ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER NINETEEN

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

The pic that appears here is the portrayer of Leigh Arguelles.

**********

Nangunot ang noo ko nang makatanggap ng sulat mula sa Directorate of Immigration. Nasa kanila na raw ang application ko for permanent residency. Bakit gano'n? Ang sabi naman ng mga kasamahan kong Pinoy na nag-apply din noon, iyong Norwegian police lang sa siyudad nila ang nagkaloob no'n sa kanila. Bakit iyong akin ay pinadala pa sa Directorate of Immigration?

"Is there a problem?" tanong ni Mrs. Nielsen. Tumigil ito sa paghigop ng sabaw at tumingin sa hawak-hawak kong sobre. Mabilis akong umiling at pinasok ko sa bulsa ng jacket ang sulat.

"Do you still want some soup?" pag-iba ko ng tema. Umiling naman siya.

Katatapos lang namin mananghalian nang may tumigil na sasakyan sa harap ng mansyon. Nang silipin ko sa bintana mula sa living room, nakita ko agad na umibis mula roon si Anika. Kasama nito ang anak nila ni Nikolai. Tumakbo agad ang bata papunta sa front door. Nang mag-doorbell, nakita kong napakislot si Mrs. Nielsen. Saglit na nangunot ang noo nito bago niya ako inutusang tingnan kung sino ang bisita. Tumalima naman ako agad.

"Asawa po ng apo n'yo," sabi ko sa kanya nang masilip ko ang monitor na nakakabit malapit sa may pintuan. Sumenyas lang siya sa akin na papasukin ko raw, pero wala ang kagalakan sa mukha na katulad ng nakikita ko sa kanya sa tuwing binibisita ng apo.

"Oldeforeldre (Great-Grandma)!" sigaw agad ng batang babae at tumakbo ito kay Mrs. Nielsen. No'n lang lumiwanag ang mukha ng matanda. Yumuko ito nang bahagya para makahalik sa kanya ang apo. Nang makaharap na si Anika, tinanguan niya lang ito. Bumati lang din nang malabnaw na "Hei" ang babae at naupo na sa sofa.

"Would you like something to drink?" tanong ko kay Anika. Tumingin din ako sa bata. Ang weird ng feeling ko nang magtama ang paningin namin ng paslit.

"I'll have some coffee, if you don't mind," magalang na sagot ni Anika at ngumiti pa sa akin.

"I want some orange juice, Mama," sabi naman ng bata sa ina.

Hinarap ko ang bata at nginitian. "Okay, I'll get you some orange juice." Tumitig lang ito sa akin, pero hindi nagsalita.

Dadalhin ko na lang sana ang isang tasa ng kape at orange juice sa living room nang bigla na lang sumulpot sa kusina si Anika. Muntik ko nang mabitawan ang tray ng inumin.

"Pasensya na sa bigla kong pagsulpot. Nais ko lamang magpasalamat sa paghanda mo ng inumin naming mag-ina," sabi nito at tinikman ang ginawa kong kape. Napangiwi siya nang kaunti. Nabahala naman ako.

"Pasensya na. Hindi ba tama ang timpla ko?" sagot ko sa lenggwahe rin nila.

Kaagad siyang umiling sabay ngiti. "No, no, no. It's just right. I like strong coffee." Humigop siya ulit. This time, maaliwalas na ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nakahinga ako nang maluwag. Dahil halos naubos niya ang laman ng tasa, nagsalin siya ulit. Pinagmasdan ko lang siya, pero bahagya akong nawiwirduhan sa mga kinikilos niya. Naiinip na rin akong makalabas ng kusina. Naisip ko kasing baka nababagot na ang bata sa living room.

"Naikuwento mo ba sa matanda ang nakita mo sa Undheim?" bigla na lang ay naitanong niya habang pinupunasan ang tumilamsik na kape sa lababo. Pagkadinig ko no'n, naintindihan ko agad kung bakit niya ako sinundan. Kunwari'y nangunot ang noo ko at saglit na nag-isip.

"A, iyon bang pagbanggaan natin sa coffee shop?" kaswal kong tanong. "Wala akong pinagkuwentuhan no'n."

Tinitigan niya ako na parang may pagdududa. Hinarap ko naman ang mga titig niya. Wala naman akong tinatago dahil totoong wala akong sinabihan no'n.

"Actually, hindi masalita si Mrs. Nielsen kaya hindi kami nakakapagkuwentuhan."

Napangiti siya do'n at napatangu-tango pa. "Sinabi mo pa. Dati nang hindi palasalita iyan, pero lalong naging tahimik at moody nang mamatay ang kanyang asawa."

"Gano'n ba?" sakay ko naman kahit na bored na ako sa usapan namin.

Nagkuwento pa siya na takot na takot raw siya no'ng una itong makita dahil hindi talaga siya kinibo, pero dahil mabait raw ang mga magulang ni Nikolai sa kanya ay napanatag din ang kanyang kalooban. Kabaliktaran naman no'ng sa akin. Sa simula pa lang ay ramdam ko nang ayaw nila sa akin para sa kanilang anak.

Napalingon ako sa direksiyon ng living room nang marinig ko ang sigaw ng bata sa mama niya. Nauuhaw na raw siya. Dinampot ko ang tray at sinabihan si Anika na mauna na siya't ako na ang bahala sa inumin nila.

"Mabuti naman pala at hindi ka nagkukuwento," sabi nito habang naglalakad kami. Tungkol pa rin ba do'n sa tagpo sa Undheim? Mukha yatang guilty ang bruha. Paulit-ulit na ito, a.

"What took you so long, Mama?" parang nayayamot na tanong ng bata at sinalubong kami.

"Wait over there," at sinenyasan ito ni Anika na maupo sa sopang kaharap ng wheel chair ng lola. Tumalima naman ito.

Pagkabigay ng inumin nila, nag-excuse ako sa kanilang tatlo at bumalik sa kusina. Sinalin ko ang natirang kape sa mug at hinugasan ang coffee maker. Mayamaya pa'y sumulpot na naman sa likuran ko si Anika. Nakipagkuwentuhan ito. Nalaman ko tuloy na nagkakilala sila ni Nikolai sa isang party sa pinapasukang universidad ng huli. Na-love at first sight daw siya sa lalaki. Kakaiba raw kasi ito sa lahat ng mga nakilala na niya. Mukhang mabait at maginoo. Hindi nga raw siya nagkamali.

May gumuhit na pait sa puso ko. Naalala ko kung paano rin kami nagkakilala ni Nikolai. Pati iyong mga paglalandi ni Mina ay bumalik sa alaala ko. Totoo ngang mabait ang mokong dahil kung hindi, makakapamerwisyo ba sa amin noon ang Minang iyon?

"Nikolai is really one of a kind. Kaya nang yayayain niya akong magpakasal, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa," dugtong pa ni Anika. May umusbong na galit sa pusso ko nang marinig iyon. Bumalik na naman sa isipan ko ang pinag-usapan nila ng kinatagpo niyang lalaki. Hindi ko na napilit ang sariling ngumiti. Hindi na rin ako sumagot pa. Nangangati na ang dila kong ipamukha sa kanya na alam ko na ang lahat kaya huwag niya akong pinagloloko. Pero bago pa maubos ang pasensya ko sa kanya, nag-ring ang cell phone niya. Narinig kong lalaki ang tumawag dahil hindi siya agad nakalayo nang sagutin iyon. Bago pa siya magpatuloy sa pakikipag-usap, nagpaalam na siya sa akin at lumabas na.

**********

Pagdating ng nurse ni Mrs. Nielsen nang mga bandang alauna nang hapon, nagpaalam akong lumabas saglit. Nakipagkita ako sa dati kong kasamahan sa bahay at nagtanong tungkol sa experience niya nang mag-apply ng permanent residence permit.

"Pinasa ko lang iyong akin noon sa police station na nasa area namin. Makaraan ang ilang buwan natanggap ko na ang approval."

Hala, bakit sa akin ay pinadala pa sa Directorate of Immigration? Nang banggitin ko ito kay Fiona, saglit siyang natigilan.

"Sigurado ka?" tanong pa niya. Dinukot ko sa bulsa ang sobre at pinakita sa kanya ang sulat mula sa sinasabi kong ahensiya ng gobyerno. "Naku, kapag ganito kasi, ibig sabihin may duda ang police station kung qualified ka o hindi kaya pinadala nila doon."

"H-ha? Anong may duda?" Dumagundong sa kaba ang puso ko.

"Pero huwag kang mabahala. Nangyayari naman ang ganito talaga, e. It doesn't mean naman na made-deny ang application mo. Just think positive."

Nanlupaypay ako nang maghiwalay na kami ni Fiona. Kahit na nagsabi siya sa akin na may mga kakilala siyang tutulong sa akin kung sakaling hindi ipagkaloob ang permanent resident permit ko, nanghina pa rin ako. Umasa na kasi akong matatanggap ko iyon in a few months. At naikondisyon ko na rin ang isipan na ipe-petition kaagad si baby Niko oras na mapasakamay ko na iyon kaya nakakapanghina ng loob na malaman na fifty-fifty ang chance ko do'n.

Pagdating ko ng mansyon, palabas na ng front door ang nurse. Nagsabi ito na nakapag-dinner na raw si Mrs. Nielsen at tumuloy na sa kotse. Pambihira ang babaeng ito. Pagsapit ng impunto alas sais, kesehodang nasa bahay ako o wala aalis agad.

Dali-dali akong pumasok. Wala sa living room ang matanda. Tumakbo ako agad sa kuwarto niya. Kumatok ako nang mahina at pipihitin ko na sana ang seradura nang marinig ko ang pamilyar na boses-lalaki. Nasa bahay na naman si Nikolai! Napaatras ako agad, pero nakailang hakbang pa lamang ang layo ko nang bumukas ang pinto at narinig ko ang pagtawag niya sa akin. Hindi ko sana papansinin iyon, pero mabilis siyang nakahabol at ngayo'y nakaharang na sa daraanan ko.

"Hey," mahina niyang sabi nang magkaharap na kami. Ngumiti pa siya nang mapakla. "I'd like to t-thank you for what you're doing to my grandmother. She likes being around you. It makes her feel better. I think that's the reason why, she has a better disposition now than before."

Better disposition? Parang gano'n pa rin naman, a. Ni hindi nga nagsasalita. Binibola na naman ako ng lalaking ito.

Imbes na sumagot, tumango lang ako.

"By the way, I got you something from Oslo," at may inabot ito sa aking maliit na kahon. "I was there today. I also saw your friend, Ysabela."

Pagkarinig ko sa pangalan ni Ysay lumakas ang tibok ng puso ko. Nandoon ang pananabik ko na makibalita tungkol sa kanya, pero at the same time may kasama rin iyong apprehension na baka binanggit ako ni Nikolai sa kanya. Sana hindi. Ayaw kong malaman ni Ysay na nasa Norway din ako. Hindi pa ako handang makipagkita sa kanya habang ganito pa ang estado ng buhay ko - walang kasiguraduhan. Tsaka ayaw kong makita mismo sa mga mata niya ang awa sa akin dahil hindi kami nagkatuluyan ni Pogi.

"She has two kids now and another on the way. She seemed very happy. She actually mentioned you. You didn't tell her that you're here?"

Nanuyo ang lalamunan ko. "Did you tell her about me?"

"No. I don't think it's for me to say." Nakahinga ako nang maluwag.

Hindi siya nakapagsalita. May lumambong na lungkot sa asul niyang mga mata.

"I'm sorry," sabi niya sa mahinang-mahinang boses. "I know I'm the reason why you don't want to meet her."

"O-of course not," pagsisinungaling ko. "I just want to focus on my job. I don't want any distractions," dugtong ko pa.

Lalo siyang nalungkot. Kahit naman sa sariling pandinig parang napaka-shallow ng rason ko. Halata tuloy na nagkukunwari lang ako.

"I-I have to go. I'll just check on your grandmother later. She has some medicine to take before bedtime," at dali-dali na akong tumungo sa kuwarto. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Pagdating sa sariling silid, napahawak ako sa dibdib. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Napahinga ako nang malalim nang ilang beses para humupa ang silakbo ng damdamin. Nang okay na ako, lumapit ako sa higaan at binuksan ko doon ang pasalubong niya. Isang paper weight na may globe sa loob. Akala ko naman kung ano na. Ibabalik ko na sana iyon sa loob ng kahon nang may nakapa akong papel sa ilalim no'n. May nakaipit do'ng note. I wish that I could give you the world... N.

Hindi ko napigilan ang sarili. Tumulo na ang luha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store