Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 22
Happy 100K Followers! Thank you!
Kabanata 22:
"I don't know, Dude. My wife is acting weird," Terron sighed and drew his lower lip between his teeth. Ipinahinga niya ang siko sa ibabaw ng lamesa sa kanyang harapan habang nakatingin sa kaibigan.
Nagkibit-balikat si Jaren na nasa visitor's chair sa kanyang harapan. "Hindi ba't ganyan naman talaga ang asawa mo? She's really weird. Ano pa bang bago?" komento ng kaibigan.
Kasalukuyan silang nasa opisina.
Dalawang araw na simula nang gabing may nangyari sa kanila, ulit. They're good, but he still finds his wife staring at something, as if she's lost in thought. This morning, he woke up and saw his wife carrying a pillow, as if she was going to place it on his face.
Napabangon siya sa sobrang gulat kanina, sa huli ay niyakap na lang niya ang asawa hanggang kumalma ito at parang doon lang natauhan. Tinanong niya si Savy kung anong ginagawa, sinabi ng babae na gusto lang nitong ayusin ang unan.
He believes her sleepwalking has gotten worse.
He's concern to his wife, that's why he asked Jarren to contact a doctor, a psychiatrist.
Iyon ang hinihintay nila ngayon sa opisina.
"I think this is serious. Binalewala ko noon kasi may iniinom naman daw siyang gamot at saka ayokong isipin niyang pinapangunahan ko siya. But I feel so weird lately, I'll talk to her later. I believe everything was connected to her past," he commented.
Marahan tumango si Jaren habang nakatingin sa kanya, kakaiba ang titig nito kaya nagsalubong ang kanyang kilay.
"What?" sikmat niya.
"Wala lang, naisip ko lang. Mag-iisang taon na kayong mag-asawa pero hindi mo pa talaga siya kilala. I mean, hindi pa kayo talaga magkakilala no? Sabagay paalis-alis ka kasi ng ilang buwan," wika ni Jaren saka pinagkrus ang braso sa dibdib.
He frowned because of Jaren's words.
Anong hindi kilala? Kilalang-kilala na kaya niya si Savy, syempre mag-asawa sila at bawat galaw nito ay alam na niya.
Tumikhim si Jaren. "Nga pala, ano kasi pangalan ng ex mo?"
"Lisa Lyndell," mabilis na sagot niya.
Napatango-tango ang kaibigan, naningkit ang kanyang mata dahil doon. "Bakit mo natanong?"
"Hmm, wala naman. So naka-move on ka na talaga sa ex mo?" Parang may pagdududa pa ang kaibigan kaya natawa siya saka napailing.
"Of course, Dude. I'm happy with my wife, I love Savy," he told in a matter of fact tone. "Ba't mo natanong?"
Minsan talaga ay hindi niya maintindihan si Jaren, lalo na noong nasa Davao sila. Kulang na lang ay roon na ito sa kwarto niya tumira kahit may kanya-kanya naman silang kwarto.
Minsan nga'y naiisip niyang type siya ng kaibigan, hindi naman siguro?
Bigla siyang napangiwi saka sandaling napatitig kay Jaren na inosenteng nakatingin sa kanya.
Sakto naman bumukas ang pintuan, dumungaw ang ulo ng isang tauhan sa site.
"Engineer, may naghahanap daw po sa inyo. Doctor raw po," imporma ng lalaki, tinanguan niya ito na papasukin ang nasa labas.
Pumasok ang isang lalaking nakataas ang buhok.
Tumayo silang dalawa ni Jaren para salubungin ang bagong dating na kaibigan ni Jaren na isang Doctor. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil parang pamilyar sa kanya ang lalaki, hindi niya lang matandaan kung saan niya nakita. Sa tindig pa lang ay alam niyang mas matanda ito sa kanila, maybe older than his brother.
Nag-man hug si Jaren at ang Doctor na parang hindi Doctor dahil sa porma, naka-ripped jeans ito at plain vneck shirt na puti.
"Akala ko hindi ka makakapunta, Doc. Jace." Natatawang sabi ni Jaren sa bagong dating, umismid naman ang Doctor.
"You threatened me, remember. Anyway, where's the patient?" Inilibot nito ang tingin at nagtama ang kanilang mata. "Oh, him?" Turo ng lalaki sa kanya.
Nasamid si Jaren sa sariling laway animong pinipigilan matawa bago umiling. "Mukha lang pasyente 'yan, Doc. Asawa niya sana, kaso wala rito e. Hmm, we need your opinion. By the way he's Engineer De Vega."
Naglahad siya ng kamay na kaagad naman tinanggap ni Doc Jace.
"Doctor J," sabi ng lalaki.
"Engineer De Vega," aniya.
"I know."
"Huh?"
The Doctor chuckled. "I'm Angel's husband. Sad to say your annoying brother's bestfriend. Can't you remember me? We met at my wedding."
Sandali siyang natigilan bago unti-unting umawang ang labi.
"Oh, yeah! That's why you look familiar. Sorry, I left early that day. Have a sit."
Iminuwestra niya ang sofa na mahaba para makapagsimula na sila, nagpaalam lang siya sandali kay Savria at baka hinahanap na siya ng babae, madali pa naman magutom 'yon. Topakin pa.
"Water or Juice?" tanong ni Jaren animong pag-aari ang office niya.
"No need. So you need my opinion about what?"
Nang makaupo ay siniko siya ni Jaren para magsimula na.
Terron cleared his throat. "I have a wife..."
"Me too," mabilis na sagot ni Dr. J.
"Edi kayo na," ismid ni Jaren.
Napailing siya saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"She's suffering from sleep walking, noong bagong kasal pa lang kami ay ilang beses ko siyang nakitang gising tuwing madaling araw. I mean, sometimes she was hiding or just staring at me. Binalewala ko lang kasi noong nasa Davao ako at may tinatapos na proyekto ay nabanggit niyang hindi naman na masyado. She's taking a slim vitamins, I think. Nakakaapekto ba 'yon? Cuz lately, she's acting weird again, like a creepy weird. I know she can't hurt me, I'm more worried for her because she might hurt herself, lalo na kapag sinusumpong ay lumalabas siya ng bahay," mahabang sabi niya saka bumuntonghininga.
Ayaw niyang mag-isip ng masama pero sana walang mas malalang sakit pa roon ang asawa.
Doctor Jace crossed his arms to his chest. "I wanna talk to your wife, check her on my own. Ayokong magbigay ng salita na hindi ko mismo nakikita at test. There are many possible disease or illness, not only sleep walking. For sure you know her past, after all you're the husband, so what happened to her? Like, any accident before? Traumatic experience?" kalmadong tanong ng lalaki.
Bigla siyang natigilan. Wala siyang masyadong alam sa nakaraan ng asawa, sinubukan naman niya alamin ang kaso ay puro gano'n lang din ang lumalabas.
Dapat siguro ay subukan niya sa ibang investigator.
Malakas siyang bumuntonghininga. "W-Wala naman siyang nakuwento sa akin, traumatic experience niya. She told me about losing her parents, staying with her aunt, and being married to her uncle in an arranged marriage. That time, she injured herself." Gumalaw ang kanyang panga habang inaalala ang bagay na iyon.
Gusto niyang kausapin ang ina niya para alamin kung saan talaga nagkakilala ang dalawa. Ang tiyahin ng asawa at Mommy niya, imposibleng matalik na kaibigan ng Mama niya simula noon dahil isa lang ang matalik na kaibigan ng ina niya at kilala niya iyon.
Napatango-tango ang Doctor.
"What does she always do when she wakes up?"
"Hmm, lately... just stared at me. Like, I did something bad. Minsan kapag hinahawakan ko siya ay nagugulat pa siya, na para bang natatakot siya pero kapag nakita naman na niya ako o natitigan parang nakilala na niya ako e nagiging ayos naman na," mahabang paliwanag niya.
"Something's weird, indeed. Anyway, tell her your plans. You want to help her, ipaintindi mo para madali na lang kapag kausap ko na siya," seryosong sabi ng Doctor saka tumingin kay Jaren sa tabi niya. "We need to talk."
Mabilis tumango ang kaibigan, naguguluhan na napatayo rin siya nang tumayo na ang dalawa.
Tinapik ni Jaren ang kanyang balikat. "Hahatid ko lang si Doc sa labas."
"Huh? Tapos na?"
Nang lingunin siya ni Jace ay may ngisi na ito sa labi. "Don't worry, De Vega we'll see each other soon."
Kunot ang noo na sinundan niya ang dalawa ng tingin nang tuluyan makalabas ang mga ito.
Bakit ba madaling-madali? Ni hindi siya nakapagbayad sa fee kahit pa tanong-tanong lang iyon, bayad na rin sa oras dapat ng Doctor.
Oh well, siguro ay mas maganda kung kausapin muna niya ang asawa para personal itong makipagkita sa Doctor. Hindi naman siguro mamasamain iyon ni Savy.
**
TUMIKHIM si Savy nang makita ang kotse ni Terron na susundo sa kanya sa labas ng building nila, kakagaling lang ng lalaki sa site at nag-text itong pauwi na't sakto naman dahil wala ng groceries.
Kaagad niyang hinanda ang kanyang ngiti saka kumaway sa lalaki.
Huminto ang kotse sa mismong harapan niya, kaagad siyang sumakay dahil alam niyang bababa pa ang lalaki para pagbuksan siya ng pintuan.
"Hellu, Papi pakiss."
Ngumuso siya, natatawang dumukwang si Terron saka siya hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon kaya mas lumawak ang ngisi niya nang maghiwalay ang kanilang labi ay kitang-kita sa mukha ng lalaki na nabitin ito.
"Do you have a list, baby?" pagkuwan tanong ni Terron nang pinaandar na nito ang kotse.
Mabilis siyang tumango saka inilabas ang ginawa niyang listahan.
"Ito oh, Asukal de papa... paubos na 'tong bigas, tapos mantika, may mga noodles pa roon pero 'yong flavor na gusto mo wala na tapos 'yong—"
Natigilan siya nang ipahinga ni Terron ang kanan na palad sa kanyang hita.
"You wanna buy something for you? Clothes? Bags? Hindi tayo nakapag-celebrate noong birthday mo, pasensya ka na ha?" ani Terron saka siya nilingon.
Napangiti siya, ang totoo ay ayos lang naman iyon lalo't bumabagyo noong birthday niya. Hindi nakauwi ng Pampanga si Terron.
"Sus, noong nakaraan buwan mo pa iyan sinasabi saka nilibre mo naman na ako noong umuwi ka, keri na." Nag-thumbs siya sa lalaki.
Nang lingunin niya si Terron ay saktong lumingon din ito saka ngumisi nang magtama ang mata nila, bahagyang hinimas ang kanyang hita.
"Hmm, naisip ko lang hindi tayo masyado nakakalabas lalo na noong mga nakaraan buwan." Bumaba ang tingin niya sa kamay ng lalaki, hinawakan niya iyon.
Kaagad pinagsaklob ni Terron ang kanilang kamay. "Remember when you mentioned before, you wanna play bowling?" tanong ni Terron habang malawak ang ngiti at deretsyo ang tingin sa kalsada.
Kaagad siyang napatingin sa lalaki habang kunot ang noo, kahit kailan ay wala siyang nasabing ganoon noon.
May sinabi ba siya?
"A-Ah, talaga Papi? Hindi ko maalala."
Terron chuckled. "Makakalimutin ka na."
Pagak siyang natawa saka tumingin sa labas ng bintana. She never mentioned that, maybe his ex.
Parang sumikip ang dibdib niya dahil doon, 'yong pakiramdam na parang may kakompetensya siya kahit wala naman. 'Yong pakiramdam na na-i-insecure siya sa tao kahit wala naman ginagawa sa kanya.
Naging tahimik si Savria hanggang dumaan sila sa isang fastfood drive thru.
Pinipilit niyang ngumiti kahit ang bigat ng dibdib niya, kulang na lang ay manginig ang panga niya dahil sa pekeng ngiti.
"Good afternoon, thank you for choosing..." Sinabi ng babae ang pangalan ng fastfood restaurant, naramdaman niyang bahagyang pinisil ng lalaki ang kanyang kamay. "Can we take your order?" tanong ng babae.
"Lisa baby, what do you want?" tanong ni Terron sa kanya habang nakatingin sa poster sa labas ng kotse.
Umawang ang labi niya, pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig, lahat ng pagtitimpi niya sa lumipas na araw ay kumawala.
Hindi niya sinagot si Terron at hinayaan itong umorder.
Nang umandar ang sasakyan ay kita niya sa gilid ng kanyang mata ang paglingon-lingon ng asawa.
"Kumain ka na muna, baka matagalan tayo mamili mamaya," ani Terron dinala nito ang kamay niya sa bibig.
Nilingon niya ang lalaki, may ngiti pa rin siya sa labi.
"Asukal de papa, iniisip mo bang siya ang kasama mo ngayon? Sa isip mo ba ay ginagawa mo sa akin 'yong mga gusto mo pa rin gawin sa kanya?" tanong niya, itinigil ni Terron ang sasakyan sa parking lot ng mall.
Binaklas ng lalaki ang seatbelt saka siya hinarap.
"Anong sinasabi mo, Savy? You okay?" Nag-aalalang tanong nito kaya pagak siyang natawa.
***
HINDI ALAM NI TERRON kung bakit biglang naging ganito ang babae, ayos naman sila kanina. Hindi niya tuloy maisip na baka may kinalaman sa sakit ng babae ang pagbabago-bago nito ng mood.
Hinawakan niya ang kamay ni Savy dahil alam niyang bibitawan nito ang kamay niya.
"Ano bang nangyayari sa'yo Savy? Can you tell me okay? Mag-asawa tayo—"
"Mahal mo ba talaga ako? S-Sa lumipas ba na isang taon minahal mo na ako?" nabigla siya sa tanong ng babae.
Seryoso na ang mukha nito, wala na 'yong Savy na laging may nakahandang ngiti. Ibang-ibang tao kung titingnan.
Umawang ang kanyang labi. "O-Oo naman, Savria. Mahal kita. Okay? May nangyari na sa atin, mahal kita."
"S-So kung walang nangyari ay hindi? Gano'n ba?"
Hinalikan niya ang kamay ng asawa, nagbabakasaling kumalma ito. Hindi niya alam kung paano pakalmahin ang babae, si Lisa naman noon ganito lang ay ayos na, kaunting lambing lang niya ay ayos na.
"Hindi gano'n, Sav. Hindi ko alam bakit ka nagkakaganyan. We're okay right?"
"Si Lisa ba 'yong first mo sa lahat? First love? First sex? Anong first pa?"
Nakita niyang nangilid ang luha ng babae, akmang tutula na iyon ay pagak na tumawa si Savy saka pinunasan ang luha animong ayaw nitong makita niya iyon.
"Bakit naman nadadamay si Lisa rito?" takang tanong niya.
Binawi ni Savy ang kamay sa kanya, hindi niya alam pero parang may kumurot sa puso niya dahil doon.
"Bigla-bigla kang nagagalit, parang hindi na ikaw 'yong Savy na pinakasalan ko," malumanay na sabi niya.
Savy chuckled. "Hindi talaga."
"Ayokong makipag-away, Savy. Kung hindi maganda mood mo uwi na lang tayo, okay?" Malakas siyang bumuntonghininga, ayaw niyang sabayan ang galit ni Savria.
"Diyan ka naman magaling Terron, sa ibang tao magaling ka pero sa sarili mong asawa wala kang alam, ewan ko. Napapagod na ako."
Mabilis binuksan ni Savria ang pintuan, bumalabog iyon. Mabilis siyang bumaba.
"Wait, calm down okay?" harang niya sa asawa, hindi niya pwedeng sabayan ang sumpong nito.
Wala naman siyang ginagawa, ano bang nangyari?
"Calm down, Terron?! Hanggang kailan pa ako magtitiis? Isang taon pero siya pa rin? Hindi ba? Ako ang kasama mo pero pangalan pa rin niya ang nababanggit mo, ano ako? Display? Lisa where do you wanna go? Lisa you want anything? Lisa are you okay? Tangina hindi Lisa ang pangalan ko pero walang araw Terron na hindi ka namali sa pagtawag sa akin na pangalan niya ang binibigkas mo!" malakas na singhal ni Savy.
Nagulat siya sa sinabi ng asawa at biglang pagsabog nito, sandali siyang natigilan. Nagising lang siya nang makitang sunod-sunod na tumulo ang luha ni Savy.
"Umuwi na tayo, saan ka ba pupunta ha?" Hinawakan niya ang braso nito.
"Bitawan mo ako, Terron! Ayoko na, sabihin na lang natin sa mga magulang natin na ayaw na natin kaysa ganito."
"Ikaw na ang asawa ko ano pa bang—"
"Ako nga pero siya pa rin hindi ba? Sa papel lang ako pero siya pa rin diyan sa puso mo. Mahal na mahal mo pa rin!"
Mabilis tumakbo si Savy, hindi siya kaagad nakagalaw roon habang pino-proseso ng sinabi ng asawa.
***
MABILIS nagtago si Savy sa isang poste sa parking lot nang makitang nagpapalinga-linga si Terron. Ayaw niyang sabihin ang mga bagay na iyon pero hindi niya napagilan.
Lahat ng inipon niyang sakit ay unti-unti ng lumalabas, lahat ng mga nakatago ay unti-unti ng nabubunyag.
Dadating ang araw at malalaman ni Terron ang totoo at natatakot siyang dumating ang araw na iyon na si Lisa pa rin ang mahal ng lalaki.
Hindi niya maiwasan tanungin ang sarili, ano bang kulang? Ano bang mayroon ang dating kasintahan ng asawa dahil hanggang ngayon ay naaalala pa rin ni Terron.
Pinunasan niya ang luha nang tumunog ang kanyang phone, kaagad niya iyon sinagot nang makita ang tumatawag.
Ang ina ni Terron.
"M-Mother Earth, ayoko na po," bungad ni Savy, bahagya niyang tinakpan ang bibig gamit ang likod ng palad.
"What happened, Savy iha?"
Umiling-iling siya animong nakikita siya nito. "Ayoko na po, h-hindi ko naman ito gagawin kung hindi dahil sa—"
"Savy, you promised me. Nakapangako ka." Paalala sa kanya ng Ginang, napahikbi siya saka tumango.
"This is for your baby, okay?"
"I-I know po."
Isa sa dahilan bakit siya nagtitiis sa sitwasyon itong, sandaling natahimik sa kabilang linya.
"Anong sabi ng asawa mo? Anong sabi ni Alas?"
_______________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store