ZingTruyen.Store

The Hunk Society 3: Tricked (Published under LIB Bare)

Chapter 16

Whroxie

"Oh, my God, what happened?!" Cassy panicked when the entire place covered with nothing but darkness when the electricity shut off.

"Relax, Cassy. It's just a block out. Hindi naman ito kulog o kidlat," si Miguel. His voice is very soothing. Sadyang ipinaramdam kay Cassy na wala itong dapat katakutan.

Kinuha niya mula sa clutch bag ang night vision tinted eyeglasses at isinuot pero parang gusto niyang pagsisihan ang  ginawa nang makita niya ang itsura na dalawa. Magkalapit ang katawan ng dalawa, hawak ni Miguel si Cassy sa upper arms habang nakayuko ito sa babae. Kulang na lang ilapat ang bibig sa ulo.

"Andra, where are you!?" Isang malakas na sigaw mula sa lalaki ang umalingawngaw.

"Oh, god!" Naeeskandalong bulalas ni Cassy. Si Miguel naman ay natawa.

"Napa-praning na naman ang asawa mo," ani Miguel.

"Iñigo, I'm here!" tugon nito sa lalaki. Nilinga niya ang paligid at mula sa hindi kalayuan, nakita niya ang bulto ng isang lalaki.

"Pupuntahan kita!" muling sigaw nito.

"Huwag na! Just stay there until the power has been restored. I'm safe here."

"With Miguel? I doubt it! That fucker is dangerously obsessed with you. Baka kung ano na naman ang gawin niyan."

Muling natawa si Miguel at sinagot ang lalaki.

"You are right, pare. And once the power is back on wala na kami rito ni Cassy."

"You are son a bitch!"

Audrey doesn't need to see his expression para masabi niya ang galit nito.

"Miguel!" Saway ni Cassy sa mabining tinig. Her voice complemented her angelic face. Maamong mukha, mabining boses at pinong kilos. She looks feminine from head to toe.

"I'm just kidding." Bahagya pang humaplos ang kamay ni Miguel sa braso nito.

Iniiling ni Audrey ang ulo saka hinugot ang baril mula sa holster at lumayo. Seeing Miguel enjoying the moment with the woman he loves is torture. Lalo na ang pambabaliwala nito sa kanya. Like fuck! Bakit siya hindi man lang tinanong kung okay siya? Kung natatakot ba siya sa dilim?

Bakit ka niya tatanungin? Mahal ka ba? And like fuck! Nakikipagbugbugan ka sa mga lalaki, nagda-drive ka ng malaking motor, nagpapalipad ka ng eroplano at higit sa lahat pumapatay ka tapos matatakot sa dilim? Kaartehan mong gaga ka!

Minsan talaga napapaisip siya kung dalawa ba ang kanyang katauhan. Ang isa ay madalas siyang kontrahin. Panira ng mood. Panira madalas ng kanyang pantasya.

Hindi naman sa naninira ng mood, sinasampal ka lang ng katutuhanan para hindi maging assuming. Assuming things is one of people's mistakes at huwag ka ng dumagdag pa. Learned from your mistakes in the past. You assumed that you and Daniel will be having a happily ever after but what happened? Namatay siya dahil sa uri ng trabaho niyo. Naniwala kang hindi magiging hadlang ang trabaho niyo para magkaroon kayo ng tahimik at masayang buhay.

Hays! Oo na! Nag-assume siya noon ng mga bagay-bagay. At ngayon ay mukhang ganoon na naman ang ginagawa niya. Pero masama bang hilingin na kahit paano ay may mag-care naman sa kanya. Itrato siyang parang prinsesa.

Ever since, she wanted to be treated like a non-traditional fairytale version of princesses. She wanted a man who will make her feel that she is a woman  who needs a handle with so much care despite her strong personalities.  A man who will be able to destroy her defence mechanism and bring out the vulnerability within her, pero siya ring magko-comfort sa kanya. At lalaking yayakapin siya kapag natatakot siya at sasabihing "nandito lang ako."

Buong buhay niya, mula pagkabata niya ay naging independent siya, hindi kailanman nagpakita ng kahinaan at takot kahit na minsan ay gusto niyang umiyak dahil iyon ang itinuro sa kanya. Bawal matakot. Bawal umiyak. Bawal maawa sa ibang tao at kahit sa sarili.

She wants a man who will make her feel as if she is everything he has.

Lahat nang iyon natupad nang dumating  si Daniel pero saglit lang dahil binawi din iyon sa kanya. But she's still craving for it.

"Audrey, where are you?" Gabbie's voice permeated her thoughts.

Audrey sighed and slightly shook her head. "Papasok na ako ng mansiyon," aniya.

"We have to be careful. Maraming nagkalat na securities. We have to find the blue book bago bumalik ang kuryente," paalala niya kay Gabbie. Ang blue book ay listahan ng mga taong magli-link kay Jonas Tschauder. Malalaking negosyante at politician daw ang tumatanggap ng malaking halaga mula kay Jonas Tschauder para sa proteksiyon nito.

"Copy," tugon ni Gabbie.

Nagmadali siyang tinungo ang  maindoor. Walang security roon. Labas-masok ang tao sa loob ng mansiyon mula pa man kanina para gumamit ng comfort room. Kanina ay pumasok na siya sa loob ng mansiyon, gumamit siya ng comfort room at nagmatsiyag na rin.

Natigilan si Audrey nang tuluyang makapasok ng mansiyon. Tila may malamig na hangin ang yumakap sa kanya. Ganitong-ganito rin ang naramdam niya kanina pagpasok niya. Hindi niya maintindihan pero parang biglang nagiging mabigat ang pakiramdam niya. Parang binabalot ng matinding lungkot ang puso niya.

Marahil dahil naaalala ng puso niya ang lugar na ito na hindi maalala ng isipan niya. Dito sa mismong bahay na ito pinatay ang mga magulang nilang magkapatid.

Napapitlag si Audrey nang may kamay na humawak sa balikat niya.

"Let's go," si Gabbie. Tinungo nila ang hagdan. There were beautiful double sided staircase at sa gitna niyon ay may nakasabit na mamahaling chandelier sa mataas na kisame.

Pumanhik sila ni gabi ng hagdan. Itinuro ni Gabbie ang pinto na nasa kanang bahagi.

"Go there, and I will handle this side," tukoy nito sa kabilang side ng mansiyon kung saan nakahilera ang mga pinto.

Naghiwalay sila. Kinuha niya mula sa clutch bag ang itim na gloves at isinuot iyon bago pinasok ni Audrey ang unang silid. Agad na sinuyod ng mata ang kabuan ng silid. Nothing interesting in it. Mukhang guest room lang ito.

"Damn!" She heard Gabbie over the the communication system.

"What's wrong, Gabbie?" nag-aalalang tanong niya at tinungo ang pinto. Wala siyang mapapala sa silid na 'to.

"Professor Aaron Vaughn Tschauder is freaking hot."

"Blue book, Gabbie!" Paalala niya sa dalaga habang palabas ng silid. Tinungo niya ang katabing pinto para sana pasukin pero napatigil si Audrey nang makuha ang atensiyon niya ng isa pang pinto.

"Shitttt! I think my ovaries are melting! Sarap-sarap siguro magpaputok kay Prof. Tschauder. I'll keep this photo of him. I'll make him as my inspiration at night when I'm horny. But damn! Gabi-gabi yata akong mag-iinit nito, eh."

Hindi na pinansin pa ni Audrey si Gabbie na ang ingay-ingay. Ang buong atensiyon ay nasa pinto. Parang may kung anong humihikayat sa kanya na pumasok sa silid na iyon.

Ikinurap ni Audrey ang mata nang may tila may nakakasilaw na ilaw ang tumama sa mata at kapagkuwa'y may narinig siyang batang tumatawa. Alerto niyang nilinga ang paligid pero wala namang tao. Bigla ring naglaho ang masayang pagtawa.

Muli niyang binalingan ang pinto nang mula sa loob ng silid ay marinig na naman niya masayang halakhak ng batang babae. Dahan-dahan ang hakbang na ginawa ni Audrey palapit sa pintong pinagmumulan ng boses. Habang papalapit siya sa pinto ay palakas nang palakas ang mga halakhak na iyon at palakas din nang palakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi na lang iyon nagmumula sa isang boses. Dalawang boses ng batang babae.

Tumigil siya sa harapan ng pinto, hinawakan ang seradura at pinihit iyon. Itinulak niya ang pinto pabukas at dahan-dahan ang ginawang paghakbang papasok. Sa kama ay dalawang batang babae ang nakita niyang naghaharutan, nagkikilitian habang nagtatawanan.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Audrey. Lumapit siya sa paanan ng kama. Pinagmasdan niya ang dalawang bata.  Pero habang matagal niyang pinagmamasdan ang mga ito ay unti-unting nawala ang pagkakangiti ni Audrey. Ang isang batang babae ay pamilyar sa kanya. Ang mga mata, ilong at labi pati na rin ang mahaba at tuwid na itim na buhok nito.

Siya ang batang 'yan!

Bumukas ang pinto, dumungaw mula roon ang isang babaeng may magandang mukha. Buntis ito.

"Kids, it's about time to sleep na. Kapag hindi pa kayo natulog, maririnig kayo ng monster at kukunin kayo. Gusto niyo ba 'yon?"

"Ayaw!!!" Tili ng dalawang bata, sabay na humiga at itinalukbong ang makapal na comforter. Bumungisngis ang babae at muling isinara ang pinto.

Pero makaraan ang isang sandali ay muling lumabas sa kumot ang dalawang bata at muling naglaro. Muling bumukas ang pinto, pero hindi ang babae ang pumasok sa pinto kundi isang lalaking nakaitim mula ulo hanggang paa. Black leather jacket, jeans, boots and gloves.

Ang lalaki ito. Ang lalaking nakabangga niya sa labas kanina. Mas bata lang ito kumpara sa lalaking nasa labas pero iisa ang mukha. Parang iisa ng tao lang. Bumaba ang tingin ni Audrey sa hawak nitong baril. Ikinabit nito ang silencer at itinutok ang baril sa dalawang bata na nagsusumiksik sa headboard. Takot na takot.

"Huwag!" usal niya. Gusto niyang sugurin ang lalaki pero hindi siya makakilos. Parang isinimento ang mga paa niya.

"Huwag!!" Muli niyang usal, gusto niyang sumigaw pero 'di niya magawa. Parang may nakabara sa lalamunan niya.

Napapitlag si Audrey at nanglaki ang mata ng bigla na lang nitong barilin ang bata. Tinamaan ang isang bata. Ang puting comforter ay bigla na lang namula dahil sa dugong lumalabas mula sa batang wala ng buhay.

Tinutukan naman nito ang isa pang bata na umiiyak habang nanginginig ang buong katawan. Kipkip ang makapal na comforter sa dibdib na para bang kaya niyon isalba ang buhay nito.

Mula sa pinto ay pumasok ang babaeng buntis.

"Nooo!" Malakas nitong sigaw at tumakbo sa kama pero bago pa man nito mahawakan ang bata para protektahan ay pinaputukan na rin ito. Tinamaan ang babae sa likod at bumagsak sa ibabaw ng kama. Tinakpan ng bata ang magkabilang tainga at sumigaw ng malakas.

Nanginginig na tinakpan ni Audrey ang magkabilang tainga at mariing ipinikit ang mata.

"Audrey, anong nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba? Audrey?"

Dahan-dahang iminulat ni Audrey ang mata. Walang tao, mag-isa na lang siya sa silid.

"Nandito siya! Nandito siya!"

"Sino? Securities?" Hindi na sinagot pa ni Audrey ang tanong ni Gabbie. Lumabas siya ng silid at muling bumalik sa labas kung saan idinaraos ang pagtitipon.

Muli niyang isinuksok ang baril sa holster 

Bawat mukha ng lalaking bisitang naroon ay sinuri niya. Kapag nakatalikod ay pinipihit pa niyang paharap. Kailangan niyang makita ang lalaki. Iyon ang may kagagawan kung bakit namatay ang mga magulang niya. Sigurado siyang ang lalaking nasa alaala niya at ang lalaking nakabangga niya ay iisang tao lang.

Bakit ba kasi wala siyang maalala? Ilang sandali ring nagpaikot-ikot si Audrey  para hanapin ang lalaki bago muling bumalik ang kuryente. Inalis niya ang salamin at muling nagpatuloy sa paghahanap pero hindi niya makita kahit anino ng lalaki.

"Audrey?" Boses ni Miguel. Hinawakan nito si Audrey sa balikat pero hindi ito pinansin ni Audrey. Patuloy siya sa paghahanap sa lalaki.

"Nasaan ka? Magpakita ka!"

"Ano ang nangyayari? Kanina pa kita hinahanap. Bigla ka na lang nawala sa tabi ko. Nasira ang radio ear-piece ko." Pasunod-sunod si Miguel kay Audrey. Nagtataka sa inaasta ng dalaga.

Hinawakan ni Miguel si Audrey sa magkabilang balikat at pinihit paharap.

"What happened? Bakit nanginginig ka?"

"Nandito siya."

"Sino?" Sa halip na sumagot ay muli niyang nilinga ang paligid. Iginiya na lang ni Miguel si Audrey sa mesa nila at pinaupo sa silya. Humila ng silya si Miguel at umupo roon sa mismong harapan ni Audrey.

Isinandal ni Miguel ang tungkod sa mesa then he took her hands. "Audrey, tell me what happened? Bakit ka nagkakaganyan? Sino ang nandito?"

"Ang pumatay sa mga magulang ko!"

"Kilala mo ang pumatay sa kanila? Pero akala ko wala kang maalala."

"Basta ko na lang naalala. Malinaw na malinaw ang mukha ng taong pumatay sa mga Sorlin at magulang ko. Hindi bastang pagnanakaw ang ginawa nila. Malaking tao ito. Nandito siya, nakita ko siya kanina lang.  Kailangan ko siyang makita ulit. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa mga magulang ko!"

Ikinulong ni Miguel ang mukha ni Audrey sa mga palad nito nang makitang hindi na nito makontrol ang emosyon.

"Kumalma ka! Kung totoong nandito nga ang taong 'yon delikado. Mas dapat kang mag-ingat. Huwag padalos-dalos."

Si East na kanina pa nakamasid kay Audrey at Miguel ay hindi na nakatiis pa at lumapit na. Hindi nito makausap ang mga kasama nang matanggal ang radio earpiece sa tainga nito nang makipag-make out sa isang babae sa comfort room.

Pa-simple itong umupo.

"Ano ang nangyayari?" Halos pabulong nitong tanong.

"East, nandito ang pumatay sa mga magulang ko. Kailangan ko siyang makita uli. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat."

"What? Paanong? Sandali nasaan na si Gabbie?"

Natigilan si Audrey nang maalala si Gabbie na iniwan niya sa loob. Bago pa man masagot ni Audrey ang tanong ni East ay isang malakas na putok ng baril ang kanilang narinig. Nagkatinginan ang tatlo.

"Si Gabbie," they said in unison. Sabay-sabay na tumayo ang tatlo. Kinuha ni Miguel ang tungkod at nagmadaling tinungo ang pinanggalingan ng putok.

Ang ilan sa mga bisita ay nagpa-panic na at ang ilan ay nakiusyoso sa nangyayari. Napatigil ang tatlo nang makita si Gabbie na nakikipaglaban sa ilang lalaki. May isang nakabulagta. Mukhang dito tumama ang putok ng baril na narinig nila.

Nang makita ni Audrey na papasugod na kay Gabbie ang ilan pang armadong kalalakihan ay mabilis siyang kumilos para tulungan si Gabi pero mabilis na nahawakan ni East ang braso niya. Binalingan niya ang binata.

"Umalis na kayo ni Miguel. Ako na ang bahala rito."

"Pero--"

"Huwag nang matigas ang ulo. Mas gugulo ang sitwasyon kapag nalaman pa nila ang ugnayan mo sa amin. Baka si Miguel pa ang mapahamak kapag nagkataon. May nakakakilala sa kanya."

"Siguraduhin mong ligtas si Gabbie. Siguraduhin mong makakaalis kayo ng ligtas sa lugar na 'to."

"I promise. Dumeretso na kayo sa pantalan." Hinawakan ni Miguel sa braso si Audrey at iginiya na palabas ng property ng Tschauder.

Palingon-lingon si Audrey. Gusto niyang bumalik. Paano kung hindi makalabas ng buhay si East at Gabbie.

"Audrey, let's go. Nangako si East. Makakalabas sila ng ligtas."

Wala nang nagawa pa si Audrey. Kahit ayaw niyang umalis ay hindi talaga siya maaaring bumalik pa. Tama si East, ilalagay niya sa kapahamakan si Miguel. Sila ni Miguel ang magkasama at may nakakilala kay Miguel. Tiyak na mapapahamak ito sa oras na nalaman ng mga kalaban ang ugnayan niya kina East.

Tumuloy sila ni Miguel sa pantalan para doon hintayin sina East. Hindi siya mapakali. Palakad-lakad siya habang pinipisil ang kamay. Napaka-simpleng misyon nito pero pumalpak sila.

Mas maraming silang delikadong misyon pero natrabaho nila ng maayos. Walang sabit, walang kahit na katiting na ebidensiya. Pero sa simpleng misyon pa talaga sila pumalpak. Naging pabaya siya. Iniwan niya si Gabbie. Hinayaan niyang guluhin ang kanyang utak ng kanyang emosyon. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama kay Gabbie at East.

Hinawakan ni Miguel ang braso ni Audrey. Kinabig siya nito at masuyong niyakap.

"Everything will be alright." Masuyo nitong hinaplos ang likod ni Audrey.

"Natatakot ako," she confessed.

"I know... Nandito lang ako." Hinayaan niyang yakapin lang siya ni Miguel. Hindi na rin niya pinigil pa ang luhang kanina pa gustong  kumawala. She needs this. She needs someone who will comfort her. Someone that will give her an assurance na magiging ligtas si East at Gabbie.

Kapag may nangyari sa mga ito baka hindi na niya kayanin pa.

Halos sampong minuto silang naghintay bago dumating ang sasakyan nina East. Ang back up car  ang ginamit na ng mga ito. Isang itim na SUV iyon. Agad na lumabas si Audrey at Miguel mula sa sasakyan.

Agad na sinalubong ni Audrey si East ng isang mahigpit na yakap nang bumaba ito ng sasakyan na walang anumang galos. Sumunod na bumaba si Gabbie na agad rin niyang niyakap pero hindi ito gumanti, hindi katulad ni East na sinuklian din ng mahigpit na yakap.

"Oh, God! Kanina pa ako nag-aalala sainyo. Paano kayong nakaalis?"

Nagkatinginan si Gabbie at East.

"We held someone hostage." Si Gabbie ang sumagot at muling binuksan ang sasakyan. Napakunot-noo si Audrey nang makita ang isang babaeng may piring sa mata habang iyak nanh iyak. Wala naman itong tali sa kamay maliban sa piring sa mata.

"What the fuck!" bulalas ni Miguel. Hindi nakaligtas kay Audrey ang galit sa boses ni Miguel.

"Ano ang ginawa niyo? Sa dami ng tao doon si Cassy pa ang ginawa niyong hostage!"

Audrey had never seen Miguel angry at sa nakikita niyang galit nito ay parang handa itong pumatay.

Mabilis na nilapitan ni Miguel ang babae na panay ang iyak at inalis nito ang piring.

"Miguel?!" Bagamat nagulat ay mababanaag pa rin sa mukha nito ang relief nang makita si Miguel. Agad na yumakap ang babae kay Miguel na agad namang kinalma ng lalaki.

"Tahan na! Tahan na! Walang mangyayari sa 'yo. Nandito ako." Kumalas mula sa pagkakayakap ang babae kay Miguel. Tumingin ito sa kanya at kapagkuwa'y kina East at Gabbie bago ibinalik kay Miguel.

"Kilala mo sila? Masasama sila, Miguel. May mga pinatay sila."

"Hoy! Hoy! Dahan-dahan ka sa pananalita mo. Hindi kami masamang tao. Oo, pumapatay kami. Pumapatay ng masasama," si Gabbie na dinuro ang babae.

"Mabait sila. Mga pulis sila, may misyon lang sila kaya sila nandoon."

"Eh, bakit kasama ka? Bakit kasama kayong mag-asawa?" Sinapo ni Miguel ang mukha ni Cassy at pinahid ang luhang tuloy-tuloy ang pag-agos. Ang ekpresyon ng mukha ni Miguel ay nanunuyo. Hindi mababanaag ang galit na kanina lang ay bumabaha sa mukha nito.

"Hindi talaga kami mag-asawa ni Audrey."

Ikinuyom ni Audrey ang palad. Itiniim ang panga at pilit na iwinaksi ang emosyon tila dumudurog sa puso niya.

"Ibaba mo na 'yan, Miguel," utos ni Gabbie. Inalalayan ni Miguel sa pagbaba si Cassy.

"Miguel, ibalik mo na ako. Siguradong nag-aalala na si Iñigo sa 'kin."

"Oo, ibabalik kita. Tatawagan ko si Iñigo."

"Pasensiya na pero hindi mangyayari ang gusto mo?" Itinutok ni Gabbie ang baril kay Cassy.

"Nakilala mo na kami. Kaya kailangan mong mamatay." Hintakot na sumiksik si Cassy kay Miguel. Agad naman itong niyakap ni Miguel.

"Gabbie, ano ba? Tinatakot mo ang tao!" sita ni Miguel.

"Hindi ako nananakot. She needs to die! Kapag 'yan pinabalik nating buhay lahat tayo mapapahamak!"

Muling bumalik ang balasik sa mga mata ni Miguel.

"Sige. Pero papatayin mo muna ako bago niyo magalaw kahit dulo ng daliri ni Cassy!" Matapang nitong sabi. Walang takot. Kung noong takutin ito ni Audrey ay parang duwag na dagang gustong sumiksik sa lungga pero ngayon... para itong tigre na handang lumapa maprotekhanan lang nito ang babae.

Natahimik ang lahat. Si East, hindi alam ang gagawin. Hindi makapag-isip ng matino. Si Audrey naman ay ganoon din. Hindi niya kayang pumatay ng inosente. Isang malaanghel na babae habang may inosenteng buhay sa sinapupunan. Paano niyang gagawin iyon?

Si Gabbie... alam niyang malambot din naman ang puso nito pero hindi ngayon. Punong-puno ito ng galit at alam niyang kaya nitong pumatay.

"Umalis ka riyan, Miguel!"

"Ganyan ka ba talaga katigas, Gabbie? Kahit na alam mong may inosenteng batang madadamay sa gagawin mo?"

"Oo. In order to surive, we need to kill!"

"Bullshit! Hindi ako makapaniwala na kaya niyong pumatay ng inosente masunod lang ang protocol ng organisasyon niyo!"

Audrey groaned . Napahawak siya sa sentido. Kabilin-bilinan niyang hindi dapat malaman nina Gabbie at East na may alam si Miguel sa totoo nilang pagkatao.

Nagtatanong ang mga titig na ipinukol sa kanya ni East at Gabbie.

"You are unbelievable, Audrey! Pati ba code name natin alam niya rin?"

Nagyuko si Audrey na nagpapatotoo sa tanong ni Gabbie. 

"Gaga ka talaga kahit kailan! Kanina kamuntikan na akong mapatay dahil sa katangahan mo!"

"Gabbie!" Sita ni East.

"Isa ka pa!" Baling ni Gabbie kay East.

"Putang-ina talaga, eh! Isinugal ko ang buhay ko kanina dahil lang sa walang kwentang misyon na 'to. Can you just fucking get over with your fucking fiance! Siya lagi ang nagiging punot-dulo ng problema natin mula noon hanggang ngayon! Ang angkan niya!"

Pinukol ni Gabbie nang nakahulugang titig si Miguel. However, to Audrey it was just hatred.

Nanggigigil na tinungo ni Gabbie ang bangkang de motor. Sumunod naman si East dito. Binalingan niya si Miguel at Cassy na halos mag-isa na ang katawan sa pagkakadikit.

"Tara na," yaya niya rito.

"Miguel?" Humigpit ang pagkakayakap ni Cassy kay Miguel.

"Audrey, baka naman pwede ko ng iuwi muna si Cassy."

"Bukas. For now, sumama  na muna kayo sa isla. Mas ikakapahamak natin kung ngayon mo siya ibabalik. Don't worry, hindi siya masasaktan hanggat nandito ako. I promise that."

"I trust you," nanghihingi ng assurance ang bitaw ni Miguel sa salita.

"You should."

Nasa bangka na sila pero si Miguel panay parin ang pag-comfort kay Cassy. Nakaakbay ito sa babae na takot na takot pa rin. Panay rin ang luha nito. Nakaupo ang dalawa sa tapat nila ni East habang si Gabbie ang nagmamaneho.

Ang takot na nararamdaman niya kanina ay tuluyan na nang nawala pero ang pumalit ay matinding kalungkutan. Lungkot na parang dinudurog ang puso  niya.

Ginagap ni East ang kamay ni Audrey.

"It's better to close your eyes until we reach the island." Makahulugang hayag ni East at pinisil ang kamay niya. Ginawa naman ni Audrey. Isinandal niya ang ulo sa balikat ni East at ipinikit ang mata pero sa pagsara ng mga mata niya ay bigla ang pag-agos ng luha mula roon na agad niyang pinahid.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store