ZingTruyen.Store

Teach Me Back Teach Series 3


Kabanata 8:

The days turn into weeks. The weeks turn into months. The months become a year. They said third year college is the most stressful, I'm actually excited.

I pouted my lips when I saw Daryl and Sascha, talking. Daryl is our a transferee student. Mabait naman siya, medyo tahimik lang at laging tulog.

Daryl saw me staring at them, the corner of his lips turned up. Like he caught me in a crime. I raised my left brow to him. Hindi ako nag-iwas tingin sa kanya, sa huli'y umiling siya saka ibinigay ang buong atensyon kay Sascha. Ano kayang iniisip ng lalaking 'to? Akala siguro niya crush ko siya.

Duh. Ang dami ko ng crush, hindi na siya kasya sa listahan ko kaya ipapaubaya ko na siya sa iba.

I chuckled because of that thought. I turned to Alice and Kevin, they are watching some anime.

Dumungaw na lang ako sa kanila dahil ako na lang ang hindi abala sa kanila habang nasa bench kami.

"Nagugutom na ako," bulong ko saka malakas na bumuntonghininga.

Kasalukuyan kaming walang subject, alas-dos pa lang at mamaya pang ala-singko ang last subject namin. Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa gutom, paniguradong malalaki ang bulate ko.

Doon ko napansin na hindi pala nuod, nagbabasa pala sila. Suminghap ako nang makitang naggo-glow ang hawak ng isang lalaki.

"Ano 'yon? Bakit umiilaw?" takang tanong ko saka mas sumilip sa phone ni Alice.

Mukhang natatabunan ko ang screen kaya tinulak ni Kevin paatras ang noo ko.

"Etits 'yan sis, wala ka no'n." He chuckled.

"Eh bakit naka-ganyan?" takang tanong ko, parang ang weird lang tingnan ng drawing. Naiisip kong may kapangyarihan ang mahabang bagay na 'yon dahil sa pa-glow effect ng drawing.

Alice turned to me like I said something stupid. She fixed her eyeglasses.

Inismidan ko sila saka tumayo na lang, nanlalata ako habang nakaupo lang. Maghu-hunting na lang ako ng mga pwedeng ilista sa crush list ko.

Sinenyasan ko sila na aalis muna ako.

Hindi pa ako nakaka-sampong hakbang ay may kumapit na sa braso ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Kevin, malawak ng ngisi sa labi.

Napailing ako sa kanya, sobrang hyper.

"Nadiligan ka ba?" tanong ko habang naglalakad kami, nginingitian ko ang mga nakakasulubong namin na kakilala ko.

"Tag-tuyo't tayo, beb. Walang hardinero ang nais magdilig e." Natawa kaming pareho sa salitang ginamit niya.

"Ikaw lang El ñino, baks. Bagong fertilize ako." Siniko ko siya nang may makasalubong kaming grupo ng mga engineer student.

Kinindatan ko ang isa, okay. One point.

"Scam ulul, virgin ka oy."

"Paano mo nasabi?" Tinaasan ko siya ng kilay, ang lakas pa naman ng bunganga niya.

Lumiko kami papunta sa canteen. Mabuti na lang at naiwan ko ang wallet ko sa bag, papa-libre na lang ako sa kanya.

"Duh, girl. Ako kasama mo hindi ka pa nireregla, bahay at school ka lang. Alam ko kapag may kalokohan kang ginagawa. Huwag ako oy," he said.

Inismiran ko siya.

Nang makarating kami sa canteen ay kaagad akong humanap ng table namin, sumimangot siya dahil alam na niyang wala akong dalang kahit ano. Nang makabalik siya ay may dala na siyang dalawang C2 at kwek-kwek.

"Trenta 'yan, bayad mo, teka i-chat kita para hindi ko makalimutan," paninigurado niya.

Natawa ako nang mabilis siyang magtipa sa phone, hindi ko dala ang phone ko pero alam kong chinat na niya ako niyan.

"Hindi ka na naman makakatulog nyan, parang trenta lang."

"Hoy, babae. Tipid-tipid no, baka nakakalimutan mo, next-sem mag-student teacher na tayo. Sariling sikap mga photo copies, nako. Balak kong bumili ng printer," paliwanag niya.

Napatango ako, tama si Kevin. Magiging student teacher na kami, kinakabahan ako pero ayos lang doon din naman talaga kami papunta.

Mabuti pa si Kevin, napagsasabay ang pag-aaral at lovelife.

Well, iyon ang alam ko. Ewan ko ba sa kanya, simula noon sumayaw kami, pagkatapos no'n ay nagsimula na siyang magkaruon ng mga ka-MU na lalaki, madalas ay gumagamit siya ng sites or app para makipag-chat. Hanggang doon lang, wala pa sa school, siguro ayaw rin niyang tiga-rito malapit dahil kilala ang pamilya nila.

"Buti ka pa may experience na sa relationship," wala sa sariling sabi ko.

Napataas ang kilay niya saka sinubo ang buong kwek-kwek. "Ano 'to, paunahan? Iba ako, iba ikaw. May dahilan ako."

"Anong dahilan mo? I mean, last year ko lang nalaman o nabalitaan na nagbi-bf ka na ah," puna ko.

Sandali niya akong tiningnan saka siya natawa.

"Wala lang, medyo naguluhan ako last year e napa-syota tuloy ako ng wala sa oras."

"Huh? Guluhan saan?"

"Wala, chismosa mo naman."

"Speaking of syota, ano ka, top or buttom?" buong kuryosidad na tanong ko.

Naibuga niya ang iniinom, mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. He looked at me flatly.

"Ano nga?"

Ngumuwi siya. "Basta. Ang awkward ng tanong mo."

"Curious lang ako, hindi ba... maybe you're gay but hindi ba mero'n 'yon kung sino mas feminine ganern? Feeling ko buttom ka e, ano feeling?"

"Parang gago, Lisa." Sinubo niya sa akin ang isang kwek-kwek. "Oh, itong itlog ng kwek-kwek na lang muna ang kainin mo, saka ka na kumain ng ibang itlog."

"Ay, kumakain ka ng itlog?"

Natawa ako nang makita ang pagkailang ng mukha niya, curious talaga ako e pero hindi ko na siya pipilitin baka bigla pa 'tong umiyak kawawa naman.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

Nang-hapon na iyon ay naunang umuwi si Kevin dahil may emergency sa bahay nila, hindi ko alam kung ano. Basta nagmamadali siyang umalis kaya mag-isa lang akong uuwi.

Nagpalinga-linga ako pagkalabas ng school, biglang nawala si Sascha. Nasaan na ba 'yon?

"Hey." Napalingon ako sa nagsalita, si Daryl.

Tinanguan ko siya at hinintay lumapit sa akin.

"Wassap, hindi ka pa uuwi?" tanong ko kahit obvious naman.

Umiling siya habang seryoso ang mukha. "Hindi pa, may pupuntahan pa ako."

"Hindi ka ba pwedeng ngumiti?" I asked him, pansin ko lagi siyang seryoso.

Daryl shrugged. "Mukha raw akong hmm, pervert."

I laughed of of his words. He's actually good. Feeling ko lang, luminga-linga siya animong may hinahanap.

"Where's Kevin? Hindi ba't sabay kayo?"

Tinusok ko siya sa braso. "Uy, napapansin niya kami. Crush mo ako no? Amin-amin din brad," asar ko sa kanya.

Imbes na magalit ay tipid siyang ngumiti. "Maybe..." He teased.

Inirapan ko siya, gagong 'to. Papaasahin pa ako.

"Babaero ka pala," komento ko.

"I'm just kidding. Saan ka ba sumasakay? Tricycle? Ihatid na kita sa sakayan," presinta niya, hawak niya ang straps ng kanyang bag.

Binigyan ko siya ng nanunuksong ngisi. Pa-fall 'to ah, mabuti at hindi ako kasing rupok ng iba.

"Sus, ikaw ha baka bukas-makalawa may pa-i love you ka na sa akin. Hahaha. Sabihin mo na kaagad para handa ako sa makabagbag damdaming speech ko."

Tinapik niya ang balikat ko. "Gutom lang 'yan, tara hatid na kita."

Napanguso ako nang lagpasan ako ni Daryl at nauna ng maglakad, may mga napapatingin sa kanyang ibang estudyante.

"Dami tumitingin sa'yo," I informed him.

Deretsyo lang ang tingin niya, balewala ang sinabi ko. "Sa'yo sila tumitingin hindi sa akin," tanggi niya.

"Sus, pa-humble ka pa. May insecurities ka ba Daryl?" takang tanong ko, parang ang perfect niya kasi.

Nagkibit-balikat siya. "Lahat naman meron."

Tumango ako, ako rin marami. "Hindi ata kayo sabay ni Kevin?"

"Hmm, may emergency siya e." Sinipa ko ang maliit na bato, napalingon ako sa kanya nang may maalala.

"Close na kayo ni Nade ah."

Nakita kong natigilan siya kaya ngumisi ako. May something hmm.

"Crush mo siya? Gano'n pala type mo ah," tukso ko sakto nakarating kami sa paradahan.

"Ikaw, crush mo si Kevin?" balik tanong niya saka ako tinaasan ng kilay, may tumaas ang labi niya nang makita ang paglaki ng mata ko.

Eksaheradang humalakhak ako.

"Gagi, kaibigan ko 'yon."

"Kaibigan ko rin naman si Sascha at gusto ko siya. Anong masama roon?" puno ng kuryosidad na tanong niya.

Laglag ang aking panga sa sinabi niya. Mukhang naisip niya ang sinabi kaya bahagya niya akong tinulak saka siya tumikhim. Huli!

"Sumakay ka na, Lisa. Paulan na."

Napatingin naman ako sa langit dahil sa sinabi niya, sobrang dilim na nga.

Bago ako sumakay ay kinuha ko ang maliit kong payong sa bag at iniabot sa kanya. "Salamat, Daryl. Ingat sa pag-uwi."

"Babalik pa akong school."

"Huh, bakit?"

"Nandoon pa si Sascha, balikan ko lang. Ingat ka."

Napakurap-kurap ako dahil mabilis na siyang tumalikod para bumalik sa school dala ang payong ko.

Nang makauwi ako sa bahay ay may katawagan si Mommy, tahimik akong nagmano sa kanya. Paakyat na sana ako nang tawagin niya ako.

"Lisa, have you heard what happened to Kevin's father?" Nakababa na ang telepono niya, puno ng pag-aalala ang mukha.

Kinabahan din ako.

"Huh, hindi po. Ano po 'yon, Ma?"

"He got shot, Kevin didn't tell you about it? Nasa ospital pa ata." Sinabi ni Mommy kung saan ospital, napailing siya saka may tinawagan ulit, mukhang may sasabihin na naman tungkol sa balitang iyon.

Kinabahan ako, naisip ko kaagad si Kevin. Masiyado siyang mahina pagdating sa Magulang niya.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko upang ibaba ang gamit ko at magpalit ng damit, sinubukan ko siyang i-chat pero naisip kong mas maganda kung puntahan ko siya.

Bakit hindi niya sa akin sinabi?

Nagpaalam ako kay Mommy na aalis ako, masiyado siyang abala para pigilan ako kaya mabilis na akong umalis papunta sa ospital. Habang papalapit ay mas lalo akong kinakabahan, sana ayos lang ang Papa niya.

Pagdating ko sa ospital ay naabutan ko sila sa harap ng emergency room. Nakaupo siya habang nakatukod ang mga siko sa magkabilang siko at nakayuko, si Tita naman ay nasa kabila habang tahimik na umiiyak.

Nang makita ako ni Tita ay tipid niya akong nginitian at sinenyas sa akin si Kevin, tumayo siya upang lumayo sa amin.

Dahan-dahan akong lumapit at huminto sa harapan niya, hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin ko para pagaanin ang loob niya.

I bit my lower lip when Kevin wrapped his arms around my waist, he buried his face on my stomach.

Kaagad akong napahawak sa buhok niya habang yakap niya ako, pakiramdam ko ay napapasa sa akin lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil sumikip ang kabog ng dibdib ko.

"You can cry, if you want to cry. Ako 'to, si Lisa ang bestfriend mo. You don't have to pretend."

I slowly brushed his soft hair, he started sobbing.

Suminghap ako nang mas humigpit ang yakap niya. Mariin akong pumikit.

"Hindi kita iiwan."

Tumango siya saka mahinang nagsalita.

"K-Kapag nakalabas na si Papa, aamin na ako. Sasabihin ko na sa kanila, please help me?" Umawang ang labi ko, aaminin na siya? "Naisip kong hindi natin alam ang pwedeng mangyari, madaming mangyayari at ayokong pagsisihan na hindi ko sinabi sa kanila."

Mabilis akong tumango.

"I'll help you, Kevin. Huwag kang mag-alala mahal ka ng magulang mo, kung ano ka man."

Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin, hinimas ko ang likod niya.

"Mahal na mahal—" Hindi ko na narinig pa ang sasabihin niya.



***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store