The Hunk Society 3: Tricked (Published under LIB Bare)
Chapter 9
Di ko na sinama how Miguel popped Audrey's cherry. Magiging sunod-sunod ang BS hindi pa umaabot ng 10 tas bs ulit chap 10, baka may magreklamo na naman.😂 But I'll include that sa book once na ma-published. Hoping na matapos ko agad 'to.
----
"Sumasakit ang ulo ko sa 'yo, Jem Mhica! Could you please stop acting like a desperate one."
"But I am desperate!"
"Kapag hindi mo tinigilan ang kahibangan mong ito tatawagan ko na ngayon mismo si ninong."
"Then do it!" hamon ni Jem.
Nakikinig lang si Audrey sa pagtatalo ni Miguel at Jem sa salas habang siya ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Bigla na lang sumulpot si Jem dito. Ayon kay Jem ay sinundan nito si Austin kaya natunton ng dalaga ang tagong-tagong lugar na ito.
"Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa Audrey na 'yan? She's not a kind of girl na magugustuhan mo." Nalukot ang mukha ni Audrey sa narinig. Bakit naman nasama siya usapan?
"Jem!" Naiirita ang boses ni Miguel at hindi man niya nakikita pero sigurado siyang nakatiim ang mukha nito.
Pero ano ba ang sinasabi ni Jem na may gusto sa kanya si Miguel? Or maybe iyon ang sinabi ni Miguel para gawing excuse nang sa gayon ay makaiwas kay Jem. Mukhang malaki ang tama ni Jem kay Miguel at itong si Miguel naman ay mukhang walang gusto kay Jem.
"Totoo naman, eh. Ang uri ni Cassandra ang gusto mo. Maybe you are forcing yourself to fall in love with another girl to forget Cassandra. That is your way to deal with your heartbreak. You are just using her."
"Jem, stop it!"
"Ako na lang ang gamitin mo! Willing akong mag pagamit sa 'yo. I can help you to mend your broken heart."
Napakibit balikat na lang si Audrey sa sinabi ni Jem. Tama naman ito sa sinabi nito. Ginagamit lang siya ni Miguel. Ginagawa lang siyang parausan nito pero wala siyang karapatang magreklamo dahil gusto naman niya kung ano ang nangyayari sa kanila ni Miguel. At isa iyon sa ipinagtataka niya sa sarili ngayon. Hindi naman siya ganoong klase ng babae. May respeto siya sa sariling katawan at lalo sa sariling pagkatao pero pagdating kay Miguel. . . Kapag nahawakan at hinalikan na siya nito ay ginugupo ang matino niyang pag-iisip ng matinding pagnanasa.
"You can't help me, Jem! You are a complete pain in the ass. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa 'kin, Jem, dahil kita gusto."
Napailing si Audrey sa narinig mula kay Miguel. This man is really rude! Tumayo si Audrey at lumabas ng silid. Nakita niya si Jem na nakaupo sa pang-isahang upuang gawa sa narra at halos mangiyak-ngiyak ito habang si Miguel naman ay nakatayo sa harapan nito sa kabilang bahagi ng center table.
Tumayo ang dalaga at nakayukong tinungo nito ang pinto. Noon naman biglang sumulpot si Austin kasama si Herrick sa may pinto.
"Hey! Paano ka nakarating dito? Niligaw na nga kita nakasunod ka pa rin? Aba't may sa pusa rin ang isang ito."
Ang maluha-luhang mata ni Jem ay tumalim at bigla na lang nitong sinampal si Austin nang pagkalakas-lakas na ikinatigalgal ng lahat. Hindi mailarawan ang gulat sa mukha ni Austin sa hindi inaasahang ginawa ni Jem. Mabilis na lumabas si Jem. Malakas namang tumawa si Herrick sa nasaksihan at umupo ito sa kung saan nakaupo si Jem kanina.
"Austin, sundan mo nga si Jem." Si Miguel na hinihilot ang sariling batok.
"No way! Did you see what she did to me? After she clawed my face ngayon naman sampal. Kung 'di lang babae 'yon pinatulan ko 'yon." May apat na guhit nga ito sa kabilang pisngi.
"Sundan mo! Kasalanan mo 'to. Nasundan ka kaya nakarating dito."
Isang buntong hininga na lang ang nagawa ni Austin at napipilitang sinundan si Jem. Pinakitaan naman niya ng disappointment si Miguel nang matuon ang tingin nito sa kanya.
"That's rude," aniya bago tinungo ang pinto.
"Oh, condom mo." Narinig niya si Herrick bago pa man siya makalabas ng cabin.
Umupo si Audrey sa ilalim ng isang malaking puno ng pili at ipinikit ang mata. Ang gusto niya sa lugar na ito ay ang katahimikan. She once dreamed to have a peaceful life with Daniel and Toffee, but it was very impossible to happen dahil sa uri ng trabahong mayroon siya. She is at a place in her life where a peace doesn't exist. Her priority is the safety of others. Nakawan at patayin ang salot sa lipunan.
Audrey interrupted by the presence of somene. Si Miguel. Kilang-kila na niya ang amoy ng lalaki. Nagmulat siya ng mata nang tuluyan itong umupo sa tabi niya pero hindi niya ito pinagkaabalahang tingnan man lang. Nanatiling nakatuon ang kanyang mata sa kawalan.
"What you did to Jem was rude," aniya habang nasa malayo ang tingin.
"I know. And I didn't mean to hurt her. Sinabi ko lang 'yon para matigil siya sa kalokahan niya." Noon niya binalingan si Miguel habang bahagyang nakataas ang kanyang kilay.
"Sa ibang babae hindi mo ginawa 'yon?" Bahagyang ngumiwi si Miguel at napahaplos sa likod ng ulo.
"I often do that," pag-amin nito.
"Such an asshole," she muttered, averting her gaze to other direction but a small smile formed on her lips. Bigla niyang naalala si Daniel sa katauhan ni Miguel.
"Para kang si Daniel. Rude. Playboy."
"Daniel?" Mahinang usal ni Miguel. Muli niya itong binalingan.
"My fiance. Sa mga sinabi mo kay Jem kanina parang nakita ko sa 'yo si Daniel. He's rude, playboy and everything about him was suck."
"Pero minahal mo siya." Muli siyang tumingin sa kawalan.
"Yeah. That's love I guess. . . love does not discriminate. Heart doesn't choose who it falls in love with. Hindi naghahanap ng maraming dahilan. Mararamdaman mo na lang na nagmamahal ka na, kahit na sa taong sa tingin mo ay hindi karapat dapat ng pagmamahal mo, kahit sa taong hindi mo gustong mahalin. . . Because love is inevitable."
"So minahal mo si Daniel ng walang dahilan?"
"Maraming dahilan para hindi mahalin si Daniel. Siya na yata ang pinaka-playboy na lalaking nakilala ko." Wala sa loob na napangiti si Audrey.
"Pero na-attract ako sa kanya unang kita ko pa lang sa kanya. But I tried my best to stop myself from admiring him. Hindi ko talaga gusto ang ugali niya kahit pa ba napakaguwapo niya. Halos lahat ng babae sa Academy niligawan niya at pinaiyak."
"Kasama ka sa mga niligawan niya?"
Umiling siya. "No! Isa ako sa mga babaeng hindi niya nilagawan. Hindi niya raw ako type. Nasaktan rin ako n'on, ah. Mainit lagi ang ulo n'on sa 'kin. Palibhasa lagi ko siyang natatalo sa training. Pangawala lang siya lagi sa 'kin." Marahan siyang natawa, maging si Miguel.
"Nang nasa ika-apat na taon na kami madalas ay nagkaka-team up kami. Walang nakakatalo sa amin. Unti-unti, naging mabait siya sa 'kin. Nagkasundo kami..." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Audrey pero matinding kalungkutan naman ang bumalot sa puso niya sa pagbalik alaala sa nakaraan nila ni Daniel.
"He's so sweet. Madalas akong makatanggap ng bulaklak at letter mula sa kanya tuwing umaga... alam mo 'yon, daig pa namin ang may relasyon. Until the graduation day finally arrived. That was the happiest moment of my life not because I've graduated... kasi sa araw 'yon mismo nag-propose si Daniel sa 'kin." A sad laugh escaped her even though she reminisced the happiest moment of her life.
Bumaling ang nanlalabo niyang mata kay Miguel. Hindi niya mapigilan ang pamumuo ng luha roon.
"Hindi naman kami pero nag-propose siya." Naalala niya pa ang itsura ni Daniel nang araw na iyon. Kabadong-kabado ito. Lalo na nang sabihin niyang hindi naman sila pero bakit siya nito inaalok ng kasal.
Napakamot ito sa ulo at panay ang hugot at pagpapakawala ng malalalim na buntong-hininga.
"Akala raw niya kami, eh. Then I said yes kasi mahal ko naman talaga siya. We're so happy together..." Bumagsak nang tuluyan ang luha mula sa kanyang mata na agad naman niyang pinahid.
"Never had a dull moment when we were together. Masaya lang lagi. We've always talked about our future, if how many kids we want, their names... pero hindi nangyari ang lahat ng 'yon. Kinuha agad siya sa akin." Mas namalisbis pa ang luha sa kanyang pisngi.
Inabot ni Miguel ang mukha ni Audrey at pinahid ang luha sa kanyang pisngi. Nasa mukha ni Miguel ang simpatya para sa kanya. Marahan siyang kinabig ni Miguel sa katawan nito at masuyong niyakap.
"You really love him."
"He's my first love. At siya lang ang gusto kong mahalin at makasama habang buhay. Nang mawala siya nawalan na ako nang ganang mabuhay." Marahang hinaplos ni Miguel ang likod ng ulo ni Audrey nang tuluyan siyang humikbi.
"But you have to move on, Audrey." Paano? Kung hanggang ngayon ay hindi pa niya matanggap ang pagkawala ni Daniel. Hinawakan ni Miguel ang ilalim ng baba ni Audrey at bahagyang itinaas ang mukha niya para matitigan siya sa mata.
"Sa tingin mo ba magiging masaya si Daniel kung makikita niyang ikinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan? Enough with your past, Audrey. Maraming dahilan para maging masaya ka."
"Si Daniel. . ." Muling umagos ang luha sa kanyang pisngi.
"Siya ang kalahati ng buhay ko." Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Miguel at doon nagtangis. Ang tagal nang panahon na umiyak siya nang ganito at kay East lang siya parating naglalabas ng sama ng loob. Hindi niya gustong nagpapakita ng kahinaan lalo na sa ibang tao pero hindi niya mapigilan ngayon. Lahat ng depensang ginawa niya ay tuluyang nabuwag.
Marahang hinaplos ni Miguel ang likod ng ulo ni Audrey at inilapat ang labi sa tuktok ng ulo ng dalaga. Ang matapang na Audrey na nakilala ni Miguel ay ibang-iba sa babaeng nasa bisig nito ngayon. The woman in his arms is now vulnerable. Mahal na mahal nito si Daniel. Ramdam iyon ni Miguel. He could tell it by how she had revealed the pain of her vulnerability.
"KAYO na ba ni Miguel?" Malumanay na tanong ni Jem kay Audrey habang magkatabing nakaupo ang dalawa sa pabilog na upuang gawa sa matibay na kahoy.
Nakapaikot ang upuan sa bilog na mesang gawa rin sa matibay na kahoy. Nasa tapat lang iyon ng mga cabinang nakahilera.
Bumuntong-hininga si Audrey bago itinango ang ulo bilang tugon. Sinabi ni Miguel na siguradong kakausapin siya ni Jem at magtatanong ito tungkol sa kanila kaya para matigil lang si Jem ay sabihin na lang niyang may relasyon na sila ni Miguel. Tama nga siya. Ginawa lang siyang dahilan ni Miguel para patigilin si Jem.
Sumimangot si Jem. Nasa anyo ang pagkabigo at nakakaramdam siya ng awa para sa dalaga. Alam niya ang pakiramdam ng hindi man lang mapansin ng taong nagugustuhan. Ganoon sa kanya si Daniel noon. She secretly admired him pero hindi siya nito pinapansin pero ang totoo ay attracted din pala ito sa kanya. Hindi lang kayang magtapat dahil minsan ay narinig siya ni Daniel na sinabi niya sa kapwa babaeng kadete na wala namang kagusto-gusto kay Daniel.
"Matagal na ba kayong magkakilala?"
"Hindi naman. Nito lang."
"Easy to get ka rin 'no?" Hindi naman ito mukhang nang iinsulto. Sadyang harsh lang magkomento.
"Gusto ko naman siya, eh. Bakit ko pa papatagalin? At hindi ako ang naghahabol sa kanya." Jem "hmp" and rolled her eyes.
Ipinatong niya ang dalawang siko sa mesa sa likuran niya at itinangala ang ulo. Itinuon niya ang mata sa makapal na dahon ng mga puno na nilalaro ng panghapong hangin.
"Tingin mo seryoso sa 'yo si Miguel?"
"Bakit mo naman natanong?" Pinanatili niya ang mata sa itaas.
"Oh, well! Huwag mong mamasamain pero hindi ang katulad mo ang type ni Miguel, eh." Inilipat niya ang tingin kay Jem at bahagyang tumaas ang kilay niya.
"Ano ba ang tipo niya?"
"Mahinhin. Obviously hindi ka ganoon, daig mo pa ang lalaki noong muntik mo na akong balian ng buto. You are barbaric." Marahang natawa si Audrey.
"Si Cassandra. Ang katulad ni Cassandra ang tipo ni Miguel." Iyon ang narinig niyang pangalang sinabi ni Jem kaninang magkausap ito at ni Miguel sa cabin.
"Ex-Girlfriend niya?"
Umiling ito. "No. Kaibigan niya. Mahal niya pero hindi siya mahal. Baliw na baliw 'yan kay Cassandra. Si Cassandra lang ang babaeng kinabaliwan ng fuckboy na 'yan. Isipin mo, ah..." Marahas nitong ipinihit paharap ang katawan sa kanya na may kasama pang bounce.
"Gumawa siya ng isang bagay na baliw lang ang makakagawa. He had manipulated all people around him just to get Cassandra. Sinubukan niyang kunin ang kompanya ng pamilya ni Cassandra para lang pakasalan siya nito. Baliw 'di ba?" Bahagyang umawang ang bibig ni Audrey sa narinig. She straightened her back.
"Wow! He must really in love with her kaya nagawa niya 'yon."
"Yeah! He was head over heels in love with that girl. And take note, she's a single mother and he's willing to be a father of her child." Double wow! Nagugulat talaga siya sa mga nalalaman tungkol kay Miguel.
"And what happened next?"
"Ayon, nagpaubaya rin dahil hindi naman siya mahal ni Cassandra. Ang mahal nito ay ang tatay ng anak niya. . . Sandali nga lang. Hindi ka man lang nagtatanong kay Miguel ng tungkol sa sarili niya?"
Nagkibit siya. "His life before me doesn't really matter to me. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ang future. Ang mahalaga ay tama ang ginawang pagpapaubaya ni Miguel. Katangahan ang ipaglaban ang isang bagay na hindi mo naman pag-aari."
"Even love? Kahit ang taong mahal na mahal mo?"
"Kung mutual ang nararamdaman niyo dapat ipaglaban, but if it is one-sided love, then you should let the person go no matter how hard it is. Because no matter how much you love that person, if that person doesn't feel the same way as you do, then the relationship isn’t going to work."
Jem sighed heavily. "Bakit kasi hindi ako magustuhan ni Miguel. Kahit ginaya ko na si Cassandra wala pa rin. Gusto ko talaga siya bata pa lang ako."
"You should find another man. 'Yong mahal ka."
"Paano kung agawin ko siya sa 'yo?"
"Hindi mo siya maaagaw sa 'kin. Believe me." Inismiran siya ni Jem sa kompiyansa niyang sagot.
"Hays! Sino ba naman kasing hindi mababaliw sa lalaking 'yan, oh!"
Nilinga niya ang direksyong inginuso ni Jem only to find the hottest man alive. May ngiti sa labi habang naglalakad si Miguel palapit sa kanila. Isang body-hugging na white T-shirt at khakie cargo short ang suot nito. Yeah! She agreed with Jem. Kahit nga siya ay bumigay, eh. And darn! Gusto niya ulit masundan ang ginawa nila kahapon. She's still sore down there yet aches every time she sees Miguel. Wala rin kasi silang privacy para uliti iyon dahil kasama nila si Toffee sa cabina.
"Punta tayo sa resto ni Rufus, meryenda tayo," yaya ni Miguel hustong makalapit ito sa kanila.
"Sama ka, Jem." Inismiran lang ito ni Jem pero matamis lang itong nginitian ni Miguel.
"Sa cabin ka na lang matulog mamaya. Bukas na lang kita ipapahatid sa Manila."
Tumayo si Jem. "Napaka-insensitive mo talaga! Ano, gagawin mo akong watcher niyo ni Audrey while you fuck?"
Umawang ang labi ni Audrey sa walang prenong pagsasalita ni Jem.
"Sa cabin na lang ako ni Austin!" Inis silang iniwan ni Jem.
"Are you sure? Manyak 'yon," sigaw ni Miguel sa papalayong si Jem.
"I'd rather be sleeping with maniac kaysa sa bakla!" Jem shouted back at him without giving them a glance.
"Hindi ako bakla, ah!" Sigaw ni Miguel.
"Batang 'yon talaga! Hindi lang pinatulan bakla agad." Bubulong-bulong ito. At nang mabalingan siyang malapad na nakangiti na parang mauuwi na sa pagtawa ay siya naman ang kinunutan ng noo nito.
Sinundot ni Miguel ang pisngi niya.
"Ano ang nakakatawa?" Tumayo si Audrey.
"Wala. Tara na, bakla," biro niya at binuntutan ng bungisngis.
Nang lagpasan niya si Miguel ay bigla na lang nitong hinawakan ang palapulsuhan niya at hinila siya pabalik. Hinapit siya nito sa baywang at bigla na lang siyang hinalikan sa labi. Tanging ang umungol na lang ang nagawa ni Audrey dahil sa sarap ng halik nito. The taste of his lips were so addicting, kapag nalasahan ay hanaphanapin mo.
"Tingin mo bakla ako?" usal nito pagkatapos putulin ang halik. She pressed her lips together and shook her head.
"Definitely not!" she chuckled.
Hinawakan ni Miguel ang kamay niya at pinagsalikop ang kanilang mga palad saka sabay naglakad.
"Maraming iiyak na babae kung mangyayari 'yon. Minsan mahirap din maging guwapo, ah. Sometimes I don't know how to deal with these women who pursue and chase me."
"Tss. Yabang!" Tumawa si Miguel. Ipinaikot nito ang braso sa kanyang balikat pero nanatiling magkasalikop ang kanilang mga kamay. She couldn't contain her smile at his gesture. Kung umasta ang lalaking ito parang normal na nila itong ginagawa. Komportableng-komportable.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store