ZingTruyen.Store

Tempted to Touch 2

04

vampiremims

This story has advanced chapters in Patreon.

Be a patron for only 50 pesos per month.

Visit my Patreon account, @vampiremims.

Leave a comment if you like the story!

☀️☀️☀️


I just followed them as we headed towards the service car. Mukha namang naayos ni Alyanna lahat ng tungkol sa bakasyon namin kahit na konting oras lang ang mayroon ito. Alyanna’s really good at that thing most especially when she focused on that certain thing.

Tanging ang shoulder bag ko ang dala ko dahil ang mga kasama namin na lalaki na ang bahala sa mga gamit namin.

“Do you guys want to eat first?” Caryl asked us. Sabi nito ay mas okay na rin na kumain na muna kami para pagdating sa tutuluyan namin ay makapagpahinga na kami.

Hindi naman na ako sumagot at hinayaan na lang sila na magdecide para sa amin ngayong araw. Naisip ko na rin naman na ganito ang mangyayari sa bakasyon na ito. I will just go with the flow.

“Come on,” Cherinna smiled at me and reached for my hand. Ngumiti naman ako ng tipid dito bago tumango at naglakad na rin kasabay ito. Enzo is with Alyanna. Kol and Jahann are talking while pushing the trolley with our luggages, Keij is with his friend who happened to be my ex boyfriend, Caryl and Airi are together. Nasa likod ng mga ito si Kevyn.

“Buti nakasama ka magbakasyon,” I told Kevyn as we walk.

He smiled and nodded his head. “I just finished filming a movie, they let me take a break,” he replied. Tumango naman ako rito. Ever since I became a model abroad, mas naintindihan ko na rin ang hirap na pinagdadaanan ni Kevyn.

It was as if you didn't have any privacy. May mga susunod sa iyo para kuhanan ka ng photos, videos. It’s kind of annoying, actually.

Minsan ay kahit na kumakain ako, may lalapit sa akin para magpapicture. Wala namang kaso iyon, pero hindi ko na lang din kasi maenjoy ang personal space ko.

“It’s a good thing that you came home to rest, though. I saw your shows, you’re really great,” he said, smiling. I smiled a little and nodded my head.

Kung noon siguro na crush na crush ko si Kevyn ay napansin ako ng ganito ng lalaki, baka nangisay na ako sa kilig, pero ngayon… nothing. I know I am just having a friendly conversation with him.

Besides, there’s a rumor that he’s dating. Wala pa rin namang confirmation kung sino, nabalitaan ko lang noong nasa States ako.

Hindi ko rin naman matanong si Kevyn dahil personal na bagay na iyon.

“Kevyn usually joins us whenever we’re going out,” sabi ni Cherinna sa akin. Nilingon ko naman ito bago tumango ng maliit. Like what I have said before, I am glad that he’s friends with my friends.

“We’ll use two cars. Sino magkakasama?” tanong ni Caryl sa amin.

“Cherinna and Airi will go with me,” sabi agad ni Jahann. I almost chuckle because of that. Kahit na taon na ang lumipas, hindi pa rin nagbago si Jahann. He’s still very protective and in love with Cherinna.

“Okay, so… Jahann, Che, Airi, Kol, me and Kevyn. Sa isang car, si Enzo, Alyanna, Lean, Theon and Keij?” sabi nito sa amin.

Kumunot ang noo ko at akmang magrereklamo nang magsalita si Theon.

“That’s fine already, Ate Caryl,” he said.

Nilingon ko naman ito bago ipinasa kay Keij ang dala na bag para ipasok na sa loob ng sasakyan.

Cherinna squeezed my hand and she smiled at me. I am not sure if that smile means something, though.

Nagkanya-kanya na lang kami ng pasok sa loob ng sasakyan. May driver naman kaya si Keij na ang pumuwesto sa harap kahit na hinila ko ito kanina para tabihan ako. I am sure Enzo will sit beside Alyanna.

Hindi nga ako nagkamali kaya naman sa dulo ay katabi ko si Theon at halos isiksik ko na ang sarili ko sa gilid para lang iwasan ang lalaki.

Wala pang sampung minuto ay huminto na rin kami kaagad para kumain. I saw Theon waiting outside the car. He was about to help me when I went out by myself.

I was serious when I told him I want to forget everything so I can look at him again without feeling the pain…

“Still ignoring him?” Keij asked me. Inakbayan ako nito habang naglalakad kami at sumusunod sa mga kasama namin. I looked at him and smiled sarcastically. “Do you want me to ignore you, too?” I asked him and he chuckled.

“Mas okay pala kapag nangungulit ka noon kaysa nagsusungit ka ngayon,” sabi nito sa akin bago ako ipinaghila ng upuan nang makasama na namin sila Jahann.

Nagkanya-kanya na rin ang mga ito ng upo at tumabi naman sa akin si Keij, nasa may kanan ko si Kevyn.

Enzo was the one who ordered our food. Nagkukwentuhan ang mga kasama ko at kumukuha rin kami ng pictures. Good thing was Jahann was with us. Nakasabit sa leeg nito ang camera nito kaya naman sigurado akong magaganda ang kuha namin.

“Mainit?” Kevyn asked me as he handed me tissues. Napansin nito marahil ang butil-butil na pawis sa noo ko. Tumango ako sa kanya bago ko kinuha iyon at pinunasan ang noo ko.

Napansin ko naman na tumayo si Theon dahil katapat ko lang ito. Ilang sandali pa ay may kasabay na itong crew na may dalang mga electric fan. Open area ang lugar kaya walang aircon dito.

Napatingin ako sa lalaki nang mabuksan na iyon at talagang tumatama sa akin ang hangin. Nawala ang mainit na pakiramdam dahil na rin doon.

“Thanks, Theon!” Alyanna smiled at him and he just nodded his head.

Nang dumating ang pagkain namin ay si Airi na rin ang nag lead ng prayer bago kami kumain. Magana ang mga kasama ko na kumain. I just put a small amount of rice on my plate. Simula naman kasi nang nagmodelo ako, hindi na ako kumakain masyado ng kanin dahil na rin may maintaining weight and waistline kami.

Hindi ako pwedeng lumagpas doon dahil mahirap din na mawalan ng projects.

“You should eat more,” ani Kevyn sa akin. I just smiled a little and shook my head. “I’m good,” I replied to him.

“A little weight won’t hurt, Lean,” he added and smiled. “But of course, it’s your choice.”

Ngumiti naman ako rito.

“Let her do what she wants,” sabi ni Theon.

Parang natigilan naman din ang mga kasama namin at lumingon ang mga ito kay Theon.

“Excuse me?” Kevyn asked him.

“Kevyn,” saway ni Caryl sa lalaki.

Theon shrugged his shoulders before looking at him. “Let Lean do what she wants. She’s old enough to do what she wants, kahit hindi okay,” sabi nito bago lumingon sa akin.

“What are you talking about?” hindi ko napigilan na tanungin ang lalaki. Hindi nito inalis ang tingin sa akin. Sa halip at mas tinitigan pa ako nito.

“Nothing. I was just saying, we should all let you do what you want and–”

“That’s enough,” Enzo cut him off.

I clenched my fist while looking at him. Maging si Theon ay halatang hindi nagustuhan ang nangyari. I saw his jaw tightened as he leaned and looked away.

“Let’s just eat, okay? Then we will rest before we swim,” Alyanna said, trying to diffuse the tension between us.

Tumango naman ang mga kasama namin at dumiretso na rin kami sa hotel matapos kaming kumain.

Si Cherinna ang nakasama ko sa kwarto ngayon at magkasama naman ang kambal na Anderson sa iisang kwarto. Hindi ko na inalam kung sino pa ang magkakasama sa iba, matapos kong malaman ang kwarto ko ay dumiretso na lang ako roon.

Nakaupo lang ako sa kama nang pumasok si Cherinna. Si Jahann at Kol ang nagdala ng gamit naming dalawa.

“Thanks, Jahann, Kol,” I said and smiled at them.

Naunang lumabas si Jahann kaysa kay Kol. I saw him looking at me.

I creased my forehead and looked at him. “Hmm? What is it?” I asked him.

“Nothing. I just hope you’ll find your way home again,” he smiled a little before excusing himself to go out of the room. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito pero hindi ko na rin naman ito hinabol o ano.

Kol usually says things we don’t understand. Hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin nito at hindi na kami nagrereklamo sa bagay na iyon.

Nauna na rin akong maligo bago pa makabalik si Cherinna kaya naman paglabas ko ng banyo ay nag-aayos na ito ng gamit nito.

I smiled when I saw the picture frame that she put on the bedside table. Larawan iyon ni Jahann, Cherinna at Nikolai. Hindi namin nakasama si Nikolai dahil na rin kasama ito nila Tita Mika at Tito Kerko na nagbabakasyon sa may Europe.

“You missed him?” I asked her.

She looked at me and smiled. “Of course. Pero alam ko naman na aalagaan nila Mommy at Daddy si Nikolai. Spoiled ‘yun sa kanila, e,” she smiled and stared at their photo.

Hindi ko mapigilan na makaramdam ng kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang picture ng mga ito kasama ang anak.

“Can I ask something…?” naupo ako sa may kama ko habang nakatingin kay Cherinna.

Nag-angat naman ito ng tingin sa akin bago naupo rin at pinagmasdan ako. “Oo naman. What is it?” she asked me.

I looked down at my hands and smiled a little. “This is just random…” simula kong sabi. Tumango naman sa akin si Cherinna.

“Ano ba iyon? What’s bothering you?” she asked me again. Ramdam ko na ang pag-aalala sa tinig nito. Maybe she’s also curious about what I am going to ask her.

“When you… when you found out that you’re… pregnant… what comes to your mind first?” I asked her. Inipon ko ang lakas ko upang tignan ito.

Halatang nagulat si Cherinna sa tanong ko pero agad itong ngumiti sa akin.

“Well, I found out that I was pregnant when Jahann was in New York. Si Kol ang kasama ko…” pagsisimula nito na tila inaalala ang nangyari.

“I was scared, sobra…” she laughed a little. “My mom will kill me, iyon ang una kong naisip…  pero naisip ko rin na… magiging nanay na ako…” nilingon nito ang picture nito at ni Nikolai. “I was scared, big time…” she smiled while looking at her son. “But I was also happy… I was afraid that I might do something wrong…”

“Pero alam mo, noong nakita ko si Nikolai, naisip ko… lahat ng iniyak ko noon, it was all worth it. Lalo na ngayon na magkakasama na kami nila Jahann,” she glanced at the ring on her finger. “I’m glad that we have him,” nag-angat siya ng tingin sa akin.

I smiled a little.

May kung anong lungkot ang lumukob sa loob ko pero pinili kong ngumiti habang nakatingin kay Cherinna.

“You also did a great job, Cherinna, and I am sure… Nikolai is happy to have you as his mom…” may parang bara na nasa may lalamunan ko kaya tila nabasag ang tinig ko.

She looked at me and creased her forehead.

“May problema ba?” lumapit siya sa akin at tumabi sa inuupan ko. “What’s wrong?” tanong nito bago inabot ang kamay ko.

When I left before, Cherinna didn’t question my decision. Gaya ni Jahann, hinayaan lang ako ng mga ito, marahil ay naisip ng mga ito na may dahilan sa ginagawa ko.

Umiling ako bago mabilis na pinalis ang luha na tumulo sa pisngi ko. “None, I’m just being emotional right now. Probably because I am tired…” sabi ko na lang dito.

Pinisil naman nito ang kamay ko bago muling ngumiti sa akin. “You know that we’re always here, right?” isinandal nito ang pisngi sa balikat ko. “We’re glad you’re here, Lean.”

Naligo na rin ito pagtapos at pinilit ko na matulog na lang pero hindi rin naging matagumpay iyon kaya lumabas na lang ako. Dala ko ang phone at wallet ko dahil iniisip ko rin na baka may mabili ako habang nag-iikot.

I just ordered a mango shake while looking at the sea. Nakaupo lang din ako sa may gilid habang hinihintay ang order ko.

Wala akong makita ni isa sa mga kasama ko, malamang ay nagpapahinga ang mga ito.

“You’re supposed to be resting,” naupo sa may tabi ko si Kevyn.

I looked at him and smiled a little. “If I follow that advice, I’ll fly back to Manila now… maybe back to New York,” I replied. Hindi naman ako mapapahinga habang nandito ako sa Pilipinas kahit pa pilitin ko ang sarili ko.

Being here is like opening up a wound.

Hindi pa nga lubusang gumagaling, nabubuksan na naman. Hindi ko pinapansin noon dahil kadalasan naman sa sugat ay ganoon, pero hindi pa rin tuluyang gumagaling.

I’m still nursing it.

“Love really did a number on you, huh?” he chuckled as he drank his juice.

I shrugged and looked at the sea. “You can laugh at me, you know? I rejected you before,” I chuckled a little.

“You should never laugh at someone’s misfortune, Lean. Someone told me that.”

I smiled and looked at him. “You know, whoever the girl you’re dating, I think you should marry her. You did change for good.”

Hindi naman kumibo si Kevyn at ngumiti lang sa akin.

We stayed there for another 10 minutes before we walked back to the hotel. Magkasama kaming naglalakad at nakita ko si Theon na nasa lobby rin, may kausap ito sa phone nito.

Dumiretso na lang ako sa kwarto para na rin makapagpahinga na muna at nakaidlip naman din ako.

It was almost 6 pm when Cherinna woke me up. Nagyayaya na rin ito na bumaba para makapag dinner na kami ng mga kasama namin. Alyanna went to our room to remind us of the dress code.

Pinagsuot kami nito ng two piece bikini. Pinatungan ko na lang ang suot kong puting two piece bikini ng maong na shorts at lumabas na rin ako kasama ang dalawa. Alyanna was wearing a yellow two piece bikini, while Cherinna was wearing a black one.

“You’re not making our life easier, you know?” Jahann said as he pecked on Cherinna’s lips. Hinubad nito ang supt na puting polo at ipinasuot iyon sa babae.

“So protective!” reklamo naman ni Alyanna na sinimangutan ni Enzo.

Sumunod na kami sa mga ito at may nakaset up na nga na lamesa malapit sa dagat. May mga ilaw rin doon kaya naman mas nakakagana rin na kumain.

I tried to converse with them. Naisip ko rin na maiilang ang mga ito sa akin kung hindi rin ako nagsasalita. Keij as always is the one making jokes.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako sa mga ito na maglalakad lang. Marami pa rin naman ang tao kaya alam ko naman na safe ako.

“Is he courting you again?”

Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko. Nakita ko si Theon na papalapit sa akin. Inabot din nito ang polo na suot nito kanina.

“I’m good,” tanggi ko rito pero inabot iyon sa akin ng lalaki. Napailing na lang ako at isinuot iyon dahil alam kong hindi ako titigilan ni Theon.

“Is he courting you again?” he asked again.

I sighed a little and shook my head. “No, Theon. He’s not,” I replied and sat on the sand. I hugged my knees as I watched the waves. Dahil na rin sa buwan ay maliwanag at nakikita pa rin ang mga alon ng dagat.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Hindi na lang ako nagsalita dahil alam ko naman na hindi rin ako titigilan ni Theon.

“You cut your hair short,” he commented.

I nodded my head.

“They said it looks nice, though,” I replied. Marami naman talaga ang nagsabi na bagay sa akin ang buhok ko ngayon.

“It is, I just like your hair longer. I can play with it, caress it, even tie it up for you,” sagot naman nito sa akin.

It was silent.

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Theon. Tanging mga alon at malalalim na paghinga lang ni Theon ang naririnig ko ngayon.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyakap ni Theon sa akin mula sa likod.

“Baby, I want you back…” he whispered in my ear.

Natigilan ako sa sinabi nito bago ko ito nilingon pero sinamantala ni Theon ang ginawa ko.

He kissed my lips while he’s hugging me back.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store