ZingTruyen.Store

Teach Me Back (Teach Series #3)

Wakas

SaviorKitty


WAKAS

"Ma, kailangan ko ng pentel at manila paper," maingat na sabi ko kay Mama isang gabi habang naghuhugas siya ng plato, pagkatapos namin kumain ng gabihan.

Malakas na bumuntonghininga si Mama kaya mas lalo akong kinabahan. "Kevin naman, anong oras na? Bakit ngayon mo lang sinabi? Wala ng bukas na tindahan nyan. Kung kailan alanganin saka magsasabi ang haba ng umaga, Yeomra Kevin."

Napanguso ako nang banggitin na niya ang pangalan ko.

"Ngayon lang kasi naubos, Ma. May ginagawa ako e kulang pala," pagdadahilan ko pa.

Inabutan niya ako ng isang daan. "Oh, mag-bike ka na lang, gumilid ka ha? Palayo sa sasakyan baka 'yong gilid mo palapit sa sasakyan e," pangaral niya pa.

Natatawang lumabas na ako ng bahay para bumili. Saan naman kaya ako bibili? Hindi naman pwedeng bukas 'to, report namin bukas. Last report na, tapos grade six na kami.

Nakakainis maging president ng classroom, 'yong mga kaklase ko akala ata nila binabayaran nila ako.

Napailing ako bago lumiko sa kanto, palabas sa village kung saan kami nakatira, mabuti ay may bukas sa labas. Habang hinihintay kong kumuha ang tindera ay napalingon ako sa bungad ng village nang makita si Papa, kakababa niya lang sa isang kotse.

Akala ko ba may duty siya?

Nang makabili na ako ay tatawagin ko sana si Papa pero nagulat ako nang may kayakapan siya, napamaang ako nang dakmaan ng isang lalaki bribadong parte ni Papa habang nasa madilim silang parte.

"Papa?" tanong ko para makasigurado.

Gulat na nilingon nila ako, si Papa nga at hindi ko kilala pero naka-uniform din katulad ni Papa. Naghiwalay sila kaya mas lalo akong lumapit habang sakay ng bike.

"S-Sige pare, salamat sa paghatid," sabi ni Papa. Bumaba sa akin ang tingin ng lalaki bago sumakay sa kanyang kotse at umalis.

Nagtatakang tumingin ako kay Papa. "Sino 'yon, Pa? Katrabaho mo po? B-Bakit kayo... bakit ka hinawakan sa ano... 'yong ano po." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko nang humalakhak si Papa.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kung ano-ano ang nai-imagine mo Kevin, bakla ka ba? Hindi ko gagawin 'yon kung ano-ano kasing napapanuod mo kaya nababakla ka na," magaspang na sabi niya.

Kumunot ang noo ko nang tumalikod na si Papa at naglakad papasok sa village.

Bakla ako?

Lumipas ang taon hanggang mag-high school ako, lagi ko pa rin nakikita si Papa na may kasamang lalaki at lagi niyang sinasabing bakla ako at mapag-isip ng kung ano-ano.

Itinanim ko sa aking isip na gano'n ako, iyon ang sabi ni Papa.

"I'm Yeomra Kevin Rowan, nice to meet you!" Ngumiti ako sa mga bago kong kaklase sa school na pinasukan ko.

Kaagad tumama ang tingin ko sa isang babaeng nakabusangot sa gilid, naka-pony tail niya na sobrang taas.  Kinagat ko ang aking ibabang labi, ang cute niyang tingnan.

Natigilan ako bigla, gusto ko bang maging katulad siya? Gusto ko rin mag-pony tail?

Bakante ang upuan sa tabi niya kaya roon ako umupo, pinaglalaruan niya ang ballpen niya at nagsusulat-sulat habang may sinasabi ang teacher namin sa harapan.

Nang mag-break time ay naglabasan ang ibang kaklase namin. Sa gilid ng aking mata ay nanatili sa upuan niya ang babae, wala ba siyang kaibigan?

Huminga ako nang malalim.

"Hi. I'm Kevin. Anong pangalan mo? G-Gusto mo bang sumama sa akin mag recess? Saan ka ba nakatira?" Nang linungin ko siya ay natigilan ako nang makitang naka-earphone siya.

Shit, nakakahiya.

Simula noon ay hindi na ako nakipag-usap sa kanya, may mga naging kaibigan naman ako. Mas marami ang babae, ang cute kasi nila saka natutuwa ako sa daldal nila. Naisip kong baka tama si Papa, baka gano'n nga ako kasi lagi ko gustong kasama ang mga babae kaysa sa kapwa ko.

Araw kuhanan nang card ay tuwang-tuwa si Mama at Papa na mataas ang marka ko, hindi naman ako sobrang talino sadyang tamad lang ang mga kaklase ko.

Aalis sana kami para i-treat nila ako sa labas nang dumating si Lisa... iyon lang pangalan niya.

"Hah! Malamang, hindi naman tayo close. Ang point ko ay dahil sa'yo kaya bumagsak ako! I hate you! Akala mo mabait puro babae naman kasama sa school, kahit kailan hindi ako makikipagkaibigan sa babaero katulad—"

"I'm gay," pigil ko sa kanya, napatitig ako sa namumula niyang pisngi.

"W-What?"

"I'm always with girl because I'm gay, I'm one of them. So... let's be friend?" Naglahad ako ng kamay sa kanya, sandali siyang nakatingin doon bago tanggapin.

Lumawak ang ngiti ko.

Mabilis lumipas ang taon, mas naging close kami ni Lisa, mas naging kampante siya nang sabihin kong bakla ako, na hindi ko siya gusto kaya iyon ang itinanim ko sa isip ko.

Natutuwa ako kapag pumipilantik ako at nakikita ko ang tuwa sa mukha niya na para bang ang gaan-gaan akong kasama, parang tumitili ako ay tawa niya kaagad ang hinihintay ko.

Gusto kong mag-abogado pero sa huli ay nag-enroll na lang ako kung nasaan si Lisa, unti-unti naman ay minahal ko na ang Education lalo't kasama ko lagi si Lisa.

Nang mapanuod ko siyang sumayaw, parang nabingi ako at biglang nanlamig kaya dali-dali akong lumabas doon at pinakalma ang sarili sa parking lot ng University kung saan kami nag-aaral pareho.

"Kevin, ano ba 'yang iniisip mo? Best friend mo 'yon. Calm down bud. Babae siya, hindi siya type mo, bakit ka natu-turn on?" bulong ko sa sarili ko habang nasa beywang ang kamay.

Palakad-lakad sa parking lot.

Napatampal ako sa aking noo dahil ramdam ko ang bukol sa aking gitna, ano bang nangyayari sa akin?

God, Lisa. Ano bang ginagawa mo?

"Pol, inom ka muna." Abot ko kay Pol ng isang juice, may ngiti sa aking labi. Tinanggap niya iyon at ininom, napalunok ako dahil sa ginawa ko.

Sorry Pol, enjoy sa banyo. Tae well.

Nag mag-fourth year ay nakilala ko si Jude, mabait siya at masarap kausap. Mabilis kaming nakapagpalagayan ng loob, gano'n lang. Para alisin 'yong naiisip ko sa kaibigan ko ay itinuon ko ang atensyon ko kay Jude.

Napangiti ako at tinungga ang alak, sinama ako ni Jude sa birthday ng isa sa mga kaibigan niya.

"Kevin, dahan-dahan lang ha," paalala ni Jude. Tumango ako, tinukso nila kami pero ngumiti lang ako.

Mas umingay ang lugar habang palalim nang palalim ang gabi, nilabas ko ang aking phone para i-text si Lisa.

To Baby:
Lisa matulog ka na.

Pinilit kong itama ang typings ko kahit umiikot na ang paningin ko. Patingin-tingin ako sa phone ko habang naghihintay sa reply niya. Bakit ang tagal?

"Sino 'yang hinihintay mo?" tanong ni Jude sa gilid ko at bahagyang dinungaw ang phone ko.

Nasa hita ko ang kanyang mga kamay, hinayaan ko siya roon. "Si Lisa."

"A-Ah, super close kayo no?"

Ngumiti ako saka tumango, habang inaalala kung gaano kami ka-close, 'yong tipong alam namin lahat. "Ako ang pinaka malapit sa kanya," proud na sabi ko na para bang napaka laking achievement iyon sa buhay ko.

"Uy, 'yong Lisa Montero ba iyan?" tanong ng isa sa kaibigan ni Jude, mukhang narinig ang usapan namin.

Tumabingi ang ulo ko. "Oo bakit?"

Lasing na humalakhak siya. "Kakilala ni Mommy 'yong Mama niya dati, may pa-simba-simba pa e pokpok iyon noon nabuntis lang ng Daddy nila, madami rin kalandian siguro 'yong si Lisa kasi nakikita ko siya may lumalapit sa kanya roon, lagi siya nagpapaligaw sa mamayan lang."

Kaagad hinawakan ni Jude ang kamay ko nang tumayo ako, binawi ko iyon. Walang sali-salitang tinumba ko ang lamesa sa harapan namin at kumalat ang mga alak at pagkain, hindi ako tumigil kahit tinawag nila ang pangalan ko hinila ko ang kwelyo nang bastos na lalaki at itinayo.

Narinig ko ang hiyawan nila pero wala na akong pakielam, nagdidilim ang paningin ko sa galit, gusto ko siyang sapakin.

"Hindi ganyan Lisa! Bawiin mo 'yan gago ka!" sigaw ko.

Parang nawala ang pagkalasing niya, tinulak ko siya. Inakmaan ko siyang sasapakin pero inawat na nila kami, simula noon ay hindi na ako sumasama sa kanila.

Ayokong ipahiya si Jude pero hindi rin ako papayag na ganunin nila si Lisa lalo't sa harapan ko kaya ako na rin ang nag-a-adjust, minsan nakakasama ko pa rin sila pero iwas na sila magbukas ng topic tungkol doon dahil sasabunutan ko talaga sila hanggang ibaba.

Ipinakilala ako ni Jude sa pamilya niya, sa Mama at Papa niya lang dahil wala ang kapatid niya. Hindi maganda ang kinalabasan, hindi masyadong tanggap pero ayos lang kasi unti-unti pa lang naman.

Hinawakan ko ang kamay ni Jude habang nasa loob kami ng kotse niya. "Huwag mo na isipin iyon, dadating ang panahon magiging okay din lahat, Jude," sabi ko saka pinisil ang kamay, para bang sinabi ko iyon sa sarili ko.

Lumapit siya para halikan ako sa labi pero bago pa mangyari iyon ay tumawag na si Lisa, mariin akong pumikit bago sagutin ang tawag.

Kagat ko ang aking itaas na labi na nilingon ko si Jude. "J-Jude pwede bang umuwi na ako?"

"Hindi ba may plano tayo ngayon, aabangan natin'yong result ng LET mo."

"Pasensya na, Jude. Si Lisa kasi..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko, wala akong paliwanag basta gusto ko lang puntahan si Lisa dahil alam kong kailangan niya ako.

Wala na akong maisip, si Lisa na lang.

Sandali akong tinitigan ni Jude bago tumango. "Sige. Text na lang tayo ha?"

Ngumiti ako saka, hinawakan ko siya sa pisngi upang halikan.

Nang gabi na 'yon ay nag-confess si Lisa, na gusto niya ako at naisip kong baka naguguluhan lang din siya katulad ko noon at saka kasintahan ko si Jude, ayokong saktan si Jude.

Natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin ni Lisa, natatakot akong mawala siya sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya.

Iniwasan ako ni Lisa ng halos isang buwan. Text ako nang text pero wala siyang reply.

Sinabunutan ko ang buhok ko isang gabi, nasa apartment kami ni Jude.

"May problema ba?" tanong ni Jude pagkalabas ng banyo, kakaligo niya lang. Napatitig ako sa kanya saka umiling.

Alam kong nagseselos siya kay Lisa, noon sinabi niya. Kaya minsan kapag tungkol kay Lisa ay hindi ko na kinukwento pa sa kanya dahil ayoko naman masaktan si Jude.

Lumapit si Jude sa akin habang nakaupo ako sa sofa, inagaw niya ang phone na hawak ko saka dahan-dahan siyang lumuhod sa aking harapan.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang dahan-dahan niyang binukas ang zipper ko, pinapakiramdam ko ang aking sarili.

Napabuga ako nang hangin nang akmang ibaba na niya ang pantalon ko ay hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan.

"A-Ayoko Jude."

"Huh?"

"Ayoko... hmm gawin 'yan."

Parang nasaktan siya sa sinabi ko, sumeryoso siya saka tumayo. "Bakit? Ang tagal na natin Kev, magdalawang taon. Ayaw mo bang gawin 'yon? Akala ko ba mahal mo ako?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi, sinusubukan ko naman.

"Sorry Jude. Hindi pa ako handa sa... sa ganyan," mahinang sabi ko.

Natahimik siya, tumayo ako at mahigpit siyang niyakap. Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you," bulong niya.

"I love you too," kaagad sagot ko, parang awtomatiko na iyon.

Ang mga lingo ay naging mga buwan, hanggang taon. Nang makapasa rin si Lisa sa LET ay tuwang-tuwa ako, pinag-pray ko siya. Gabi-gabi ko iyon pinagdadasal para magkasama na kami sa work.

Kaagad kong pina-tarpaulin 'yong pinagawa kong congratulations greeting, excited pa ako pero pagdating ko sa bahay nila ay kasama niya si Terron, 'yong nanliligaw sa kanya at may kinakabit na silang tarpaulin sa labas ng bahay nila.

Nagtatawanan sila, napalunok ako dahil hindi ako sanay na close sa iba si Lisa.

Kaagad akong tumalikod bago pa nila ako makita, sa kwarto ko na lang nilagay ang tarpaulin na pinagawa ko.

Ang hirap pa lang panuorin siyang nahuhulog sa iba. Ang hirap pala. Hindi ko kaya pero ayoko naman siyang pigilan kung mahal niya si Terron, suporta na lang ako kas kaibigan lang naman ako. Best friend lang ako.

Kung pwede ko lang ipagsigawan kung gaano ako ka-proud sa kanya ay ginawa ko na.

"Beb, okay na 'to no?" tanong ko kay Lisa habang sinisipat ang bahay na huhulog-hulugan namin. Sakto lang iyon, hindi masyadong malaki pero dalawa ang kwarto para sa amin.

Inakbayan ko siya, nakangiting nilingon niya ako. Mas lalo siyang gumaganda habang tumatagal, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

"May bahay na tayo, Kevs," masayang sabi niya, kumabog ang puso ko dahil doon.

Hinalikan ko ang sentido niya, ang totoo ay matagal ko 'tong pinag-iipunan dahil alam kong gustong-gusto niyang umalis sa bahay nila, gusto kong maging kampante siya sa paligid niya lalo't nagta-trabaho na kami dahil sa bahay nila alam kong hindi niya iyon nagagawa hindi katulad ko na malaya na sa bahay.

Kada sweldo namin ay naghuhulog kami sa alkansiya namin panghulog sa bahay at iba pang bayarin.

"One hundred pesos nito, Kuya," sabi ko sa nagtitinda ng kalamares. Gusto ni Lisa ng ganito.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko sila ni Terron sa sala, kumakain na. Kaagad kong itago ang binili kong pagkain.

Sinenyasan ko silang aakyat na ako, sa kwarto at kumain na lang akong mag-isa. Napailing ako saka minasahe ang dibdib ko dahil kumikirot iyon, ano ba naman 'to?

Masyado akong sensitive pagdating sa kanya.

"Ang ganda nito, dito na rin kaya ako tumira," natatawang sabi ni Jude nang dalhin ko siya roon isang araw. Hinimas niya ang aking kama, kakatapos ko lang mag-shower.

Nagpupunas ako ng buhok, hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Naramdaman ko siya sa aking likuran, hinalikan niya ang aking balikat. "Mag-gym ka mamaya?" malambing na sabi niya.

"Hmm, oo sama ka?" Nagsuot ako ng shirt na puti, kumain na kaya si Lisa? Bakit hindi pa siya umuuwi, anong oras na ha?

Hinawakan ni Jude ang laylayan ng damit ko, hinawakan niya ang aking tiyan na matigas na. Hindi ko alam pero na-enjoy ko ang paggi-gym, pakiramdam ko ay hindi ako nanlalata kapag nakapag-gym ako.

"Kev, please?" bulong ni Jude sa pagitan ng labi namin.

Mabango ang kanyang hininga, mapula ang kanyang labi. Ang kamay niya ay dahan-dahan bumaba siya cotton short ko, umawang ang labi ko nang mahawakan niya ako roon.

"Jude..."

"You'll enjoy this, you can fuck me and I can fuck you, you will love this." Pinadampi-dampi niya ang labi sa aking leeg, para akong tuod na nakatayo roon.

Wala akong maramdaman pero malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba, para bang may ginagawa akong mali sa sarili ko.

Ipapasok na sana ni Jude ang palad niya sa short ko pero umatras na ako, kitang-kita ko ang pagka-inis sa mukha ni Jude, para siyang nainsulto sa ginawa ko.

"Ano bang problema mo Kevin? Gusto mo ba talaga ako ha? Lalaki ba talaga gusto mo ha?" pagsabog ng galit niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at inisip ang sinabi niya, tama siya lalaki ba talaga ang gusto ko? Gusto ko ba itong ginagawa ko? Masaya ba ako rito?

"J-Jude..." Suminghap ako. "I-I think I'm not gay," mahinang sabi ko.

"Ano?!"

Nang gabi na 'yon lumong-lumo ako dahil alam kong nasaktan ko si Jude, ako ang unang nagpakita ng motibo sa kanya. Mali ako.

Bagsak ang aking balikat pero nagkunwari akong masigla nang marinig kong pagbukas nang pintuan habang nasa kusina na ako at nagluluto ng dinner namin ni Lisa.

Gusto ko siyang tanungin kung saan siya galing, sino kasama niya at anong ginawa nila pero pinigilan ko.

"Kevin!" tili niya, pinatay ko ang kalan at hinarap niya.

Nagtatalon siya sa harapan ko, may nangyari ba?

"Oh my god! Kev. Sinagot ko na si Terron, he kissed me sa lips! Shit, sabi niya ganito... Lisa I love you hahaha gago kilig ako roon," kinikilig na kwento niya.

Nanatili ang ngiti sa labi ko pero sa loob ko, sumisikip ang dibdib ko.

"Talaga? Congrats!" kunwaring masayang bati ko.

Kung saan ka masaya, doon ako. Kung si Terron ang magpapasaya sayo, masaya akong ibibigay ang kamay mo sa kanya Lisa.

Lumipas ang taon, unti-unti kaming nagkagulo ni Jude. Ilang beses kong sinubukan makipaghiwalay dahil ayoko na siyang saktan, inamin ko sa kanya na naguguluhan na ako sa pagkatao ko at ayoko na siyang madamay pa roon.

Ilang beses na rin siyang nagloko, ilang beses ko siyang nakitang may kasamang lalaki, kahalikan pero pinapalampas ko kasi pakiramdam ko ay kasalanan ko rin.

Hindi ko maibigay iyon sakanya.

"T-Tama na Jude, pakawalan mo na ako. Nasasaktan na kita," buong magmamakaawa ko, lasing na lasing siya.

Umiiling siya habang matalim ang tingin sa akin.

"Ngayon pa kung kailan matagal na tayo? Kung kailan unti-unti na tayong natatanggap ng magulang ko Kevin! Kung kailan ang dami na natin pinagsamahan ngayon ka pa bibitaw ha?!" sigaw niya.

Kasakuluyan kaming nasa bahay, wala si Lisa. Pinuntahan lang ako ni Jude at sobrang lasing siya.

Nangilid ang aking luha sa sobrang frustration na nararamdaman.

"Ayoko na Jude, tama na please. Hindi na ako masaya. Nagkakasakitan na tayo. I-I'm not in love with you anymore. Jude. Know your worth, hindi mo ako deserve. Huwag tayong manghinayang sa mga—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Subukan mo makipaghiwalay sa akin, magpapakamatay ako Kevin! Tandaan mo 'yan!"

Tuwing sinusubukan kong kumalas ay iyon ang sinasabi niya, sasaktan niya ang sarili niya. Ipit na ipit na ako sa sitwasyon, hindi ko siya maintindihan ayaw niyang makipaghiwalay pero patuloy naman siya sa pakikipagrelasyon sa iba habang kami.

Nanlaki ang mata ko isang araw na pinuntahan ko siya sa apartment niya para dalhan siya ng pagkain para makabawi man lang, nabitawan ko ang tupper ware nang makitang nakikipagtalik siya sa isang lalaki.

Nagdilim ang paningin ko, pakiramdam ko ay binaboy nila ako. Binaboy niya 'yong relasyon namin, malakas kong sinapak ang lalaki.

"K-Kevin magpapaliwanag ako!" gulat na wika ni Jude.

Malakas akong natawa. "Tama na, Jude. Putangina, kahit ayoko na hindi naman kita niloko ng ganito. Nirerespeto pa rin kita pero ikaw... hindi ko alam. Bahala ka sa buhay mo, hindi mo na ako matatakot." Binaklas ko ang kwintas na binigay niya at hinagis iyon sa kama.

Amoy na amoy sa buong kwarto ang kahayupan nila, hawak ng lalaki ang kanyang panga. Gusto kong suntukin si Jude pero nangpipigil ako, nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa kanya.

"I'm breaking up with you, Jude. Pagod na ako."

Kahit gano'n, masakit pa rin pala. Kahit alam ko sa sarili kong hindi na gano'n kalalim 'yong pagmamahal ko kay Jude ay masakit pa rin dahil nirerespeto ko siya.

Hindi ko maiwasan mapaluha habang pauwi sa bahay. Kailangan ko ng kasama, pagkarating ko sa bahay ay dumeretsyo ako sa kusina at tinungga ang isang bote ng alak doon.

Nagulat ako pagpasok ko sa kwarto ni Lisa nang maabutan ko sila ni Terron na magkayakap, gusto ko siyang hilahin palabas sa kwarto na iyon.

"Break na kami ni Jude, I broke up with him. Please, samahan mo akong uminom. Gusto kong magwalwal," hindi ko maiwasan maglabas ng sama ng loob, gusto ko rin siyang ialis sa kwarto na iyon.

Napakurap-kurap siya at nilingon ang boyfriend niya. "Sorry, Kevs. Hindi ako pwedeng uminom ngayon, si Terron kasi maaga ko pang gigisingin bukas."

Mahina akong natawa, oo nga pala.

"Sorry, may boyfriend ka nga pala."

Isinara ko na ang pintuan ng kanyang kwarto, imbes na umalis at unti-unti akong napaupo sa labas ng kwarto niya at niyakap ang aking tuhod at doon dumukmo.

Dito na lang ako, at least malapit ka sa akin Lisa. Presensya mo lang naman ang kailangan ko ngayon at alam kong hindi mo kayang ibigay 'yon.

Tahimik akong umiyak, sobra akong nanghihina.

Kung ano-anong pumapasok sa isip ko na ginagawa nila sa loob, wala akong karapatan pero nagalit ako. Hindi ko na alam kung para saan ba ang sakit sa dibdib ko, kung dahil ba kay Jude o kay Lisa.

Lumipas ang taon, hindi ko alam kung bakit naghiwalay si Lisa at si Terron, sabihin na masama ako pero ako ata ang pinaka masaya sa araw na iyon.

Umiyak si Lisa at nanatili ako sa tabi niya.

Nagkabalikan pa kami ulit ni Jude, pinilit niya ako at ginamit ang isang sikreto na tinatago ko, akala ko ay matino na siya pero gano'n pa rin. Nakikisiping pa rin siya sa iba, ang malala ay gusto niya akong isama.

Nananatili na lang ako roon dahil sa pananakot niya.

Nagpakalasing ako isang gabi, kasama si Lisa. Nagkapatong-patong na talaga, hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na kay Jude. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya, minsan naiisip kong sana pala hindi ko na siya naging karelasyon noon.

May nangyari sa amin ni Lisa, alam ko. Nakita ko siyang paalis pero nanatili akong tahimik, natakot akong magalit siya at isipin niyang sinadya ko iyon, natakot akong baka pinilit ko siya noong gabi dahil wala talaga akong maalala.

Siya ang una ko. Una sa lahat.

Ako na ata ang pinaka masayang bakla nang malaman na may baby na kami, na magkaka-baby na kami. Kahit wala akong alam sa pagiging tatay ay pinilit kong ipakita kay Lisa na hindi siya magsisisi sa akin, sa bata na sinapupunan niya.

Hinalikan ko siya sa noo habang natutulog.

"Mahal na mahal kita, gusto kitang pakasalan dahil mahal kita. Sorry kung huli ako, sorry kung ngayon ko lang naiisip lahat ng 'to," bulong ko.

Nangiti ako nang bahagya pa siyang humihilik, hinimas ko ang tiyan niya. Mahal na mahal ko kayo, pangako magiging mabuting Ama ako, pupunan ko 'yong mga pangangailangan niyo, mamahalin ko kayong dalawa.

"Sige, Kevin! Ito ba ang gusto mo ha? Ipagsasabi ko sa ibang tao na may karelasyon ang tatay mo na lalaki at Papa pa ni Lisa. Hindi ba ayaw mong masira sila, isang pindot ko lang sira na lahat ng pinaghirapan nila. Madami akong ebidensya Kevin! Tingin mo hindi magagalit si Lisa sa'yo ha? Matagal mo ng alam pero nililihim mo sa kanya!" malakas na sigaw ni Jude, nakipagkita ako sa kanya.

Mariin akong pumikit, bakas pa mukha niya ang pagkakasapak ko sa kanya noong nakaraan.

Gumalaw ang aking panga sa galit, parang hindi na siya 'yong dating Jude na minahal ko.

"Jude ganyan ka na ba kasama?"

"Oo! Masama na kung masama Kevin! Wala akong pakielam. Makipagbalikan ka sa akin at hindi ko ikakalat ang nalalaman ko, sisiguraduhin kong pati si Lisa madadamay kapag nagmatigas ka," puno ng galit ang kanyang mata.

Naikuyom ko ang aking kamao, gustong-gusto ko siyang saktan.

"Huwag mo gagalawin ang mag-ina ko, gawin mo kung anong gusto mo sa akin akin. Huwag mong idadamay si Lisa at baby namin, talagang mapapatay na kita." Padabog akong tumayo at umalis sa lugar na iyon.

Mabilis kong pinuntahan si Papa sa bahay nila ni Tito.

Si Papa ang nagbukas ng pintuan, nagulat pa siya sa presensya ko. Sa lumipas na panahon ay nanatili akong tahimik sa relasyon nila, pero sobra na. Sinasaktan na nila ang mga asawa nila at pati mga anak nila, hindi ko alam kung paano nila naaatim ang bagay na iyon.

"K-Kevin..."

Lumabas na rin sa pintuan si Tito, gumalaw ang panga ko. Gusto ko silang saktan dahil sinasaktan nila ang mahahalagang babae sa buhay ko.

Si Mama, gabi-gabi siyang umiiyak.

"Itigil niyo na 'yan, tama na. Pa," madiin na wika ko.

"Anong pinagsasabi mo?!" inis na sabi niya.

"May mga nasasaktan na kayo, ipit na ipit na ako sa sitwasyon, gusto kong protektahan ang pangalan niyo dahil ama ko kayo, sobrang laki ng respeto ko sainyo Pa. Sainyo rin Tito, pero hindi ba kayo naaawa sa mga nasasaktan niyo?"

"Huwag kang magmalinis Kevin!" sigaw ni Papa, tumama ang palad niya sa akin.

Kaagad siyang pinigilan ni Tito at hinila na ako paalis doon.

Hawak ko ang aking panga, binawi ko ang aking kamay kay Tito. "Hindi ko ho alam kung kailan ito nagsimula at bakit humantong sa ganito. Nananatili akong tahimik pero huwag lang madamay ang mag-ina ko rito, kaya ko kayong pabagsakin dalawa na hindi humihingi ng tulong sa iba."

Gano'n nga ata mapaglaro ang tadhana, natatawang napailing ako nang maramdaman kong namanhid ang paa ko nang may ipainom sa akin si Jude.

Ang sabi niya ay papayag na siyang makipaghiwalay basta makipagkita ako, he fooled me.

"A-Anong g-gina—wa mo?!" Nanlaki ang mata ko nang hindi ko na maiangat ang binti ko, pati ang mga kamay.

Ang aking dila ay unti-unti nang tumitigas.

Ngumisi si Jude sa akin, may kausap siya sa telepono, nang matapos ang tawag ay lumuhod siya sa harapan ko.

"Hmm, ang laki mo, nasarapan siguro si Lisa rito," bulong niya habang hinihimas ang aking pagkalalaki.

Gusto ko siyang itulak pero para akong nantang gulay na nakaupo sa kama.

Binuksan ni Jude ang sinturon ko, tumunog ang pintuan sa labas at mas lumawak ang ngiti niya.

Diring-diri na ako kay Jude dahil hindi ko alam na aabot siya ng ganito, buong lakas kong ini-angat ang kamay ko upang itulak siya palayo sa akin.

No...

Nanlaki ang mata ko nang makita si Lisa, una ko kaagad naisip na mawawala siya sa akin. Para akong binuhuasan ng malamig na tubig at napatayo ako pero kaagad din napaupo.

"B-Baby..."

Gusto kong magpaliwanag pero ayaw nang bumukas nang bibig ko, may sinasabi siya pero nabingi na ako tulala na habang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Nang makita kong itutulak siya si Jude pinilit kong tumayo pero natumba lang ako sa sahig, umawang ang labi ko nang makitang kumalat ang diugo sa sahig.

Pinilit kong gumapang para maabot siya. No baby please, fight for me, for our baby.

"Ano bang ginagawa mo Kevin?! Talaga bang ganyan na lang? Lulunurin mo ang sarili mo sa alak dito sa bahay niyo ha? Ano?!" Malakas na sigaw ni Mama.

Naramdam ko siyang lumuhod sa harapan ko, mas niyakap ko ang tuhod ko habang nakasandal sa kama ni Lisa. Hinihintay ko siya pero hindi na siya bumalik, hindi na sila babalik kasi iniwan na nila ako ng baby ko.

Napahikbi ako, mahigpit akong niyakap ni Mama.

"Please Kev, magpagamot ka na. Tama na, mag-iisang taon na? Please. Palayain mo na ang sarili mo."

Marahas akong umiling. "A-Ayoko Ma. Hihintayin ko si Lisa, babalik 'yon, mahal ako no'n. Hindi niya ako matitiis, Ma. G-Gusto ko maabutan niya ako rito kapag umuwi siya."

Hinimas ni Mama ang likod ko. "Anak wala na sila, tama na."

"H-Hanggat walang bangkay, hindi ako naniniwala. M-Magkasama kami Ma, nandoon ako ih. D-Dapat ako na lang namatay!"

Mas humigpit ang yakap ni Mama, mas lumakas ang iyak niya kaya napasubsob ako sa balikat niya.

Hindi ko na kaya, gusto ko na sumunod na mag-ina ko.

"Don't say that, anak. Okay? Lumaban ka, magpagaling ka para kapag bumalik siya ay mababawi mo siya." Pagpapagaan niya sa loob ko.

Hindi ako sumagot, humigpit ang hawak ko sa singsing na dapat ibibigay ko sa kanya.

Maghihintay ako.

Hihintayin kita mahal ko.

________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store