Fatal Attraction 1: Down And Dirty (Published Under Red Room)
Chapter 13
Nakalimutan ko name ng yaya ni Alfor. Camia ba o Carmen?😂
LYCA'S nostrils fluttered as she descended the stairs when she saw Alford, who's sitting on the couch, talking to her mom. Pagkatapos niyang sundan ang asawa sa strip club kagabi ay hindi siya umuwi sa bahay nila. Umuwi siya sa bahay ng kanyang parents. She was pissed off. She breathed in and out deeply, trying to release the anger that had flooded her.
"What are you doing here?" Her mother and Alford looked up at the stairs. Agad itong tumayo nang makita siya. She walked up to where Alford and her mother talking in the living room. Humalukipkip at tinaasan ng kilay ang asawa.
"L-lyca."
"Hindi na ako babalik sa bahay mo. Kaya ayaw ko talagang makasal sa 'yo dahil alam kong hindi ka marunong makontento sa isa. So just go home habang nakakapagtimpi pa ako-- aw!" Halos mamilipit si Lyca nang kurutin siya ng kanyang ina sa tagiliran.
"Mi, bakit ba?"
"Show some respect!" Pinangdilatan siya nito.
"Respect? Oh, big word. He doesn't deserve it. Mi, nagpunta siya ng strip club!"
"Lyca, pwedeng hayaan mong magpaliwanag ang asawa mo. Hindi puwede ang ganito, sa tuwing mag-aaway kayo lalayas ka. Dapat nag-uusap kayo ng maayos."
"I have no time for him!"
"He came up with a good explanation so better hear him."
"Good explanation? He went to strip club, mi! Ano'ng magandang explanation ang puwede niyang sabihin? He went there to taste some pussy."
"Lyca!" Gigil na bulalas ng kanyang ina.
"Hindi ko alam kung ano ang pinakain ng lalaking 'yan sa 'yo at nagpapaniwala ka. Mi, believe me, I better know him than you do. He only see women as sex objects."
"Lyca," Alford said softly. And her heart almost melted as she saw the forlorn look at his face. But nah! Nagpapaawa lang ang lalaking ito.
"Ayaw kong umuwi!" Padabog siyang nagmartsa paakyat ng hagdan para bumalik ng kwarto. Nang makapasok ay ibinagsak niya paupo ang sarili sa gilid ng kama.
She hates him! Sabi na niya at sasaktan lang siya ng lalaking 'yan. He knows exactly how to make woman feel like the only girl on the planet. Iyon ang nararamdaman niya kapag magkasama sila pero nagkamali siya.
Being involved with a known playboy is a risk, and there can never be guarantee that he will be faithful. How come that she actually thinks that playboy can commit?
Everything about him is designed to enchant a woman and intoxicate her while devouring her flesh, and when he had satisfied his appetite, iiwan ka na lang at maghahanap ng iba.
Suddenly, her body coiled with frustration and rage. Kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ay siyang pagbukas naman ng pinto. Agad niyang pinunas ang luha.
"I'm not crying because I'm hurt. Naiiyak ako sa inis dahil inaapakan mo ang pride ko!" Angil niya kay Alford.
"Lyca, please kausapin mo ako. Let me explain."
"Ayoko! Umalis ka!" Lumuhod si Alford at yumakap sa baywang niya.
"Hindi ako aalis hanggat hindi kita kasama." Tiningala siya nito.
"Lyca, I was at the club for a job."
"Surveillance some tits and pussy? Cool job!" She said sarcastically.
"Just hear me out first and judge me after you hear my explanation." Humalikip siya at hindi nagsalita. Umiwas din siya ng tingin.
"Natatandaan mo ang mag-asawa na pumunta sa opisina while you sucked me off under my desk?" One of the most unforgettable moments and wildest thing she'd done. How could she forget it? Muli niyang ibinalik ang tingin kay Alford.
"Hiningi nila ang tulong ko dahil nasa club na 'yon ang anak nila. Gusto kong makita mismo kung paano ang sistema sa club na 'yon kaya ako nandoon. Lyca, I'm not playing behind your back. Believe me!" He said the last two words in a low tone with his eyes doing the begging.
Mukha naman itong nagsasabi ng totoo? Pero paano kung hindi?
"Giliw ko, uwi na, please!" Lalong naging mukhang kawawa ang mukha nito habang nakatingala sa kanya.
"Kailangan ka ng mga anak natin. Cookie and Oreo miss you so much. Ayaw nilang kumain." Oh! Her babies!
"Are you using my babies to convince me to go home with you?" She cocked a brow.
"I'm willing to use whatever I had at my disposal. Lalo na kung ikaw ang involve. Please, Lyca, uwi na!" Punong-puno ng pakiusap ang boses nito. Ilang sandali niya itong pinakatitigan. Gusto niyang paniwalaan pero paano kung nagsisinungaling ito?
"Nagsasabi ka ba ng totoo? Wala kang ginawang milagro?"
"Wala. Promise, wala."
"Eh, bakit si Dock mukhang may tinik-home na babae?" Tumayo si Alford at umupo sa tabi niya.
"Isa siya sa mga babaeng nailigtas namin na puwersahang pinagta-trabaho sa club, and she happens to be Dock's friend. Ganito ako sa mga kasong hinahawakan ko. Personal akong nag-iimbestiga at naghahanap ng ebidensiya." Marahang sinapo ni Alford ang mukha niya.
"Maniwala ka sa 'kin. I want to make our marriage work. Sana bigyan mo naman ako ng chance na ipakita sa 'yo na kaya kong magbago. Please, give it a shot. Subukan natin."
"I want. I'm trying. Nagpapakabait na naman ako 'di ba? Pero ikaw 'tong may ginagawang kalokan."
"Wala akong ginagawa!" Dumiin ang hawak ni Alford sa magkabila niyang pisngi dahilan para mahila ang ulo niya.
"Huwag mo akong balian!" Angil niya rito.
"Sorry," he said with a chuckle.
"At bakit kailangan mong magsinungaling sa 'kin."
"I didn't lie. I told you I have an urgent matter to attend to."
"But you didn't tell me that it was a strip club!"
"Oh, my bad. I'm sorry. Ayaw ko kasing mag-isip ka ng masama. Ang hirap mo pa naman paliwanagan." Her eyes narrowed to slits na ikinatawa ni Alford.
"Sorry na. Hindi na mauulit. I promise."
"Have you seen naked women?" Ginagap ni Alford ang kamay niya.
"Half-naked," pag-aminin nito. She could feel her heart ache at the thought of her husband watching half-naked women who performed a sexy dance.
"Did you look at them lustfully?"
"No!" Madiin nitong pinisil ang kamay niya.
"Believe it or not, I tried my very best not to look. I shooed them ayaw when they came up to us. I would never hurt you. I've changed," sumimangot siya.
"Maniwala ako sa 'yo! 'Yang manyak mong 'yan!" Malakas na humalakhak si Alford. Kinabig siya ni Alford at mahigpit na niyakap.
"Nagseselos ka ba?"
"Of course not! Naiinis lang ako," deny niya. Pero ang totoo ay nakakaramdam nga siya ng selos pero hinding-hindi niya iyon aaminin sa asawa. Baka inisin lang siya nito. Pagtawanan dahil pagkatapos niyang sabihing hindi niya nito gusto ngayon ay magseselos-selos siya.
"E 'di hindi," anang Alford, ramdam niya ang tawa sa boses nito.
"Bati na tayo?" Ipinaikot niya ang mga braso sa katawan nito.
"Okay. Bibigyan kita ng chance pero kapag inulit mo 'yon, ayaw ko na talaga."
"Hindi na. Sasabihin ko na sa 'yo kapag may lakad akong gan'on." Kunot-noo niya itong tiningala. May balak pa yatang bumalik sa ganoong lugar.
"Kapag trabaho!" He said through laugh.
"Now tell me if how did you know that I was in that place?" Pinatulis niya ang labi.
"My intuition told me na may gagawin kang kalokohan. Tutok na tutok ka sa cell phone mo, eh. Nang hiniram ko 'yong cell phone mo tiningnan ko ang laman ng inbox and I was right."
Nang magbanyo si Alford ay nanghiram siya ng cell phone para makita niya ang inbox nito. Tutok na tutok kasi ito sa cell phone at hindi siya pinapansin. At nakita nga niya ang usapan ni Alford at ni Wilson na magkita sa Wild Angel. Hindi siya familiar sa Wild Angel so she did some research only to find out that it was a strip club. Niyaya niya si Sasahh at sumunod nang umalis si Alford.
"Tinalo mo pa ang imbestigador, ah ." Natatawang ani ni Alford.
"May problema ka sa bagay na 'yon?" Nakataas ang kilay niyang untag, nagbabanta.
"Wala. You can invade my privacy whenever you want, boss. No big deal."
"Good!" Isinubsob niya ang gilid ng mukha sa dibdib ni Alford at hindi mapigilan ang pagguhit ng ngiti. May parteng ayaw niyang paniwalaan si Alford dahil sa repustasyon nito sa babae, pero may parte naman na gusto niyang paniwalaan ang asawa.
MAAGANG umuwi si Alford. Naglambing si Lyca na kung puwede raw siyang umuwi ng maaga dahil nagluluto si Nanay Carmen ng ginataang halo-halo. Gusto raw nitong kumain niyon na kasama siya na ikinagalak naman niya.
Tumuloy siya ng kusina nang maamoy ang mabangong niluluto. Ipinaikot niya ang braso sa balikat ng yaya at hinalikan ito pisngi habang nasa kaliwang kamay ang attache case.
"Ay, ano ba naman itong batang ito. Pawis ako!" sumilip siya sa niluluto nito.
"Mukhang masarap 'yan, 'Nay Carmen. Asan nga po pala ang asawa ko?"
"Nasa labas kasama ang mga anak niyo. Hintayin ka raw niya sa labas. Hindi mo ba nakita?" That made him smile. Hinintay talaga siya sa labas ni Lyca? Lately ay mas nagiging maayos na sila. Brat pa rin kung minsan pero mas naging mabait na kaysa dati. Close na rin ito sa mga alaga niyang aso at iyon ang tinutukoy ni Nanay Carmen na mga anak nila.
"Bihis lang po muna ako." Marahan niyang tinapik ang balikat ni Nanay Carmen
"O, siya sige at luto na rin ito. Ipaghahanda ko na kayo."
"Okay po." As he made his way to the stairs, his hand went up to his collar and started to loosen his tie. And that was when his foot struck the first step of stairs he stilled as he heard the sound of gunshot in the distance.
Hindi agad siya nakakilos. Ilang sandali siyang nakatayo sa bungad ng hagdan at bahagyang natulala. Isang sigaw at mga tahol ng aso ang nagpagising sa kanya. Binitawan niya niya ang attache case sa hagdan at patakbong tinungo ang labas. Boses iyon ni Lyca, sigurado siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya na tinakbo ang gate, lalo na nang lalong lumakas ang sigaw ni Lyca.
"Lyca--fuck!" Agad niyang nilapitan ang asawang nakasalampak sa gilid ng daan at iyak nang iyak habang nasa ibabaw ng hita nito ang duguan at wala ng buhay na si Oreo. Wasak ang ulo nito dahil sa tama ng bala ng bari. Napahaplos siya sa bibig habang nakatingin kay Oreo. Ang mga alagang aso at si Cookie ay nakapaikot dito at nagpapakawala ng mga impit na iyak.
Agad niyang nilinga ang paligid para hanapin ang may kagagawan nito pero malinis ang paligid. Walang tao.
"Oreo-- oh, no! No! Wake up, baby! Please, wake up!" Hagulhol ni Lyca, nanginginig ang katawan nito.
"Lyca, what happened, ha? Sino ang may gawa nito?" Lyca looked at him, tears of pain running down her cheeks.
"Alford, si Oreo, please, help him. I can't lost him!" Kinabig niya si Lyca at mahigpit na niyakap.
"Ano ba ang nangyari?"
"The gunman shot Oreo. Why did he do this to him!?" pumalahaw ng iyak si Lyca.
"Susmaryosep ano ba ang nangyari?" Bulalas ni Nanay Carmen na ngayon ay nasa likuran nila, nahihintakutan na nakatunghay sa walang buhay na si Oreo.
Nang maramdaman niya ang pagvibrate ng cell phone na nasa bulsa ng pantalon ay hinugot niya iyon. Napakunot noo siya nang makita ang notification ng text message mula sa hindi rehistradong numero. Agad niya iyong binuksan para mabasa ang kabuuang mensahe.
Tanggapin mo ang kaso at ipinalo mo dahil kung hindi, asahan mong ang susunod na bala ay sa ulo na ng asawa mo!
Nagtagis ang mga ngipin niya sa nabasang mensahe. Dumiin ang hawak niya sa cell phone. Sa kabila ng galit ay matinding takot ang lumukob sa kanya na ngayon lang niya naramdaman.
Congressman Atanante!
MULA sa veranda ng silid ay tinanaw niya ang asawang nakahiga sa kama. Medyo nakalma na ito kumpara kanina. Ayaw nitong tumigil sa pag-iyak. Awang-awa siya sa asawa. Ayon kay Lyca ay nakasakay sa isang itim na van ang bumaril kay Oreo.
Tumawag ito sa mommy nito at ipinaalam ang nangyari kaya napasugod sa bahay nila si Sara.
Ayon sa mommy ni Lyca ay limang taon na nitong alaga si Oreo and she had a deep affection for Oreo. She had literally treated Oreo and Cookie as her babies.
Tinawagan niya ang ama at ipinaalam ang nangyari. Sigurado siyang si Congressman Atanante ang may gawa nito.
"Hindi lahat ng rason ay pera kaya ko tinatanggap ang kaso, Alford. Madalas dahil sa kaligtasan ng pamilya ko." Turan ng amang si Alfredo sa kabilang linya.
"Pero, papa, alam mong hindi ko gustong tulungan ang mga ganyang klaseng tao."
"May asawa ka na, Alford, at ang kaligtasaan na niya ngayon ang unang prayoridad mo. Take the case and try your best to win it. Kilala ko si Congressman Atanante. Walang sinasanto 'yon. Kung wala lang akong kasong hawak, ako na hahawak ng kaso ng anak niya pero alam mong importante rin itong hawak ko."
Yeah, right! Isang drug lord naman ang kliyente ng ama niya ngayon. Hindi na bago sa kanya ang death threat. Ilang beses na rin siyang nakakatanggap niyon pero binabaliwa lang niya. Pero ngayon hindi niya alam kung kaya pa niyang baliwalain kung si Lyca ang madadamay.
"Ang lola mo ... Namatay sa isang ambushed," patuloy ng ama. At hinala ng kanyang ama at abuelo ay isa sa mga nakalaban sa kaso ang gumawa.
"Kaya simula noon ay mas pinipili naming kampihan ang mga taong delikado." Alford sighed deeply. Damn it! Tinapos niya ang tawag at nilapitan si Lyca na tahimik na umiiyak. Umupo siya sa gilid ng kama at inilapit ang mukha sa asawa.
"Wifey," hinalikan niya ito sa pisngi. Patuloy ang pagtulo ng luha.
"Tahan na." Pinahid niya ang luha gamit ang thumb-finger.
"Si Oreo. . ." Nagsimula na naman itong humikbi. Hindi niya sinabi sa asawa na kagagawan ito ng nagbabanta sa kanya.
"Alam kong masakit pero isipin mo na lang na mas importante ang buhay mo. Magpasalamat tayo na walang nangyari sa 'yo."
"I'd rather die than lose him."
"Don't say that! Mas importante ang buhay mo." Ikinulong niya ang mukha ng asawa.
"Tahan na please! Nandiyan pa naman si Cookie, nandito ako."
"Sino ba kasi ang mga 'yon? Bakit nila 'yon ginawa kay Oreo!? Why Oreo?!" Muling pumalahaw si Lyca. Ibinangon niya ang asawa at mahigpit na niyakap
"I don't know. Mga taong walang magawa sa buhay siguro." Pagsisinungaling niya. Ayaw niyang mag-alala pa si Lyca.
"Tahan na tahan!" Alo niya sa asawa.
#RIPOreo! Ewan ko ba pero bakit nasasaktan ako kahit hindi naman ito totoo.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store