nito ang bibig sa likod ng kanyang tainga.

"And don't fall in love with Wilson Elesio dela Fuente." Bahagyang natigilan si Sasahh sa sinabi ni Mitchell. Ilang ulit na ba nitong ipinaalala sa kanya ang bagay na iyon bago nila simulan ang plano? Too many to count.

Pumihit siyang paharap kay Mitchell. "Of course. It's not gonna happen. Not before, not now and  not ever."

Ang worries sa mga mata ni Mitchell ay kagalakan ang humalinhin. Inabot ni Mitchell ang pisngi ni Sasahh at masuyo iyong hinaplos.

"I can't wait to finish this up, Sasahh. I want to see the new you. Iyong masaya at walang ibang iniisip kundi ang magandang kinabukasan." His gaze wandered all over her face until it stopped to her lips. Humaplos ang daliri nito patungo sa kanyang baba at masuyong hinawakan nito iyon.

"Promise me that you will take care of yourself. Wala ako lagi sa tabi mo para protektahan ka."

A small smile tugged at her lips  "I will, Dok Mitchell."

Pinunit ng malapad na ngiti ang labi ng doktor.  "Good girl." Pinisil nito ang kanyang baba bago binitawan.

"Gumawa nga pala ako ng Tiramisu." Iniwan siya ni Mitchell. May ngiti sa labing pinagmasdan ni Sasahh si Mitchell na tinungo ang kusina.

Mitchell is a kind-hearted man. Selfless and generous. Napakalaki ng puso nito sa mahihirap. Sa mga nangangailangan.

"Wala ka pa bang balak mag-asawa, doktor?" Tanong niya nang makabalik ito sa mesa.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya habang  inaayos ang dessert.

"Gusto ko na sana, kaya lang busy pa ang gusto kong mapangasawa." Marahan siyang natawa sa biro ng gwapong doktor.

Hindi maaaring malaman ni Mitchell ang namamagitan sakanila ni Wilson. Siguradong magagalit ito kapag nalaman nitong hinayaan niyang may mamagitang sexual sa kanila ni Wilson. Sinubukan naman niyang iwasan pero napakahirap. Nang unang gabi ng kasal nila, agad siyang nagising nang pumasok si Wilson ng silid. Nasamyo palang niya ang pabango nitong humahalo sa mamahaling amoy ng whisky ay nagambala na ang hormones sa kanyang katawan.

Wilson is the only one who can stir up her sexual desire. Noon at hanggang sa ngayon. She tried to keep it under control but she had failed. It always got out of control whenever Wilson was around. Marahil dahil ito lang ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang katawan, kaya naman tanging si Wilson lang din sa ngayon ang nais niyang umangkin sa kanya nang paulit-ulit.

Pero sinisigurado niyang sa bagay na lang 'yon siya magpapakontrol kay Wilson. Hindi niya hahayaang pati puso niya ay kontrolin nito tulad ng muntik nang mangyari noon.

SASAHH walked into the Swift Mansion with her chin up, so classy in her Chanel glittered terrycloth white jacket, paired with metallic goatskin & grosgrain gold & black Chanel Pumps. Mas lalong tumaas ang mukha ni Sasahh nang makita ang tatlong stepsisters ni Samantha sa living room. Si Khayleen, ang panganay, si Princess at Queenie. Buhay prinsesa ang mga putang-ina samantalang si Samantha ang nagdusa.

"Where's Papa?" Sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang mga ito mula sa kani-kanilang smartphone. Tumuwid ng upo ang tatlo nang makita siya pero pawang nakamaang. Hinawi niya ang mahabang alon-alon na kulay pulang buhok at bahagyang tinaasan ng kilay ang tatlong babae.

"What are you doing here?" Mas tumaas ang kilay ni Sasahh nang marinig naman ang boses ni Charlotta.

"Hey, stepmom. Am I  not welcome here?"

"Oh no! Of course not. I'm just wondering. Simula kasi nang bumalik ka mula States hindi ka kasi tumuntong sa bahay na ito."

"Pinatawag ako ni papa."

"Bakit ka raw niya ipinatawag?"

"Pag-uusapan namin ang tungkol sa mga negosyo ni papa na pamamahalaan ko." Hindi nakawala sa mga mapanuring mga mata ni  Sasahh ang gulat na bumalatay sa mukha ng babae sa hindi inaasahang balita. Her expression shows clearly that she felt betrayed. Syempre tsar lang 'yon. Hindi niya rin alam ang dahilan nang pagpapa
tawag sa kanya ni ni Robert. Gusto niya lang bwesitin ang babaeng ito.

"How about your modeling career?" She tried to appear calm and caring, but the way she clenched her jaw revealing her anger and disappointment. And Sasahh knows how to fuel her anger.

"Well, I'm the only child. The heiress. So, I decided to quit modeling and focus on family business."

"Ano ang alam mo sa pagpapatakbo ng negosyo?" Unti-unti nang bubuga ng apoy ang mamamatay tao.

"I'm a fast learner. Don't you worry stopmom."

"Fast learner? Those words are kiss of death. If you are applying for a job, you've already lost it with that answer."

"Kaso nga lang hindi ako nag-a-apply. I'm an heiress. Taga pagmana. Ako ang sinusuyo ni papa para lang pamahalaan ang negosyo niya." Lalong nanggalit ang bagang ng babae sa iritasyon.

"So, where is my father?"

"Nasa opisina niya." She cocked her eyebrow, giving her a wicked smile before passing her.

Pero hindi pa man siya nakakalayo ay muli siyang huminto at nilingon ang babae.

"Anyway, stepmom." Charlotta turned to face her.

"Can you look after my car? Baka kasi masira na naman ang brake, maaksidente na naman ako." Charlotta's back stiffened, muscles on her face had tensed as if she saw a ghost.

May ngisi sa labing tinalikuran niya si Charlotta at tinungo ang opisina ni Robert. Kahit paano ay kabisado niya ang pasikot-sikot sa mansiyon dahil nakapunta na siya rito. Ilang sandali siyang nakatayo lang sa labas ng pinto ng opisina  ni Robert nang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari noon. Ang opisina ito kung saan niya narinig ang pag-uusap ni Robert at Senator Dela Fuente isang taon na rin ang nakakalipas. Kinalma niya ang sarili nang unti-unti ang pag-usbong ng galit sa puso niya nang muling manirawa ang ala-alang iyon na tila kahapon lang nangyari.

Pinihit niya ang seradura at dahan-dahan iyong itinulak.  Hindi napansin ni Robert ang pagpasok ni Sasahh nang silid kaya nagkaroon siya nang pagkakataon para suyurin ng mapanuring mata ang kabuan ng opisina. Minimemorya niya ang bawat kasuluksulukan ng silid. Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ni Sasahh palapit sa kinaroroonan ni Robert. Kasalukuyan itong may mga itinatatagong dokumento sa vault na naka-insert sa dingding. Siguradong mahahalagang bagay ang laman ng vault na iyan at maaari  niyang magamit sa pagpapabagsak ni Robert.

Ibinalik ni Robert ang malaking frame ng painting na nagsisilbing cover ng vault para itago iyon. Noon siya nagpasyang kunin ang atensiyon nito.

"P-papa," tawag niya sa mahinang boses.  Bumaling sa kanya si Robert matapos maikabit ang painting.

"Nandito ka na pala, Samantha."

"Pinatawag mo ako, papa?" Kalmado. Natural ang galaw at pananalita pero sa kaibuturan, para siyang sasabog sa matinding galit na nararamdaman sa taong ito. Sa tuwing makakaharap niya ang taong ito ay parang sasabog ang puso niya  sa matinding galit.

Naglakad si Robert, nilagpasan siya nito at tinungo ang desk.  Nanatili namang nakatuon ang kanyang mga mata sa painting at hindi inabala ang sariling sundan si Robert.

"It's about time for you to get involve in our business."

Mabilis na humarap si Sasahh kay Robert na kasalukuyang nagsasalin ng alak sa baso. It's a part of her plan; ang ma-involve sa ilegal nitong negosyo para mas mapadali ang lahat.

"Kasal na kayo ni Wilson. Oras na para tumulong na kayo sa amin."

A triumphant smile stretched her lips. "It's my pleasure to be part of your business." May gulat na napalingon sa kanya si Robert. Marahil, hindi nito inaasahan ang pagpayag niya lalo't mariing tumatanggi si Samantha sa ama noon pa man.

"What made you change your mind?"

Tumalikod si Sasahh sa lalaki at humakbang patungo sa painting.

"I'm your daughter. I'm your heiress. Hindi ko rin naman ito matatakasan, so bakit kailangan ko pang magmatigas."

"That's my girl. I like the new you, Samantha. Brave and  wise." Tumaas lang ang sulok ng labi  ni Sasahh sa sinabi ni Robert. Muli siyang humarap kay Robert na kasalukayang sumisimsim ng alak.

"Sa mundong ito kailangan mautak ka. Wala kang ibang dapat pagkatiwalaan kundi ang sarili mo lang dahil hinding-hindi ka rin naman pahahalagahan ng ibang tao. Pumatay kung kinakailangan. Katulad ng ginawa ko kay papa."

"Pinatay mo ang sarili mong ama?" Usal ni Samantha.

"Nasabi ko na sa 'yo ang bagay 'yon." Muli itong lumagok ng alak sa baso.

"I killed him in a way that no one can suspect that it was a murder. He deserved that. Pagkatapos kong maging tapat at sumunod sa mga inuutos niya wala rin pala siyang balak iwan ang lahat sa 'kin kundi sa anak niyang nawawala."

Evil! At ako naman ang magpapabagsak sa 'yo.

SINUYOD ni Sasahh ng mga mapanuring mata ang isla pagkababa palang nila ng helicopter. Ang isla na ito ay isa sa mga properties ni Robert Swift. Pinaimbistigahan ni Mitchell si Robert para malaman ang mga bagay tungkol dito. Pero alam niyang kulang pa ang mga nalalaman nila. Sa pag-iimbistiga nila. Malinis na negosyante ito. Idinawit ng ibang pulitiko noon sa ilegal na gawain pero hindi naman napatunayan.

Pero ano ba ang gagawin nila sa lugar na ito?

"Samantha?" Tawag ni Robert na nauunang maglakad patungo sa summer house. Agad siyang sumunod sa lalaki. Pinagbuksan sila ng isang armadong lalaki ng pinto. Sinuyod ni Robert ang kabuan ng summer house na siyang ginawa rin ni Sasahh.

"Isa ito sa maraming kong ari-arian at mapapasaiyo ito kung susunod ka lang sa lahat ng gusto ko, Samantha."

The summer house was minimalist. Huge yet simple and facile. Wala naman siyang makitang interesanteng bagay na nakikita sa lugar na ito maliban sa katahimikan.

"Let's go to lab." Bahagyang napakunot -noo si Samantha sa sinabi ni Robert. Lab? Ibig sabihin hindi ito simpleng summer house lang. May laboratory sa lugar na ito. Laboratory ng ano?

"Samantha!" Nagmadaling sumunod si Samantha kay Robert. Mas ini-expose ni Robert sa kanya ang ilegal na gawain nito. Pumapabor sa kanya ang lahat ng nangyayari.

Isinuot sa kanila ng tauhan nito ang lab coat, gloves, bouffant cap habang ang face mask ay nanatili nilang hawak bago sila sumakay sa elevator na walang sinumang mag-aakala na ang nasa likod ng malaking painting ay isang elevator.

Isang maliwanag at malaking laboratory facility ang bumungad kay Sasahh sa pagbukas ng elevator. Pawang mga nakasuot ng lab coat ang naroon.

Pagawaan ng ipinagbabawal na gamot. Agad niyang naisip.

"They are all scientists," usal niya habang nakatingin sa mga naroon na abala sa kanya-kanyang gawain.

"Ambitious ones. Iniwan ang paggawa ng gamot na maaaring sumalba sa buhay ng tao to create a highly addictive and illegal drugs that can destroy many lives... for money."

Mga gahaman! Kinuha ni Sasahh ang smart phone at sinet ang video niyon. Inanggulo na iyon para siguradong makukuhanan si Robert Swift. Nilapitan nila ang mga tauhan nitong naroroon. Mukhang kilala si Samantha ng mga ito. Mukhang hindi lang ito ang unang beses na dinala si Samantha sa lugar na ito.

"Robert, nandito ka na pala." Nabosesan agad ni Sasahh si Senator. Pumihit siya para makita ang matanda nang bigla ay natigilan siya nang makita ang taong hindi inaasahan makikita sa lugar.

"Wilson?" Nagtatanong ang titig niya sa lalaki. Disappointed.

Lumamukos ang kamay niya sa hawak na face mask nang unti-unti ang pag-alsa ng galit sa puso niya. Hindi pala limitado ang nalalaman ni Wilson sa ilegal na gawain ng pamilya nito. Mukhang hindi lang ito may alam kundi involve rin.

"Kayong dalawa ang mamamahala nito balang araw kaya ngayon palang dapat pinag-aaralan niyo na ang negosyo," si Robert.

"Dito ginagawa ang iba't ibang klaseng droga. At para mailabas ng bansa, isang malinis na kompanya ang ginagamit para sa exportation ng drugs."

"Ano ang ibig niyong sabihin? Ano'ng kompanya ang ginagamit niyo para mailabas ang mga droga sa bansa." Nagkatinginan si Senator at Robert, parang nagbibigay ng signal sa isa't isa kung sino ang maaaring magpaliwanag.

Si Robert pa rin ang nagpatuloy. "Ang Rodriguez Food Corporation ang ginagamit namin para mailabas ang mga droga. Mga pitong taon na rin. Inilalagay sa mga delata at ibang produkto ang droga para hindi paghinalaan."

"Imposible. Hindi papayag si... si Matias Rodriguez..." Ang tibok ng puso ni Sasahh ngayon ay hindi na normal.

"Pumayag siya. Siya ang lumapit sa amin para gamitin ang kompanya niya." Tumiim ang mukha ni Sasahh at mas lalong humigpit ang hawak niya sa face mask. Hindi totoo 'yon. Hindi magagawa ng kanyang papa ang pasukin ang ilegal.

"Pinapatay ang mag-asawang Rodriguez. Umayaw na ba siya sa napagkasunduan kaya pinapatay niyo siya." Hindi mapigilang itanong ni Sasahh. Iyon marahil ang dahilan. Alam niyang mabuting tao ang kanyang daddy at posibleng hindi nito maatim ang ilegal na gawain.

Nagsalubong ang mga kilay ni Robert at mukhang hindi nagustuhan ang akusasyon niyang iyon.

"At sino ang nagsabi sa 'yo ng bagay ng 'yan?" Mahina pero naramdaman ni Sasahh ang panganib sa boses nito. Noon siya natauhan. Napagtantong nagiging reckless siya. Kung malalaman lang siguro ng mga ito na siya si Sasahh, siguradong hindi siya makakalabas pa ng buhay rito.

"Naisip ko lang ho."

"Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya. Maraming pinagkakautangan si Matias. Lumapit siya sa akin, humingi ng tulong. Ibinenta niya ang kompanya niya sa 'kin. His company became a subsidiary business to protect mine. Pumayag ako dahil pinag-iinita ako at si senator ng ilang pulitiko noon."

Isang Martin Tan ang alam niyang bagong nagma-may-ari ng kanilamg kompanya. Isa sa shareholders ng kanilang kompanya. Maaaring front lang ito para itago ang totoong may-ari. Si Robert ang nagpapatay sa kanyang ama. Sigurado siya sa bagay na iyon. Marahil totoo nga ang sinasabi nitong humingi ng tulong ang kanyang papa rito. Naalala na niya. Nasa kolehiyo pa siya noon nang mapansing mukhang problemado ang kanyang ama sa negosyo. Para marahil maisalba ang negosyo ay kumapit ito sa patalim na naging mitsa naman ng buhay ng kanyang magulang.

Gulong-gulo si Sasahh. Hindi mawala sa isip niya ang mga nalaman mula kay Robert. Bakit ba nagawa ng kanyang papa ang bagay na iyon? Ang dami naman pwedeng hingan ng tulong bakit ang isang kriminal pa. Kailangan niyang matapos agad ang pagpapabagsak kay Robert. Ayon kay Robert ay bibigyan siya nito ng trabaho. Unang trabaho para patunayan na karapat-dapat nga siyang pag-iwanan ng mga negosyo nito. Makikipag negotiate siya sa isang politician para sa proteksiyon para raw malayang makapag operate sa naturang lugar na nasasakupan nito. Kailangan niyang gawin ito para makilala kung sino-sino pa ang nasa likod ng malaking sindikato na ito.

Lumabas si Robert at senator ng mansiyon kasama si Sasahh at Wilson nang tawagin ito ng isa sa mga tauhan. Nalabasan nilang lahat ang dalawang lalaking duguan, bugbog sarado at nagmamakaawa para sa kanilang mga buhay.

Nanggantso raw. Itinakbo raw ang malaking perang pinagbintahan ng mga droga. Itong dalawang ito ang may hawak ng mga club sa Metro Metro Manila. Nagbebenta ng mga droga sa kabataan.

Ikinasa ni Robert ang baril at itinutok sa isa sa mga nagmamakaawang lalaki. Ramdam ni Sassah ang panginginig ng kanyang buong katawan sa samo't saring emosyon. Takot. Galit at pagkaawa.

Ganito rin kaya magkaawa ang kanyang daddy at mommy habang tinututukan ng baril ng mga kriminal?

Naramdaman ni Sasahh na hinawakan ni Wilson ang kanyang kamay na nanginginig. Ipinagsalikop nito ang kanilang mga daliri. Napitlag si Sasahh at halos bumaon ang kanyang mga kuko sa likod ng kamay ni Wilson nang biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Dilat na bumulagta ang isa sa dalawang lalaki nang tamaan ito ng bala sa dibdib. Ang isa naman ay lalong nasindak.

"Ikaw ang tumapos sa isang 'yan." Ang akala ni Sasahh ay inuutusan ni Robert ang isa sa mga tauhan ngunit nagkamali siya. Sakanila ni Wilson iniabot ang baril.

"Hindi kami papatay," mariing sabi ni Wilson.

"Hanggang ngayon wala pa ring buto ang apo mo, senator." Tumingin si Robert kay Sasahh na tulala pa rin habang nakatingin sa lalaking wala ng buhay.

"Ikaw, Samantha?"

"Walang papatay sa amin, Robert!" Mariing wika ni Wilson.

Bumuga ng iritadong hininga ang lalaki. "Hindi pa rin sila pwedeng bigyan ng trabaho."

Binawi ni Sasahh ang kamay mula sa pagkakahawak ni Wilson. Biglang inagaw ang baril na hawak ni Robert at sa isang iglap ay umalingawngaw ang malakas na putok. Nanginginig na binitawanan ni Sasahh ang baril. Kasabay nang pagbagsak ng baril sa lupa ang pagbagsak ng lalaking wala ng buhay na tinamaan ng bala sa centro ng noo. Mukha ni Robert ang nakikita niya kaya madali niyang nakalabit ang gatilyo. But  when the realization dawned upon her, it makes her stomach churn. Napahawak si Sasahh sa tiyan. Nasusuka siya sa kanyang sariling ginawa. Tumakbo siya palayo. Lumuhod sa buhanginan. Isa na rin siyang kriminal katulad ng mga taong iyon.

"Samantha," boses iyon ni Wilson na nagulat sa ginawa niya kanina. Lumuhod ito at kinulong ni Wilson sa mga bisig nito ang nanginginig na katawan ni Sasahh.

"Why did you do that?" Isa na rin siyang mamatay tao. Sunod-sunod na pumatak ang luha mula sa kanyang mata pero pilit nilabanan ang hikbing huwag umalpas. Hindi siya dapat maging mahina. Kailangan niyang maging halimaw para matalo ang halimaw.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store