09
This story has advanced chapters in Patreon.
Be a patron for only 50 pesos per month.
Visit my Patreon account, @vampiremims.
Leave a comment if you like the story!
☀️☀️☀️
“Are you okay?”
I looked at Enzo who’s standing near my bed while looking at me. I rolled my eyes and turned around to cover my face.
Masakit ang ulo ko kagabi pa kaya naman hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Pinadalahan na rin naman ako ni Mommy ng breakfast kanina at nakalahati ko naman iyon kahit na papaano.
Wala pa rin akong ganang kumain. It just felt like everything was bland and I hated it.
“You should drink your medicine so you’ll get better soon,” dagdag pa nito na hindi pa rin pala umaalis sa kwarto ko.
“I will,” sabi ko na lang kaysa makipagtalo dahil alam ko naman na hindi ako mananalo kay Enzo.
“Do you want anything? I’ll go home early later,” naramdaman ko ang pagdagdag ng bigat sa kama ko kaya nilingon ko ito at sinimangutan.
“I’m not gonna die yet, but I want… pineapples…” I said softly.
Kumunot ng bahagya ang noo nito pero tumango rin kalaunan.
“Alright, just take some rest and don’t go out, okay?” bilin nito sa akin bago tumayo at ginulo ang buhok ko.
“Enzo!” saway ko naman dito. I even rolled my eyes and that actually hurt my head. Nagsisi ako kaagad sa ginawa ko.
“As if naman aalis ako ng masama pakiramdam ko,” dagdag na sabi ko rito bago tuluyan na itong lumabas ng kwarto ko.
Nilingon ko ang gamot na nasa may gilid ng kama ko at pinagmasdan iyon.
Kinuha ko iyon at tinitigan.
I shook my head before reaching the glass of water and took my medicine. Pagtapos ay muli na akong bumalik sa pagkakahiga dahil na rin umiikot ang paningin ko. Nang bumisita ako kay Theon ay inihatid na rin ako nito sa bahay namin nang sumama ang pakiramdam ko. He was worried, of course.
Sinabihan ko na lang ito na huwag mag-alala dahil baka may nakain lang talaga akong hindi maganda. Nagbilin na rin ito sa akin na huwag kumain ng kung anu-ano para hindi ako magkasakit.
Nagising na lang din ako sa katok ng kasambahay namin. I was too weak to open the door so I just told her to come inside.
Napakunot ang noo ko nang makita ko na may kasama ito at may dala itong mga prutas. Ang isa naman ay may dalang pagkain.
“Nagpadala po si Sir Theon ng pagkain niyo, Ma’am. Pati po mga prutas. Tumawag po siya kanina dahil hindi niyo raw po sinasagot ang tawag niya, nagsabi na lang po kami sa kanya na baka tulog po kayo kaya nagpadala na lang po siya ng pagkain at nagbilin na kainin niyo raw po lahat ng ito,” mahabang sabi nito sa akin.
I looked at the food he bought. Napailing na lang ako bago pinilit na umupo para na rin kumain. May soup na kasama ang pinadala nito kaya naman kahit na nanghihina pa ay kinuha ko ang phone ko para tawagan ito.
I don’t think I will be able to compose a message for him.
Sumagot naman agad si Theon sa pangalawang ring pa lang ng phone nito.
“Baby,” he called me.
“I received the food, and the message,” I smiled a little. Ngumiti rin ako ng tipid sa mga kasambahay namin. Nagpaalam naman na ang mga ito na aalis na nang maayos na ang pagkain sa lamesang nasa loob ng kwarto ko.
“Good. Now, eat your food, baby,” masuyong sabi ni Theon sa akin. “And drink your medicines,” paalala rin nito sa akin.
I pouted a little. “You sounded like Enzo.”
He chuckled sexily.
“Baby, with all due respect to your brother, we all know I sound better than him.”
Hindi ko naman napigilan na matawa ng marahan.
“Sir, the meeting will start in 10 minutes. I think we should go now,” narinig kong sabi ng babae sa background ni Theon. If I am not mistaken, si Lucy iyon–ang sekretarya ni Theon.
“Alright,” I heard Theon answered.
I leaned on my bed and sighed heavily.
“Baby, I will just call you later, okay? Punta ako sa inyo mamaya,” sabi nito sa akin. Tumango naman ako kahit na hindi ako nakikita ng lalaki.
“I got to go,” he added.
“I love–” natigilan ako nang patayin na nito ang tawag. I looked at my phone to see if he really hung up on me and it looks like he did.
Inipon ko na muna ang lakas ko bago ako tumayo at nagtungo sa lamesa para kumain. Kahit na mukhang masarap ang pagkain ay wala pa rin akong malasahan kaya hindi ko pa rin naubos ito.
I also checked the time before I took my medicine.
I remember when we were kids, I always tell Enzo I want to get sick so I won’t have to go to school and he always berates me because of that. Hindi nga talaga magandang magkasakit dahil parang pinupukpok ang ulo ko at parang may kung anong humahalukay sa sikmura ko kaya nagsusuka pa rin ako.
Nakabalik ako sa pagtulog nang makakain at makainom na ako ng gamot.
It was almost 6 pm when I woke up. Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya mabilis kong nilingon iyon at nakita ko si Theon na nakatingin sa akin.
“Theon?” I called his name to be sure.
He smiled at me and cocked his head on the side. “Hey…”
“What…” I cleared my throat. “What are you doing here?” I asked him as I gathered all my strength to get up. Hinawakan naman ako agad nito at inalalayan.
“I told you I will go here, didn’t I?” kumunot ang noo nito na para bang ipinapaalala sa akin ang sinabi nito.
Marahan naman akong tumango.
“How are you feeling?” he asked me again.
“A little better…?” I gave him a crooked smile. I reached for my ponytail but Theon took it and asked me if he could do it. Kumunot ang noo ko pero hinayaan ko na lang ito.
Napangiti ako ng maliit nang matapos ito at magulo ang tali nito sa akin.
“Long hair suits you, baby,” he commented as he tucked my hair on my ear. I pinched his nose and it made him laugh.
Noon pa naman nito sinasabi sa akin iyon. Mas gusto nito na mahaba ang buhok ko noong binalak ko na pagupitan ito.
“Have you eaten?” I asked him.
Umiling naman si Theon sa akin. “I was waiting for you so we can eat together.”
Tumayo na ito para ihain ang pagkain na dala nito. Napansin ko rin na wala na sa lamesa ang pagkain kaninang tanghali. Marahil ay naibaba na iyon ng mga kasambahay namin nang dumating si Theon.
Sabay naman kaming napalingon ni Theon nang may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Pumasok si Enzo na may dalang plastic bags at napalingon agad ito kay Theon. Mukhang hindi naman na ito nagulat na naroon ang lalaki.
“What’s that?” Theon asked him.
Hindi ito pinansin ni Enzo, sa halip ay lumapit ito sa akin. “You didn’t specify what pineapple you want,” he said as he showed me what’s inside the plastic bag.
I chuckled softly when I saw it.
May dried pineapple chips, pineapple na fruits at pineapple juice sa loob ng plastic.
“Thank you,” sabi ko na lang kaysa asarin pa si Enzo dahil alam ko naman na pagod din ito.
“I’ll put this on your fridge,” he said before getting up and putting what he bought inside my personal fridge.
“Matagal ka pa bago ka lalabas?” tanong ni Theon sa lalaki.
“Baby,” saway ko naman dito.
Enzo scoffed and went out after telling me to eat and rest. Sinabihan din nito si Theon na hindi ito pwedeng magstay sa kwarto ko ngayong gabi.
“Let’s eat?” aya sa akin ni Theon. Hinawakan nito ang kamay ko bago ako inalalayan na makatayo.
“Inaasar mo na naman si Enzo,” sabi ko rito nang makaupo na kaming dalawa.
“Baby, Alyanna is my cousin. Subukan niya akong tanggihan, sabihan ko si Tita Mika na hadlangan sila ni Alyanna,” he smirked.
I shook my head and started eating.
Alam naman naming lahat na hindi gagawin iyon ni Tita Mika dahil sa totoo lang ay boto ito kay Enzo para kay Alyanna. I mean, who wouldn’t? Kahit sinong magulang ng babaeng magiging kasintahan ni Enzo ay parang walang chance na tanggihan ang kakambal ko.
“Thank you,” I smiled at Theon when we finished eating.
He smiled and held my hand. Dinala nito ang kamay ko sa labi nito at hinalikan iyon. “Anytime, baby. I want you to get well soon, you know?” he said and leaned forward. Mabilis ko namang tinakpan ang mga labi ko upang hindi ako mahagkan nito roon.
Napangiti si Theon at hinalikan ang noo ko sa halip.
“I don’t want you to get sick… you have work. Tita Rain will be mad at me if you will also get sick…” sabi ko rito nang tignan ako.
“Silly. It’s fine, baby.”
“Kahit pa,” giit ko naman kaya hindi na rin kumontra si Theon.
Matapos kaming kumain na dalawa ay naglinis na rin ako ng katawan. Hindi na ako nagpatulong kay Theon dahil iniisip ko rin na baka pumasok bigla ang Mommy ko o ang Daddy ko at kung ano pa ang isipin.
Nagpatulong na lang ako sa isang kasambahay namin kaya mas magaan na rin ang pakiramdam ko nang makalabas ako ng banyo.
“How are you feeling, Lean?” Dad asked me when he went to my room. Kasama nito si Mommy na bakas din ang pag-aalala sa akin. She also took my temperature.
“Wala naman na siyang lagnat, hon. Bumaba na,” sabi nito kay Daddy na tila nabawasan ang pag-aalala.
“Tell me if you’re still not feeling well. We will go to the hospital, okay?” sabi nito sa akin. Nilingon nito si Theon na nakatayo lang sa may gilid ng kama ko.
“Are you going to look after Lean?” he asked him.
Theon cleared his throat. “If that’s okay, Tito Blue…”
I looked at him and smiled a little.
Dad looked at Mom and I saw Mommy smiled a little. Tumango rin ito ng marahan.
Tumingin sa akin si Daddy at huminga ng malalim. “Okay, but the door should not be locked, okay?” sabi nito sa amin pero kay Theon nakatingin. Mabilis namang tumango ang lalaki rito.
Matapos magbilin sina Mommy sa akin ay lumabas na rin ang mga ito para magpahinga. Si Theon naman ay naglinis na rin ng katawan nito. Lagi itong may baon na damit sa sasakyan nito dahil na rin sinimulan kong gawin iyon para rito para kung sakali na hindi kami makauwi o may mangyari ay may extra itong mga damit sa sasakyan.
Alyanna called me via video call while I was waiting for Theon.
“How are you?” she asked me. Napansin ko na nagpapatuyo na ito ng buhok. Mukhang katatapos lang din na maligo. “Enzo told me you’re still sick.”
I smiled at her and shrugged. “I feel a little better already, Alyanna. Thank you…”
“Si Theon? Pinuntahan ka naman ba ng magaling kong pinsan?” tanong nito sa akin. Napalingon ako nang bumukas na ang pinto ng banyo at lumabas si Theon. Ipinakita ko si Theon kay Alyanna at napairap naman ang babae.
“Pinagsasasabi mo na naman diyan?” tanong nito sa pinsan. Inayos lang muna nito ang gamit bago sumampa na rin sa kama at niyakap ako.
“Oh my goodness. I don’t want to watch a live performance!” ani Alyanna sa amin ni Theon. Natawa naman ako ng mahina at napailing.
“Daldal mo, tawagan mo na lang boyfriend mong manong,” sagot naman ni Theon at akmang babaaan na si Alyanna nang tawagin akong muli nito.
“Sis, Tito Dean called me and told me they are in need of a model. Diba, gusto mo? You want me to refer you to him?” she asked me.
Kumunot naman ang noo ni Theon. “Modeling?” tanong nito bago tumingin sa akin.
I looked at him and smiled a little. Kinuha ko na rin ang phone ko at tumingin kay Alyanna. “I’ll think about it…” I told her before I told her I will rest since I’m already sleepy. Inilagay ko na rin ang phone ko sa may gilid bago ako tumingin kay Theon na nakamasid sa akin.
“Modeling?” ulit nito sa tanong nito sa akin.
I pouted a little.
“Baby, I mentioned that to you already. And you all know how much I wanted to become a model ever since we’re kids,” sabi ko rito bago yumakap dito at isandal ang ulo sa dibdib nito.
“Yes, I know.”
I breathed heavily before I moved my head and looked at him. “Are you mad?” I asked him. Wala namang reaksyon si Theon habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang nasa isipan nito.
“No, I’m not,” he said. “I just… I just don’t like the thought, baby.”
Nag-iwas na lang ako ulit ng tingin habang nakayakap pa rin sa lalaki. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin dito na sa palagay ko ay walang nangyayari sa buhay ko ngayon habang pinapanuod ko silang lahat na magawa ang mga gusto nila.
Enzo is now working in the corporate world, he’s doing what he wants.
Theon is working at Tita Rain’s company, he’s also doing what he wants.
Lahat halos sila ay maayos ang mga ginagawa, para bang alam na nilang lahat kung ano ang para sa kanila, samantalang ako… hindi ko alam kung may pinapatunguhan ba ang ginagawa ko o sinasayang ko lang ang bawat araw na nagdadaan na hindi ko ginagawa kung ano ba ang gusto ko.
“I’m sorry…” mahinang sabi ko habang nakayakap pa rin kay Theon. “You’re right… the plan is kind of absurd…”
“Baby, that’s not–” naputol ang sasabihin nito nang magring ang phone nito. Napalingon ako rito nang abutin iyon ni Theon. “Wait, baby,” he said before answering the call.
“Hello, Lucy?”
Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ng babae. Bakit naman ito tumatawag kay Theon ng ganitong oras?
“What? What happened?” he asked her. Mahinang napamura si Theon.
“What’s happening…?” I asked him.
“Fine, I will go there,” sabi nito bago tumingin sa akin nang ibaba ang tawag.
“What’s wrong?” I asked him and held his hand.
“One of the ongoing projects collapsed. I need to check what happened.”
Napatitig ako rito nang tumayo ito at nagbihis na.
“Do you really need to go there?” I asked him while still watching him.
“I have to, baby. Mom gave me that project,” he replied. Nang matapos na itong magbihis ay lumapit itong muli sa akin ay mabilis na humalik sa labi ko. “I will be back as soon as I can, okay? Go to sleep so you can rest,” he said before picking up his wallet and car keys.
Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang dito.
“I love you,” he whispered before kissing my head and walked towards the door.
I looked at the door when he closed it.
Doon ko lang pinakawalan ang malalim na buntong hininga na pinipigilan ko kanina pa.
They’re really achieving something while I was being left behind now.
This is not what I want.
No.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store