Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 33
Kabanata 33:
TERRON didn't get a chance to talk after the long silence. The man named Lorcan cleared his throat and tapped Savy's shoulder. "Mas mabuti siguro kung sa loob kayo mag-usap, Love?" he suggested, he glanced at him as if he knew everything about him and Savy, it annoyed him.
Hindi pa siya nakakabawi sa mga nalaman niya at biglang pagbalik ng ala-ala, kanina pa tumutunog ang kanyang telepono at sigurado siyang ang ina niya iyon pero hindi niya sinasagot, hindi niya maialis ang tingin sa asawa . . . dating asawa.
Savy looked at the annoying man, she didn't think twice.
"Sige, p-pumasok ka muna Terron," sabi ng babae animong wala itong pagtutol sa desisyon ni Lorcan, na para bang kahit anong sabihin ng lalaki ay susundin nito.
Naglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, mas binuksan ng lalaki ang pintuan saka siya iginaya upang pumasok.
Wala sa sariling sumunod siya sa dalawa sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala ay pinaupo pa siya ng lalaki sa kulay brown na sofa, hindi gano'n kalaki ang bahay pero pansin niya ang malinis na paligid, lahat nakaayos.
His eyes landed on the picture frames. Savy and Lorcan's photo, nakahiga si Savy sa hospital bed habang ang lalaki ang kumukuha ng litrato, ang isang picture pa ay parang nasa isang bundok.
Iginala niya ang mata sa ibang picture na nandoon, mukhang nakita iyon ni Savy dahil itinaob nito ang isang larawan na hindi niya pa nakikita bago tumikhim at humarap kay Lorcan.
"Magbihis lang ako, ako na magtatapos ng niluluto mo," sabi ng lalaki kay Savy, tumango ang dalaga saka inabot ang apron na suot nito.
Naikuyom niya ang kamao nang halikan ng lalaki si Savy sa labi, sandali lang iyon pero pakiramdam niya ang umakyat sa ulo lahat ng galit sa katawan niya.
Putangina!
Sinundan niya ng matalim na tingin ang lalaki.
Nang maiwan silang dalawa ay bumuga siya ng hangin, parang may nakabara sa kanyang lalamunan habang nag-uulit-ulit ang sinabi nito.
He was so impulsive when he remembered Savy, he didn't think that they were separated years ago.
Umupo ang babae sa katapat niyang sofa.
"S-Sav..." He called her.
Hindi siya makapaniwalang makikita niya ulit ang babae na ganito kalapit, ngayon niya napansin ang pagbabago sa mukha nito, ang pagma-matured ng itsura ng babae at pagganda ng katawan.
Mukhang naalagaan ito nang maayos ng lalaki, mas naalagaan kaysa noong nasa kanya pa ito.
Savy smiled at him, totoong-totoo hindi katulad noon.
"Matutuwa panigurado ang magulang mo kapag nalaman nakaalala ka na lalo na si Mother Earth," panimula ng babae, kinagat nito ang ibabang labi.
Tipid siyang ngumiti, parang may pumipiga sa puso niya. Limang taon na nga ang lumipas, ang dami ng nagbago, ang daming nawala.
"Sana nga hindi na lang bumalik, kung alam ko lang na ganito ang maaalala ko. Sana nanatili na lang na wala akong maalala," wala sa sariling sabi niya.
Nakita niya kung paano nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. "Don't say that, hindi mo alam kung anong hirap ang ang pinagdaanan ng mga magulang mo para gumaling ka. Noong una sa trauma mo, tapos noong unti-unti ka na nagiging maayos ay naaksidente ka naman. Do you think your parent would be pleased to hear you say that?" sikmat ng babae.
Bigla siyang nahiya, tama ang sinabi nito. Alam naman niya iyon, ang laki ng sakripisyo ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Nagbaba si Terron ng tingin sa daliri niya. "Are you happy with that man?" mahinang tanong niya.
Hindi niya alam kung dapat ba niya iyon itanong.
Ganito ba ang nararamdaman ni Savy noon? Noong mahal niya si Lisa, 'yong panahon na bulag na bulag siya sa pinaniniwalaan niyang pagmamahal. Ganito ba kasakit ang nararamdaman ni Savy? Ganito ba kasakit malaman na may mahal ng iba ang taong mahal mo?
Savy sighed. "He's my fiance, Terron. I'm happy with him. Hindi ko naman tatanggapin ang kasal kung hindi. Nakaplano na lahat, handa na ang susuotin namin, ang bisita, ang lugar at singsing. Kaya kita iniiwasan, ilang beses ko na sinabi sayo may asawa na—"
"Ikakasal pa lang!" segunda niya, mas dumiin ang kanyang boses.
Nagtama ang mata nila ng babae, lumamlam ang mata nito habang nakatingin sa kanya kaya nainis siya. Hindi iyon ang gusto niyang reaksyon, hindi awa.
"Gano'n na rin 'yon, ang totoo ay masaya akong bumalik ka. Na nakikita kong mas maayos ka kaysa noon. Noong una akala ko nakakaalala ka na at pinaglalaruan mo lang ako, but I asked hmm . . . Jaren. Well, may koneksyon pa rin naman ako sa kanila hanggang ngayon. Doon ko lang nalaman na hindi pala lahat naaalala mo, gusto kong lumayo pero ikaw naman lapit nang lapit," mabilis na paliwanag nito habang deretsyo ang tingin sa kanya.
Umawang ang kanyang labi saka siya pagak na natawa.
"Ba't parang ang daling sabihin para sa'yo ang mga bagay na 'yan, Savy? Bakit parang ang dali sa'yong saktan ako huh?" Hindi niya maiwasan manumbat, hindi niya inalis ang tingin sa babae.
Binasa nito ang labi bago nagsalita.
"Do you think this is easy for me? T-Terron, nabuhay ako sa nakaraan na puro pagpapanggap, na halos kalahati ng tungkol sa akin na alam mo ay hindi totoo. I don't want to hide myself, I'm here telling you the truth. Na sa'yo na 'yon paano mo tatanggapin. This is me, Savria Dela Torre."
Terron clenched his jaw.
"I don't care who you are. Wala akong pakielam kung alin man ang totoo tungkol sa'yo, you're my baby. That's it."
Savy chuckled like he said something stupid. "You submitted the papers, our annulment."
"Because you begged to me! Anong gusto mong gawin ko? Halos magmakaawa ka sa akin na kung mahal kita ay pakawalan kita, ayokong ikulong ka sa kasal na hindi talaga bukal sa kalooban mo! Na ginawa mo lang para sa pera, wala naman sa akin iyon, kahit gamitin mo ako nang paulit-ulit ay ayos lang. Maybe my mind was not stable that time but fuck! I'm in love with you unconsciously!"
Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang balikat, gusto niyang lapitan ang babae pero natatakot siyang baka matakot ito.
Nakita niyang natigilan ang babae bago tipid na ngumiti.
"At least hindi lang ako ang na in love noon, hindi na lugi," biro pa nito.
Hindi siya kaagad nakapagsalita, sakto naman na bumukas ang pintuan sa kabilang gilid. Sabay silang napatingin doon ni Savy, umawang ang labi niya nang makita ang pamilyar na batang lalaki na pupungay-pungay ang mata.
"Jemiah, come here. May bisita si Ate, ipapakilala kita," ganadong sabi ni Savy.
Mukhang doon lang siya napansin ng bata, nag-aalangan pa itong lumapit sa dalaga. Unti-unti niyang naisip na may kapatid nga si Savy, ito na ba 'yon? Gumaling na?
"Terron, this is my younger brother, Jemiah. Bunso, hindi ba nabanggit ko noon na nag-work si Ate para maipagamot ka? S-Siya 'yong isa sa tumulong sa akin. U-Uh, say thank you to Kuya Terron," sabi ni Savy.
Nanuyo ang lalamunan niya nang unti-unting ngumiti ang bata na may matambok din na pisngi, maputi ito.
"Thank you po, Kuya. N-Nasabi po ni Ate na... binigyan niyo siya ng pera... ginamit po iyon ni Ate sa akin at sa sakit niya. Thank you po," magalang na anito.
Tama ang sinabi nito, bago siya tumulak sa ibang bansa ay sinigurado muna niyang mapagpapatuloy ni Savy ang pag-aaral kahit wala siya sa bansa. Ang mga kinita niya sa Davao ay iniwan niya sa account nila, nagbabakasakaling gamitin iyon ng babae.
"A-Anong sakit?" takang tanong niya kay Savy. May sakit ang babae noon?
Tumikhim si Savy saka bahagyang hinimas ang likod ng kapatid. "Jemiah, punta ka muna sa kusina. Nandoon na si Papa Lorcan, doon ka muna."
Tumango ang bata at bahagya pa siyang nilingon bago tuluyan umalis.
Nang sila na lang ulit ay roon nagkwento ang babae.
"I had chronic kidney disease." Nanlaki ang kanyang mata. "Huwag kang mag-alala, ayos na ako. Lorcan donated his kidney to me. Ayos na ako pero naggagamot pa rin." Umawang ang kanyang labi dahil sa sinabi nito.
"Noong mga panahon na 'yon, sobra talagang kailangan namin ng pera. May sakit ang kapatid ko at sumabay ang sakit ko. May mga tumutulong pero hindi pa rin sapat kaya tinanggap ko ang trabaho, sabihin na natin na nagkataon na 'yong lalaking iniligtas ko noon bata pa kami ay ang lalaking babantayan ko."
Nagsalubong ang kanyang kilay.
"Hindi ko alam kung natatandaan mo pa, pero kakahiwalay niyo pa lang ni Lisa noon. We got into an accident, ako 'yong nabangga mo sa harap ng ospital, lutang din kasi ako noon dahil kailangan ng malaking halaga sa operasyon ni Jemiah sakto naman na lasing ka." Tumawa pa ang babae. "Your mom visited me at the hospital, hmm. To make the long story, short... nakilala niya ako, na batang tumulong sa'yo noon. She offered me a job."
Mariin siyang pumikit, hindi ganito ang iniisip niya kung paano nagkakilala si Savy at Mommy niya.
Alam naman niyang kahit ano pang gawin ay hindi na maibabalik pa iyon, kahit anong sorry ay hindi na maibabalik.
Ni hindi nga niya alam na nagkasakit ito. Kayang-kaya niya rin ibigay ang pangangailangan nito, kaya niya rin ibigay ang isa sa kidney niya kung alam lang niya.
"Sorry I made you suffer," mahinang sabi niya habang nakayuko.
Hindi kaagad nagsalita ang babae, napadilat siya nang maramdaman lumapit ito sa kanya at walang sali-salitang niyakap siya.
Unti-unting tumulo ang kanyang luha habang nasa bisig ng dalaga.
"Sorry if I left you when you needed me, Terron. Pasensya na kung inuna ko ang sarili ko, sorry rin kung sinukuan kita, sorry kung napagod ako," mahinang sabi ng babae habang mahigpit ang yakap sa kanya.
Kahit sumisikip ang dibdib ay tumango siya saka hinimas ang likod nito.
"Don't be sorry, Savy. N-Naiintindihan ko naman, parehas tayong kailangan ng oras noon. S-Siguro hindi lang ito ang inaasahan kong babalikan ko."
Kinagat niya ang ibabang labi, nang maghiwalay sila ay nginitian niya ang babae saka ginulo ang buhok nito.
Natawa ang babae saka pinunasan nito ang sariling luha.
"You're a teacher now, I'm so proud of you," sinserong sabi niya, bumaba ang tingin niya sa labi ng babae pero kaagad niya rin iyon inalis.
Natatawang hinampas siya nito, kinilabutan siya nang maramdaman ang malambot na kamay ng babae sa kanyang braso.
"Huwag ka ngang ano, maiiyak ako nyan pero thank you."
Sandali siyang natahimik bago inilibot ang tingin sa bahay, hindi niya tanggap. Hindi pa niya tanggap lahat pero anong magagawa niya, mukhang maayos naman na ang babae, mukhang masaya na ito sa bagong buhay nito na wala siya.
"U-Uh, so hmm... you met him in the hospital?" Hindi niya maiwasan magtanong, nag-iwas siya ng tingin upang hindi nito makita ang sakit sa kanyang mata.
"Oo, n-noong mga panahon na naggagamot ako. Doon ko nakilala si Lorcan, halos limang taon ko na rin siyang kakilala at kasama," sabi ng babae.
Nang lingunin niya ito ay bumaba ang tingin niya sa kamay nitong walang singsing, katangahan man pero umaasa siyang baka sinusubok lang siya ng babae, na baka hindi naman totoo.
"W-Where's your ring?"
Tipid na ngumiti si Savy. "Pinapa-adjust namin, may pinapadagdag kami. Iyon na kasi ang gusto kong singsing sa kasal, ayos lang naman sa akin," mahinang anito.
Tumango siya saka tipid na ngumiti.
He lost their rings, hindi na niya alam kung nasaan ang mga iyon.
Nilingon niya si Savy, tumaas ang sulok ng kanyang labi.
"Masaya ka ba sa kanya? Minamahal ka ba niya sa paraan na deserve mo? M-Mahal mo ba siya, Savy?"
Wala siyang pakielam kung nasa mismong bahay sila ng lalaki, hindi niya alam kung kailan ulit sila makakapag-usap ng ganito ni Savy. Lulubos-lubusin na niya, naisip niyang kung masaya si Savy, kung ayos na ito, baka pwedeng palayain na niya ito ng tuluyan.
Baka pwedeng hayaan na niya itong magmahal ng iba, kahit masakit basta masaya ito, ayos na sa kanya.
Savy's lips turned up, she held his right hand. He gupled because of that. "Alam kong nag-aalala ka, Terron. Pero huwag mo na akong isipin pa, nasa mabuti na akong kamay. Mahal ako ni Lorcan, minahal ko na rin siya. Hindi lang dahil siya 'yong nandyan noong kailangan ko ng masasandalan, Lorcan taught a lot of things. He made me realized something, that the more you love who you are, the less you seek for validation. I love this version of me, with Lorcan. Masaya ako at nakikita ko na ang sarili ko kasama siyang tumanda, bumuo ng pamilya. Sorry."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito.
"Gano'n mo lang ba ako kadaling kalimutan? G-Gano'n lng ba ako kadaling palitan?"
Kinagat niya ang ibabang labi nang halikan ni Savy ang kanyang kamay katulad ng ginagawa nito noon, nangilid ang kanyang luha pero ayaw niya iyon makita ng babae kaya nag-iwas siya ng tingin.
"May parte ka na sa buhay ko, Terron. Sobrang laki, hindi iyon maaalis. Hindi kita kakalimutan, ikaw kaya ang Asukal de papa ko," mahinang sabi ng dalaga, napahikbi na siya dahil doon. Hindi niya mapigilan umiyak sa harapan ni Savy, wala na siyang pakielam kung anong isipin niyo. "You have special place in my heart, Terron. You're still my papi, my asukal de papa, my favorite person. Be happy, I'll pray for your happiness too."
Marahas siyang umiling, hindi niya ata kayang maging masaya.
Nakatakda na ata siyang tumandang ganito.
Narinig niyang bumukas ang isang pintuan. Sa pag-aakalang ang kasintahan ito ng dating asawa ay malalaki ang hakbang na lumabas na siya ng bahay, habang kaya niya pa, habang kaya niya pa ang sakit, habang kaya niya pang hindi lumuhod at magmakaawa sa babae.
Kaagad siyang sumakay sa van, nagulat ang matanda sa itsura niya pero hindi ito nagtanong.
Bago tumulo ang kanyang luha ay kaagad na niya iyon pinunasan.
***
NILAGOK ni Terron ang huling baso ng alak na iniinom niya, inis na binitawan niya iyon nang maubos ang laman.
Bakit gano'n? Kahit gaano kadaming alak ay hindi pa rin siya nalalasing? Na mamanhid lang ang kanyang dibdib pero sumisikip pa rin.
Mariin siyang pumikit pero kaagad din napadilat nang maisip ang masayang mukha ni Savy kasama ang fiance nito, gumalaw ang kanyang panga dahil hindi niya maiwasan maisip na pinapaligaya nito si Savy sa paraan na siya ang gumagawa noon.
Alam niyang mayroon ng gano'n. Ikakasal na nga e.
"Tangina naman, wala ba akong karapatan maging masaya?" mura niya sabay kamot sa ulo.
Kanina pa tumatawag ang kanyang ina at kuya pero pinatay na niya ang telepono.
Ayaw niyang kumausap ng kahit sino ngayon, natatakot siyang may masabi siyang makasakit sa mga ito at sa huli ay siya na naman ang may kasalanan.
He still can’t accept that she already love someone while he' still suffering.
Tumingala si Terron sa papaadilim na langit habang nasa dalampasigan, tanging paghampas ng alon sa dagat ang kanyang naririnig.
Lasing na tumayo siya para bumili ulit ng alak pero ang balak niyang pagpunta sa isang store ay hindi natuloy nang tumuon ang atensyon niya sa park, hindi kalayuan sa water fountain na pinuntahan niya noon.
Kung saan niya ulit nakita si Savy.
Kusang humakbang ang kanyang paa papunta sa park.
Madaming tao, may mga batang nagtatakbuhan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa swing upang doon umupo. Nawalan na siya ng gana uminom.
Napatitig siya sa mga batang nagtatakbuhan, sa mga pamilyang buo at nagtatatawanan. Inayos niya ang suot na jacket saka napabuntonghininga.
"I wish I met you early, I met you when my heart was still pure. Sana nakilala kita noong wala akong nararamdaman na sakit, edi sana masaya tayo ngayon kasama mga anak natin," mahinang bulong niya saka ginulo ang buhok.
Hindi niya alam kung paano haharapin si Savy ulit, paniguradong makikita niya pa ito ulit lalo't iisang lugar lang ang ginagalawan nila.
Tumuon ang atensyon niya sa ilalim ng slide, naningkit ang kanyang mata dahil may bata roon na naka-wheel chair na mukhang nakikipagtaguan dahil nagtatago ito roon habang luminga-linga habang natatawa pa.
Tumayo na siya para bumalik na sa cabin niya.
Akmang tatalikod na siya ay nag magtama ang mata nila ng bata. Ang mukha nitong masaya ay napalitan ng gulat, nakita niyang nalaglag ang panga nito.
Nagsalubong ang kanyang dahil parang pamilyar ang bata, parang may kumurot sa puso siya pero kaagad niya iyon kinastigo, ganito na ata siya kalungkot at kung ano-ano ang naiisip niya.
Nagpalinga-linga siya dahil baka iba ang tinitingnan nito.
Napabuntonghininga si Terron nang makita ang mga bata sa kanyang likod, baka iyon ang mga kalaro ng bata.
Tumuloy siya sa paglalakad, hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay sumigaw ang bata.
"D-Daddy!"
Kumunot ang kanyang noo, bumabagal ang kanyang lakad pero hindi siya lumingon.
"Dad! Daddy wait! Wait d-don't leave again! Dy, h-huwag mo 'kong iwan!"
Tuluyan na siyang tumigil, parang may nagtutulak sa kanyang lumingon kahit pa malabong siya ang tinatawag ng bata.
Nang tuluyan siyang lumingon ay naabutan niyang pilit tumatayo ang bata mula sa pagkakaupo sa wheelchair nito, pilit nitong tinutulak ang sarili patayo.
Umawang ang kanyang labi nang deretsyo itong nakatingin sa kanya habang namamalabis ang mga luha. Pati ang ibang malapit ay napahinto na rin at napatingin sa bata.
"D-Daddy!" tawag ulit nito.
Tuluyan itong nakaalis sa wheelchair, kaagad itong natumba sa damuhan. Narinig niyang nagkagulo sa paligid, umawang ang kanyang labi nang gumapang ang bata mas papalapit sa kanya.
Malalaki ang kanyang hakbang upang lapitan ito, nang huminto siya sa harapan nito ay mas umiyak ang bata at parang nagmamakaawang niyakap nito ang kanyang binti.
"D-Daddy, y-you came back! Y-You're here! S-Sabi ko na nga ba, h-hindi mo ako iniwan kami p-panget ako, kasi ayaw mo sa akin kasi hindi ako normal! S-Sabi ko na nga ba, m-mali 'yong sinasabi ng mga k-kalaro ko! D-Daddy, t-thank you for c-coming back!" Malakas ang iyak ng bata, mas humigipit ang yakap sa binti niya habang nasa damuhan animong ayaw siyang pakawalan.
Umawang ang kanyang labi kasunod nang malakas na kalabog sa kanyang didbib, pinaghalong kaba at kirot iyon. Handa na siyang lumuhod upang aluin ang bata nang may pamilyar na boses na nagsalita.
"T-Tanner!"
__________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store