The Hunk Society 3: Tricked (Published under LIB Bare)
Chapter 24
Audrey woke up with her head feels heavy, it's like there's a tight band wrapped around her head, or screw drivers digging on her temples . Sumobra siya sa pag-inom kagabi. Binaklas niya ang pagkakatakip ng comforter sa kanyang katawan only to see that she's naked.
Huli niyang natatandaan ay hinatid siya ni East kagabi. Si Gabbie siguro ang nagtanggal ng saplot niya. Hindi man lang siya binihisan. Inihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha at pilit na bumangon.
Saglit siyang naupo sa gilid ng kama para mag-adjust sa nararamdamang bigat ng ulo bago siya tumayo, at naglakad patungon sa tokador para kunin ang roba na nakasampay sa sandalan ng silya. Isinuot niya iyon. Natigil si Audrey sa tangkang pagtali ng laso nang makita ang sarili sa salamin.
Muli niyang hinawi ang roba para ilantad ang katawan. Hinaplos niya ang pelat sa kanyang puson. Ang iniwang bakas ng trahedya; ang trahedyang kumuha ng lahat sa kanya.
Nagising siyang wala na sa Pilipinas. Nasa isang silid ng headquarter ng Commando Agency sa Russia at patay na si Daniel. Hindi niya iyon matanggap. Nagwala siya at hindi ininda ang sakit dahil sa pagbuka ng sariwang sugat. Wala rin siyang pakialam sa kung ano ang kalagayan niya. Wala siyang pakialam kung nawalan siya ng dalawang obaryo at fallopian tubes. Ano ang gagawin niya sa mga iyon kung ang lalaking gusto niyang maging ama ng kanyang magiging anak ay iniwan na siya.
Pero ngayon, biglang naging malaki ang epekto ng pagkawala ng kanyang obaryo. Hindi niya akalain na magmamahal ulit siya. Hindi niya akalain na kakailangan pa rin pala niya ang mga iyon.
Dalawang bala ang tumama sa kanya na mula sa mga dikalebreng baril. She had a gunshot wound to the abdomen, puncturing her ovary and the second shot was from a handgun. Malapitan siyang binaril mula sa likuran kaya mas naging matindi ang pinsala niyon. Nadurog ang right ovary niya at pati ang uterus ay nadaplisan pero naayos ang damage niyon kaya hindi kinailangan alisin.
Isinarado ni Audrey ang roba at itinali ang laso bago lumabas ng silid. Nalabasan niya si East at Gabbie na magkaharap na nakapangulambaba sa harapan ng pagkain.
"Hey?" kuha niya sa atensiyon ng dalawa. Sabay na bumaling ang dalawa sa kanya at pinunit ng ngiti ang tila nababagot na mukha.
"Finally, gising ka na! Kanina pa ako nagugutom." Umayos mula sa pagkakaupo si Gabbie at si East naman ay tumayo.
Muling ihinilamos ni Audrey ang palad sa mukha at hinagod ng kamay ang buhok saka pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.
"Bakit kinailangan niyo pa kasi akong hintayin?" Pinaghila siya ni East ng upuan. Nagpasalamat siya rito at naupo.
"'Yon ang gusto ni East. Wala naman akong magawa dahil siya ang nagluto," ani Gabbie habang naglalagay ng pagkain sa plato. Mukhang gutom na nga ang bata.
Tinakbo ni East ang kusina at pagbalik ay may dala na itong isang tasang kape.
"Black coffee." Inilapag nito ang tasa sa katabi ng platong nasa harapan niya.
"Sweet, ah?"
"Kelan ba hindi?" Muli itong umupo at siya pang naglagay ng pagkain sa plato niya.
"By the way, what happened last night? Sino ang nag-alis ng damit ko? Is that you Gabbie?"
"Yeah. Hindi na kita binihisan. Nananapak ka, eh."
"Oh, I'm sorry," she chuckles, lifting the cup off the table and brings it to her lips and sips small amount of fresh brewed coffee.
"Magpapakalunod ka na naman ba sa alak mamaya? Sabihin mo para hindi na muna ako babalik ng Bicol. Pero utang na loob, Drey. Walang hawakan ng titi, ah?" Muntik nang maibuga ni Audrey ang kape na iniinom.
Shit! Naalala nga niya ang ginawa kagabi.
"Wait! Did you wash my hands last night, Gabbie?"
"No!"
"Shit! Kanina ko pa hinahagod ang mukha ko." Mabilis na tumayo si Audrey at tinakbo ang lababo. Naghugas ng kamay pati na rin ng mukha.
"Ang arte, ah? Diring-diri na nakahawak ng titi pero hindi nangdidiring sinusubo?"
Ngumiwi siya sa sinabi ni Gabbie. Si East naman ay tumawa.
"Excuse me! I never did that!" Ipinunas niya ang basang kamay sa roba at bumalik sa upuan.
"Really?" Tumaas ang kilay ni Gabbie.
"Swear to God!" Well, nagsasabi siya ng totoo. Hindi pa siya umabot sa puntong isusubo niya ang ano ni Miguel. And Miguel never asked her to do such thing.
"Tsk tsk tsk. Kung matuloy man ang relasyon niyo ni Miguel, iiwan ka rin niya, inutil ka, eh."
Napipilan si Audrey sa sinabi ni Gabbie. She knows that! Nagyuko siya sa pagkain.
"Ouch!" Napaigik si Gabbie nang sipain ito ni East mula sa ilalim ng mesa.
"I'm just talking about blow-job! Sorry!" Hindi na niya ito pinansin. Nagsimula na lang siyang kumain. Kung tutuusin ay kasalanan ng dalawang ito kung bakit siya nasa sitwasyong ito. Kung hindi lang nito pinagtakpan ang totoong pagkatao ni Miguel e 'di sana hindi sila magkakalapit.
Pero hindi rin niya masisisi ang dalawa. Concern lang ito sa kanya, at utos rin pala ng papa nila na siguraduhing hindi niya uungkatin ang kaso ni Daniel dahil maaari na naman niyang ikapahamak. Pero dahil sa kagustuhan ni East na matulungan siya at magkaroon ng katahimikan, at para na rin mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila noon ay ito mismo ang gumawa ng paraan para malaman ang totoong nangyari kahit alam ng mga itong may kaakibat na kaparusahan ang ginawa.
MIGUEL dragged himself out of the bed as the door chime didn't stop from ringing.
Fuck! He will send whoever fucking the person outside the door in hell! Hindi man lang ba makaramdam na ayaw niyang tumanggap ng bisita?
Tuloy-tuloy niyang tinungo ang pinto na hindi na pinagkaabalahang ayusin ang sarili. Isang boxer shorts lang ang kanyang suot. Handa na siyang bulyawan ang kung sino man ang nasa labas pagbukas niya ng pinto pero nabitin ang mga salitang gusto niyang pakawalan nang makita ang kanyang amang si Rufert ang nasa labas.
Bitbit nito ang isang vintage leather liquor carrier.
"P-papa?" Nauutal niyang sambit. Mukhang siya yata ang ihahatid sa impyerno nito.
Hinagod siya nito ng tingin at ang dati ng nakakunot na noo ay lalong nangunot.
He stepped aside as his father stepped forward to get in. His gaze wandered around the pad as he entered. Ilang segundo nitong sinuri ang kabuoan ng pad bago muling naglakad. Isinara ni Miguel ang pinto at sumunod sa amang tinungo ang media and bar area. Naupo ito sa isa sa mga couches doon. Behind of that long couch is bar countertop.
Ipinatong nito ang dala sa mesa at binuksan. Inilabas mula roon ang alak. Ang isa sa mga koleksiyon nitong alak. The first vintage spirit his father had. That vintage liquor has been officially recognized by Guinness World Records as the oldest cognac sold at the auction fetched $59,000. Mula nang mabili nito ang alak na iyan sa isang auction sa New York ay nagsimula na ang pagkahumaling nito sa pangungulekta ng mga alak na mas matanda pa sa lolo't lola niya sa tuhod. Bukod sa alak ay nasa loob din ng carrier ang isang wrist watch.
Tiningala siya ng ama. "Wala ka bang balak magbihis?"
"Magbibihis po," mabilis niyang sabi at papaalis na siya nang muli itong nagsalita.
"Get me a glass and ice and diced of mature Roquefort cheese."
Nag-alangan siya. Wala siyang mature Roquefort cheese or even fresh. Processed cheese lang ang meron siya sa kusina. Fuck the rules of cheese and cognac pairing.
He had learnt from his father that fresh cheeses generally go with younger cognacs, and mature cheeses with older ones. Pero sandali, hindi naman siguro nito iinumin ang alak na 'yan. Eh, mas may value pa yata 'yan sa buhay niya.
Tinungo niya ang kusina, ipinagpaliban na muna niya ang pagbihis. Kumuha muna siya ng mga hiningi ng ama. Sa halip ng Roquefort cheese ay Eden cheese ang inihanda niya. Eden brand ang paborito ni Rufus. Kapag nandito iyon lagi siyang hinahanapan ng Eden cheese para magpapak lang kaya lagi siyang may stock. Kapag hindi Eden cheese ay hindi ito kakain at madalas ay kokonsensyahin pa siya. Ang gusto niya sa abnoy niyang kaibigan ay kahit Eden cheese lang ipakain mo ay masaya na.
"Sorry, papa, wala akong ibang cheese maliban diyan." Paliwanag niya nang makita ang pagsimangot nito.
Kinuha nito ang toothpick na nakatusok sa cheese na hiniwa niya sa maliliit na piraso.
"Hindi mo ba ako sasamahang uminom?" Isinubo nito ang keso.
"I'll get another glass, 'Pa." May pagtatakang sabi niya. Seryoso ba 'to? Iinom sila? Hindi kailanman nagyayamg uminom ang kanyang ama lalo kung siya ang kasama. Madalas ay nakakasama niya ito sa ganitong bagay kung kasama ang mga iba pang negosyante. Ginto ang oras nito para sayangin sa mga ganitong walang kwentang bagay; walang kwenta para sa kanyang ama.
Muli sana itong tutusok ng keso pero natigil at tiningnan siya. Tinaasan siya nito ng kilay sa hindi niya pagkilos.
"Sorry." Mabilis niyang tinakbo ang liquor rack at kumuha ng whisky. Binuksan niya iyon at inilagay sa mesa.
Lalong sumimangot ang ama na mukhang hindi nagustuhan ang ginawa niya.
"Itabi mo 'yan. Hindi ko 'yan gusto. Magbihis ka, ikuha mo ako ng ah-so wine opener at umupo ka rito. Go!" Ma-awtoridad nitong utos.
Mabilis namang tumalima si Miguel. Ibinalik niya ang alak na kinuha. Tinakbo ang pagtungo sa silid at agad na nagbihis at inayos ang sarili saka muling lumabas. Kumuha muna siya ng wine opener bago binalikan ang ama.
"Here." He tapped the space besides him, motioning for him to sit down there. Nabitin sa hangin ang tangka niyang pag-upo sa pang-isahang couch.
Nagtataka na talaga siya sa nangyayari. Umupo si Miguel sa tabi ni Rufert.
"I can smell alcohol on you. Mukhang kakainom mo palang," anito na kinuha ang alak na dala sa mesa.
"Ahm... kanina medyo tumikim lang." Kagabi uminom siya, tanghali na siyang nagising at sa halip na pagkain ay alak ang pinili niyang ilagay sa sikmura. Muli siyang nakatulog at nagising lang sa walang tigil na tunog ng doorbell. Alas tres ng hapon palang naman.
"Kailan pa po kayo dumating? Pasensiya na ho, kung hindi pa ako nakakabalik sa trabaho. Maybe this week--"
"It's a Gautier Cognac 1762, a 257-year-old spirit," pakli ng ama sa sinasabi ni Miguel.
"This vintage liquor has been officially recognized by Guinness World Records as the oldest cognac sold at a public auction and I was lucky to have it in my hand."
"That's amazing!" He genuinely commented.
"This vintage liquor was found between 1880 and 1890 at Lachaise, Cognac, France and was owned by the Donsir family until it was sold at the auction."
Kinuha ni Rufert ang ah-so wine opener at binuksan ang alak na ikinabigla ni Miguel. Kilala niya ang kanyang papa. Kailanman ay hindi nito binuksan ang kahit isa sa mga koleksiyon nitong alak. Isa iyon sa kayamanan nito. And those are too expensive to drink and flash out of your body afterwards. Para kang nagtapon ng kayamanan.
Mas ikinabigla ni Miguel nang isalin nito ang alak sa dalawang baso matapos nito iyong lagyan ng yelo. Inilapag nito ang bote, kinuha nito ang dalawang baso at inabot sa kanya ang isa.
"Take it," alok nito nang makita ang pag-aalangan niya. Kinuha niya iyon.
Inamoy ni Rufert ang alak na nasa baso at tila bangong-bango ito na nasisiyahang napangiti bago sumimsim. Sa ekspresyon ng mukha nito ay mukhang masarap.
"Is this still drinkable?" May pagdududa niyang tanong. Ika nga ng iba, alcohols are more refined and better taste with age. Pero napakatanda na nito, pati ang label ay halos dina mabasa.
"Of course. But we can't polish this bottle, baka parehas ospital ang bagsak natin."
Sumimsip si Miguel ng alak sa baso. The combination of grilled nut, dried fruit, and spices emerge after the first sip. Ngumiwi siya. Hindi masarap. Tang-ina! Doble ang init at anghang na gumuguhit sa lalamunan niya patungong sikmura. Masusunog bituka niya nito. The spirit was too strong kumpara sa mga VS (Very Special) cognac; the most popular type of cognac. VS category means cognac has been aged at a minimum of two years. Great for the beginner cognac connoisseurs, as they are relatively light, fruity and boast a sweet vanilla flavor and he prefers this one than XO (Extra Old) cognac- the one they are consuming now. This too much for his liking.
Malapad siyang ngumiti nang bumaling sa kanya ang ama. "Damn! This is delicious!" He wants to throw up. Tumusok siya ng keso at mabilis na kinain para makontra ang lasa. Ayaw naman niyang ma-disappoint ito. He was used to be pleasing his father at sa ganito pa ba niya ito idi-disappoint.
Kinuha ni Rufert ang wristwatch mula sa lalagyan.
"That's exquisite timepiece," komento ni Miguel.
"Nagustuhan mo?"
"Yeah." Inabot nito ang relo sa kanya.
"Suot mo nga." Inilapag niya sa mesa ang baso at isinuot iyon.
"That swiss watch is special. I collaborated with the best Swiss timepiece manufacturer to create that. I saw a company did that before at naisipan ko ring gawin. A Cognac Watch."
"A Cognac watch?" Itinuro ni Rufert ang tila gintong likidong nasa loob ng maliit na bilog kung saan nakaukit ang Cognac 1762.
"That's a drop of this spirit." Woah! A swiss watch with a drop of 1762 Gautier Cognac.
"This is fantastic!" Mahina niyang bulalas.
"I'm glad you like my gift."
"Gift?"
"Bukas ang kaarawan mo. In-advance ko na ang regalo ko dahil magiging abala ako bukas dahil sa mga iniwan mong trabaho. Saka paniguradong mga kaibigan mo lang ang kasama."
Hindi nakapagsalita si Miguel sa pagkamangha. Bukas nga pala ang kaarawan niya. Nawala sa isip niya. Pero ang ang totoong nakapagpatameme sa kanya ay ang regalo ng ama. Hindi na niya matandaan ang huling regalong ibinigay nito sa kanya. Matagal na panahon na rin. Pero lahat ng iyon ay hindi naman ito ang personal na nagbibigay sa kanya. Ang sekretarya niya, ang driver niya o di naman ay ang kanyang mama.
"Hindi ko na maalala kung kelan kita huling binigyan ng regalo. Wala na kasi akong maisip na maaari pang ibigay sa 'yo." Lahat kasi ay naibigay na nito.
"A month ago pinagawa ko 'yan. I think it's unique. Sana nagustuhan mo."
"Of course. This is special. Ikaw mismo ang nagbigay." Hindi maitago ni Miguel ang kasiyahan. Ngumiti si Rufert. May lungkot ang mga ngiting iyon.
"Is this the first time that I gave you a gift personally?" Tumango si Miguel at niyuko ang relo. He likes the idea of putting a drop of liquor on it. That's brilliant. But he loves the fact that his father gave him a birthday gift personally for the very first time.
"I'm sorry for that." Nag-angat si Miguel ng tingin sa ama.
"It's okay, 'pa."
Mapaklang tumawa si Rufert.
"Mula pa man noon, lahat ng sabihin namin ng mama mo sa 'yo, okay naman talaga sa 'yo lagi even it makes you feel unloved and abandoned."
Parang nanikip bigla ang lalamunan niya sa narinig mula sa ama. Kinuha niya ang alak at inisang lagok iyon. Hindi na komontra pa sa panlasa niya ang tapang ng flavor niyon. A kind of emotion that started bubbling within him vanquished it. May nasabi na yata ang kanyang mama sa naging pag-uusap nila. Sana ay hindi nito iyon masamain.
"I was working so hard to build a stronger company. Little mistakes can quickly snowball into a costly endeavor that might be damaging the business or cause it to fail. So, I've been spending my free time thinking different types of strategies to make our company standout in a crowd of competitors and to make it more profitable at para maiwasan ang crisis na kinatatakutan ko. I hate the idea depending on other people's money and power in order to survive. I'm afraid that I might be using you and Daniel to save our company the same thing what your grandpa did to me."
Hindi umimik si Miguel. Nanatili siyang nakatitig sa ama. Seryosong nakikinig. Ito ang unang beses na pag-usapan nila ang kompanyang walang awtoridad sa boses nito; hindi boss kung magsalita kundi isang amang nakikipagkwentuhan sa isang anak.
Noon, naririndi siya kapag laging pinapaalala sa kanya ng ama ang dapat gawin para manatiling matatag ang kompanya nila. Galit na galit ito kapag nagkakaroon ng problema kahit napakaliit na bagay na imposibleng makaapekto sa kompanya.
"You are not a product of love, Miguel." Miguel remained silent kahit gusto niyang magtanong kung ano ang ibig sabihin nito.
"Humarap sa napakalaking problema ang kompanya noong si papa pa ang namamahala. Walang investor na gustong kapitalan ang kompanya ng walang malaking kapalit kahit mga kaibigan niya. Ang iba gustong bilhin ang kompanya pero ayaw ng lolo mo. Ang iba, mas malaki ang profit na gustong makuha at ang pinaka the best offer na inalok sa papa ng kaibigan niya, ng Lolo Renato mo ay ang pakasalan ko ang mama mo. Gusto ng Lolo Renato mo na pakasalan ko ang mama mo para naman daw kahit paano ay ang pamilya pa rin nila ang makinabang sa kompanyang iaahon nila sa crisis. Nang mga panahon na 'yon, sikat na sikat ang mama mo sa pagmomodelo at may nobyo; isang messenger sa kompanya na inaayawan naman ng papa niya."
Niyuko nito ang hawak na baso at muling sumimsim ng alak bago nagpatuloy.
"Ayaw sa 'kin ng mama mo. Binalak pa nitong makipagtanan sa nobyo niya nang malaman ang balak ng pamilya sa amin. Sa kagustuhan kong maisalba ang kompanya. I did a terrible thing. I raped your mother and she got pregnant." Nanglaki ang mata ni Miguel sa matinding pagkabigla. Maging ang tibok ng puso niya bigla ang pagbilis.
"Ikaw ang bunga. Your mother wants to press charges against me but his father force her to marry me instead at wala siyang nagawa dahil nagbanta ang Lolo Renato mo na ipapakulong ang nobyo nito... We secretly got married pero suklam na suklam ang mama mo sa 'kin. Walang nakaalam na ikinasal kami maliban sa miyembro ng pamilya. Nagpatuloy siya pagmomodelo matapos niyang manganak at itinago namin ang tungkol sa 'yo. Kaya hindi ka niya magawang samahan sa escuela, hindi ka maipasyal... years had passed and your mother got pregnant again at ganoon pa rin ang naging set up. Patuloy siya sa pagmomodelo at walang nakaalam ng tungkol sainyo. Pero nang oras na para mag-aral si Daniel nagdesisyon na ang mama mo na tumigil sa career niya. And we decided to fix our relationship para sainyo."
Pero ng mga panahon na iyon ay wala paring oras ang mama niya sa kanya. Kay Daniel lang ito laging may oras.
"Ibinuhos niya ang lahat ng oras niya kay Daniel. Gusto niyang gawin ang mga bagay na hindi niya nagawa sa 'yo habang ako, walang ginawa kundi ang patatagin ang kompanya para hindi niyo maranasan ang naranasan namin. Natakot akong baka kahit hindi ko gusto ay gawin ko rin sainyo ang ginawa ni papa sa 'kin kung kinakailangan. I want you to choose a woman you want to marry someday."
"Habang lumalaki si Daniel, napansin namin ng mama mo na ibang-iba ang ugali niya sa 'yo. Makulit at basta gusto niya ang isang bagay kailangan niyang makuha at minsan pa nagwawala. Your mother suspected that Daniel has attention deficit hyperactivity disorder. Natakot siyang baka naapektuhan ito dahil sa pag-inom niya ng contraceptive pills at iba pang gamot na hindi niya alam na buntis na pala siya. Pero ayon sa doktor wala naman. Daniel was a healthy kid but your mother is too afraid that doctor might have mistaken kaya nag-focus siya sa kapatid mo..." Saglit na tumigil si Rufert at matamang tinitigan si Miguel.
"We focused on Daniel but we forgot that you need also an attention. Siguro, dahil sa pagiging masunurin mo kaya akala namin ayos lang. Yes mama, yes papa ang laging sagot mo sa lahat ng sinasabi namin. You had been always obey what we command.
Despite your very young age you are very responsible and mature. Kaya kay Daniel ni Esmeralda ibinuhos ang lahat ng oras para gabayan si Daniel. He needs a lot of attention dahil sa kakaiba niyang ugali. Walang tumatagal na yaya sa kanya habang ikaw paborito ng yaya mo. Walang naging problema sa 'yo habang kay Daniel ay marami."
"Kaya mas pinili naming ibigay ang pangangailangan at lahat ng gusto niya dahil baka kako magbago rin but it's useless dahil napakatigas ng kapatid mo. Ayaw sumunod, ayaw ng kinokontra pero madaling mapaikot ng mga kaibigan at mga babae. Nagawa pang maglayas at pumasok ng PNPA kahit kontra ako sa gusto niyang 'yon, kaya sa galit ko tinikis ko siya pero kakaiba ang batang 'yon. Napakatigas at napakatapang. Ipinakita niyang hindi niya kami kailangan. Hindi niya ako kailangan and that's infuriated me. Sa kabila ng lahat ng ibinigay at ginawa namin sa kanya ganoon pa ang isusukli niya."
Tumiim ang mukha ni Rufert. Ang pagkakahawak nito sa baso ay humigpit. Walang siyang nakikitang galit sa ekspresyon nito kundi matinding kalungkutan.
"Nang bumalik siya kasama ang fiancee niya inalok ko sa kanya ang posisyon ko bilang CEO even he is not capable of running the company para lang bumalik siya. Naisip kong nandito naman ako at ikaw to guide him. Akala ko mas pipiliin niyang tanggapin ang alok para sa kinabukasan ng magiging pamilya niya pero hindi... wala raw siyang balak bumalik, ipinaalam lang niya ang pagpapakasal niya bilang respeto sa amin. That's bullshit! Ngayon saan siya dinala ng tigas ng ulo niya? Hindi ba sa h-hukay!" Pumiyok ang boses nito, senyales ng pagiging emosyonal.
Humugot ito ng malalim na hininga.
"Ginawa lang namin ang tingin naming tama ng mama mo para sa ikakabuti ng kapatid mo but we weren't considering you. And I'm so sorry for that. But don't you ever think that you had been always a second choice, Miguel. Your position as a CEO... you deserve that. Para sa 'yo talaga 'yan, ikaw lang ang karapat dapat sa posisyon na 'yan. You have all the qualities and characteristics of a good leader. Walang reklamo sa 'yo ang mga board members at mga staff pagdating sa trabaho maliban sa pagdala mo ng iba't ibang babae sa loob ng opisina mo."
Marahang natawa si Miguel.
"Pero alam kung pihikan ka sa pagpili ng magiging reyna mo. Kaya wala kong dapat ipag-alala sa bagay na 'yan. But a piece of advice, son. Don't you ever force yourself into a relationship with a woman who doesn't love you like what you did to Cassandra Lopez. Huwag mong ulitin ang ginawa ko."
Marahang tumango si Miguel. Iyon ang problema niya. Ang mga babaeng gusto niyang iharap sa altar ay hindi siya magawang mahalin.
Nilagok nito ang natitirang alak sa baso at tumayo matapos ilapag sa mesa ang baso.
"I need to go. Your mother asked me to drive her. Bibili raw siya ng regalo para sa 'yo. Kailangan niya raw tapatan ang regalo ko. But I don't think she can find as unique as mine." Walang masabi si Miguel. Walang kahit anong salitang kayang ilarawan ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.
Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaligayahan sa pakikipag-usap sa kanyang papa. Hindi niya tuloy malaman kung nanaginip lang ba siya.
Ipinatong ni Rufert ang kamay sa balikat ni Miguel at mariing pinisil iyon.
"Your mother and I love you. We are proud of you, son." Pinagtagis ni Miguel ang mga ngipin at pinanatili ang matang nakatuon sa ibang bagay. Hindi sinubukang tingalain ang ama dahil tiyak magiging emosyonal siya.
Binitawan nito ang balikat niya at tuluyang umalis. Ang luhang kanina pa nagbabadya ay tuluyan nang kumawala. Those are tears of joy. Buong buhay niya inasam niyang marinig ang mga iyon mula sa ama. Sumilay ang ngiti sa labi niya habang katitig sa kanyang bagong relo.
Ngayon ay mas nauunawaan na niya. Mas naliwanagan siya at parang may naalis na napakibagat na bagay sa dibdib niya na halos dala-dala niya mula pagkabata palang niya. Kung sana pala noon pa siya naging bukas sa nararamdaman niya mas maaga silang nagkaunaawan ng kanyang ama. Baka mas naging mas malapit pa sila. Baka mas nagawa pa nilang magtulungan para kay Daniel. Ang daming panahon ang nasayang.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store