ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 3

SaviorKitty


Kabanata 3:

SAVY did not let go of her husband's hand even though they already crossed the road. Palihim siyang napangiti nang mapansin hindi naman binawi ng asawa ang kamay nito, bagkus ay mas inilapit pa siya.

Good.

Mukhang mabait talaga si Papi Terron katulad ng sabi ni—Napailing siya sa naisip, hindi muna dapat niya iniisip ang bagay na iyon.

Napanguso siya nang maramdaman na sakop na sakop ng lalaki ang kanyang kamay. Hindi masyadong malambot at magaspang ang kamay ni Terron, sakto lang.

Siguro masarap siyang puming

"Hey, saan mo ba gustong kumain? Somewhere fancy?"

Napakurap-kurap siya saka tiningala ang lalaki, hanggang balikat lang siya nito. Naabutan niyang kunot ang noo nito habang hinihintay ang sagot niya, mukha pa naman bulldog ang lalaki kapag nakasimangot.

Nagpa-cute siya, bumuntonghininga lang ang asawa kaya pinigilan niyang matawa.

Hindi niya alam kung seryoso ba talaga ang lalaki o dahil kakakilala lang nila kaya pa-serious type pa. Ayos lang naman sa kanya, kahit ano.

'You'll fall for me hard, Terron, I promise.' sabi niya sa isip habang nililibot ang paningin sa paligid.

Ayaw niyang lumayo lalo't nakakahiya kay Terron na sinamahan pa siya. Doon pa sa malayo ang mga kainan, hindi naman kasi siya sanay sa mga street food dahil madaling masira ang tiyan niya pero...

"Street food na lang tayo, asukal de papa."

Tinaasan siya ng makapal na kilay ng asawa. "Akala ko ba ayaw mo no'n?"

"Ayos lang. Iyon na lang, basta mabusog keri na." Tipid siyang ngumiti.

Nakita niyang unti-unting ngumiti ang lalaki saka iginaya siya sa mga nakapilang nagtitinda ng street foods, mukhang kabisadong-kabisado nito kung saan sila kakain.

Lagi bang kumakain dito ang asawa? Mukhang kailangan na ata niyang matuto simula ngayon.

Inabutan siya ni Terron ng plastic cup, pinasadahan niya ng tingin ang iba't ibang pagkain. Mukhang masarap naman pero hindi talaga ito tanggap ng tiyan niya pero mukhang ito ang gusto ng lalaki kaya gagawin na lang niya.

Kung isa ito sa mga paraan para magkalapit sila ay gagawin niya, kaunti lang ang oras niya.

Kwek-kwek na lang ang kakainin niya, alam naman niya ang tawag doon dahil sinubukan na niya noon. Ito ang pinaka ligtas para sa kanya kasi itlog ang nasa loob.

"Lisa, kuha ka na," sabi ni Terron sa kanyang gilid habang tumutuhog na rin.

Natigilan at naiwan sa ere ang kamay ni Savy. Huh? She's not Lisa, sino 'yon?

Nang lingunin siya ng asawa ay bakas sa mukha nito ang pagtataka, mukhang hindi napansin ang itinawag sa kanya kaya pilit na ngumisi na lang siya.

"Oo na kukuha na sher, wait lang."

Nanatili ang ngiti sa labi niya saka kumuha na lang ng pagkain, baka naman nagkamali lang ang lalaki.

"Kwek-kwek lang sa'yo? Try mo kalamares masarap 'yan." Hindi na siya nagsalita nang lagyan ng lalaki ang kanyang cup. "Anong gusto mong inumin?"

Inilibot niya ang paningin sa mga nagtitinda. "BJ na lang."

"Huh? D-Dito?"

Kunot-noo siyang lumingon sa lalaki, nanlalaki ang mata nito. "Oo dito, may iba pa ba? Pwede naman."

"A-Ayoko nga..." tanggi ni Terron na may kasama pangpag-iling.

Savy frowned because of her husband. Ang gulong kausap. "Babayaran kita!" Baka kasi akala ni Terron ay wala siyang dalang pera.

Terron face and ears turned red. "W-What?"

"Anong what? Kung ayaw mo ako ibili sarili ko na lang ibibili. Kanya-kanya na lang. Kuripot naman. Ba't tinatanong mo ako, ayaw mo pala akong ibili ng buko juice! Damot."

Terron blinked and gulped. "Ah, s-sige libre na kita."

Mabilis tumalikod ang asawa kaya napailing na lang siya. Sayang gwapo si Terron, mukhang bobo.

Pinanuod niyang bumili si Terron ng buko nila bago siya iginiya sa mga nakalatag na upuan at lamesa sa gilid, para iyon sa mga kumakain ng mami at lugaw.

Terron wiped a chair first before handing it to her.

Palihim niyang pinapanuod kumain ang lalaki, maswerte na siya at pumayag ang lalaki sa inalok na kasal. Nagtataka rin siya kung bakit ang bilis, akala niya ay mahihirapan pa siyang papayagin ang lalaki pero heto sila ngayon at kasal.

Tumikhim si Savy bago magsalita dahil wala atang balak ang lalaki na kausapin siya. "Engineer ka pala?"

"Uh, oo. Paano mo nalaman?" Terron eyes bored into her.

"Duh, syempre chinika ka na ni Mother Earth sa akin."

"Mother what?"

"Si Mama mo, Mother Earth ang tawag ko sa kanya."

Tinapos ni Terron ang nginunguya saka napailing. "Ang weird mo. Ikaw graduate ka na ba? Legal ka na ba talaga? Baka makulong ako nyan ha," nag-aalalang tanong ni Terron kaya natawa siya, muntik pa siyang mabilaukan.

Inabutan siya ng lalaki ng buko. "Grabe, bente na ako. Pero hindi pa ako graduate. May dalawang taon pa ako."

"Huh, bakit? Noong bente ako, graduate na ako."

Napanguso siya sa tanong ng lalaki pero sa huli ay ngumiti na lang. "Late ako e, ayos lang hindi naman ako nakikipag-unahan."

"Ano bang course mo? Mahirap ba?Baka naman gala ka, gano'n. O pasaway?" akusa ng lalaki, nakita niyang bumagsak ang tingin nito sa labi niya habang ngumunguya siya kaya nailang siya dahil baka may tinga siya sa ngipin.

Pinasadahan niya ang mga ngipin ng dila para makasigurado, mabuti at wala naman. Baka gusto niya ng kinakain ko?

Dahil sa naisip ay inalok niya ang cup sa lalaki pero umiling lang ito.

"Woy, papi hindi ako gala. Educ kinuha ko, major in Filipino. Nag-aaral ako nang mabuti, saka sure akong papasa ako, matalino katabi ko." she giggled.

Terron rolled his eyes. "Mag-aral kang mabuti, ako na magpapa-aral nyan sa'yo kaya tapusin mo. Mahirap 'yang propesyon na iyan, may kilala ako teacher din, nagtuturo na siya ngayon pero saksi ako sa hirap niya. Gusto mo ba talaga ang pagtuturo?"

Parang nagdadalawang-isip pang tanong ni Terron sa kanya, tinapos na nito ang kinakain.

Dahan-dahan siyang tumango habang iniisip ang sinabi ng asawa. "Gusto ko naman 'to, sino 'yong kakilala mong teacher? Sabihin mo pahiram ako reviewer."

Makakatipid pa siya kung gano'n.

Sandaling natigilan si Terron bago marahan tumango. "Sige sabihin ko."

Patapos na sana siya sa kinakain nang may maalala, tinusok niya ang tagiliran ng lalaki. "Uy, asukal de papa na talaga kita! Ikaw magpapa-aral, bigay baon tapos hatid-sundo sa akin." Malakas siyang humalakhak nang makitang sumama ang mukha ng lalaki, halatang inis sa tawag niya kaya mas lalo tuloy siyang natutuwa siyang tawagin gano'n ang asawa.

"Stop it, Savy. Ang korni, baka may makarinig pa."

"Sus. Kileg yern?"

"So childish."

"Hoy, itong childish na 'to ang magbibigay ng child sa'yo—aray! Hoy masakit." Napahawak siya sa noo nang pitikin iyon ni Terron, tumingin siya sa nagtitinda ng buko. "Manong oh, 'yong asawa ko nananakit."

Pinagtawanan sila ng matanda kaya lalo siyang napasimangot, nang linungin niya si Terron ay kagat nito ang ibabang labi.

"Bakit ba puro ganyan lumalabas sa bibig mo, kababae mong tao," mahinang sabi nito.

"Sus, so kapag lalaki pwede? Wala naman ako sinasabing masama. Ilan ba bet mong anak, tingnan ko kung kaya ng matres ko," matapang na saad niya.

Terron choke on his saliva, napapailing na tumayo ang lalaki. "Tara na nga, uwi na tayo."

         TERRON felt exhausted. Wala pa man isang araw ay mababaliw na siya sa kadaldalan ng babae, madaldal siya pero parang naging tahimik siya dahil sa asawa.

Pagkabalik nila sa condo kanina ay naglinis na ito ng kwarto habang siya naman ay inayos ang ilang gamit sa kwarto niya na hindi pwedeng makita ng asawa.

Fuck, toys.

Mukhang kailangan na niya iyon itago.

Nang sumapit ang gabi ay nag-order lang sila sa labas, marunong siyang magluto pero wala pa silang groceries.

Noong mga nakaraan araw ay hindi siya nakakatulog pero dahil sa super hyper ng kasama niya ay bagsak kaagad siya pagkalapat ng likod sa kama.

Nagising lang si Terron ng madaling araw dahil sa uhaw.

Pabalik na sana siya sa kanyang kwarto nang makarinig ng mahinang boses.

His forehead puckered when the sounds came from his wife's room. Gising pa siya? Anong oras na ah?

Dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan siyang lumapit sa pinto, kakatok na sana siya nang mas malinaw na marinig ang boses babae.

"Oh, should I kill him then?"

Kumunot ang noo niya, lalo nang marinig ang mahinang tawa ng asawa. What the hell is he doing?

Dahan-dahan at maingat niyang binuksan ang pintuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang makita niya si Savy.

She was wearing a red dress, red lipstick while facing the mirror.

"Anong ginagawa mo?" Hindi niya maiwasan magtanong, pinasadahan niya ng tingin ang asawa.

She looks different.

Hindi nagulat ang babae sa presensya niya, nagtama ang tingin nila sa salamin. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ng babae.

"Oh, here's my husband. Miss me?"

_____________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store