ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 10

Whroxie

I dedicate this chapter to iamMitch_yours! Thank you for reading! Hope you'll like it this chap.

Merry Christmas everyone! Muawh!

---

"Ehem!" Natigil si Geallan sa pag-aayos ng kama nang marinig ang isang tikhim. Nginitian ni Geallan si Dock na nakatayo sa pinto ng silid na ukupado niya. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo?" Tanong nito saka humakbang papasok.

"Matutulog na." Umupo si Dock sa paanan ng kama kung saan niya iniipit ang dulo ng kubre kama.

"But you are already my girlfriend. We already slept together, so why not sleep in the same bed now?"

"Dock, kasi..." Kinuha ni Dock ang kamay ni Geallan, marahan siyang hinila at ipinaikot nito ang mga braso bago ito humiga kasama si Geallan. Magkapatong sila sa kama.

"Maganda ka kapag natutulog. You look like an angel. Hindi ka rin naman naglalaway, pero humihilik nga lang," anang Dock habang malapad na nakangiti. Bahagya siyang sumimangot.

"Lahat naman humihilik, eh."

"Do I?" Gumalaw ang eyeballs ni Geallan at nag-isip. Hindi nga niya ito narinig na humilik.

"Kaya nga dapat hindi tayo magkatabi kasi maingay ako matulog."

"Your snoring sounds like music in my ears. I love it!" May munting ngiti sa labi ni Dock habang matamang nakatatig sa mga mata ni Geallan habang hinahawi ang buhok, at parang may tinutunaw ang paraan ng pagtitig nito sa kanyang kaibuturan. Mabilis na umalis si Geallan mula sa pagkakadagan kay Dock at umupo sa gilid ng kama.

"Sige na, Dock, 'wag na tayong magtabi. Medyo naiilang kasi ako." Ayaw niyang makatabi si Dock sa pagtulog. Itinamim niya sa isip niya ang sinabi ng kapatid nitong si Viel.

Ayaw niyang masanay sa mga haplos at masuyong paghalik nito sa kanya habang natutulog siya. Sa tuwing nagigising siya'y yayakapin siya ni Dock, hahaplusin ang braso niya at bayanad na hahalik-halikan ang kanyang mukha. Napakasarap at kahit sinong babae ay gugustuhin ang ganoon. Paano kung masanay siya sa ganoon? Darating ang araw ay iiwanan din siya ni Dock at ayaw niyang mahulog ang loob niya sa binata. Ayaw niyang masaktan na naman kaya hanggat maaari ay kailangan niyang rendahan ang puso niya.

"Okay. Halika muna rito." Nilingon niya si Dock. Maayos na itong nakahiga sa kama.

"Dock?"

"Hindi pa kasi ako inaantok. Magkwentuhan muna tayo. Lilipat na lang ako mamaya." Walang nagawa si Geallan kundi ang pagbigyan ang binata. Humiga siya sa tabi nito. Ipinaunan siya sa matigas nitong braso at kapagkuwa'y mahigpit na niyakap. Masuyong hinalikan sa noo.

Ito na nga ba ang ayaw niya, eh. Nagugustuhan niya ang mga gesture ni Dock.

"Ilan ang naging boyfriend mo, Geallan?" Iniyakap ni Geallan ang isang braso kay Dock.

"Isa lang, pangalawa ka."

"Matagal kayo?" tanong ni Dock habang masuyong hinahapkos ang kanyang buhok.

"Tatlong taon."

"Matagal. Ano ang nangyari?" Hinigpitan niya ang yakap kay Dock at sinubsob ang mukha didbib nito. Ayaw niyang pag-usapan.

"Ayaw mong pag-usapan?" Mukhang nakuha naman nito ang gusto niyang ipahiwatig. Itinango niya ang ulo.

"Ikaw, ilan ang naging girlfriend mo? Buwan-buwan ba iba-iba?"

"I don't count. So, hindi ko alam." Inilayo niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Dock para tingnan ang mukha nito.

"Marami. Hindi mo na mabilang, eh. Bakit ayaw mong pumirmi sa isang babae?"

Nagkibit ng balikat si Dock.

"Kung alam mo namang walang patutunguhan ang isang relasyon, it will be better to end it as early  as you  could. Mas maagang tatapusin mas walang masasaktan. Dealing with breakups is a million times harder when you are deeply in love with the person."

Muling isiniksik ni Geallan ang mukha sa dibdib ni Dock. Tama ito. Tatlong taon silang nagmahalan ni Javan pero nauwi lang sa wala at sobrang sakit ang naging breakup nilang iyon dahil sobra niyang minahal si Javan. Sakit na hindi niya mapangalan at ayaw niya nang maranasan ulit.

"Tama ka nga. Mas maganda talaga kapag fling-fling lang ano? Hindi tayo masasaktan. Pero huwag kang masyadong sweet sa 'kin, ah? Huwag kang pa-fall kasi baka mahulog na naman ako sa maling tao."

Marahang natawa si Dock. Gumulong ito at pumatong sa kanya. Inipit nito ang magkabila niyang kamay sa kama sa kanyang uluhan.

"Sasaluhin kita kapag na fall ka sa 'kin." Inirapan niya si Dock na muli nitong ikinatawa. Paasa! Huwag kang magpapauto, Geallan. Virgin island lang naman ang gusto sa kanya ng lalaking 'to. Hindi na pala birhen ang isla niya. Na tsunami na.

"Balik ka na sa kwarto mo."

"Tabi na lang tayo." Gumawa ng paawa effect na ekspresyon ang mukha nito. Pinausli ang pang-ibabang labi. Ang cute nito. Parang batang nagmamakaawa. Pero hindi dapat siya magpadala.

Umiling si Geallan.
"Huwag na!"

"Alright! But let's make love first." Bigla na lang ulit itong gumulong kasama siya. Ngayon ay nasa ibabaw siya ni Dock.

"I want a hard-fuck. Kaya mo na?" Namilog ang mata ni Geallan at agad niyang naramdamang nabasa ang pagitan ng hita niya dahil sa sinabi ni Dock.

MAAGANG nagising si Geallan, kahit masakit ang katawan dahil  sa pinaggagagawa ni Dock sa kanya kagabi ay pinilit niyang bumangon para maghanda ng almusal ni Dock at kanyang babaunin. Mukhang nilalaspag talaga siya nito. Pero okay lang. Wala na naman siyang balak mag-asawa. Magpapakatandang dalaga na lang siya. Naniniwala siyang dapat ang katawan ay ibinibigay lang sa taong mapapangasawa. Ano pa ang ipagmamalaki niya sa future husband  niya kung napagsaawan na ng ibang lalaki ang katawan niya. Purity is important in any form of relationship.

Pero ayon kay Berto at sa asawa nitong si Nene, ang mga kaibigan niya sa isla, importante ang virginity pero baliwala na raw ang bagay na iyon kapag mahal niyo ang isa't isa. Tatanggapin ka ng isang tao for all your imperfections kung talagang mahal ka. May anak sa pagkadalaga si Nene at ngayon masaya sila ni Berto na nagsasama. Iba-iba naman ang tao! Swertehan lang talaga sa makikilala mo. Pero malay niya. Baka balang araw ay may tumanggap pa rin sa kanya.

Mas okay na itong sitwasyon niya kaysa naman kung sa club siya at iba't ibang lalaki ang gagalaw sa kanya. Baka kung hindi siya nailigtas ni Dock ay nagpakamatay na siya. Inaamin niyang kahit na wala silang pagmamahal ni Dock sa isa't isa ay hindi siya nandidiri na ibinibigay ang sarili sa lalaki. Ewan ba niya! Pero nagugustuhan niya ang ginagawa ni Dock sa kanya. Nagugustuhan niya ang pag-iisa nila.

"Good morning!" Nakangiti niyang nilingon si Dock.

"Magandang umaga," ganting bati niya sa binatang ubod ng guwapo kahit magulo pa ang buhok.

"Upo na almusal ka na." Masuyong ikinulong ni Dock ang mukha ni Geallan sa mga palad nito. Ipinikit niya ang mata nang patakan siya ni Dock nang ilang ulit ng masuyong halik sa labi. Napakasarap!

Nang pakawalan siya ay umupo ito sa silya.

"Ano ang ginagawa mo?" tukoy ni Dock sa pagkaing inilalagay niya sa plastic container. Tinakpan niya ang container.

"Babaunin ko sana."

"Babaunin para saan? May pinag-usapan ba tayong picnic  kagabi na hindi ko maalala? Oh, damn! Nakakalango ka kasi!"

Natatawa siyang umiling.
"Wala. Magpapaalam sana ako sa 'yo. Maghahanap ako ng ma-a-apply-an. Pwede mo ba akong pahiramin ng one hundred pesos, pamasahe lang. Magbabaon na lang ako ng kanin. Tapos kapag naligaw ako tawagan na lang kita."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Dock sa nakapack na pagkain at kay Geallan.

"Geallan, hindi mo kailangan maghanap ng trabaho. Dito ka na lang. Kung kailangan mo ng pera bibigyan kita."

"Hindi puwede, Dock. Kailangan kung makahanap ng trabaho. Ayaw ko namang makitira sa bahay mo habang buhay."

"Alright. 'Di ba gusto mong magtrabho sa barko?"

Tumango siya saka umupo sa kaharap ni Dock.

"Pero imposibleng mangyari dahil wala naman akong pinag-aralan. Saka ayoko na rin. Naloko na nga ako dahil sa barko-barko na 'yan."

"Kung gusto mo talagang magbarko, tutulungan kita. I can make it possible." Napatitig siya kay Dock at sinubukang basahin ang ekpresyon nito kung nagsasabi ba ito ng totoo o nangti-trip lang.

"Naku! Pinagti-tripan mo lang ako, eh. Baka strip club na naman 'yan!" Hindi mapigilan ni Dock ang matawa.

"Seryoso! Ipapahamak ba naman kita."

"Paano? May kakilala ka bang may-ari ng Maritime Agency?"

"Are you familiar with Jewel Cruise line Holding?"

"Oo naman... Sandali! Huwag mong sabihing kilala mo ang may-ari n'on?" Umahon ang matinding excitement kay Geallan. Kung kakilala ni Dock ang may-ari ng mismong kompanya ng malaking cruise  line mas may tsansang makapasok siya. Iyong kakilala niya sa isla ay barkong pag-aari niyon ang nasakyan.

"I own that company." Namilog ang mata ni Geallan.

"Ikaw ang may-ari? Weh?" Marahang natawa si Dock sa reaksiyon ni Geallan. Lakas mang trip nito.

"Isa ako sa may-ari ng Jewel Cruise line Holding. Iyon ang negosyo ng pamilya namin."

Isang marahas na singhap ang kumawala mula kay Geallan nang makitang mukhang seryoso nga si Dock.

"Del Fierro ka ba?" Del Fierro  ang may-ari n'on, eh. 

"Dominick del Fierro, babe," nakangiting ani ni Dock na lalong ikinamangha ni Geallan. Bakit ba hindi man lang siya nagtanong ng buong pangalan ng lalaking ito. Edad lang ang itinanong niya noong nasa yate sila.

"Del Fierro ka? Seryoso? Ikaw 'yong young richest businessman sa buong Pilipinas. Ikaw yung ikinuwento sa 'kin ni Thalee, eh. Yung nagbabarko din na taga isla. Grabe!" Tuluyang humalakhak si Dock dahil sa parang gusto na ni Geallan magwala sa kinauupuan.

"And one in the Asia actually. Ako nga!" Natatawang sagot ni Dock. 

"Grabe! Hindi ka lang pala mayaman kundi mayaman na mayaman na mayaman na mayaman! Ang gara!" Manghang bulalas ni Geallan at sinamahan pa nang bounce. Aliw na aliw naman si Dock sa reaksiyon ni Geallan. 

Tumayo si Geallan at patakbong lumapit sa likod ni Dock. Minasahe niya ang likod nito. Kailangan niya talagang magpalakas para ipasok siya sa trabaho.

"Alam mo, boss..." Malakas na humalakhak si Dock.

"Masipag ako at may alam ako house keeping, sa spa, o kaya waitress. Kaya ko ang trabaho at pangako hinding-hindi kita ipapahiya. Nakaintindi rin naman ako ng Ingles, hindi nga lang magaling magsalita pero kaya naman. Kakayanin ko." Mahilig siyang magbasa ng libro kaya kahit paano ay natototo siya. Kinuha ni Dock ang kamay ni Geallan. Inusog nito palabas sa mesa ang upuan at tumigilid mula sa pagkakaupo. Pinaupo nito si Geallan sa hita nito nang patagilid.

"Anong boss?" Hinawakan ni Dock ang baba ni Geallan at mariing pinisil.

"I'm your boyfriend and not your boss."

"Magiging boss din kita kapag nagtatrabaho na ako sa 'yo. Ipapasok mo talaga ako?"

"Hmm-hmm. Pero kailangan mo munang asikasuhin ang mga papeles mo. Passport, US visa, seaman's book. Kailangan mo rin munang kumuha ng SOLAS. You should complete this basic training first before you can join as crew on board ship. And then, since hindi ka naman degree holder, kumuha ka na lang muna ng experience sa isang hotel bilang house keeping. Sa Grandeur Hotel, pwede ka r'on. Kaibigan ko ang may-ari niyon. Medyo matagal-tagal 'yon  kaya wala kang choice  kundi mag stay sa 'kin kung gusto  mo talagang magtrabaho sa barko." Iginalaw-galaw nito ang kilay. Keri lang kahit medyo matagal pero 'yong gastos ang inaalala niya.

"Magastos pala." Lumabi siya pero kapagkuwa'y matamis siyang ngumiti.

"Pwede utang muna tapos kapag nasa barko na ako saka ko babayaran?" Muling natawa si Dock at sa gigil ay hinalikan nito si Geallan sa labi.

"Kahit maraming-maraming halik na lang ang bayad ayos na 'yon." Bulong ni Dock habang pinupupog nito ng halik si Geallan. 

"Naku! Kapag gumanti ako sa halik mo baka mauwi na naman tayo sa  ano..."

"Ayaw mo?"

"Ang sakit pa ng katawan ko dahil sa mga ginawa natin kagabi.  Bakit ba kasi kailangan patuwarin mo pa ako, pwede namang nakahiga lang!" Muling malakas tumawa si Dock. At sa pagkakataon na iyon ay mas malakas. Itiningala pa nito ang ulo habang tawa nang tawa. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi niya? Eh, totoo naman 'yon. Para silang aso kagabi. Tapos benend pa nito ang binti niya at idinikit sa dibdib niya ang mga tuhod kaya para na siyang palaka. Iyon pala ang hard-fuck na sinasabi nito. Pero masarap at nagustuhan niya. Masakit lang sa katawan.

Nang tumigil si Dock sa pagtawa ay muli nitong ikinulong ang kanyang mukha at seryoso siyang tinitigan sa mukha.

"Hay, Geallan, ilang araw palang tayong magkasama  pero binabaliw mo na ako."

"Masama ba 'yon o mabuti?" Pigil na tumawa si Dock at madiing inilapat ang labi sa kanyang labi.

"Magdate tayo ngayon. Ipapasyal kita. Mag malling tayo. Bili tayo ng sapatos mo. Hindi kasya 'yong binili ko sa 'yo." Medyo maliit nga ang binili nitong dalawang pares na sapatos pero nagkasya naman yung tsinelas.

INIWAN siya ni Dock sandali para magpunta ng comfort room. Ang ganda ng Grandeur Mall. Hindi yata kakayaning ikutin ang buong mall sa isang araw lang. Pagpunta pa nga lang ng comfort room ang haba na ng kanilang nilakad. Mula sa pagkakasandal sa stainless na barandilya sa lobby ay tiningala niya ang store front lettering. "Leila" ang nakalagay roon na gawa sa stainless steel. Itinuon niya ang tingin sa loob ng store. 

"Wow!" Manghang usal niya nang makita ang magagandang sapatos sa mga estante. 

"Ang gaganda." Ilang sandali niyang pinagmasdan ang mga sapatos mula sa labas at nang hindi makatiis ay nagpasya siyang pumasok. Panay ang usal niya ng wow lalo nang makita ang isang nude strappy high heels na may gems na nakakabit paikot sa strap. Lalapitan na sana niya iyon nang siya namang may bumangga sa kanya na kamuntikan na niyang ikatumba pero maagap naman siyang nahawakan nito.

"I'm sorry, miss," hinging paumanhin ng lalaki. Ang bango naman nito.

"Pasensiya na rin po, kuya," hinging paumanhin niya na may banayad na ngiti saka nilapitan ang heels. Tila iyon isang babasaging bagay nang sobrang ingat niya iyong kinuha mula sa kinalalagyan niyon.

"Grabe ang ganda nito!" Bawat anggulo ng sapatos ay sinipat niya at nang makita ang presyo niyon ay kamuntikan ng lumuwa ang mata niya.

"Woah! Ang mahal naman! Sampung libo para sa isang pares ng sapatos! Sobra naman!...

"Pero ang ganda naman kasi talaga nito. Saka mukhang matibay. Life time na kaya itong magagamit? Iyong sapatos na binili ko sa mga dayo sa isla noong fiesta sa amin isang daan lang bili ko... pero ayon! Sinuot ko nang sayawan at natuklap agad 'yong swelas." Natawa si Geallan sa alaalang iyon. Naalala niya pa, pinasan na lang siya ni Javan sa likod pauwi. Wala pa yatang dalawang oras na suot niya nawasak na agad.

Ibinalik niya ang sapatos sa estante. Itinukod niya ang dalawang kamay sa tuhod para pumantay ang mukha sa sapatos.

"Kapag nakasampa ako sa barko bibilhin kita kaya dapat marami kayong stock, ah. Maghintay ka lang. Mabibili rin kita. Next year siguro." Bumuntong-hininga siya saka pumihit para um-exit na pero sa pagpihit niya ay naroroon pa rin ang lalaking nakabangga niya kanina. Matamang nakatingin sa kanya at may munting ngiti sa labi. Akala yata nito may sayad siya.

"Kuya, kung iniisip mong may sayad ako nagkakamali ka. Minsan talaga dapat kinakausap ang mga bagay-bagay kasi may mga spirit din 'yan. Paniniwala ko po 'yon. Wala pong basagan ng trip." Marahang natawa ang lalaki. Ang gwapo nito. 

"You like that shoes?" Saglit nitong  tiningan ang sapatos.

"Oo, pero hindi afford. Siguro kapag may trabaho na ako mabibili ko na 'yan." Itinango-tango nito ang ulo habang matamang nakatitig sa kanya.

"Geallan!" Si Dock, pumasok ito at lumapit sa kanya.

"Dock, dude, kasama mo pala siya," anang lalaki at noon lang din ito napansin ni Dock.

"Tres, ikaw pala." Nagbatian ang dalawa, nagkamay at banggaan ng balikat. Tipikal na ginagawa ng mga lalaki.

Inakbayan ni Dock si Geallan.

"Dude, this is Geallan, girlfriend  ko." Pakilala sa kanya ni Dock sa lalaki.

"Siya si Tres, kaibigan ko."

"Hi." Inilahad nito ang kamay sa kanya, inabot niya iyon at nakipagkamay rito. Inilapit ng lalaki ang sarili kay Dock at bumulong ito.

"Hindi mo ako gusto para kay Dock 'no?" Tanong  ni Geallan matapos nitong bumulong.

"Ha?"

"Ano ang sinabi mo sa boyfriend ko?"

"Wala naman." Gamit ang daliri ay itinulak niya ang dibdib ng lalaki.

"Meron, eh. Ano nga?" Pangungulit niya.

Marahan itong natawa. "Makulit pala 'to."

"Sabihin mo. Sinisiraan mo ba ako sa boyfriend ko kasi mahirap lang ako?" Dalawang hintuturo na ang ginamit niya para sundot-sundutin ang dibdib ng lalaki.

"Hindi," natatawa nitong deny.

"Eh, ano nga ang sinabi mo? Kapag nakipaghiwalay sa 'kin si Dock kukulamin kita. Anak ako ng mangkukulam baka akala mo." Malakas itong humalakhak at hinuli ang dalawang kamay ni Geallan. Kahit si Dock ay natawa na rin.

"Okay. I'm gonna tell you. Ang sabi ko lang sa kanya na maganda ka at huwag kang paiiyakin." Maniwala siya. Parang hindi naman. Nilingon niya si Dock. Nakangiti itong tumango.

Okay! Naniniwala na siya. Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"By the way, dude, tutal nandito ka na. Pwede ba tayong mag-usap. Ipapakiusap ko lang sana kung pwedeng magtraining sa hotel niyo si Geallan."

"Oh, sure, no problem!" Ang pogi ni kuya lalo kapag ngumingiti. Saka mukhang mabait.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store