Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 24
Kabanata 24:
Walang nakasagot sa kanila sa tanong ko, nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanilang dalawa. Parang natigilan din sila sa naisip ko, unti-unti nang sumisikip ang kabog ng aking dibdib.
I don't want to overthink. Maybe that's my talent... to overthink.
Umiling si Mommy. "A-Ano bang pinagsasabi mo, Lisa? Hindi. Syempre hindi," paglilinaw niya na may kasamang pag-iling pa.
Para akong nabunutan ng malaking tinik sa sinabi niya, iyon lang gusto kong marinig. Iyon lang naman ang naiisip kong malaking dahilan para maging hindi kami pwede. We’ve known each other since we were high school, he know me more than anyone.
"Buntis ako," biglang sabi ko.
Kumunot ang noo ni Mommy, si Tita Rowena naman ay umiling na para bang alam na niya ang sunod kong sasabihin.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila, bakit hindi nila ipaliwanag para maintindihan ko, namin?
"Kevin and I, we'll having a b-baby, ilang buwan na po," anunsyo ko.
Hindi naman ako umaasa nang maayos na bati o congrats sa kanilang dalawa dahil unang-una ay ay hindi kami kasal, that was premarital sex. I know, it's forbidden. I'm not perfect.
Napatakip na si Tita Rowena sa kanyang bibig habang umiiling, ayaw maniwala. "No..."
Para akong sinaksak sa naging reaksyon niya, hindi niya matanggap at hindi niya tatanggapin iyon ang nakita ko sa kanyang mukha na para bang maling-mali ang bagay na 'to.
Mommy laughed and shook her head. "Why am I not surprised at all?"
"Talia, malaking gulo ito!" segunda ni Tita.
Umiling si Mommy saka bumaling sa akin, hindi pinansin ang sinabi ni Tita. "You will keep the baby?"
Mabilis akong tumango.
"Anong sa sabi ni Kevin?" tanong niya ulit, seryoso ang boses.
"T-Tanggap niya, we're in relationship now. Inuunti-unti po namin," pilit kong paliwanag sa kanila.
Bumaba ang tingin ni Tita sa tiyan ko, si Mommy naman ay malakas na bumuntonghininga. "Then keep the baby, akong bahala," makahulugang sabi ni Mommy, tumanim ang mga salita niya sa puso ko.
Gusto ko siyang yakapin.
"Talia! Ano ba?"
"Anong ano ba, Rowena? Nabuntis ng anak mo ang anak ko, babae 'tong sa akin. Pwede ba huwag tayong magsisihan dito? Kausapin mo ang anak mo. Akong bahala sa anak ko," pagkasabi no'n ay hinawakan ako ni Mommy sa braso at hinila palabas sa restaurant.
Hindi mabigat ang kanyang hawak sa aking braso pero hindi rin naman magaan, nang makarating kami sa parking lot ay pinasakay niya ako sa kotse niya.
"M-Mommy, ano po ba talagang nangyayari? Please... please..."
Nagpakawala siya malakas na buntonghininga bago paandarin ang kotse.
"May hindi lang kami pagkakaintindihan ni Rowena, labas kayo roon. Sabihin mo kay Kevin ay gusto ko siyang makausap, pumunta siya sa bahay," madiin sabi niya.
Ilang beses ko siyang tinanong kung tungkol saan ang bagay na iyon at kung may kinalaman ba kay Daddy pero hindi na siya nagsalita hanggang makarating kami sa harap ng bahay namin ni Kevin.
"Hindi ka pwedeng ma-stress, huwag mo nang isipin 'yon, labas ka ro'n." Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyan umalis.
Pakiramdam ko ay wala lang siyang tiwala sa akin, na para bang hindi ko kayang hawakang ang sikretong iyon kaya mas lalong gusto kong malaman kung ano.
Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan kong pababa na si Kevin, nagsusuot ng damit niya habang nasa tainga ang phone.
Nang makita ako ay para siyang nakahinga nang maluwag. He ended the call and walked towards me.
Mukhang kakagising lang niya, gulo-gulo pa ang buhok niya.
"Beb! Kanina pa kita tinatawagan, saan ka ba galing? Anong oras pa lang? Akala ko iniwan mo ako, nagutom ka ba? Hindi ba sabi ko gigisingin mo ako kapag nagutom ka," sunod-sunod na sabi niya.
Unti-unti tumaas ang aking labi kahit pigilan kong mangiti, mukha siyang nagtatampong bakla.
Hinimas ko ang gulo niyang buhok, ayokong magsinungaling sa kanya.
Saksi ako sa mga nangyari sa kaibigan ko dahil sa mga sikreto na iyan at ayoko 'yon mangyari sa amin lalo't nagsisimula pa lang kami.
"Lumabas lang ako sandali, tumawag ang Mama mo at nakipagkita ako sa kanya. U-Uh, sinabi niyang tigilan na kita, dumating din si Mommy." I saw him stilled. "N-Nasabi ko sa kanila ang tungkol sa atin, tungkol sa baby. Gusto ka raw makausap ni Mommy at saka..." Sandali akong tumigil. "Mukhang may malaki silang problema, mukhang may nangyayari Kev. M-May alam ka ba?" deretsyong tanong ko.
Sandali niya akong tinitigan, salubong ang kilay bago dahan-dahan umiling.
"H-Hindi ko alam, beb. Uh, kakausapin ko si Mommy saka ang Mama mo, ako na bahala."
Nakahinga ako nang maluwag, akala ko talaga ay may alam siya.
Alam ko naman hindi magsisinungaling si Kevin sa akin, wala naman dahilan para magsinungaling siya. He's not like that.
"Nag-almusal ka na ba? Magluluto ako bago ako umalis, wala kang pasok ngayon no?" Inalalayan na niya ako sa kusina, tumango ako.
Oo nga pala, may meeting siya.
"Natapos mo ba talaga 'yong power point mo?" nag-aalalang tanong ko, bigla kong naalala ang kagagahan ko kagabi.
Mood swings.
Kevin pinched my right cheek. "Natapos ko, minadali. Tampororot ka kasi 'yan nadiligan ka tuloy." Natawa siya, saka ngumisi sa akin na parang may naalala.
Nag-init ko sa salitang ginamit niya, hindi lang dilig iyon kagabi. Sagana ang bulaklak ko kagabi, hindi lang dilig may kasamang fertilizer pa.
Nag-iwas tingin ako at nagkunwaring nauuhaw, binuksan ko ang ref at doon bumuga ng hangin.
Nakakahiya.
Napatuwid ako nang tayo nang maramdaman si Kevin sa likod ko, he hugged me from behind, resting his chin on my shoulder.
"Lisa..." tawag niya sa akin.
Suminghap ako, napatitig na lang sa mga itlog sa loob ng ref.
Nanlamig ang katawan ko dahil sa marahan na halik niya sa aking balikat. Hindi ko kung galing ba ang lamig sa ref o ano.
Palihim akong napalunok.
"O-Oh?"
"Magpakasal tayo... gusto kitang pakasalan."
Nakurap-kurap ako, literal na tumigil ang aking paghinga. Kinailangan ko pang umubo para lang bumalik sa dati ang paghinga ko.
Nang lingunin ko si Kevin ay pulang-pula ang mukha niya, hanggang tainga.
Seryoso ko siyang tinitigan. "Alam mo ba 'yang sinasabi mo Kev?" Kinabahan ako bigla dahil baka ginawa niya lang ito dahil nabuntis ako. Baka, ginagawa lang niya dahil ito ang tingin niyang tama.
"Oo naman, magpakasal. Alam ko naman meaning no'n beb," nakakunot ang noong sabi niya.
"P-Pang habang buhay iyon, Kev. Naiisip mo ba 'yang inaalok mo? Para ka kasing nag-aalok lang ng almusal... b-baka naman tulog ka pa? Masiyado kang nagmamadali."
Napanguso siya sa sinabi ko.
"Nagmamadali, Li? Ang tagal na natin magkakilala, kailangan pa ba ng ilang taon? Nagsasama na rin naman tayo, may anak na tayo. 'Yon na lang kulang," pahina nang pahina ang kanyang boses. Pumikit siya at hinawakan ang kamay ko. "Sorry, Am I pressuring you? Ayoko lang mawala ka. Sorry kung nabibigla kita, hindi ko alam paano ko ko-control-in ang nararamdaman ko sa'yo," bumuga siya ng hangin saka napakamot sa batok.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, pinigilan siyang panggigilan.
"Pumayag ako sa relasyon, kasi gusto ko rin naman may panghawakan... pero pwede ba 'yong kasal saka na? Pag-iisipan ko, hindi sa nagdadalawang-isip ako sa'yo pero gusto ko sana kapag um-oo na ako ay handa na ako para sa stage na 'yon, sana maintinditan mo," mahinahong sabi ko.
Akala ko ay magagalit siya, hinimas niya ang baba ko.
"Ayos lang, naiintindihan ko. Hihintay kita. I love you."
Tipid akong ngumiti. "I love you."
Nakita kong natigilan siya, hinampas ko siya sa dibdib dahil parang hindi siya humihinga. Nang makabawi ay mahigpit niya akong niyakap, ramdam ko ang pinagsamang malakas na kabog ng dibdib namin.
"I hope you'll forgive me someday..."
I looked at his eyes. "Forgive you for what?"
"For loving you... too much."
____________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store