Fatal Attraction 1: Down And Dirty (Published Under Red Room)
Chapter 12
"EARTH to Sasahh!" Pukaw niya sa malalim na pag-iisip ni Sasahh. Dinalaw siya ng kaibigan. Pumuwesto sila sa pagkakataon na ito sa likod ng bahay sa pool area. Ngumiti ito sa kanya.
"Where are we?"
Lyca laughed a little and said, "sa bahay pa rin namin."
"Gaga!" Sumimsip ito ng red iced tea.
"Pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagbubuntis ng mama mo. So how is she?"
"She's fine. She's six weeks pregnant and guess what, twins ang pinagbubuntis ni mama." Nanglaki ang mata ni Lyca at natutop ang sariling bibig ng balitang iyon ni Sasahh.
"Oh, my God! Totoo?"
"Uh-huh! Kaya ikaw, dapat magbe-baby ka na rin."
"I'm not ready for that. Maybe someday."
"Sana naman si Alford ang inaasahan mong maging ama ng magiging anak mo at hindi si Tyler, ano?" Tumawa siya sa sinabi ni Sasahh.
"Gaga!"
"Seryoso ako. Baka mamaya may masaktan ka sa dalawa. Paano kung ma-in love na sa 'yo ang dalawang lalaki mo. Ano ang gagawin mo?" Seryoso nga ito. Matiim itong nakatingin sa kanya. Ma-in love sa kanya si Alford at Tyler? Posible ba 'yon?
"I think Alford can handle the pain." Nanglaki ang mata ni Sasahh.
"So pipiliin mo si Tyler?"
"Ha?" Bago pa man siya makasagot ay naibaling muna niya ang atensiyon sa kanyang likuran nang marinig ang tahol ng aso. Noon naman lumabas mula sa pinto si Alford bitbit ang tray na may lamang dalawang beef casserole. Inilapag nito iyon sa ibabaw ng mesa.
"Ahm. . . Alis lang ako. Tumawag kasi si Wilson---" natigil sa pagsasalita si Alford nang maubo si Sasahh at literal nitong naibuga ang iniinom na iced tea. Muling tumingin sa kanya si Alford.
"Okay lang ba?"
"Of course."
"Thank you." Yumuko si Alford at ginawaran siya ng pinong halik sa labi. His deep brown eyes penetrating hers as he stared at her in the eyes.
"Babalik din ako agad." His voice was noticeably changed. It was weak and lifeless. Ibang-ibang sa kanina. Kahit ang mata nito parang walang buhay. Anyare?
"Take your time. I'll be fine here." Inabot niya ang pisngi nito pero bago pa man niya mahaplos ang pisngi ni Alford ay tumuwid na ito ng tayo pagkatapos siyang halikan sa ulo. Nagpaalam kay Sasahh at umalis. Muli niyang ibinalik ang mata kay Sasahh nang mawala si Alford sa paningin niya.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Untag niya sa kaibigan na nagpupunas ng bibig at ilong gamit ang tissue.
Inilagay niya sa tapat ni Sasahh ang beef casserole at ang isa ay sa harap niya. Inilagay niya ang tray sa bakanteng upuan.
"Wilson and I had sex." Her gaze snapped to Sasahh.
"What?" Tanong niya sa mababang boses. Baka mali ang rinig niya.
"I slept with Wilson," she said, shocking her to the core.
"What?" Lyca exclaimed, her mouth dropped open.
"Wilson Eliseo dela Fuente. Kaibigan ni Alford?"
"The grandson of Senator dela Fuente and the son of Mayor dela Fuente. So yes, Wilson Eliseo dela Fuente."
"O.M.G! How? When? Why?" She sputtered slowly.
"I mean how did it happen?"
"Sa party ng Artha Club. I don't know what happened basta nangyari na lang. I was tipsy. I found him hot that night and good kisser and ayon. . . We did it in the car. Your husband's car."
"Oh, my!" She said, fanning herself dramatically.
"But he's in a relationship. He was already engaged."
Ayon kay Alford ay engaged na si Wilson bente singko anyos pa lang ito. Nakatakda itong ikasal sa apo raw ng kaibigan ng lolo nito.
"I know, sinabi niya sa 'kin. Wala pa naman daw silang commitment sa isa't isa ng babae. They both agreed that they can enjoy their lives for now. So hindi ako dapat ma-guilt." Kinuha nito ang tinidor, pinunasan ng cloth napkin saka itinusok sa beef cheese casserole.
"Hindi ka nagsisisi? You lost your virginity to him." Nagkibit si Sasahh.
"Hindi naman. I've enjoyed that night with him. He made me experience the most unforgatable moment." He sighed, shoving the fork into her mouth.
"Oh, by the way." Excitement splashed across her face.
"Nandito ako para ibalita sa 'yo na natanggap ako sa Glitterati Model Management sa New York." Her mouth dropped open in surprise again.
"Talaga!?"
"Uh-huh! I'll be part of one of the best and popular modeling agencies in the world."
"Oh, my God, I'm so happy for you. Tumayo si Lyca at si Sasahh at mahigpit na nagyakap at sinabayan ng talon.
Pangarap ni Sasahh na maging fashion model. Panay ang apply nito sa mga sikat na modeling agencies sa iba't ibang bansa. Nagpapadala ng mga sample photos na si Tyler mismo ang kumukuha.
Isa sa nagustuhan niya kay Tyler ay dahil napaka-supportive na kapatid nito. Minsan kapag may photo shoot ang dalawa ay katuwang siya ni Tyler.
Sasahh stands five feet and eight inches tall. She has a perfect body to die for and ideal for modeling. Not to mention the perfect symmetry of her face.
"You mean aalis ka at pupunta ka ng New York." Muli silang umupo.
"Yeah. Next month." Sadness filled her heart at ganoon rin si Sasahh. Makikita ang lungkot sa mukha nito.
"Oh, I'm gonna miss you!"
"Me too." Naghawak sila ng kamay sa ibabaw ng mesa. Lyca had met Sasahh her freshman year of college. They are classmates and they became best friend.
"Sino ang kasama mo?"
"Si Tyler sana kaso ayaw umalis. Dito na lang daw siya kukuha ng master degree niya, kaya si mama na lang. Balak ni mama doon na manganak. Mukhang ikaw ang dahilan kaya ayaw umalis ng kapatid ko."
"Ano?"
"Lyca, mukhang in love na sa 'yo ang loko. Mabuti pa magdesisyon ka na. Baka masaktan ang kapatid ko."
In love na sa kanya si Tyler?
PINAGMASDAN niya si Alford na tulog sa kama. Lasing na lasing ito at hindi na kinayang umuwi pang mag-isa kaya inihatid ni Dock at Wilson.
Hinawakan niya ang dulo ng T-shirt nito at inangat pero natigil siya nang magsalita ito.
"Venice." Kung anong kirot ang naramdaman niya dahil sa pag-usal nito sa pangalan ng ibang babae.
"Buwesit! Buhusan kita ng mainit na tubig makuha mo, eh." Walang ingat niyang itinaas ang T-shirt nito pero tinabig ni Alford ang kamay niya.
"Don't touch me, Bitch." Naku! Umiinit ang ulo niya. Namaywang siya habang nakatingin sa nakapikit na asawa.
"Humanda ka sa 'kin bukas." Pinilit niya hinubad ang T-shirt nito at isinunod ang sapatos at ang natitirang saplot.
Umupo siya sa gilid ng kama at sinimulan itong punasan.
"Hmm! I said don't touch me, Venice. I love my wife." Ang nagngingitngit na kalooban ay nakalmang bigla sa narinig.
"What did you say?"
"I love my brat wife." Malapad na ngumiti si Lyca. Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Alford.
"Mahal mo ako?" Isang ungol lang ang sagot nito at hindi na umusal pa ng salita. Hinalikan niya si Alford sa labi at marahang hinaplos ang pisngi ng asawa. Kung anong saya ang narinig dahil sa sinabi nito.
KINABUKASAN ay iginawa niya ng banana pancake si Alford. Dinalhan niya ito ng almusal sa silid. Nakaupo siya sa gilid ng kama at masuyong pinapaulan ng mga halik ang mukha ni Alford.
Umungol ito at kinusot ang mata saka nagmulat.
"Lyca?"
Good morning, giliw ko!" Tuluyang nagmulat ng mata si Alford. Hindi ito nagsalita, nakatitig lang sa kanya na tila confuse.
"Ang ganda ng tagagising mo 'no? Now get up and have breakfast." Tumayo siya at kinuha sa mesita ang bed tray na naglalaman ng pagkain. Inilagay niya iyon sa harap ni Alford matapos nitong umupo. Umupo siyang muli sa gilid ng kama.
"Wow! Breakfast in bed."
"Ako nagprepare niyan?"
"Really?"
"Pancake lang ang ginawa ko. Si Nanay Camia ang nagluto pero akin ang plate presentation."
"May bulaklak pa." Kinuha nito ang isang stem ng pulang-pula at dinala sa ilong. A smile appeared on his face as he breathed in the scent.
"So, ano ang una mong titikman?"
"Of course my wife's pancake." She grabbed the fork and bread knife, and wiped them with cloth napkin. Nang mailapag ang napkin sa tray ay humiwa siya ng pancake na may maple syrup, tinusok ng tinidor at iniumang kay Alford.
Alford took the piece of pancake, munching it as he hummed contentedly.
"Why you look so happy?" He asked.
"Am I?" Kumuha siya ng egg quesadilla at muling sinubuan si Alford. Isinubo nito iyon bago sumagot.
"Yeah." Natulog siyang may ngiti sa labi at nagising siyang may ngiti parin sa labi. Pakiramdam nga niya natulog siyang nakangiti.
"By the way, lasing na lasing kagabi. May sinasambit kang pangalan?"
"Pangalan? Anong pangalan?" Muli niya itong sinubuan ng pancake.
"Venice. Babae mo?" Natigil ito sa pagnguya.
"N-noon." Tila hirap itong magsalita habang nakatitig sa mukha ni Lyca. Pilit binabasa ang emosyon sa mukha niya na walang ibang emosyong mababanaag kundi saya.
Kumunot ang noo ni Alford nang hindi makita ang emosyong hinahanap sa asawa.
"Galit ka?"
"Hindi," nakangiti niyang sagot.
Sa halip na matuwa ay parang nainis ito sa sagot ni Lyca. Inagaw ang tinidor mula sa kamay niya, tumusok ng hotdog at padabog na kumagat.
"Akala mo ako si Venice, pinagtatabuyan mo ako kasi sabi mo mahal mo ang asawa mo."
"What?" He said, confused.
"You had mentioned that Venice. I was pissed off kaya muntik na talaga kitang buhusan ng tubig. But you said, 'stay away from me, Venice. I love my brat wife' So, very good ka sa 'kin kaya ito, breakfast in bed ang prize mo." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Alford.
"And that make you happy?" Tumango si Lyca. Kinuha ang dessert spoon, sumandok ng vanilla pudding at sinubuan ang asawa.
"Masarap?"
"Yup! Pero mas masarap siguro kung susundan mo ng isang matamis na halik." Pinatulis nito ang nguso. Lyca laughed sofly, leaning forward and left him a tender kiss on the lips.
"Happy?" She asked with a huge smile.
"Sobra!"
"Pero bakit ka nga pala nagpakalasing? Si Dock at Wilson naman hindi lasing."
"Sorry." Tanging nasabi nito.
"FUCK IT! Nice tits!" Dock exclaimed as he watched the two women who were currently dancing on a runway-like stage. Wearing nothing but a black thin lacy thong each. Their tits were bouncing as they try their best to dance in a sexy manner.
He's in the strip club with Wilson, Dock, Attorney Gomez at isang imbestigador.
Parang pinagpapawisan siya ng malapot at hindi mapakali sa kabila ng lamig sa loob. Nagi-guilty siya. Pakiramdam niya ang laki ng kasalanan niya sa asawa.
Tinapik ni Wilson ang tuhod niya.
"Enjoy the night, pare, ikaw ang nagyaya rito pero hindi ka makatingin sa stage," Anang Wilson sa natatawang tono.
"I came here for a job and not to entertain my cock!" Depensa niya. Nandito siya para makita mismo ng mga mata niya ang tungkol sa sistema ng pamamalakad sa strip club na ito.
Isang mayamang politician ang may-ari ng club na ito kaya naman kahit may mali sa negosyo nito ay patuloy pa ring nag-o-operate. Matagal na niyang alam ang strip club na ito pero ngayon lang siya nakapasok. Hindi niya trip ang pagpunta sa mga ganitong lugar. He doesn't need to pay for a woman to entertain him.
Pero ngayong may lumapit sa kanya at nagsumbong sa ginagawa ng club na ito na sapilitang pinagtatrabaho ang ilang babae rito. Ilang beses na raw itong idinulog sa pulis at kahit sa mayor dito sa siyudad pero walang nangyari. Hindi raw inaksiyunan kaya napilitang sa kanya lumapit para mabawi ang anak ng mga ito.
He specialized in more than one area of law-- Criminal defense and Civil Litigation. Pero ginagamit lang niya ang pagiging Criminal defense lawyer niya sa mga napagbintangang gumawa ng krimen; iyong mga na-frame-up. Hindi katulad sa kanyang lolo at kanyang ama na kahit halang ang bituka ay nagagawang mapalaya. Ewan ba niya sa dalawang iyon at gustong-gustong depensahan ang mga kriminal.
Si Attorney Gomez ang siyang pinakiusapan niyang humawak sa kasong ito. May mga bagay siyang ginagawa sa ngayon kaya humingi siya ng tulong kay Attorney Gomez. Isang public defender.
Kinuha ni Dock ang red LED light stick at itinaas. Once na itinaas ang LED stick na 'yan ay ibig sabihin ay pinapalapit ang babae at sasayawan ang nagpatawag dito at bibigyan ng pera.
Nang ibaling niya ang tingin sa stage ay bumaba ang dalawang babae. Napamura siya nang makitang lalapit na ito sa kanila. Siraulo talagang itong si Dock.
Mas siraulo siyang 'di hamak kumpara sa mga kaibigan niya pero ngayon ay tila bahag na ang buntot niya. Kung wala siyang asawa malamang sa hindi ay siya pa ang nagtaas ng LED light stick na ito.
"I'm married just stay away from me!" Marahan niyang angil sa babae nang humawak ito sa balikat niya at itinaas niya ang kamay kung nasaan ang singsing para ipakita rito.
Lumapit na lang ito kay Dock at si Dock ang sinayawan at ang isa ay kay Wilson. Kumuha ng pera si Dock iwinagayway sa harap ng mukha ng babae bago iyon inihaplos sa katawan nito pababa at iniipit sa garter ng panties.
Si Alford ay itinuon ang mata sa ibang bagay. Napansin niya ang paglabas ng isang babae sa stage na tila ba maiiyak habang yakap ang sarili. Suot nito ay isang bejeweled underwear. Hindi nito magawang magsayaw kahit pinangdidilatan na ng isang babae-- ang manager ng club na ito.
Maganda ang babae. Halos lahat ng nagtatrabaho rito ay magaganda. Iyong pangmodelo ang mga katawan. Hindi basta-basta ang club na ito. Hindi pipitsugin. Mayayaman ang mga parokyano.
May isang lalaking banyaga ang nagtaas ng isang gold LED light. Ang kulay kung tatawagin ang manager. Agad na nilapitan ng manager ang medyo may katandaan ng lalaki.
Nag-usap ang dalawa at kapagkuwa'y umakyat ang manager sa stage at hinila pababa ang babae. Dinala ito sa lalaki.
"Geallan!" Binalingan niya si Dock na napatayo mula sa kinauupuan habang nakatingin sa babae.
"Kilala mo siya, Pare?"
"Oo. Nakilala ko siyang nang magpunta ako sa Dinagat Island." Nagmura si Dock nang makita nitong kinaladkad ang babae ng manager at kapagkuwa'y sumunod ang matandang lalaki.
Hindi nakatiis ang kaibigan at sinundan ito. Sa pag-aalalang mapaaway ay sumunod siya sa kaibigan.
"Hey!" Hinawakan ni Dock ang babae sa braso. Bahagyang nanglaki ang mata nito nang makita si Dock.
"Dock?"
"Ano ang ginagawa mo rito?" Biglang yumakap ang babae kay Dock.
"Tulungan mo ako." Kapansin-pansin ang panginginig ng katawan nito sa matinding takot. Hinubad ni Dock ang leather jacket na suot at isinuot sa babae.
"Alam niyo bang bawal itong ginagawa niyo? Pinaghuhubad niyo ang mga babae nang sapilitan!" Si Dock na mahigpit na nakapulupot ang isang braso sa katawan ng babae habang nakasiksik ito sa katawan ni Dock.
"Satina, what's going on?" Tanong ng lalaki.
"I'm sorry, Mr. Becker. Can you please go back to your table first while I'm fixing this problem." Sumunod naman ang lalaki.
"Puwede bang huwag kayong mangialam. Hindi namin siya pinipilit." Niyuko ni Dock ang babae.
"Totoo ba 'yon?" Marahas itong umiling.
"Hindi ko 'to gusto? Pinipilit nila ako."
"Aba't ikaw na babae ka--"
"Don't you dare lay a finger on her!" Matigas na banta ni Dock.
"Isasama ko siya."
"Hindi puwede! Malaki ang pagkakautang ng nanay niya sa 'kin at siya ang ipinangbayad! At kapag hindi natuloy ang transaction namin ni Mr. Becker, humanda kayo sa 'kin!"
Napakatamang! Ito ang humanda dahil titiyakin niyang ipapasara niya ang club na ito at magbabayad ang mga ito.
"Magkano ba ang utang na dapat bayaran?"
"Isang milyon! Ano kaya mo?"
"Hindi naman ganyan kalaki ang utang ni nanay--"
"Manahimik ka!" Angil nito sa babae. Tinapik ni Dock si Alford sa balikat at bumulong. May pinakuha ito sa kanya sa sasakyan nito. Nang maibigay sa kanya ang susi ay nagmadali siyang kunin ang cheque book nito saka bumalik sa loob.
Without hesitation, Dock wrote down the amount that the woman said, which is one million pesos, pinilas iyon ni Dock at iniabot sa babae.
"Is that enough?" Bahagyang umawang ang bibig ng babae at nanglaki ang mata habang nakatingin sa cheque.
"Let's go, Geallan." Tinawag na niya ang mga kasama nila saka lumabas ng club.
"Willing kabang tumistigo para masampahan ng kaso ang club na ito?" Tanong niya kay Geallan.
Sunod-sunod na tango ang ginawa nito. "Oo. Maraming babae sa loob na pinipilit magsayaw ng hubo't hubad. Tulungan niyo sila."
"Don't worry. We will."
"Paano, pare, mauna na kami. Isasama ko si Geallan," ani Dock.
"Sige." Nang pumihit siya para tunguhin ang sasakyan ay para siyang itinulos sa kinatatayuan nang makita roon si Lyca at Sasahh.
"L-Lyca?" Sasahh mouthed "lagot ka, putol ang ulo mo" as her finger wiggling.
"Really? Strip club?" Nakataas ang kilay ni Lyca habang nakahalukipkip.
"Lyca, it's not what you think." Humakbang siya palapit sa asawa pero itinaas nito ang kamay sabay talikod. Tinungo nito ang naparadang sasakyan at hindi na pinansin pa ang pagtawag niya.
"Shit!" Palatak niya at napahilamos sa mukha. Mukhang magkakapasa-pasa na naman siya nito. Paano ba nitong nalaman na nandito siya?
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store