The Hunk Society 3: Tricked (Published under LIB Bare)
Chapter 18
Tawang-tawa ako sa gumawa nito.😂
SUMAMA si Miguel kay Audrey papuntang sementeryo. May inarkila itong sasakyan at iyon ang ginamit nila. Pagkatapos daw nilang pumunta ng sementeryo kung maaari raw silang mag-usap. May gusto raw itong sabihin sa kanya.
Medyo naiilang din siya sa patingin-tingin nito sa kanya habang nagmamaneho. Para bang may bumabagabag dito.
"Kung may gusto kang sabihin o itanong please, speak. Mukha kang tanga riyan."
Hinaplos nito ang likod ng ulo at bahagyang ngumiwi. Tumikhim ito saka ginagap ang kanyang kamay. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho habang hawak ang kamay ni Audrey. Niyuko niya ang kamay nilang dalawa, kapansin-pansin ang tila hindi mapakaling kamay nito, indikasyon ng nerbiyos.
Mula sa kamay ay nilinga niya si Miguel na nakatuon ang tingin sa unahan.
He's nervous. But why?
"Ahm... kayo ba ni East gan'on talaga ka-close?"
"What do you mean?"
"Pinuntahan kasi kita sa kwarto mo n'ong nakaraang gabi then I saw you and East... magkayakap."
"Iniwan mo si Cassy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Audrey. Well, she didn't expect na iiwan nito si Cassy sa ganoong kalagayan para lang puntahan siya.
"After she fell asleep."
"Eh, ikaw, Miguel. Ano ba si Cassy sa buhay mo at ganoon na lang ang pag-alala mo sa kanya?"
Muli nitong itinuon ang mata sa unahan nang ilang sandali bago muling tumingin sa kanya.
"A friend."
Sinungaling! Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito, pinagkrus ang nga braso sa ibabaw ng dibdib at itinuon na lang ang mata sa labas. Bakit hindi na lang magsabi ng totoo?
Dumaan sila sa isang flower shop, bumili ng bulaklak para sa puntod ng magulang bago nagtungo sa sementeryo. Hinaplos ni Audrey ang nakaukit na pangalan ng kanyang nanay sa lapida. Magkatabi ang nitso ng kanyang mga magulang. Sa isang row and column tombs nakalibing ang labi ng kanyang mga magulang.
Sayang lang at hindi niya maalala ang mga ito. Hindi niya maalala ang magandang memories kasama ang magulang. Kung paano siyang alagaan at mahalin ng kanyang mga magulang. Kung ano ang kanilang pamumuhay noon. Blanko ang kanyang memorya sa kanyang nakaraan. She tried to retrieve her memories pero ayaw talagang bumalik. Sinubukan na niyang magpatingin sa iba't ibang espesyalista pero wala ni isa sa mga ito ang nakatulong sa kanya.
Hinaplos naman niya ang lapida ng kanyang amang si Edgardo.
"Pinapangako kong mabibigyan ko kayo ng hustisya. Malapit na 'tay, malapit na malapit na."
"Audrey," kinalabit siya ni Miguel na nagsusumiksik sa likod niya.
"Miguel, bakit ba?"
"Tingin mo white lady 'yon?" Pa-simple nitong inginuso ang babaeng nakatayo sa harapan ng nitso, hindi kalayuan sa kanila. Isang white formal dress ang suot nito. May bulaklak na nakapaikot sa ulo nito. Medyo namumula ang mata, mukhang galing sa pag-iyak.
"I think so. Maybe she's a ghost bride." Lalong sumiksik si Miguel sa kanya nang dahan-dahang maglakad ang babae palapit sa kanila habang nakatitig sa kanila.
"Kaya mo siya 'di ba?"
Kunot-noo niya itong nilingon. "Ikaw dapat ang nagtatanggol sa 'kin. Alam mo, titi mo lang talaga ang may pakinabang, 'no?"
Nagkamot ito sa noo. "Mag-aaral na ako ng martial arts para sa 'yo. I promise that. Ayaw ko naman na titi ko na lang lagi ang napupuri."
"Better," aniya saka muling ibinaling ang tingin sa babae.
"Hindi ako multo kung 'yon ang iniisip niyo." Aliw na bumungisngis ang babae dahil sa itsura nila.
"Eh, bakit ganyan ang suot mo? Para kang cursed bride," si Miguel na nakahawak sa balikat ni Audrey mula sa kanyang likuran.
"Ganito talaga ako kapag dumadalaw sa asawa ko tuwing anibersaryo ng kanyang kamatayan. Araw kasi ng kasal namin nang mamatay siya ."
"I'm sorry to hear that." Bigla ay naalala na naman niya si Daniel. Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay.
"Ahm, kaano-ano niyo pala si Mang Edgardo at Aling Marites?"
"Kilala mo ang mga magulang ko?" Bumaha ang pagkamangha sa mukha ng babae.
"Ikaw si Audrey?"
"Kilala mo rin ako?" Siya naman ang nagulat.
"Hindi mo na ba ako naaalala? Ako 'to si, Hilda, kababata mo. Grabe! Jusko! Ang ganda mo! Saan ka ba napunta at ngayon ka lang napadalaw."
"Sorry. Wala kasi akong maalala sa nakaraan ko pagkatapos ng trahedya."
Minsan ay dumadalaw naman siya sa puntod ng kanyang magulang pero wala siyang natyempuhang nakakakilala sa kanya. Wala rin naman daw silang kamag-anak dito dahil dayo lang daw ang kanyang magulang sa lugar na ito. Madalas din ay nasa ibang bansa siya dahil sa misyon kaya madalang talaga siyang makadalaw sa puntod ng magulang. Mula pagkabata niya ay sa Baguio siya naglagi, kung saan naroon ang training camp ng Commando.
"Ganoon ba? Napakasaklap ng nangyari sa inyo, ano? Hindi man lang nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang mo. Mabuti na lang at hindi nadamay si Lolo sa nangyari. Kaya nga lang, nawala siya sa sarili matapos masaksihan ang karumaldumal na krimen."
"Nasaksihan ng lolo mo ang nangyari? "
"Oo, 'yon ang sabi nina nanay."
"Pero bakit hindi nila ito ipinaalam sa awtoridad? Ang lolo mo ang susi para malutas ang krimen."
"Ayaw nina nanay. Baka mapahamak daw kami kung ginawa nila 'yon. Saka isa pa, nawala nga sa sarili si lolo. Hanggang ngayon... sandali! Gusto mo sumama ka sa 'kin? Siguradong matutuwa sina nanay kapag nakita ka. Saka malay natin, baka bumalik ang katinuan ni lolo kapag nakita ka."
"Sige." Baka sakaling may makuha siyang impormasyon na makakatulong sa kaso. Maraming siyang tanong. Paano siyang hindi kasamang napatay? May lalaking pumasok ng silid at pinatay ang batang kasama niya. Si Yvonne Sorlin. Namatay din ang babae pero bakit siya hindi. Paanong nangyari? Ayon sa kanyang papa na kasama sa mga rumespunde ay natagpuan siyang tulala nito habang si Toffee na isang taong gulang palang noon ay nagtagpuan sa tabi ng duguan at walang buhay na mga magulang nila.
Tuwang-tuwa ang mag-asawang Minerva at Pascual nang makita si Audrey. Maging siya ay natutuwa rin na makita ang mga ito kahit wala siyang maalala. Lalo't panay ang kwento ng mga ito tungkol sa mga magulang niya at kung gaano siya kakulit noong bata pa siya. Ang laki-laki raw ng pinagbago niya.
Niloloko pa ng mag-asawa si Hilda. Si Hilda raw parang walang nabago sa itsura pero si Audrey parang ang laki ng pinagbago. Ang layo raw ng itsura niya noong bata pa siya.
"Anong shampoo gamit mo? Nagpa-rebond ka ba?" Marahang natawa si Audrey sa pagkamangha ni Hilda sa buhok niya.
"Hindi. Ganito na ito bata palang ako."
"Hmp! Hindi kaya. Mas matigas pa buhok mo sa 'kin noon, eh. Share mo naman sekreto mo." Muling natawa si Audrey at hinaplos ang mahaba at madulas na buhok.
Tumayo si Audrey nang makita ang paglabas ng isang matandang nakaupo sa wheelchair mula sa silid. Tulak-tulak ito ni Mang Pascual.
"May bisita ka, 'tay. Si Audrey. Anak ni Edgardo at Marites." Tila walang naririnig ang matanda. Nakatulala lang ito. Humakbang si Audrey palapit sa matanda at umupo sa harapan nito.
Ang mata nito ay nakatingin lang sa kawalan. Walang buhay. Walang interes sa mga bagay na nasa paligid.
"Hello po." Ang walang buhay na mga mata ng matanda ay matagal na tumitig sa kanya hanggang sa kumurap iyon. Unti-unting nagkaroon ng emosyon.
"Faye," mahina nitong usal.
"Ako po si Audrey."
"Bumalik ka. Bumalik ka. Bumalik ka na. Ang halimaw. Kinuha ka ng halimaw. Kinuha ka ng halimaw! Ang halimaw!" Paulit-ulit nitong sabi. Mukha itong takot na takot.
"Ano po ang nangyayari?" Tanong niya sa mag-asawa.
"Nang umuwi siya noon ganyan din ang mga sinasabi niya. Halimaw. Kinuha raw si Ma'am Faye ng halimaw at si Señorita Yvonne."
"Halimaww!" Tumayo si Audrey nang mag histerikal nang tuluyan ang matanda.
"Naku! Pasensiya na, Audrey, pero mukhang hindi mo talaga makakausap si tatay sa kalagayan niya. Hindi ko alam kung babalik pa ba ang katinuan niya."
"Hindi niyo po ba siya pinatingnan sa psychiatrist?"
"Gustuhin man namin, wala kaming magawa. Napakamahal ng psycho-- psycho--"
"Psychotherapy," pakli ni Hilda sa ina.
"Ayon, therapy sa utak. 'Di namin kaya."
Magastos nga ang pagpapagamot lalo't walang kasiguraduhang kung gagaling. Katulad niya, regular siyang sumasailalim sa psychotherapy to retrieve her lost memories but up until now nothing happened. Mas makakatulong pa yata sa kanya kung babalikan niya ang lugar na pinagmulan niya. Katulad na lang ng nangyari sa kanya sa pagtitipon.
"Mabuti pa, Audrey, sa susunod mo na lang si tatay kausapin. Pero tingin ko, makakatulong ka sa paggaling niya. Ilang taon na si tatay na ganito. Walang pakialam sa paligid at ngayon lang nag-reak ng ganito."
"Mabuti pa nga po. Babalik na lang ho ako."
Nagpaalam na nga si Audrey sa mag-anak. Pero babalik siya. Baka sakaling nakikilala ni Lolo Roberto ang iba pang salarin sa krimen.
"Balik na tayo sa isla," aniya kay Miguel nang nasa sasakyan na sila.
"Mamasyal muna tayo. Punta tayo sa San Carlos, sa kababata ko."
"Ano nga pala ang sasabihin mo sa 'kin? 'Di ba sabi mo mag-uusap tayo?"
"Ahm... oh, look!" Itinuro nito ang fruit stand sa gilid ng kalsada.
"Mangosteen. Gusto mo ba?" Dali-dali nitong inihinto ang sasakyan at bumaba. Obvious na umiiwas sa mga tanong niya.
Hinayaan na lang muna ni Audrey ang binata. Hihintayin na lang niya kung kelan nito gustong sabihin ang anumang gusto nitong sabihin. Pero curious siya, hindi kaya aalikun na siya nito ng kasal.
Natatawang napailing na lang si Audrey sa mga naiisip niya. Ganoon na ba talaga siya nahulog sa lalaking ito para isipin ang mga ganitong bagay? Nang mamatay si Daniel, sinabi niya sa sarili niya na hinding-hindi na siya magmamahal pa ng iba pero nagkamali siya, because here she is, deeply in love with Miguel now. Sigurado siya sa bagay na iyon. Ganitong-ganito ang nararamdaman niya kay Daniel pero ang pagkaiba lang ay makalakip na takot ang nararamdaman niyang pagmamahal sa lalaking ito na hindi niya maintindihan kung bakit.
Huminga ng malalim si Audrey nang bigla ay mahagip ng kanyang paningin ang isang bagay sa driver seat na binakante ni Miguel. Her forehead furrowed in curiosity. Parang pamilyar ang bagay na iyon sa kanya. Kinuha niya iyon at pinakatitigan ang napakagandang singsing. Bawat detalye ay kanyang sinuri.
The platinum ring was resplendent with blue and white diamonds. Isang may kalakihang asul na dyamante ang nasa gitna habang maliliit na clear diamond naman ang nakapalibot sa band.
This is a heirloom ring. Heirloom ring ng pamilya Montecillo. Ibinigay ito ng lola ni Daniel sa binata para ibigay sa babaeng pakakasalan nito. Ito ang singsing na ibinigay sa kanya ni Daniel nang mag-propose ito sa kanya. Nawala lang ito nang mangyari ang pananambang sakanila. Alam niyang kinuha iyon ng staff sa ospital kung saan sila dinala at siguradong naibalik iyon sa pamilya ni Daniel.
Bakit nandito ito? Unti-unti siya nag-angat ng tingin at mula sa malayo tinanaw niya si Miguel na kumakain ng Mangosteen habang masayang nakikipag-usap sa tindero.
Miguel. Miguel ang kapatid ni Daniel. Hindi! Imposible! Imposible! Nakita na niya ang kapatid ni Daniel. At kinumpirma mismo iyon ni Daniel sa kanya. Isinandal ni Audrey ang ulo at ipinikit ang mata. Inalala ang unang beses na makita niya si Miguel Montecillo, ang nakatatandang kapatid ni Daniel.
"Stupid! Simpleng bagay hindi niyo pa magawa ng maayos!" Habang nakaupo sa couch sa visitor area ng Universal Telecom Building ay nakuha ng lalaking galit na galit ang atensiyon ni Audrey.
Kahit maraming tao walang pakundangan nitong pinapagalitan ang isang babae. Kitang-kita ang nerbiyos ng babae habang nakayuko, kipkip ang folder sa dibdib. Bawat bulyaw ng lalaki ay napapaigtad ang babae. He's ruthless!
A wolf in a suit!
"Go and fix that!" Malakas nitong sigaw at iwinasiwas ang kamay sa ere.
"Y-yes, sir!" Nagmamadaling umalis ang babae.
"Sobra talaga ang sama ng ugali ni Mr. Monticello. Mabuti na lang talaga at hindi 'yan ang boss ko." Mula sa lalaki ay bumaling ang tingin niya sa dalawang babaeng dumaan.
Mr. Monticello?
Her gaze averted back to the ruthless man who is now walking to her direction habang may kausap sa cell phone nito. Ito kaya ang kapatid ni Daniel?
Huminto ito malapit sa kinaroonan niya, sapat para marinig niya ang pakikipag-usap nito.
"Daniel is back. Madadagdagan pa ang kaagaw ko." Nasa tono nito ang pagkauyam. Mukha ngang ito ang kapatid ni Daniel at mukhang hindi nito gusto ang pagbalik ni Daniel.
Tinaasan niya ito ng kilay nang magawi ang tingin sa kanya. Sadyang pinahatid sa lalaki na narinig niya ang pakikipag-usap nito. Umalis ito. Sinundan niya ng tingin na naglakad patungong exit.
Napaigtad si Audrey nang may humalik sa kanya sa pisngi pero malapad na ngumit nang mabalingan si Daniel na bagamat nakangiti ay hindi naman iyon umabot sa mata. Napakalungkot ng mga mata nito.
"Let's go?" wika niya saka tumayo. Binigyan lang siya nito ng tipid na tango. Ikinawit ni Daniel ang kamay sa kanyang baywang saka naglakad patungong exit, sa parking space.
"Nakumbinsi mo ba silang dumalo sa kasal natin?" Tinutukoy niya ang magulang ni Daniel. Nakilala na niya kanina ang magulang ni Daniel pero ipinagtabuyan lang si Daniel ng papa nito na ikinayayamot niya kaya nagpaiwan na lang siya dito sa lobby.
Umiling si Daniel. "No! Si Mama gusto, pero ayaw payagan ni papa at walang magagawa si mama sa bagay na 'yon. Papa wants me back, and help them to run this company pero tinanggihan ko lang kaya lalong nagalit. Huwag na raw akong babalik."
Iniyakap ni Audrey ang mga braso sa baywang ni Daniel haggang sa makalabas sila ng building.
"Yaan mo na. Kung hindi nila gusto, kawalan nila. Hindi nila makikita ang maraming magiging apo nila." Ang lungkot sa mga mata ni Daniel ay napalitan ng kasiyahan dahil sa sinabi niya. Binalingan siya nito.
"Marami?" Nakangiti nitong untag.
"Ayaw mo?"
"No! Syempre gusto. Ilan ba ang gusto mong maging anak natin?" Mas lumapad ang pagkakangiti ni Daniel.
"Kung ilan ang kaya mo. Ako pa ba? Kahit isang dosena kakayanin ko para sa 'yo."
"Isang dosena lang?" Tila dismayado ito pero ang kasiyahan naman ay hindi maitago, nag-uumapaw.
"E 'di dalawang dosena." Masayang nagkatawanan ang pagkasintahan hanggang sa marating nila ang sasakyan. Napatigil si Audrey nang makita ang lalaki na may kausap pa rin sa telepono.
"Is that your brother?" Mula sa pagbubukas ng pinto ng sasakyan ay nilingon ni Daniel ang lalaki. Ngumiti ang lalaki at kumaway kay Daniel pero naroon ang gulat na pilit na ikinukubli nang makita siyang kasama ni Daniel. Aware siguro ito na narinig niya ang pakikipag-usap nito kanina at kung paanong sabihin nito ang pagkadisgusto sa pagbalik ni Daniel.
"Ahm... yeah," ani Daniel. Pinasakay na siya nito. Umikot ito sa driver side at lumulan.
"Mas okay nang 'wag ka nang bumalik sa kumpanyang 'to. Mukhang walang ibang gusto ang mga tao rito kundi pansarili nila."
"I agree. Wala akong balak makigulo sa kanila. Gusto ko lang ng simpleng buhay kasama ka. And I am rich as I long as I have you. Ikaw ang yaman ko." Dumukwang si Audrey at ginawaran ng halik si Daniel sa labi.
"Ang sweet sweet mo talaga 'no?" Bulong niya sa labi nito.
"Mahal na mahal kita, Audrey," bulong nito.
"Mahal na mahal din kita, Daniel." Muling naglapat ang kanilang mga labi at ginawaran ng pinong halik ang isa't isa.
"I think I hate your brother," aniya matapos putulin ang halik at umayos mula sa pagkakaupo.
"You should. Kung akong kapatid niya galit sa kanya. Hindi ko gustong makilala mo siya. Wala akong tiwala sa kanya. Baka agawin ka lang niya."
Inabot niya ang pisngi ni Daniel. "Never! And I should to thank him. Kasi kung hindi ka niya inagawan, hindi kita makikilala."
"Sabagay. But still, I don't want you to meet him. At kung sakali man na magkita kayo someday. Don't you ever fall in love with him!" Bigla ang pagseryoso ng mukha ni Daniel.
"Of course. Ikaw ang mahal ko at mamahalin habang buhay. Saka, hindi naman kaguwapuhan ang kapatid mo. 'Di hamak na mas gwapo ka at kaibig-ibig." Ang seryosong mukha nito ay pinunit ng isang napakatamis na ngiti.
Hinugot si Audrey mula paglalakbay sa nakaraan ng isang halik sa labi. Pagmulat niya ay mukha ni Miguel ang nabungaran niya.
"Are you sleepy?" Tinitigan nito ang kanyang labi at muli sana siyang hahalikan sa labi pero iniwas niya ang mukha.
"Oo," sagot niya. Ikinuyom niya ang palad kung saan niya hawak ang singsing. Umayos mula sa pagkakaupo si Miguel. Kumuha ng isang Mangosteen sa supot na nakapatong sa dashboard, biniyak iyon at inabot kay Audrey.
"Taste it. Ang sarap." Wala sa loob na kinuha niya iyon habang nakatitig sa mukha ni Miguel.
Hindi. Imposible. Nag-background check si East bago niya kinuha ang trabaho kaya imposibleng hindi nito malaman kung kapatid ito ni Daniel. Saka nakita niya ang kapatid ni Daniel. Kinumpirma iyon ni Daniel. Saka anong dahilan para mag-panggap itong ibang tao? Wala!
Itong singsing. May magandang paliwanag dito. May magandang paliwanag dito. Pilit na kinukumbinsi ni Audrey ang sarili sa bagay na gusto niyang pinaniwalaan.
Dali-dali niyang isinilid ang singsing sa hawak na long wallet.
Narating nila ang Hacienda Lacorte pero hind magawang itanong ni Audrey ang tungkol sa singsing. Natatakot siya sa maaaring matuklasan. Kahit na pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na walang nangyayari behind her back ay natatakot pa rin siya.
"Kanina ka pa walang imik?" Ginagap ni Miguel ang kamay ni Audrey habang magkatabing nakaupo ang dalawa sa mahabang sofa sa sala ng mansiyon ng kaibigan ni Miguel.
"May problema ba?"
Umiling si Audrey. Magtatanong pa sana si Miguel nang mula sa pinto ay pumasok ang isang lalaki at isang babae. Ang lalaki ay sira ang kalahati ng mukha, natatakpan iyon ng mahaba nitong buhok. Ang babae naman ay parang si Cassy lang. Parang anghel na bumaba sa lupa.
Agad na tumayo si Miguel at sinalubong ang kaibigan. Lumapit ang mga ito sa kanya. Ipinakilala siya ni Miguel sa dalawa. Jacko ang pangalan ng lalaki at Kels naman ang babae. Mag-asawa ang mga ito.
Niyaya ni Miguel si Jacko sa patio para makapag-usap ng sarilinan at naiwan si Kels at Audrey sa sala.
"Why I haven't received an invite?" Himig na nagtatampo si Miguel habang magkaagapay na naglakad ang dalawa patungong patio.
"Pasensiya na, pare, biglaan kasi, kahit nga kay nanay hindi namin naipaalam. Pero hayaan mo, magpapakasal ulit kami at hindi pwedeng wala ka. Ikaw ang kukunin naming ninong." Masayang tumawa si Miguel. Tinapik nito ang balikat ni Jacko at inakbayan.
"But seriously, pare, I'm happy for you. Akala ko talaga tatandang binata ka na lang at mamamatay na birhen. Akalain mo 'yon, naunahan mo pa akong magkaasawa. What kind of spell have you cast on her? Penge naman, oh. Gagamitin ko lang kay Audrey."
"Hindi na ba gumagana ang charm mo ngayon? Parang dati ipinagmamalaki mo na isang kindat mo lang lumuluhod na sa'yo ang babae para buksan ang pantalon mo, ah?" Malakas na humalakhak si Miguel hanggang sa tuluyang makalabas ang dalawa at mawala sa paningin nila ni Kels. Nagkatinginan sila ng babae at nagkangitian.
"Upo ka," offer ni Kels. Pinangunahan nito ang pag-upo sa mahabang sofa at tumabi siya rito.
"Girlfriend ka ni Miguel?" tanong ni Kels kay Audrey.
"Ahm..." Tila hirap na makaraan ang tinig sa lalamunan niya kaya naman nagkibit na lang siya. Hindi rin naman kasi niya alam ang isasagot kung ano ba talaga sila ni Miguel.
"No label," Kels said as she nodded her head, clearly understood her silent response.
"Hanggang ngayon pala wala pa ring pagbabago ang isang Miguel Montecillo. A man who has the monopoly on commitment-phobia."
Sukat sa narinig ay tila nangatog ang tuhod ni Audrey. "A-Ano'ng sabi mo?" Pilit niyang isinatinig.
"Aware ka naman siguro sa bagay na 'yon 'di ba? Well-- I'm not looking for commitment-- is his famous line. He's spitting out the words with such disdain on a first date. Sa lahat ng babae sinasabi niya 'yan, and for sure ganoon din sa 'yo since mukha ring walang label—"
"Do you know him? Personally?" pakli ni Audrey kay Kels. Ikinuyom niya ang kamay habang ang tibok ng puso niya ay papabilis nang papabilis ang pintig
"Oh, kung iniisip mo na isa ako sa babaeng nai-date niya, don't worry, I'm not one of them. Isang katulad niya ang hinding-hindi ko papatulan." Marahan pa itong tumawa sa sariling sinabi.
"Kilala lang talaga siya ng party girl na tulad ko, but I don't think na kilala niya ako. Mga babae nga niya hindi niya matandaan ang mga pangalan, eh."
"Miguel Montecillo," usal ni Audrey, walang siyang interes sa kung anong gawain ni Miguel. Dahil ang paulit-ulit na umuukilkil sa utak niya ay ang huling pangalang binanggit ng babae.
"Montecillo ang sinabi mo 'di ba?"
Tumango si Kels. "Yeah. He's Miguel Montecillo, the CEO of Universal Telecommunication."
"Miguel Montecillo. Kaano-ano niya si Daniel? Imposible..." Audrey muttered to herself than to Kels pero sinagot pa rin ni Kels ang tanong na iyon ni Audrey.
"Daniel Montecillo, his late brother?" Her mysterious and to some degree, dangerous eyes snapped to her in disbelief and horror. Napahugot si Kels ng malalim na hininga. Ang matatapang na mata ni Audrey ay nakakatakot bigla kahit napakaganda niyon na ikinabahala ni Kels.
Iyon ang kinatatakutan niyang marinig. Iyon ang ayaw niyang marinig. Hindi maaari!
Muling pumasok si Miguel at Jacko pagkaraan ng ilang sandali. Masaya pa ring nagbibiruan ang dalawa.
Biglang tumayo si Audrey at hinarap si Miguel. Kailangan niyang malaman mismo ang totoo mula kay Miguel.
"Who are you?" Mahina pero ramdam ng ibang kasama ang galit sa boses ni Audrey.
"What?" Miguel asked.
"Miguel Montecillo," Audrey said. Suddenly Miguel's smile faded, replaced by a horrified expression.
"A-audrey, let me explain—" Natutop ni Kels ng dalawang kamay ang bibig nang putulin ni Audrey ng isang malakas na sampal ang sinasabi ni Miguel.
Ang mga salitang lumabas mula sa bibig ni Miguel ay tila bombang nagpamanhid sa buo niyang katawan. Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito at noon pumatak ang kanyang luha. Sunod-sunod at agad na binasa kang kanyang pisngi.
Hinabol ni Miguel si Audrey. Nasa may pinto na siya nang abutan siya ni Miguel. Nang hawakan siya nito sa braso ay lalong nangdilim ang kanyang paningin. Mabilis na pumihit si Audrey, tumaas ang kanyang tuhod at tumama iyon sa pagitan ng hita ni Miguel. Hindi pa man nito nahahawakan ang nasaktang pribadong parte ay hinawakan na niya ito sa braso at sa isang mabilis na kilos, gamit ang martial arts technique ay pinataob ni Audrey si Miguel sa marmol na sahig.
Tumayo si Miguel na hawak ang pagitan ng hitang nasaktan habang ang isang kamay ay hindi alam kung saan ihahawak, kung sa braso na mukhang nabali o sa likod. Nagmura ito saka iika-ikang sinundan si Audrey sa labas.
"Audrey, please talk to me! Please, sugar..." Napaatras si Miguel sa takot nang pumihit si Audrey paharap dito. Pero ang takot ay tila nilipad ng hangin nang makita ang luhang mata ni Audrey.
"Gago ka! Ang laki-laki mong gago!" Tinakpan ni Audrey ang mata ng isang palad at marahas na pinahid ang luha pero muli lang bumuhos ang likido.
"Audrey, please! Hayaan mo akong magpaliwanag. Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo, naghahanap lang ako ng tiyempo."
"Tiyempo! Hayup ka!" Sinugod niya ito at hinampas ang dibdib.
"Binalak mo 'to!"
"Hindi!" Tinabig niya ang kamay nitong nagbalak na humawak sa braso niya.
"Alam mo ba 'to ni East?!" Sigaw niya. Tumango si Miguel.
"Nakiusap lang ako sa kanya kasi gusto kitang makilala... makasama."
"Ulol ka! At bakit mo ako gugustuhing makasama!? Makilala o maikama tulad nang ginawa mo sa lahat ng nakarelasyon ni Daniel! Huwag mo akong ululin!" Sa mga oras na ito parang gusto niyang patayin ang tarantado. Iyong sakit na ibinibigay nito sa kanya ay parang dinudurog ang puso niya.
"Tama si Daniel! Wala kang kwenta! Wala kang ginawa kundi agawan siya. Kahit patay na ang tao, tinarantado mo pa rin. Bakit ba ganoon na lang ang galit mo sa kanya? Pati ako... pati ako dinamay mo... Masaya ka na ba? Masaya ka na bang nakikita akong nasasaktan nang ganito!?" Napahagulhol nang tuluyan si Audrey. Hindi niya matanggap na pinaglaruan siya ng lalaking ito at hinayaan lang iyon ni East.
Lumapit si Miguel at mahigpit na niyakap si Audrey.
"Audrey, please! I'm sorry!"
"Ang gago... gago mo! Hinding... hindi kita mapapatawad. Hinding-hindi." Halos hirap na hirap siyang bigkasin ang mga salita sa sobrang pag-iyak. Pilit niya itong itinulak sa natitirang lakas.
Kinuha niya mula sa wallet ang singsing at inihagis kay Miguel.
"Huwag ka nang magpapakita sa 'kin!" Tinakbo niya ang sasakyan at mabilis iyong pinaharurot palayo.
Nasa kalsada na siya nang ihinto niya ang sasakyan. Isinubsob niya ang mukha sa manibela saka ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman sa pag-iyak.
Sobrang sakit! Sobrang sakit dahil mahal na mahal na niya si Miguel. Ano ba ang naging kasalanan niya para paulit-ulit siyang masaktan? Para paulit-ulit ang pagdurusa niya!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store