ZingTruyen.Store

THE MAN IN GREEN UNIFORM (Montenegro Series #3)

Chapter 23

KayeEinstein

Celestine's POV.

"Sumama ka na lang kaya sa 'kin?" Nicholas asked me again.

"Nicholas, mauna ka na, I will just finish my duty here," sabi ko rito. "Ilang araw na lang naman."

"But nakidnap ka rito, hindi safe, umuwi na lang tayo ng sabay hmm? Please love."

"I promise, I'll be safe here, kaya ko naman ang sarili ko, I am okay now, you took care of me."

He held my hand. Nakasakay kami ng elevator ngayon kaya naman, malaya nyang pinaglalaro ang daliri niya sa mga daliri ko.

I smiled while looking at him, he looks like a spoiled brat teenager now. Naka pout siya pero gwapo pa rin ang mukha.

"I don't really want to go, pero I need to oversee everything, lalo na yung tungkol sa kasal natin." Umayos ito ng tayo. He sighed. "Okay I'll let you stay, dahil alam ko, ito naman na yung huling beses na maghihiwalay tayo."

Mabilis nyang dinala ang kamay ko sa labi niya.

"I love you love, gaya ng palagi kong sinasabi, maghihintay ako, hihintayin kita."

"Alam ko." Mabilis akong yumakap sa kanya.

Bumukas na ang elevator pero hinayaan ko lang, wala akong magiging pakielam sa oras na ito.

Nicholas Buenavista is the warmest person I know, one call and he flew all the way here in Cuba just to make sure I'm okay. He spent a couple of days taking care of me, making sure na I can bounce back from what happened.

I was really shocked sa nagawa ko. I still don't know what happened to that guy, hindi ko na masyadong iniisip, people around me will always say na I did it to save myself. I know that pero yung fact na nakapanakit or nakapatay ako ng tao, ang nakakapagpabigat ng loob ko.

Yun ang dahilan why I didn't do anything for the first 24 hours, hindi ako lumaban or ano pa man nung nagising ako. I don't really wanna hurt anybody as much as possible.

I was taught different kind of martial arts at a very young age, my dad wanted me to learn the basics before pero I really enjoyed it hanggang mag focus ako sa Taekwondo and earned the highest rank they have.

I will often go to HFC, our firearms company na hawak ni Tito Cloud lalo na nung teenager days ko just to learn to shoot and to experience first kung anong ilalabas na baril ng company.

Pero simula ng mag doktor ako, simula ng mag oath taking ako, I tried my best to forget about my capabilities and to do my best just to save lives.

I want to save lives. Iba yung tuwa ko sa tuwing lalabas ako ng operating room at sasabihin kong maayos at ligtas na ang pasyente ko.

Hindi na rin kami nakapag usap ni Stephen, hindi na kami nagkita pa, hindi dahil ini expect ko or what pero some part of me wish to talk to him and thank him, dahil pumunta pa rin siya kahit alam nyang delikado para sa kanya.

Ayoko ng lagyan pa ng meaning iyon, maybe he feels guilty kaya ganoon pero nonetheless, I still want to thank him properly.

Napalingon ako kay Nicholas ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko, it was as if he is pulling back to reality.

Hawak niya pa rin ang kamay ko habang naglalakad kami. Ihahatid ko siya sa airport kasama nina Cath kaya nagulat ako ng bigla itong huminto.

"Hmm?" Bumaling ako sa kanya.

"Wag mo na kong ihatid."

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Baka hindi na ako umalis." He smiled a little pero pakiramdam ko ay may iba sa tingin niya sa 'kin. "Ako na lang." Bumitaw siya sa pagkakahawak sa 'kin at niyakap ako. "I love you." Mabilis nitong hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Are you sure?"

"I am, sige na umakyat ka na sa taas at magpahinga. I'll wait and see you sa Philippines."

Sila Cath na lang ang naghatid sa kanya as he requested, nanatili naman ako sa unit ko ng ilang oras, I felt hungry kaya naman napagdesisyunan ko ng lumabas.

Mukhang matatagalan pa sa pagbalik sila Cath at tinatamad akong magluto. Not sure if I have stock para sa gusto kong kainin.

Hindi ko sigurado kung may pasok si Georgy pero dadaan na ako ng ospital para may kasabay ako.

Luckily this time, walang kidnappan na naganap at payapa akong nakarating sa ospital.

Walang nakakaalam sa kanila na nakidnap ako, mas minabuti kong itago dahil for sure makakarating sa magulang ko at wala akong balak ma-grounded sa edad kong to.

"Wala po si Doc Georgy, rest day niya po Ms. President," sabi sa 'kin ni Nurse Joice.

"I see, thank you," sabi ko.

Nag-decide na lang ako mag ikot sa buong ospital, pakiramdam ko kasi may kulang sa sistema ko.

My wedding day is approaching, hindi ako makapaniwala na ilang araw na lang ay ikakasal na ako.

Kasabay kong uuwi si Georgy at si Cath, hindi pa sigurado kung a-attend si Abraham, I am not even sure kung nasabi na ni Cath.

Isa sa mga rason na ipinunta ni Nicholas iyon, nakapag set na kasi ng date ang mommy niya, it will not be a grand wedding, sa isang maliit na simbahan lang iyon at gaya ng hiling namin ni Nicholas, we want to keep it private and simple.

We have a lot of things in common ni Nicholas, he never disagree with me, unlike Stephen, if he thinks I am acting way too spoiled brat or kapag pakiramdam niya ay may mali sa ginagawa ko, hindi naman niya ako aawayin pero he will discuss it, doon ko napapansin ang differences namin.

Pero kahit ganoon, kahit ang dami naming pagkakaiba, kahit na madalas seryoso ang mukha niya, my heart is still hurting kasi, pinangarap kong siya yung pakakasalan ko.

He promised to marry me, but I will walk down the aisle soon, and I know he will not be the one waiting for me at the altar.

Kumalam na talaga ang sikmura ko kaya naman nag decide na akong lumabas ng ospital, magpapa deliver na lang siguro ako or sana nakabalik na sila Cath. Alam ko naman na kung paano magluto, tinatamad lang talaga ako.

I sent an IG message to Nicholas asking him to let me know if naka land siya ng maayos.

Naglalakad na ako palabas ng aksidenteng may makabangga ako. Gusto agad mag init ng ulo ko dahil gutom na nga ako at lahat, may ganitong scene pa.

"What the—Stephen?!"

Mabilis niya akong binitiwan sa braso na siyang hinawakan niya para hindi ako sumubsob.

"Hindi ka nakatingin," he simply said.

"Wow, ako pa? Ikaw ang hindi tumitingin."

"You're busy texting."

"I'm not texting! Ugh! Whatever," sabi ko at akmang lalampasan na siya pero mabilis niya akong hinila pabalik sa harapan niya.

OMG, ito ba yung kinukwento ni mommy na sakit ni daddy, yung mahilig manghila? Bat naman ganito, nakakakaba, ni hindi ako makapag angat ng tingin sa kanya.

"W-what?!" nakayuko kong tanong ko.

"I-I wanted to check on you, I wanted to know how you're doing kaso nagpalit ka na pala ng number a-and you blocked me on IG kaya I'm really happy to see you're okay now."

His tone and words made me look at him.

"I know you're uncomfortable kaya aalis na ako—"

"No." I accidentally pulled the hem of his army uniform kaya mabilis siyang napahinto. "H-hindi pa ko kumakain, maybe, you want to join me?"

Lupa, lunukin mo ko, nakakahiya akong nilalang, para akong highschool girl na nag confess sa crush niya.

And I had never done that!

Nung hindi siya sumagot ay nag angat ulit ako ng tingin, pero seryosong pares lang ng mata niya ang sumalubong sa 'kin.

"W-why are you looking at me like that?"

Umiling ito.

"C'mon let's eat." He pulled me pero marahan lang ang paglalakad namin.

We decided to eat at a popular mini restobar, almost dinner na rin naman.

Medyo madami yung tao pero wala na akong pakielam, gutom na talaga ako. May kumakantang banda sa harapan at may mga couple na nag i slow dance roon sa dance floor.

Mabilis na dumating ang pagkain namin, we ate in silence.

While waiting na bumaba yung kinain ko ay nanonood lang ako ng payapa, trying to ignore his stares pero hindi ako nakatiis.

Mabilis ko siyang nilingon as I tried to smile at him.

Be civil Celestine! Ex mo lang yan, Montenegro ka, labanan mo ang emosyon mo! Be civil, kaya mo to girl, pagsubok lang to.

I kept telling that to myself.

"Thank you for coming, thank you for trying to save me, I really appreciate it."

Uminom ito ng hinandang wine.

"I didn't even do anything." He sighed. "In fact, I can't do anything."

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya naiintindihan.

"Bakit pala hindi ka pa kumakain? Hindi ba nagluto si Cath?"

"Nope." I answered right away. "I can cook for myself, sadyang tinamad lang ako."

"Marunong ka ng magluto?!" shock and amazement is written on his face.

"Natuto." I tried to said it confidently pero it still ended up sounding so bitter. "Natuto kasi pinag aralan ko, akala ko kasi magiging asawa mo ko."

"C—"

"I mean." I tried to laugh. "Mas okay na pag-usapan na natin talaga to ng makausad na tayo sa kanya kanya nating buhay."

His hand immedy went over to my side and reach for my hand.

And the next thing he did, shattered my heart into pieces.

Akala ko talaga nag mu-move on na ko, akala ko talaga nasa process na ko, pero mahal na mahal ko pa rin sya.

He held both of my hands, pinagsalikop niya iyon, at kinulong niya ang mga iyon sa pagitan ng magkabilang palad niya, bago siya yumuko at hinalikan ang mga iyon.

"I am really really sorry."

I am thankful that we are in the farthest corner, hindi nadadaanan ng mga tao.

Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang paghingi niya ng tawad, mas nasasaktan ako.

Dahil siguro alam ko na sa bawat paghingi niya ng tawad, alam kong wala siyang balak bawiin ang lahat.

Sino ba naman kasing niloloko ko, bali-baliktarin ko man ang mundo.

Hindi na ako ang babaeng para sa kanya, magkakapamilya na siya at itong ginagawa ko ay maaaring magpagulo lang sa kanya.

Baka siguro nahihirapan na sya.

Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.

And I did and said yung bagay na pakiramdam ko pinakamahirap na ginawa ko.

Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko. Nanatili siyang nakayuko.

"Stephen," I called him, he didn't move, he was just looking down sa kamay niya, sobbing quietly. "I know, I know how you feel bubba."

I will call him bubba, for the last time, tonight.

"At ayoko ng pahirapin pa sa 'yo ito." Hinawakan ko ang mukha niya.

"Celestine, please."

"Bubba, pinapatawad na kita." Mabilis kong pinunasan ang luha ko pero patuloy pa rin siya sa pagbagsak. "Pinapatawad na kita para parehas tayong makapagsimula, pinatawad na kita meaning pinalaya na kita, pwede mo ng kalimutan yung pangako mo sa 'kin."

Instead of answering, naitakip niya ang kamay sa mukha niya and cried harder there.

In the middle of the loud music, my heart is breaking, my man is crying, and our story is officially ending.

"I just wanna thank you for everything, for the love beyond comparison, for the lesson and for the amazing woman I came to be."

Umiiling lang sya.

You don't need to be guilty anymore.

"Stephen," I called him. It took him a couple of seconds to fix himself, to stop himself from crying.

When he was able to loom at me in the eyes.

I gave her my genuine smile. I stood up and went to the side of him.

Dahan-dahan akong nag bent and I kissed the top of his head.

He looked at me.

"My bubba, I really have to let you go now."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store