ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER EIGHTEEN

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

The pic that appears here is the portrayer of Leigh Arguelles.

**********

Kung kailan handang-handa na ako sa paglipat sa bahay na pinamana ni Mrs. Hansen, saka naman nagkaroon ng problema. Kinuwestiyon iyon ng kanyang mga anak. Kung hindi ko raw kusang ibibigay ay mapipilitan silang dalhin iyon sa korte. Nang sinabi ko iyon kay Dana, pinayuhan niya akong huwag magpadala sa pananakot nila dahil malinaw naman daw na nakasulat do'n sa last will and testament ng matanda na sa akin nga niya gustong ipamana ang naturang bahay. Pero nang konsultahin ko naman ang nanay ko, iba ang payo niya.

"Kung binabawi ng mga anak ni Mrs. Hansen ang ibinigay sa iyo huwag ka nang magmatigas, anak. Mahirap na. Baka kung ano'ng gawin nila sa iyo diyan. Bahay lang iyan."

Iyon nga rin ang naisip ko. Ngayon pa na nag-a-apply ako ng permanent resident permit. Baka nga makaapekto pa ang kaguluhang ito. Ganunpaman, ayaw ko ring gawing madali sa kanila ang lahat. Sa tuwing naalala ko kasi ang mga hinagpis ni Mrs. Hansen sa kanilang dalawa, nabubuwisit ako. Totoo ngang mana lang ang importante sa kanila.

"Dala mo na ba ang titulo?" Iyon kaagad ang tanong sa akin ng anak na babae ni Mrs. Hansen nang magkita kami sa isang coffee shop sa Undheim, kalahating kilometro ang layo sa tinitirikan ng pinag-aagawan naming bahay.

"Dumeretso lang kasi ako rito pagkatapos ng trabaho kaya hindi ko na nadaanan iyon sa bahay," sagot ko naman sa lenggwahe rin nila. Ang totoo niyan, sinadya kong kalimutan. Ano sila, sinuswerte? Gano'ng-gano'n ko lang ibigay sa kanila ang titulo?

Naningkit ang mga mata ng kapatid niyang lalaki. Nagtanong din agad kung kailan ko raw puwedeng maisoli sa kanila.

"Baka sa susunod na linggo pa po kasi busy na po ako sa trabaho simula bukas. Pinag-overtime po kasi ako ng boss ko."

Mabilis na nag-usap ang dalawa. Bahagya ko lang silang naintindihan dahil may halong Dutch na ang salita nila. Siguro sinadya nila dahil alam nilang marunong ako ng Norwegian.

"Okay. Pero siguraduhin mong madadala mo na iyon next time. O siya. Hindi na kami magtatagal dahil marami pa kaming gagawin. Mabuti't nagkasundo na rin tayo sa wakas," matigas na pahayag ng babae at tumayo na ito. Sumunod na rin sa kanya ang kapatid niya. Ni hindi nila hinintay na matapos kong mainom ang kape na inorder ko. Ang babastos! Parang ang hirap paniwalaan na galing silang dalawa sa sinapupunan ng pinakamabait na Norwegian na nakilala ko.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na bulto ng babae. Nagpalinga-linga siya sa coffee shop bago lumapit sa isang mama na nakaupong mag-isa sa hindi kalayuan. Nagulat ako nang tumayo ang lalaki at salubungin ang babae ng halik sa mga labi. Narinig ko pa ang huli na humihingi ng dispensa sa pagdating ng lampas sa oras. Hindi raw siya agad nakatakas. Nang ma-realize ko kung ano ang nagaganap sa aking harapan, biglang umusbong ang galit ko sa dibdib. Ganunpaman, sinikap kong huminahon. Dali-dali kong inubos ang kape at tumayo na para lisanin ang coffee shop. Sa pagmamadali, muntik na kaming magkabanggaan ng isang babae na papaalis din do'n nang mga oras na iyon. Paglingon ko, nagkagulatan kami.

"Leigh!"

"Anika!"

Namutla siya at kaagad na binawi ang kamay na hawak-hawak ng lalaking kasama niya. Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin ang mama.

"Magkakilala ba kayo?" halos pabulong na tanong nito kay Anika. Nakitaan ko pa siya ng pagkabahala. Imbes na sagutin siya ni Anika, ngumiti ang huli sa akin at magiliw akong kinumusta.

"By the way, this is my cousin, Jan. Jan, this is Leigh, my grandmother's caregiver."

Nakita kong parang nagulat ang lalaki nang pinakilala siyang pinsan. Lokohin mong lelong mong panot, Anika! Too late. Narinig ko na kayo kanina.

Ngumiti ako nang pilit sa lalaki at bumati bago magalang na nagpaalam.

**********

Hindi ko inaasahan na maging panauhin ni Mrs. Nielsen si Nikolai nang sumunod na araw. Gaya ng huli ko siyang nakita, mukha na naman siyang haggard. Ni hindi siya tumingin sa akin nang hinatid ko ang lola niya sa lobby. Medyo nasaktan ako, pero naisip ko rin na mas maigi na ngang gano'n. Mukhang sineryoso naman niya ang napag-usapan namin. Wala na siya sa lobby nang binalikan ko ang matanda.

"B-Baka aalis na ako rito in a few days," sabi kaagad ni Mrs. Nielsen nang inaayos ko na ang pananghalian niya. Natigil tuloy ako sa ginagawa. Medyo naalarma pa. Ang ibig sabihin kasi no'n, mapapalitan na naman ang pasyente ko. Mabuti kong makakasundo ko agad kagaya niya na kahit hindi man kami nag-uusap nang tulad ng ginagawa namin dati ni Mrs. Hansen, kahit papaano naman ay okay kaming dalawa.

"Uuwi na ako sa bahay ko. Nagkasundo kami ni Nikolai na kukuha na lang siya ng mag-aalaga sa akin. Ayaw ko na rito. Nababagot ako."

Napakagat-labi ako. Alam ko kung ano ang gustong mangyari ni Nikolai. Gumagawa na siya ng paraan na hindi na kami magkita pa. Although that was what I wanted, nanlumo rin ako.

Nakompirma ko nga kay Dana ang ganoong impormasyon kinahapunan. Pinatawag niya ako at sinabihang baka dalawang linggo na lang sa nursing home si Mrs. Nielsen.

"She likes you a lot," nakangiti pang sabi nito. "She actually asked me if I can let you go."

Let me go? Ang ibig bang sabihin no'n ay ---?

"She was asking me if she could take you with her. She wants you to be her personal caregiver at home. But I told her, I still have to consult you."

Hindi ako nakapagsalita. Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Dana sa matatanggap kong benepisyo sa pagiging personal caregiver ni Mrs. Nielsen. Dahil stay-in daw ang gusto ng matanda, hindi ko na kailangan pang mangupahan. Makakatipid ako sa renta. Mabilis kong kinwenta ang mababawas sa buwanan kong gastusin. Na-excite ako. Ganunpaman, nabahala ako dahil nga baka lalo lamang hindi ako makapag-move on kay Nikolai no'n. Ginagawa kaya niya iyon para mapaglapit kaming muli? Bigla tuloy akong nagdalawang-isip sa offer ni Mrs. Nielsen.

"I'll think about it," sabi ko kay Dana.

"Actually, you will not be the only one who would take care of her. Her family will also get her a private nurse. She will be with you during the day, so you will not be the only one taking care of her," patuloy pa ni Dana.

Kung gano'n, parang gusto lang akong mapalapit ni Nikolai sa kanya. Tempting, pero kailangan ko ring isipin ang kapakanan ko. Wala akong future sa kanya. Kahit na ano pa ang gawin niya ngayon, mahirap na ang sitwasyon namin.

Medyo nalungkot si Mrs. Nielsen nang nagkita kinabukasan. Nasabi pala sa kanya ni Dana ang pag-aatubili ko.

"Are you worried about my grandson?" deretsahan niyang tanong sa akin. Hindi ako nakasagot. "Nikolai won't be home with me. I'll be living on my own now that I feel a lot better."

Napabuntong-hininga ako. Buo na kasi ang loob ko na hindi ako sasama sa kanya.

"I'm flattered that you have chosen me among the caregivers here, but ----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil hinawakan niya ang kamay ko at tumulo ang kanyag luha. Nataranta naman ako agad.

"Mrs. Nielsen, this has nothing to do with ---"

Tumalikod siya at tinulak niya palayo sa akin ang wheel chair. Para namang kinurot ang puso ko. Paano ba ito? Nang makita kong yumugyog ang kanyang balikat, lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan.

"Please don't cry," pagsusumamo ko. Lalo siyang humagulgol. Nahabag ako sa kanya kung kaya kahit na may pagdadalawang-isip, napa-oo ako nang biglaan.

**********

Kahit na sinasabi ng utak kong ayaw ko nang makita si Nikolai, inasam-asam naman siya ng puso ko. Kagaya ni Mrs. Nielsen, na-excite din ako sa pagdating niya sa nursing home nang araw na iyon. Pero gano'n na lang ang panlulumo ko nang ang kanyang ina ang dumating para sumundo sa amin. Medyo nagulat ito nang makita ako ro'n.

"I didn't know that you're here in Norway," ang sabi kaagad sa akin. Nang makita nito ang pagtataka sa mukha ng ina, pinaliwanag niya rito na nagkakilala na kami noon sa Maynila. Hindi na nagkomento pa ang matanda.

Nang makarating kami sa bahay, nalula ako sa laki niyon. Natakot tuloy ako. Paano ko lilinisin ang ganoon ka laking mansyon?

Siguro nahulaan ni Mrs. Bjornsen ang laman ng utak ko, pinaliwanag niyang may tagalinis raw sila ng bahay. Hindi raw iyon kasama sa trabaho ko. Mabuti naman pala.

Pagkatapos akong mai-tour sa malapalasyo nilang tahanan, kinausap niya ako nang masinsinan. Hindi na siya naglihim ng totoong saloobin sa pagkakapasok ko bilang personal caregiver ng ina.

"I know you and Nikolai had a history. But I want to remind you that he is married now. I hope that you respect it. I have to be honest with you. If it were up to me, I wouldn't hire you as Mama's personal caregiver."

"You have nothing to worry about, Mrs. Bjornsen. I came to your country to work and earn a living. I'm not here to go after Nikolai. Our past is in the past. It will stay there."

"Good," at ngumit siya nang pilit sa akin.

**********

Naghahanda na ako sa pagtulog nang may marinig akong dumating na kotse. Mayamaya pa, may naulinigan akong kaluskos sa kuwarto ni Mrs. Nielsen. Lumapit ako do'n at nagmatyag. Dinikit ko pa ang tainga sa pintuan niya. Umiiyak ang matanda. Kumatok ako nang marahan. Walang sumagot. Dahi hindi naman iyon naka-lock, dahan-dahan kong pinihit. Nagulat ako nang makita ro'n si Nikolai. Kausap niya ang lola niya at parang nag-iiyakan silang dalawa. Nangunot ang noo ko, pero minabuti kong umalis na lang.

Pabalik na ako sa kuwarto ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"I'm very happy that you accepted my grandmother's offer. It means a lot to her."

Paglingon ko, nagtama ang paningin namin ni Nikolai. Hindi gaya no'ng huli ko siyang nakita, malinis na ang mukha niya ngayon. Nakapagpagupit na rin siya at hindi na mukhang haggard. Nagtaka lang ako kung anong iniyakan nilang maglola.

"You're welcome," malabnaw kong sagot at tumalikod na.

"Leigh," tawag niya uli.

"Yes?" tanong ko in my most formal voice.

Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin, pero hindi rin natuloy. Napakamot siya sa ulo na parang tinedyer na nahihiya sa harap ng babaeng tinatangi.

"Nothing. Thanks again."

Tumango na lang ako at tumalikod na. Dali-dali akong pumasok sa kuwarto. Nang nasa loob na ako saka ko lang pinakawalan ang buntong-hininga. Shit! Kahit sa simpleng paraan, kayang-kaya pa rin niya akong pakiligin. Bwisit! Hindi yata tama itong desisyon kong magpadala sa awa sa lola niya. Napapikit ako at napahawak sa dibdib. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Dahil do'n hindi ako nakatulog. Pabiling-biling ako sa higaan. Bumangon tuloy ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng gatas.

Hinuhugasan ko na ang baso sa lababo nang may marinig na kaluskos. Nang wala akong makitang tao sa likuran, pinangilabutan ako. Dali-dali kong pinunasan ang baso at lumabas na ng kusina. Pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang may mabangga sa paglabas sa pintuan. Parang bumangga ako sa pader. Muntik na akong matumba.

"Leigh!"

"Nikolai!" Napahawak ako sa dibdib sa pagkagulat. Siya nama'y biglang nawala ang antok. May kislap na nang kapilyohan ang kanyang mga mata na bigla namang naglaho nang tapunan ko siya nang masamang tingin.

"Papatayin mo ako sa takot," naiinis kong sabi sa kanya sa Tagalog.

"Sorry," paghingi niya ng dispensa. Nagpaliwanag pa na kukuha lang daw sana siya ng maiinom. Hindi niya raw alam na nasa kusina ako. Hindi na ako nagsalita. Iniwas ko na ang mga mata sa kanya nang ma-realize kong naka-boxer shorts lang siya at kamiseta.

"I got to go," sabi ko. Inaasahan ko siyang tumabi na para makadaan ako sa pintuan, pero parang nag-posing lang ang kumag para mabistahan kong mabuti ang ganda ng katawan niya. "Nikolai, I said I'm going."

Ngumit siya at kumumpas pa na dumaan na raw ako sa pinto. Nang lumapit naman ako'y binaba niya ang isang braso na nakatukod sa gilid ng pintuan. Naharangan niyon ang daraanan ko. Tiningnan ko siya nang masama.

"I was just kidding. It's been a while since we were in good terms. I was trying to make it easier between us. I'm sorry if it upsets you," nahihiya niyang sabi at pumasok na nga sa loob ng kusina. Nang mawala na siya sa bungad ng pintuan, dali-dali akong lumabas. Pero bago ako tuluyang pumanhik sa kuwarto ko, sinilip ko siya sa kusina. Nakita ko siyang umupo sa kitchen table na malungkot ang mukha. Bago pa ako matuksong balikan siya, tumakbo na ako paakyat Bukas kakausapin ko ang matanda. Hindi pupwedeng narito rin ang apo niya. Nag-usap na kami. Akala ko ba'y hindi rito uuwi ang kumag na iyon. Paano ko mapanindigan ang pangako sa ina niya kung palagi na lang niya akong tutuksuhin? Hindi ito maari.

u��


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store