ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

WAKAS

SaviorKitty

WAKAS

"TERRON papasa ng bold, 'yong bago mo, 'yong tatluhan sila." I rolled my eyes because of his request, he almost announced that to our whole class. Hindi talaga 'to nahiya, may mga babae pa naman malapit sa amin na napatingin dahil sa lakas ng bunganga niya.

"Will you shut up?" inis na sabi ko.

He chuckled then snatched my bag.

"Damot naman, pareng Terron parang hindi kaibigan. Huwag kang mag-alala dude, kapag ako naging Pulis hindi kita huhulihin sa mga checkpoint na ako bantay," he negotiated then started rummaging through my bag.

"Hindi ko nilalagay sa bag ang cellphone ko, ingatan mo 'yan kabibigay lang ni Kuya." I lifted an eyebrow.

Naiiling na inabot ko sa kanya ang aking cellphone na pinaglumaan ni Kuya Travis, may part-time job ngayon si Kuya kaya nakabili na siya ng bago.

Hindi naman ako ibibili nila Mommy dahil masyado pa raw akong bata para roon. If they just knew how many inappropriate things I've done at this age.

Baka naitakwil na nila ako.

Malokong ngumiti sa akin si D, kaagad siyang pumunta sa pinaka dulong upuan at nagkabit ng earphone kaya hinayaan ko na siya.

Inabala ko ang aking sarili sa pagtitingin sa mga babaeng dumadaan sa labas ng classroom namin.

I rate them in my mind based on their eyes and hair. I like girls with neat hair, 'yong hindi sabog sa mukha.

Ang iba ay sumisilip sa room namin saka nagtitilian at hampasan pa.

Hindi kaya sumasakit ang katawan nila?

Valentine's day ngayon kaya abala sila, lalo't kakatapos lang ng program. Ayoko sanang pumasok pero ang sabi ng adviser namin ay magdadamo raw kapag hindi pumasok, saka isa pa . . . sayang din ang zest-O at sandwich na imagination ang palaman, ang mahal pa naman ng ambagan.

Two hundred fifty.

"T-Terron, p-para sa'yo p-pala."

I looked at the girl from other section when she handed me a pack of chocolates and a letter using blue scented paper.

Her face was very red, she can't look straight at me.

Tipid akong ngumiti saka kinuha ang binigay niya, halos hindi ko na mabilang kung ilan na ang nagbigay sa akin simula kaninang umaga. Punong-puno na ang bag ko, paniguradong ibibigay ko na lang ito kay Manang katulad noong nakaraan taon, siya rin ang umubos ng mga bigay sa akin at inuwi niya sa mga anak niya.

"Thank you uh . . ." Natigil ako at bumaba ang tingin sa pangalan niya sa ID. "Samantha . . . salamat, ang mahal ata nito gumastos ka pa."

Nakita kong kinagat niya ang ibabang labi.

"W-Welcome. S-Samy na l-lang. U-Uh aalis na kasi kami p-papunta sa probinsya ni T-Tatay kaya naglakas na ako ng loob kasi hindi na k-kita makikita sa susunod na p-pasukan. G-Gusto kita, crush kita Terron!" Mariin siyang pumikit habang pulang-pula ang mukha.

Binasa ko ang aking ibabang labi sa pagkamangha, nang dumilat siya ay binigyan ng isang ngiti na siguradong makakapagpatulog sa kanya nang mahimbing ngayon gabi.

"Thank you for being brave, Samy. I appreciate that. Maganda ka saka masyado pa tayong bata, we're still twelve I think. Siguro kung lumipas ang panahon at magkita tayo ulit. Malay natin." Nagkibit-balikat ako, mukhang nabuhayan naman siya ng loob sa sinabi ko.

Tumango siya saka nagmamadaling lumabas sa classroom habang ngiting-ngiti, sinalubong siya ng mga kaklase niya.

Napabuntonghininga ako bago ko inilagay sa bag ang bigay niya, halos kabisado ko na ang dapat kong sabihin simula kanina ay paulit-ulit lang naman. Hindi naman sa pagpapaasa pero ayaw ko rin naman masaktan ang mga naglalakas loob na lumapit sa akin. I really appreciate them, because I know how hard it is.

Alam kong sobrang makakaapekto iyon sa kanila. I might ruin their confidence, I don't want to ruin a person.

Hanga nga ako dahil ang lalakas ng mga loob nila, hindi kagaya ko na hanggang ngayon torpe pa rin.

I have a someone special, a crush, an inspiration.

Sascha.

But nah, hindi ko iyon sasabihin kahit kanino lalo na sa Kuya ko na gusto ata ang babae, naaalala ko pa na kami ang unang nagkausap ni Sascha pero hindi ko na itinuloy ang pakikipag-close dahil nakita ko kung paano tingnan ni Kuya si Sascha.

It's okay, I can hide my feelings.

Saka ang bata pa namin, paghanga lang naman. Siguro kapag um-edad na ako ng trenta ay makita ko na ang para sa akin.

***

NANG hapon na iyon ay dumaan ako sa park kung saan kami madalas tumambay ng mga kaklase ko. Nagpapahintay si Kuya Travis para sabay kaming umuwi, paniguradong pagagalitan siya ni Mommy dahil nakipag-over night na naman siya sa mga kaklase niya sa college.

Gusto ko na rin maging college, masyadong mahigpit sila Mommy sa akin porket high school pa lang ako.

Habang wala pa si Kuya ay naupo muna ako sa swing at nilalaro ang maliliit na bato sa aking paanan.

Medyo maraming tao dahil malapit lang sa school namin, ang ibang dumadaan ay kakilala ko sa school.

Habang nasa gano'n posisyon ay tumuon ang atensyon ko sa batang babae na palinga-linga. I grimaced when I saw her messy hair.

So messy. Mukhang chanak na matambok pisngi.

Tumabingi ang aking ulo nang makita ang dala-dala niyang street food habang naglalakad siya papunta sa aking gawi. She was wearing a red dress and headband. Napangiwi ako nang makitang mukhang ganadong-ganado siyang lumilinga-linga animong ngayon lang nakalabas.

Hindi ko alam pero pinanuod ko siyang maglakad papalapit kung sa swing kung saan ako nakaupo.

Oh, come on kid. Look.

Napangiwi ako nang malalagpasan na niya kung nasaan ako at hindi pa siya tumitingin sa akin, bigla akong nakaramdam ng nainis. Buong araw ang daming nagkakandarapang makita ako sa room tapos 'tong batang 'to hindi man tumingin.

Kid, you're wasting your chance.

Wala sa sariling sinipa ko ang maliit na bato, balak ko lang kuhanin ang atensyon niya pero saktong tumama iyon sa hita niya malapit sa boots niyang kulay itim.

"Ara—ouch!"

Gulat na napaiwas ako ng tingin nang lumingon ang bata sa aking gawi. Nagkunwari akong abala sa pagtitingin sa mga nagbi-bike sa kabilang gilid.

Hindi ko naman sinasadya!

"Shit!" gulat na napamura ako nang sugudin ako ng chanak.

Hinawakan ng batang babae ang kwelyo ng aking unifrom, gumalaw ang swing na kinakaupuan ko dahil sa ginawa niya.

My heart pounded loud when our eyes met. The kid gripped the collar of my shirt so hard, like choking me.

Umbok na umbok ang pisngi niya sa sobrang galit, hindi siya iiyak pero pulang-pula ang mukha niya. Napakurap-kurap ako nang inalog-alog niya ako, hinawakan ko ang pulso niya upang pigilan siya sa paghuhuramentado.

"A-Ano ba bata?! Lu-Lumayo ka nga!" kunwaring inis na sabi ko.

Naamoy ko ang amoy suka sa kamay o sa bibig niya dahil sa sawsawan ng kinakain niya, humahalo iyon sa natural na amoy ng damit niya na mabango.

"Bakit mo ginawa 'yon?! Ang bad mo panget mo naman mukha kang bulldog! Nahulog 'yong foods ko!" sigaw niya.

Napaatras ako dahil amoy suka talaga!

"Alam mo bang ngayon lang ako makakain no'n tapos—hmp!" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya, pumasagpasag siya tuloy ay pinagtitinginan kami.

"Huwag ka ngang gumawa ng eksena! Hindi ko sinasadya okay? Sorry kasi!" inis na sabi ko sa bata saka binitawan ang bibig niya.

Umatras siya kaya umayos ako ng upo sa swing, matalim ang tingin niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa cup na hawak niya kanina na nasa sahig na, bigla akong kinain ng konsensya, lumipat ang tingin ko sa paa niya at may kaunting gasgas na may dugo doon dahil sa bato.

Badtrip Terron!

Tumayo ako at hinila siya paupo sa swing.

Sumimangot siya nang sipatin ko ang paa niya, maputi siya. Mukhang anak mayaman dahil sa suot, mukhang brat na bata.

Inilapag ko muna ang bag ko sa kabilang swing at kinuha ang extra na panyo.

"Ayusin mo 'yang tingin mo bata, mas matanda ako," pangangaral ko dahil halos tumirik ang mata niya talim no'n, na para bang kinakatay na niya ako sa isip niya. "Hahawakan ko hita mo ha?" tanong ko, hindi siya sumagot pero ngumuso siya.

Umupo ako sa tapat niya, ipinatong ko ang paa niya sa tuhod ko. Kinuha ko ang panyo saka itinali iyon sa sugat niya, kasalanan ko naman.

"Huwag kang kain nang kain ng streetfood, masama 'yon sa katawan, mamantika saka hindi mo alam kung saan galing ang mga 'yon, baka madumi," sabi ko saka niya tiningan sa mukha, tumatango-tango siya animong tinatandaan ang sinasabi ko.

My forehead creased when I saw her looking at my bag, nakabukas iyon kaya nakikita ang mga chocolate roon.

"Nagbebenta ka pala? How much Kuya?" inosenteng tanong niya, nakangiting nilingon niya ako.

Hindi na galit ang boses niya, ang bilis magbago ng mood ng batang 'to, parang sinasapian.

Napamaang ako, anong Kuya? Sinong Kuya?

"I-I'm not your Kuya." Tumayo na ako saka pinagpagan ang slack na suot ko, ngumuso siya saka bahagyang tinulak ang swing gamit ang paa.

"But you're older than me, so you're Kuya," she pointed out while scanning my body.

Pagak akong natawa. "Bakit ilang taon ka na ba ha? Bata pa ako."

"Sabi mo kanina mas matanda ka, ngayon bata ka. Gulo ko, Kuya." Lumingon siya sa bag ko, bahagya pa akong napaatras nang tumayo siya saka nagsimulang kalkalin iyon.

Napakurap-kurap ako nang buklatin niya ang isang loveletter doon. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagbigay, kumunot ang noo niya habang binabasa iyon.

Marunong na ba 'to magbasa?

"Woy, I love you raw Kuya may heart-heart oh," tukso niya saka silapak ulit sa bag.

"Huwag mo nga akong tawagin Kuya," naiinis na sabi ko.

"Edi Papa na lang, ayaw mo pala ng Kuya."

Kumuha siya ng maraming chocolates, halos puno na ang dalawa niyang kamay saka nakangiting lumingon sa akin. Napatitig ako sa matamis niyang ngiti, hindi ako mahilig sa bata, ayoko ngang nag-aalalaga ng bata pero ang cute niya.

Mas cute siya kapag nakangiti dahil mas lumulobo ang pisngi niya.

The heck Terron?

Kinastigo ko ang aking isip saka nagkunwaring galit. "H-Hoy akin 'yan!"

"Damot, babayaran kita kapag yumaman na ako saka bayad mo na 'to kasi sinugatan mo kaya ako at natapon 'yong kinakain ko!" Humagikgik siya saka nagsimula nang maglakad papalayo, lumingon siya sa akin nang makailang hakbang. "Hindi na ako kakain ng streetfood! Healthy foods na lang after po nitong chocolate! Bye Kuyang mahilig sa matamis! Asukal de Papa! Mwuah!"

Nagtatakbo ang bata, pinanuod ko siya hanggang makalayo. Nanlaki ang mata ko nang maisip na kinuha niya ang mga chocolates ko.

Tae, nabudol ata ako no'ng chanak.

***

LUMIPAS ang ilang linggo, muntik na akong makuha ng isang lalaki nitong nakaraan araw nang isama ako ni Mommy sa Manila. The man tried to put me inside his black van, good thing that the little girl helped me to escape.

Sayang lang dahil hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa suot niya bonnet, hindi ko nakita pero binigay ko ang bracelet ko sa kanya kaya sigurado akong kapag nagkita ulit kami ay makikilala ko siya.

Simula no'n araw na 'yon ay mas naging mahigpit sila Mommy sa akin, hatid at sundo na ako sa school. Kung hindi naman ay lagi kong kasama si Kuya.

"Terron, uminom ka na muna ng gamot mo," sabi ni Mommy sa akin nang pumasok siya sa aking kwarto, may dala siyang tray na may laman na basong tubig at gamot ko.

Napalabi ako saka inalis ang headphone na suot ko habang naglalaro ng video games. Lumapit si Mommy sa akin, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

She's over acting again.

"I'm fine Mom, stop worrying okay?" sabi ko sabay inom ng gamot, pinanuod niya akong lunukin iyon. I smiled to remove whatever negative thoughts she had.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kasalan ko kasi 'yon anak, kung—"

"Mommy! Stop it, okay? Huwag mo na pong sisihin ang sarili mo saka ayos lang ako. Wala naman masamang nangyari sa akin, wala naman naging epekto 'yon. Ako pa rin naman 'to, I'm fine Mommy, ang oa mo," natatawang sabi ko.

Hindi ngumiti si Mommy, malakas siyang bumuntonghininga saka ako hinalikan sa noo.

"I hope, anak."

Mabilis lumipas ang mga buwan hanggang naging taon, noong umpisa ay iniinom ko lahat ng gamot na binibigay nila. Mommy told me that it was for my vitamins, for my stress pero naisip kong matagal naman na iyon saka alam ko sa sarili kong hindi naman ako stress.

I'm not traumatic so I stopped taking my meds.

Hindi alam nila Mommy, tinatago ko lang ang mga gamot. Ayoko na 'yon inumin dahil mas pakiramdam ko may sakit ako kapag gano'n, mas nanlalata ako.

I'm fine, I'm healthy.

***

"CHEERS, Engineers!" malakas na sigawan namin kasunod ng tunog ng mga baso. We're having a graduation party near Clark Pampanga.

Bukas pa ang graduation pero ngayon kami nag-celebrate magka-klase, nasa isang floor kami ng club. Sa ibaba ay tanaw ko ang ibang department na nagce-celebrate rin para bukas.

I smirked when one of my batch mate touched my torso, she grinned her legs to me.

"Let's dance, Terron," she whispered.

Natawa ako dahil muntik na siyang masubsob, pilit niyang inaabot ang aking labi. Nagtawanan ang mga kaibigan ko, kaya ngumisi ako. She's beautiful and also a freelance model so she has a perfect body. I can't deny it, I'm actually turn on to her.

Hinawakan ko ang balakang niya nang magsimula siyang gumiling sa harapan ko, bahagyang tinatama ang kanyang malusog na pang-upo sa aking pagkalalaki.

Huwad kung itatanggi kong hindi ako tinitigasan. I like what she was doing, I like her soft body against mine.

Nakakalibog siya.

Mas lumakas ang tugtog, tinungga ko ang huling shot para sa akin. The woman kissed my jaw, whispering dirty words to me.

"Tinitigasan ka na? Hmm, you wanna bang me now Terron?"

Nanggigigil na hinawakan ko ang kanyang pisngi upang halikan ang mapula niyang labi. May ilang babae na akong nahalikan kaya masasabi kong magaling siyang makipaglaban ng dila at labi, mas ginanahan ako.

I love making out.

Masiyado akong mapusok nang gabing iyon, nakarating kami sa aking kotse ko habang naghahalikan at kung saan-saan dumadapo ang kamay ko. Sa likod kami sumakay, kaagad siyang kumandong sa akin at bahagyang gumiling kaya kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan gumawa ng ingay.

Fuck. I will lose my virginity tonight!

"Terron, fuck me," she whispered.

Naisandal ko ang aking ulo sa upuan nang kalasin niya ang sinturon ko. Mas binalot ng init lalo't malikot ang kanyang malambot na kamay, hinihimas ang pagkalalaki ko sa ibabaw ng aking pantalon.

Mariin akong pumikit nang akmang hahawakan niya ako roon ay napukaw ang atensyon ko dahil sa ingay sa labas ng kotse. Mapungay ang matang nilingon ko ang dalagita sa labas na nakatalikod sa aking kotse, patuloy pa rin sa paghalik ang babaeng kasama ko sa aking leeg.

"Hello? Jamall, awit ka! Nandito ako sa labas ng club, saan floor ka ba? Bakit naman iinom-inom hindi pala kayang umuwi. Papapasukin ba ako rito? Wala pa ako sa legal age, prend. Baka nakakalimutan mo, hay nako. Naiintindihan mo ba ako? Anong hindi mo marining?"

Kumunot ang noo ko nang pumunta ang babae sa labas sa hood ng sasakyan ko at doon tumuntong animong naghahanap ng signal. Wtf?

"Ayan naririnig mo na ba ako? Hello? Tanga naman nito. Hello? Anong bumili ako ng bulalo, tae. Papasok na ako, lumabas ka na kasi baka hindi ako makapasok. Hoy! May utang ka pa sa akin timawa ka. Ano? Anong gusto mo ng dalawang cock? Hahaha gagi, ano? Ah Coke? Cone? Ewan ko sa'yo, lasing ka na bakla! Punta ako diyan, try ko pumasok lagot ka talaga kay Tito!"

Umalis na ang babaeng malakas ang boses, sinundan ko siya ng tingin, papasok siya sa club.

Hinawakan ko na ang babae na kasama ko sa balikat niya upang tumigil siya sa ginagawa, nawalan na ako ng gana. Ang iniisip ko ay 'yong babaeng ginawang tuntungan ang hood ng kotse ko.

"Wait," pigil ko sa magandang babae kasama ko.

Mapungay ang matang tinignan niya ako. Inayos ko ang suot kong long sleeve na bahagya ng nakabukas saka inayos ang blouse niya na magulo na rin, bahagya nang nakaangat ang kanyang palda.

Umalis siya sa kandungan ko at nagtatakang tumingin sa akin.

"W-Why?"

Inayos ko ang pagkakabit ng aking sinturon. "Sorry, I can't make love to you." Iyon na lang ang nasabi ko, bahagya akong sumilip sa labas bago ibalik ang tingin sa kanya.

"Huh? I said fuck, not make love. Come on, let's play. Let's have some fun," natatawang sabi niya.

Mabilis akong tumango. "Yeah, I think I can't do fuck. Sorry."

Nakita ko ang pagkainsulto sa mukha niya pero sa huli ay nagkibit-balikat siya saka inayos ang nagulong blonde na buhok.

"Oh, well . . . thanks for the kiss. Message me if you change your mind." Kinindatan pa nya ako bago lumabas sa kotse, pinanuod ko siyang maglakad pabalik sa club.

Nang sipatin ko ang babaeng sumandal sa hood ng kotse ko kanina ay wala na rin doon.

She looks familiar.

***

I MET Lisa Lyndel Montero after my graduation, kakasimula ko pa lang sa trabaho noon makilala ko siya. Masiyado siyang pa-misteryo kaya mas lalo akong nahulog sa kanya sa lumipas na taon na magkakilala kami. I can say that she's one of the strong woman I've ever met.

Saksi ako sa mga pinagdaanan niya kaya gano'n na lang siguro ako kahulog sa kanya.

Siya ang nasasabihan ko sa problema sa trabaho, ako rin ang sinasabihan niya ng mga bagay na hindi niya masabi sa bestfriend niya hanggang sa ligawan ko siya at sagutin niya ako pagkaraan ng halos dalawang taon na pagiging magkaibigan.

"Ewan ko Terron, ba't gano'n? Tinuring ko silang kaibigan tapos ha may sinasabi pala kapag nakatalikod ako," litanya niya habang nagvi-videocall kami. Mukhang may katrabaho na naman siyang pina-plastik daw siya.

Iginilid ko ang plates na tinitingnan ko saka ibinigay ang buong atensyon sa kanya.

"I told you, not all co-worker is a friend. Iba ang kaibigan sa katrabaho, tandaan mo 'yan ha? Don't trust to much," pangangaral ko, bahagya kong hinilot ang noo ko dahil kumikirot iyon.

Hindi naman palagi pero nitong nakaraan buwan ay dumadalas.

"Ayos ka lang ba? Pinapagod mo ata ang sarili mo," sabi niya.

Tipid akong ngumiti. "Kulang lang 'to sa kiss."

Humalakhak siya saka umarteng hahalikan ang screen ng cellphone niya, kinagat ko ang ibabang labi dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Mwuah! Iyan! Magaling na ang boyfriend ko. Huwag ka masyado papagod Terron."

Tumango ako saka sumandal sa upuan habang hindi inaalis ang tingin sa screen. "Gusto kitang makasama," wala sa sariling sabi ko.

Napanguso siya. "Ngayon? Gabi na e."

Tumayo ako saka kinuha ang susi ko. "I'll go there, I need my girlfriend," sabi ko, desidido na.

Natatawang tumango siya. "Sige, ingat ka. Iinitin ko 'yong ulam para makakain ka pagdating mo, wala si Kevin e."

Naramdaman ko ang lungkot sa boses niya, kakaiba iyon pero hindi ko na pinansin pa. I know she already moved on from her bestfriend.

Nang gabi na 'yon ay roon ako natulog, madalas na rin naman kaming nagtatabi. Minsan sa condo ko, minsan sa bahay nila.

Siguro isa sa mga gusto ko sa relasyon namin ay hindi kami nagmamadali, we're enjoying each other company but we know our limits.

I'm waiting, I can wait. Ayos lang naman kahit walang gano'n, walang sexual.

Minsan napapasobra, siguro ang pinaka sobra na nagawa namin ni Lisa ay ang nahalikan ko ang dibdib niya, sobrang pagpipigil ako noon dahil mahal ko siya.

Iyon lang dahil kapag alam namin na sobra na ay kusa kaming lumalayo saka magtatawanan na lang.

That's why I like her. Hindi siya mahirap pakisamahan.

Nandoon din siya noong namatay si Manang, ang kasambahay na nag-alaga sa amin ni Kuya Travis noong bata kami. Para na namin siyang pamilya kaya sobra akong naapektuhan dahil parang nawalan din ako ng pangalawang ina, si Lisa ang nandoon noon.

I have discovered that Lisa was the child who rescued me. She had saved my life!

Nakita ko sa mga gamit niya ang bracelet ko noon kaya alam kong siya 'yong batang 'yon, mas minahal ko siya dahil doon. Mas nagtiwala ako sa kanya, mas naging kampante ako kay Lisa.

Mahal na mahal ko siya.

Pero kahit ano palang pagmamahal mo, kahit anong gawin ay may hangganan pa rin dahil ng makadalawang anibersayo namin ay naghiwalay kami.

She is still head over heels in love with her childhood friend. I feel betrayed. She left me.

I feel so broken when my Mom called me for an arranged marriage.

Okay, what the hell?

***

Madaming nangyari sa lumipas na mga taon. Hindi ko maimagine na magiging ganito, na hahantong 'yong batang Terron sa ganito. Nakaramdam ako ng galit sa mga taong nakapalibot sa akin dahil inilihim nila.

Tangina, nababaliw na ako. Pakiramdam ko ay trinaydor nila ako.

I think . . . I disappointed my young Terron, my young self.

I lost everything. I lost Savria, my wife.

Ilang taon na ako rito sa ibang bansa, naggagamot pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makalimutan. Siguro dahil ayoko naman talaga, ayokong kalimutan si Savy kahit hindi naging maganda ang marriage namin.

Mariin kong ipinikit ang aking mata, ang sabi ni Mommy ay unti-unti ng bumubuti ang lagay ko sa tulong ng therapist at gamot na hindi ko na kinakalimutan. Lahat ng pinapagawa nila sa akin ay sinusunod ko dahil gusto ko nang umuwi kay Savy.

Gusto kong sabihin sa kanya na magaling na ako, na maipagmamalaki na niya ako.

Days turned months and years. I spend my days in the hospital and my new work place. I met new friends.

Natakot na akong bumalik, natakot akong baka wala akong babalikan.

Mariin akong pumikit habang nasa kama, yakap-yakap ang unan ng asawa ko noon. Hindi ako makatulog kapag wala 'to, parang may kulang kapag wala siya.

This morning, my brother informed me that we are already annulled.

I was prepared, but it's hurt. Fucking bullshit.

Alam ko naman, kasalanan ko. Inaako ko lahat pero putangina. Ang sakit, ang sakit kasi kung kailan wala na siya saka ko gustong iparamdam kung gaano siya kaimportante sa akin, importante sa buhay ko.

Hindi bilang bata noon na nagligtas sa akin, hindi bilang kapalit ni Lisa kung hindi bilang siya, bilang Savria.

Minahal ko siya bilang Savy.

Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao sa singsing namin, pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mata kahit ako lang naman mag-isa sa kwarto.

"Magaling na ako Sav. I-I'm okay now baby but I'm not happy." Malakas akong bumuntonghininga nang maramdaman kong kung ano-anong negatibong bagay na naman ang naiisip ko.

Marahas akong umiling saka nagpakawala ng hangin para kumalma.

I can do it!

Hindi ako magpapakain sa kalungkutan, hindi ako mag-o-overthink katulad noon. Kaya mo 'to Terron!

Tama, nagkahiwalay kami ni Savy dahil sa punyetang sakit na 'to. Kung magpapakain ako sa lungkot ulit parang pinatunayan ko lang na talo ako, na tama lang na iniwan niya ako.

I need to fight, I need to be strong for her. I should.

Mabilis kong kinuha ang telepono at tinawagan si Driv, isa sa mga naging kaibigan ko.

"Hello, dude?"

"Hello Driv, I'm accepting the project in the Philippines. I'll go home."

***

NAKAUPO ako sa teresa ng aking bahay habang nakatanaw sa papalubog na araw, tahimik na sumisimsim ng kape.

Mas maganda sana kung may kasama ako ngayon, may kasama akong panuorin ang paglubog ng araw. Malakas akong bumuntonghininga dahil kanina pa sumisikip ang dibdib ko.

Narinig kong bumukas ang sliding door kung nasaan ako pero hindi ko nilingon.

"Daddy?"

Sinulyapan ko si Tanner, nakasuot siya ng uniporme niya sa trabaho. Hindi ko maiwasan mapangiti nang lumapit siya at magmano, may dala-dala siyang cake.

"Anak!" I called my handsome son.

"Happy 50th birthday, Daddy! Make a wish," masiglang ngunit seryosong sabi niya saka inilapag ang cake sa ibabaw ng lamesa sa gilid.

Natatawang pumikit ako. 'I wish I could turn back the time, I wish I could whelve everything.'  Inihipan ko 'yon.

Inihanda ko ang ngiti ko sa aking anak.

"Salamat, mabuti ka pa naalala mo. Halos makalimutan ko na rin ang birthday ko. Mabuti pala at dumalaw ka? Galing ka pa ata sa trabaho?" mabilis na sabi ko kahit ang totoo ay naiiyak na ako.

Ganito ata kapag tumatanda na, mas nagiging emosyonal.

I thought we'll celebrate our birthday together?

"Syempre hindi kita makakalimutan, Dy nag-out po ako nang maaga."

Tumango ako, tinapik niya ang aking balikat, bakas ang pag-aalala sa mukha.

"Ayos ka lang ba rito Dad? Mag-isa ka lang," nag-aalalang tanong niya.

Ngumisi ako. "Ayos lang ako. Kapag oras mo ay oras mo na."

"Daddy naman!"

Natawa ako saka nag-iwas tingin. "U-Uh, si Mommy mo kumusta pala?" pagbabakasali ko.

Nakita kong umiling si Tanner parang pagod magpaliwanag pa o pagod sagutin ang tanong ko.

"Daddy," may pagbabanta sa tono ng boses niya.

Tipid akong ngumiti saka tumingin sa araw na tuluyan ng pinapalitan ng buwan. Ang ganda, sana nandito ka sa tabi ko mahal para makita mo ito. Sana nandito ka at hawak-hawak ko dahil mas masaya siguro ako.

Tumikhim si Tanner.

"Teka Daddy, kukuha ako ng panghiwa para makain na natin 'tong cake," pag-iiba niya sa usapan.

Tumango ako saka hinayaan siyang umalis, dahan-dahan kong isinandal ang ulo ko sa sofa kung saan ako nakaupo.

Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata.

I want to rest.

________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store