ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 11

Whroxie

PAGKATAPOS mamili ng sapatos sa shop ni Leila, ang pinsan ni Tres sa mother side ay nagtungo sila sa isang fast food chain-- sa Mcdo. Iyon ang request ni Geallan nang tanungin ito ni Dock kung saan gustong kumain. Para itong batang tuwang-tuwa. Ngayon lang daw ito makakakain sa Mcdo. Wala raw Mcdo sa lugar nila pero may Jollibee naman sa kabisera pero dalawang oras ang byahe kaya hindi rin ito nagkaroon ng tsansang makapunta roon.  Kasama nila si Tres.

Dock took Geallan's hand in his hand and kissed it.  She looks genuinely happy at masaya siyang makitang nag-e-enjoy ito.

"Nag-e-enjoy ka ba?" Geallan nodded with a sweet smile on her face. Hahalikan niya sana ito sa labi nang bumalik naman si Tres na nagpunta ng counter para bumili raw ng latest toy collection ng Mcdo para kay Geallan since nabanggit nga ni Geallan na never itong nagkaroon man lang ng laruan galing sa sikat na mga fast food chain.

"Look, Geallan!" Inilapag ni Tres ang mga Mcdo toys sa harap ni Geallan.

"Wow!" Namamangha nitong usal habang nakatingin sa laruang inilabas ni Tres sa supot.

"Ang cute!" she said as she picked one of the toys up from the table. As she looked at the toy, a smile slowly faded from her face, and the sudden spike of sadness spread across of her face. Tumingin ito kay Tres at ngumiti-- a weak one.

"Ibibigay mo talaga 'to sa 'kin?" Dinala ni Geallan ang laruan sa dibdib nito.

"Oo, para sa 'yo 'yan."

"Salamat! Iingatan ko 'to pangako! Maiingatan ko na 'to ngayon, wala na nitong magtatapon o sisira."

"Alam mo, Geallan, ang sarap sarap mong pasayahin. You appreciate even   little things," Tres said.

"Lahat ng biyaya ng diyos dapat naman talagang naa-appreciate natin. Saka hindi maliit na bagay 'to, ah! Buong buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng laruang ganito, ah. Kaya huwag mo itong nila-lang." Inabot ni Geallan ang pisngi ni Tres at pinisil iyon.

"Ikaw talaga!" Nagtawanan ang dalawa at sabay na kumuha ng french fries at sabay rin na isinubo iyon kaya muling nagtawanan ang mga ito.

Noon unti-unting nalukot ang mukha ni Dock! What the heck is happening? The last time he had remembered Tres had already forgotten how to laugh even to smile since Mhelanie, his wife, left for California. Ngayon kung tumawa iba. He genuinely happy at dahil iyon kay... Geallan?

"Alam mo hindi ako makapaniwalang kayo ang may-ari ng mall na 'to! Grabe! Nunka kong naisip na magkakaroon ako ng kaibigan na may-ari ng mall. Friends na tayo 'di ba?"

"Of course! It's my pleasure to be your friend, Geallan," Tres said through laugh.

May suspetsang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Is Falcon attracted to Geallan? Possible! May similarities si Geallan at Mhelanie. Ang pagiging sweet at very innocent ng dalawa ay magkatulad na magkatulad.

"Kapag mayaman ba mga guwapo talaga?" Geallan asked as she looked at Falcon intently. Parang sinusuri ang bawat detalye ng mukha nito.

"Sobrang gwapo mo. Parang mas guwapo ka pa kay Dock." What the fuck! Did she tell that in front of her boyfriend's face. In front of my face!

"You are so honest, Geallan," Tres chuckled.

"Pero gwapo rin si Dock. Magkaiba ang kaguwapuhan niyo."

Pero mas gwapo siya para sa 'yo! Gusto niyang isigaw.  He started to feel annoyed.

"Ahm, babe, Geallan--"

"Try this, Geallan. Masarap kapag sinasawsaw ang French fries sa sundae." Mariing ipinikit ni Dock ang mata sa pagkuha na naman ni Tres ng atensiyon ni Geallan.

"Mmmm. Masarap nga, Geallan hummed as she munched the fries after dipping it in the sundae. Dock is quite irritated by now.

"I told you." Nag-enjoy na talaga ang dalawa at siya mukhang nakalimutan na. Hindi ba alam ng dalawang 'to na kasama siya ng mga ito.

Bumuntong-hininga si Dock at tumayo. "Let's go, Geallan." They both looked up at him in unison, both have fries in their mouth.

"Uwi na tayo." Dock aware about the expression on his face. Alam niyang hindi na maipinta ang mukha niya.

"Uwi na agad?" Hindi pinansin ni Dock ang paglungkot ng mukha ni Geallan.

"Mamaya na lang, dude. Dalhin natin si Geallan sa ice skating rink."

"May ice skating dito!?" Muling bumakas ang matinding excitement sa mukha ng dalaga pero ayaw pagtuunan ng pansin ni Dock iyon.

"Hindi na. Let's go, Geallan!" Isa-isa niyang kinuha ang mga paper bag na naglalaman ng sapatos. Hinawakan lahat ang sampung paper bag sa isang kamay. Kinuha ang kamay  ni Geallan at hinila na ito patayo kahit mukhang ayaw pang umalis.

"Sandali ang mga laruan ko." Nagmadaling ibinalik ni Falcon ang mga laruan sa paper bag at inabot kay Geallan iyon.

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging walang imik ni Geallan hanggang marating nila ang condominium. Mukha itong malungkot at bigla na naman siyang nakonsenisya. Nagtanong si Geallan kung bakit sila umuwi agad pero hindi niya nabigyan ng ekplenasyon. Ano ang sasabihin niya? Na naiirita siya sa closeness nito kay Tres. Sa halip na tumuloy sa elevator na nasa parking space ay tumungo sila sa lobby. May natanggap siyang mensahe from receptionist na may naghihintay raw sa kanya sa lobby. Hindi niya kilala ang pangalang sinabi.

They were about to approach to the receptionist desk when someone called Geallan's name in an excited tone, causing them to stop in their tracks. Nang lingunin nila ang pinanggalingan ng boses ay isang singhap ang narinig niya mula kay Geallan kaya niyuko niya ang dalaga. Nasa mukha nito ang gulat, bahagyang namilog ang mata at nakaawang ang bibig.

"Geallan!" Malalaki ang ginawang hakbang ng lalaki na nilapitan si Geallan at walang sabing niyakap nito ang dalaga.

"Salamat at nakita rin kita."

"Ano ang ginagawa mo rito, Javan? Paano mong nalaman kung nasaan ako?" Kung gayon ito ang lalaking itinawag sa kanya ng receptionist.

Bumitaw ang lalaki mula sa pagkakayakap kay Geallan at ang mukha ni Geallan ang hinawakan nito.

"Agad akong lumuwas nang tawagan mo ako. Pumunta ako sa club na sinabi mo at nalaman kong kinuha ka ng isang lalaki." Tumingin ang lalaki kay Dock saglit at muling tumingin kay Geallan.

Bahagyang nangunot ang noo ni Dock nang unti-unti ay parang naging pamilyar ang lalaki sa kanya. Tama. Kilala nga niya ito. Ito ang lalaking napagtanungan niya noon sa Isla Liwanag. Kung gan'on ay kilala nito si Geallan pero itinanggi nito iyon. Kaano-ano ito ni Geallan?

"Sobra akong natakot, Geallan!" Muli nitong niyakap si Geallan at mariing inilapat ang bibig sa ulo ni Geallan.

"Nandito na ako. Isasama na kita." Awtomatikong nagtagis ang mga ngipin ni Dock sa narinig. Tumikhim siya para gambalain ang madramang tagpo sa pagitan ng dalawa.

Nagbitaw ang dalawa mula sa pagyayakapan at bumaling sa kanya.

"Kaano-ano ka ni Geallan?" Tanong niya sa lalaki at sadyang ipinakita ang disgusto sa mukha.

"Kaibigan ko siya, Dock." Hinagod niya ng tingin ang lalaki. Hindi lang kaibigan ang tingin nito kay Geallan. Sigurado siya sa bagay na iyon. Lalaki siya kaya alam niya iyon.

"Geallan can't go with you. Nasa puder ko na siya ngayon at nasa akin ang lahat ng karapatan kung pasasamahin ko siya sa 'yo o hindi. And I decided not to."

"Pare, salamat sa pagtulong kay Geallan pero wala ka naman sigurong karapatang pigilan siyang umalis." Hinawakan ni Dock ang kamay ni Geallan.

"Nasa akin ang lahat ng karapatan because I'm her boyfriend. I own her!" May diin niyang sabi sa huling salita.

"Geallan?" Nagtatanong itong tumitig kay Geallan. Marahang tumango si Geallan bilang patotoo sa sinabi ni Dock. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ni Geallan at hinila ito patungong elevator na saktong kakabukas lang nang may lumabas mula roon kaya agad silang nakasakay.

Pasara na ang pinto ng elevator nang may pumigil niyon at agad na  pumasok ang lalaki. Si Javan. Nakasukbit ang isang knapsack sa kabilang balikat nito.

"Sasama ako," anito. Hindi iyon pakiusap.

"Pare, ano ba ang  problema mo?" Hindi niya alam pero hindi niya gusto ang lalaki. Parang ang bigat ng loob niya rito.

"Dock, pwede bang doon na muna kami sa lobby. Kakausapin ko lang si Javan."

"No! Isama mo na lang siya pad. Doon kayo mag-usap."

"Salamat!" Inakbayan niya si Geallan, ipinaikot niya ang bisig sa balikat ng kasintahan habang nasa harapan niya ito. Nakasandal siya sa dingding habang si Geallan ay nakasandal sa katawan niya. Sadya niyang inilayo sa lalaki para hindi ito makatabi.

Matalim niyang tinitigan ang lalaki habang nakatiim ang panga nitong nakatitig naman sa kanya. Nang marating ang palapag kung saan ang unit niya magkahawak pa rin sila ni Geallan ng kamay na tinungo ang pad habang nakasunod ang lalaki at binitawan lang ang kamay nito nang nasa tapat na sila ng pinto.

"Hey, guys!" Nabitin ang pagpunch ni Dock sa passcode ng pad nang marinig ang boses ng babae mula sa katapat na unit.

"Princess? What are you doing  here?" Tanong  niya sa ex na nakasandal sa frame ng pinto.

"My new place. We're neighbors now. Exciting, right?" Dock just shook his head before punching in the code. Ano naman kaya ang trip ngayon ng babaeng ito? Kung bakit ba naman kasi binalik-balikan niya pa ito.

Inilapag niya ang lahat ng paper bag sa sofa. Umupo silang magkatabi ni Geallan sa mahabang sofa. He signaled Javan to take a seat. Umupo ito sa pang isahang sofa sa katapat nila.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa girlfriend ko."

"Pwede bang mag-usap kami nang sarilinan?" Tatanggi sana siya pero hinawakan siya ni Geallan sa braso.

"Mag-uusap lang kami," pakiusap ni Geallan. Isang mabigat na pahinga ang pinakawalan ni Dock saka tumayo at iniwan ang dalawa kahit hindi niya nais.

"Boyfriend mo 'yon?" Narinig niyang tanong ng lalaki hindi pa man siya nakakalayo.

"Oo," sagot ni Geallan.

"Sumama ka na sa 'kin. Lumayo na lang tayo, Geallan." Hindi  tuluyang pumasok si Dock at pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"Javan, hindi  puwede."

"Alam kong hindi mo mahal ang lalaking 'yan. Geallan, sige na. Sumama ka na sa 'kin." Ikinuyom ni Dock ang mga palad at tuluyang pumasok ng silid.

Umupo siya sa gilid ng kama. That fucker! Tingin naman nito papayagan niyang isama nito si Geallan. Pero paano kung sumama si Geallan? Alam naman niyang kailangan na kailangan ni Geallan ng tulong kaya ito pumayag na maging magkasintahan sila. Geallan was just using him and it's fine with him. Not big deal. At kung tutuusin ay napakalaking kapalit naman ang ibinigay ni Geallan sa lahat ng tulong niya. Geallan had given herself to him without hesitation.

Itinukod ni Dock ang dalawang kamay sa kama sa likuran niya at itiningala ang ulo. Hindi niya gusto ang ideya na aalis si Geallan sa puder niya. Hindi pa man ay parang nakakaramdam na siya ng pangungulila. Weird! He had never felt this way with any girl he had been with before.

Ibinaling niya ang tingin sa pinto nang bumukas iyon. Si Geallan.

"Dock, pwede ba tayong mag-usap?" Isinara nito ang pinto at humakbang palapit sa kanya.  Fuck! He didn't like the appearance of her face. Parang may sasabihin itong hindi niya magugustuhan.

"Kasi... ahm."

"You have to pay me a million before  you can leave, Geallan." Muli niyang itiningala ang ulo. Naiirita siya nang sobra. He is her boyfriend at dahil dumating ang lalaking 'yon iiwan na siya nito. Anong klase 'yon?! Nang hindi umimik si Geallan ay muli niya itong binalingan. Nakayuko ito habang nilalaro ang sariling kamay. Malungkot.

Hinilot ni Dock ang pumipintig na sentido bago umayos ng pagkakaupo.

"Gusto mo na bang sumama sa lalaking 'yon?" He asked. Nag-angat si Geallan ng mukha sa kanya.

Marahan itong umiling.

"Hindi. Sinabi ko na sa kanyang hindi ako sasama. Gusto kong manatili rito kasama ka."

"Talaga?" Ang bigat ng nararamdaman ay gumaan bigla sa narinig mula kay Geallan.

"Kaso may ipapakiusap sana ako. Pwede bang manatili muna rito si Javan ng kahit ilang araw lang. Nahold-up daw kasi siya habang naghahanap sa 'kin kaya walang-wala na siya. Babalik naman daw agad siya sa isla." Tumayo si Dock, inilahad ang kamay kay Geallan. Inabot naman iyon ng dalaga saka sila muling lumabas ng silid. Agad na tumayo si Javan nang makita sila.

"Pumapayag akong manatili ka rito. Kaibigan ka ni Geallan."

"Kahit doon na lang siya sa kwarto ko," Geallan suggested.

"Sige. Kunin mo ang mga gamit mo at ilipat mo sa kwarto ko. Doon ka sa 'kin."

"Hindi!" Kontra ni Javan at tumalim ang mata nito.

"Magsasama kami sa iisang kwarto. Kung mayroon man ditong rerespeto kay Geallan ako 'yon. Matagal ang pinagsamahan namin, natutulog na magkatabi pero sobra ko siyang inirespeto."

"I'm glad to hear that, Pare. Thank you for respecting my girlfriend. But I wouldn't allow my girlfriend to have a male roommate. Kung mayroon man siyang dapat makasama ako lang 'yon." Ano ang karapatan ng lalaking itong kontrahin siya sa sarili niyang pamamahay.

"Irespeto mo si Geallan. Hindi porke kayo na, eh pwede na kayong magtabi sa iisang kama."

"We already slept together, so ano ang masama na magtabi kami sa pagtulog."

"Dock!" Pigil sa kanya ni Geallan. Parang ayaw nitong malaman ng lalaki ang sensitibong bagay na ginagawa nila. Bahagya pa itong ngumiwi na parang nahihiya.

"Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'yan, Geallan?" Nanunumbat nitong tanong. Itinungo lang ni Geallan ang ulo.

"Geallan, naman. Kakakilala mo lang sa tao ibinigay mo na ang sarili mo sa kanya. Hindi ka ganyan! Pinilit ka ba niya dahil sa utang na loob mo--"

"Hindi! Ginusto ko 'yon. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa kanya. Javan, pakiusap tigilan mo ang pagtanong sa 'kin ng mga ganyang bagay!" Ang tanging nagawa ng lalaki ay ang humugot at magpakawala ng isang malalim na paghinga.

"YOU have to pay me a million before  you can leave, Geallan." Hindi mawala sa isip niya ang sinabing iyon ni Dock. Habang nagluluto siya ng hapunan ay iyon ang gumugulo sa isipan niya.

Ang laki ng isang milyon. Kung patuloy siyang tutulungan ni Dock mas lalo siyang mababaon sa utang. Isang milyon kapalit ng kanyang kalayaan. Napukaw ang ukupado niyang utak nang yakapin siya ni Dock mula likuran habang nasa harap siya ng gas range.

"I'm sorry!" Bulong nito sa likod ng tainga  niya.

"Iyong sinabi ko sa 'yo kanina. Wala lang 'yon. Nabigla lang ako. Wala kang dapat bayaran, Geallan." Hinalikan nito ang likod ng tainga niya.

"Ayaw lang kasi kitang umalis kaya nasabi ko 'yon. Forgive me, babe!" Lalong humigpit ang yakap nito. Bahagya niyang inihilig ang gilid ng mukha sa pisngi ni Dock.

"Wala naman 'yon sa 'kin. Saka babayaran naman talaga kita kapag nakapagtrabaho na ako. Kaso hulugan lang, ah?" Marahang natawa si Dock at ipinihit ni Dock ang mukha ni Geallan paharap dito.

"I'm sorry, Geallan." Hinalikan siya nito sa labi.

"Okay lang talaga, Dock." Pinaghiwalay ang labi nila ng isang tikhim. Si Javan.

"Nagluluto ka ba, Geallan. Tulungan na kita. Dati sa isla nagluluto tayo 'di ba?" Lumapit sa kanila si Javan at ikinabahala niya ang biglang naging anyo ni Dock. Naiirita ito sa presensiya ni Javan. Hindi ito nagsasabi pero nararamdaman niya iyon.

Kinuha ni Dock ang sandok na iniwan niya sa kawali at ibinigay iyon kay Javan.

"Tutal may kusa ka naman, at mukhang magaling ka namang magluto, ikaw na lang ang magtuloy niyan." Ipinaikot ni Dock ang isang braso sa baywang ni Geallan.

"Let's go, babe, sa kwarto muna tayo. Let's  make love while that fucker is cooking for us." Ugh! Nakakainis ang bunganga ni Dock. Hindi na siya nakareklamo nang igiya na siya ni Dock palayo sa kusina.

"Sarapan mo, Pare, ah? Tawagin mo na lang kami kapag luto na." Batid ni Geallan na nang-aasar si Dock dahil may ngisi ito sa labi.

"Dock naman, eh! Nakakahiya kay Javan! Bakit kailangan mong sabihin ang make love?"

Dock  snorted. "I hate that man! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa isla noon, ah."  Binuksan ni Dock ang pinto ng silid at nauna siyang pumasok.

"Isla? Ano ang ibig mong sabihin?"

"Nakilala ko siya sa Isla. Siya 'yong napagtanungan ko tungkol sa 'yo at sinabi niyang hindi ka niya kilala." Umupo si Dock sa kama.

"Sino ba siya sa buhay mo? Kababata mo ba siya?" Mabilis na nag-iwas ng tingin si Geallan ng tingin kay Dock. Baka lalong  mainis si Dock kapag nalaman nitong si Javan ang tatlong taon niyang kasintahan.

====
Hello po! Hihingi po sana ako ng malaking-malaking pabor sa inyo! By January ang release ng My Bastard Ex  under LIB bare. Sa ngayon available na ang ebook version sa your ebook ng precious page. Sana po suportahan niyo.

Iba po ang version nito sa wattpad. Halos same lang sa Red Room. Erotic-romance. Maraming salamat! Happy new year! Muawh!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store