Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 22
Kabanata 22:
NANG magdalawang buwan ang aking tiyan ay mas lalong naging maingat si Kevin, para bang ano mang oras ay pwede ng lumabas ang bata.
Kung minsan ay natatawa ako, minsan ay hindi na nakakatuwa dahil maya-maya ay sumisilip siya sa room. Nadi-distract na ang ibang estudyante sa padaan-daan niya sa harap ng room.
"Kev naman, ayos lang ako. Bumalik ka na roon sa room mo, mapapagalitan tayo ng Principal nyan sa ginagawa mo." Bahagya ko siyang tinulak paalis dahil pinagtitinginan na kami.
Kahit ang ibang teacher sa ibang room ay napapalingon na.
Kakasilip niya lang kanina, wala pang sampong minuto. Masiyado siyang kabado.
"Oo na, sige na. Huwag kang magbubuhat ng mga libro ha? Pabuhat mo na lang sa mga estudyante mo," bilin niya mabilis akong tumango para lang umalis siya.
Nakakahiya 'to.
Pinitik niya ang aking noo bago tumalikod, napanguso ako nang may sinabi pa siya sa isang estudyante ko. Parang pinagsasabihan niyang dalhin ang mga gamit ko mamaya.
Napaka oa niya, dalawang buwan pa lang naman ang tiyan ko kaya ko pa naman, hindi pa nga malaki dahil payat lang din ako, hindi masyadong kita.
Papasok na sana ako sa room nang dumaan si Nade, suot niya ang kanyang salamin. Mukha siyang masungit, hindi siya huminto pero narinig ko ang bulong niya.
"Hulog na hulog," she whispered.
Kumunot ang noo ko saka sinundan siya ng tingin, hulog? Sino? Ang weird talaga niya kaya hindi siya crush ng crush niya e.
Natapos ang morning class ko nang gano'n. Nang tanghalian ay naabutan kong nasa table ko na si Kevin, inaayos ang pagkain namin.
Simula noong nalaman niya ay nagbabaon na kami ng lunch, mas gusto raw niyang siya ang magluto para mas safe at alam niya ang ingredients. Gano'n siya ka-hands down sa pagbubuntis ko, siguro kung pwede lang niya kunin ang bata at siya ang magbuntis ay ginawa na ng bakla.
Hindi ko maiwasan matuwa, hindi ko inaasahan na ganito siya.
"Ma'am swerte mo naman," komento ng isang teacher, medyo matanda sa amin.
Ngumiti ako bago ilapag ang class record at chalk box. "Oo nga po, Ma'am."
Tinukso pa nila kami, si Nade naman ay tahimik lang sa kabilang lamesa. May kausap na naman sa cellphone, pakiramdam ko tuloy ay may sugar daddy siyang tinatago niya. Tuwing break ay lagi siyang may katawagan, hindi naman siya masyadong open sa amin pero kaibigan namin siya hindi lang halata.
Hindi ko maiwasan mapangiti, speaking of friend. Daryl and Sascha, our college, babalik na sila rito sa Pilipinas sa susunod sa araw. For good.
Nag-email si Daryl sa akin noong nakaraan hindi ko pa lang nasasabi kay Nade.
Excited na akong makita sila.
"Huy, okay ka lang?" Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang pumitik sa harapan ko si Kevin. Pinaghila niya ako ng upuan.
Tumango ako at saka umupo na. Ang bango ng niluto niyang nilaga, nakakaiyak.
"Nade kain," aya ko kay Nade, tumango lang siya saka ngumiti tinuro ang kausap sa phone kaya tumango ako.
Bumaba ang tingin ko sa pagkain. "Ang bango naman nito," komento ko.
The corner of his lips quirked up. "Kumain ka nang madami... dalawa kayo," he reminded me.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya, kahit naman hindi niya sabihin ay kakain talaga ako nang madami. Malakas akong magutom, pakiramdam ko nga ay tataba na ako.
Habang kumakain ay naramdaman kong hinimas ni Kevin ang likod ko, tinitingnan kung pawis.
Hinayaan ko siya, nanatili roon ang kamay niya habang kumakain kami. Kinuha niya ang mapaypay ko at nagsimulang magpaypay sa akin habang kumakain kami, may electric fan naman pero initin talaga ako ngayon.
Iba ang singaw ng katawan ko, madaling pagpawisan. Halos hirap akong lumunok dahil sa kakaibang pakiramdam ng simpleng galaw niya.
Nilingon ko siya, nahihirapan tuloy siyang kumain dahil isang kamay lang ang gamit niya.
Hindi niya magamit ang tinidor paghiwa ng baboy kaya malakas akong bumuntonghininga, pinaghiwa ko siya habang hindi naman niya tinigil ang pagpaypay.
"Ahh," sabi niya saka binukas ang bibig.
Inirapan ko siya pero sinubuan din. Nilagyan niya ng kanin ang kutsara niya at ulam at inilapit sa bibig ko, bahagya pa aking napa-atras dahil sa biglang galaw niya.
"Beb, isubo mo," utos niya.
Wala akong nagawa at isinubo iyon, nakakahiya pa naman sa ibang teacher na pakiramdam ko ay pinapanuod kami.
"Masarap?" tanong niya nang matapos kaming kumain, mukhang mas marami siyang kumain
Napaubo ako sa biglang tanong niya natapon tuloy ang tubig sa blouse ko, kaagad ko iyon pinunasan, inabutan niya ako ng tissue habang kunot ang noo niya
"Basa ka na tuloy."
"A-Ah, masarap 'yong pagkain. Salamat." Tumango ako at binigyan siya ng chef's kiss. Natawa siya saka sinapo iyon.
Nang hapon na iyon ay isa lang ang klase ko habang tatlo ang kay Kevin kaya tumambay lang ako sa faculty, natulog.
Nang magising ako ay inabala ko na ang sarili sa cellphone.
From: Papa
Kumusta ka na anak? Miss ko na kayo.
Nasa barko ako ngayon anak. Kapag nakauwi ako dadalawin ko kayo, sorry anak.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang mensahe ni Papa. Mabilis akong nag-reply sa kanya na ayos lang at naiintindihan ko ang trabaho niya.
Natigil ako sa pag-scroll sa fb nang makita ang post ni Jude, friend ko pa rin siya sa fb at wala naman akong balak i-unfriend siya. Hindi rin naman ako madalas mag-online.
Kagabi ay may post si Jude na picture, mukhang sa loob ng isang bar tapos ang isang post niya ay words lang.
I'll keep my mouth shut for now. 🤐
Kumunot ang noo dahil sa post niyang iyon, walang picture at tanging iyon lang. What is that? Tungkol saan iyan?
Hindi ko maiwasan ang huli namin pag-uusap. Sa lumipas na hindi ko na nakita o nakausap pa, iniisip ko na lang na baka... baka wala naman talaga intensyon na kung ano si Jude, baka naman sobrang nasaktan lang siya.
Mabait naman siya.
***
Nang gabi na 'yon ay hindi kaagad ako nakatulog, dilat lang ako. Inis na bumangon ako at para pumunta sa kusina, magtitimpla na lang ako ng gatas baka makatulog ako kapag nabusog ako.
Habang nasa hagdanan ay tumunog ang aking cellphone, sinagot ko iyon nang makitang si Terron iyon.
"Hello, Terron?" mahinang tanong ko, bakit tumatawag pa siya na ganitong oras.
Kaagad kumunot ang noo ko nang marinig ang mabigat na paghinga ni Terron. Tumigil ako sa paglakad nang tuluyan akong makababa sa hagdanan at hinintay siyang sumagot.
"Lisa... my w-wife left me," his voice cracked. Para siyang batang nagsusumbong sa akin.
Napalunok at kinabahan ako. Dahan-dahan akong umupo sa sofa sa sala, medyo madilim na ang paligid.
"Ano? Ano bang nangyari? May ginawa ka bang mali?" nataranta na ako, baka ako ang dahilan.
Suminghap siya, halatang problemado. "Sabi siya magfi-file na siya ng annulment, sinukuan na niya ako." Doon ko napansin na lasing siya.
"Anong ginawa mo? Hindi mo man lang pinigilan? Terron naman. Bakit mo ginaganyan ang relasyon niyo?" mahinang singhal ko sa kanya. Bigla akong natauhan. "Oh, hindi ba sabi mo naman hindi mo siya mahal, e bakit ka mukhang namomroblema diyan?"
Hindi siya nakapagsalita, napailing ako dahil mukhang hanggang ngayon ay in denial pa rin siya.
"Hindi mo naman siya gusto, so ayos lang kung maghiwalay kayo tapos sasama siya sa ibang lalaki? Okay lang kung iba ang humalik sa kanya, can you imagine her having wild sex with—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang patayin niya ang tawag kaya mahina akong natawa.
I hope Terron will realize his feelings, like how I accepted mine.
"Sino 'yon?"
Napalingon ako sa kusina nang may magsalita, kumunot ang makitang lasing si Kevin. Itsura pa lang niya ay alam ko ng nakainom siya, dahil maputi siya ay kapag nakainom ay namumula ang mukha niya.
Hindi ako nakasagot, lumapit siya sa akin at huminto sa mismong harapan ko.
"Sino 'yon?" Umupo siya sa center table sa aking harapan.
Napalunok ako, nalanghap ko ang amoy ng mamahaling alak. "B-Bakit ka ba uminom? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.
Hindi siya nagsalita, tinitigan niya lang ako.
Inalis ko ang ilang hibla ng buhok sa kanyang noo, mukhang medyo madami na ang nainom niya. Ano bang problema niya?
"H-Huwag kang makipag-usap sa ex mo..." mahinang sabi niya.
Suminghap ako nang mapansin ang pwesto namin. Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa, bahagya akong lumayo pero hinawakan na niya ang aking pulso.
"Kevin!" Nataranta ako, bigla kong naalala ang huling beses na nalasing siya.
"N-Nagseselos ako, Lisa. Seloso ako. Ayokong may ibang lalaking kumakausap sayo." His eyes dropped to my lips. "Natatakot akong piliin mo ang iba, katulad ng pagpili ko sa iba noon kaysa sayo. Natatakot akong baka gantihan mo ako, sorry." Mariin siyang pumikit.
I gulped and pushed him a little.
"I've been so stupid."
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, dahil sa lalim ng titig niya. Ano bang sinasabi niya? Bakit siya magseselos?
"K-Kevin lumayo ka, lasing ka," my voice trembled.
"I'm not drunk," he chuckled. Kumurap-kurap siya saka umiling. "Naiipit ako sa sitwasyon, Lisa hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko na alam," mahinang sabi niya saka umiling.
Suminghap siya, hinimas ang aking baba kaya bahagyang umawang aking labi. Para akong kakapusin nang hininga nang unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin.
Kinilabutan ako, para akong nakuryente sa hawak niya at pakiramdam ko ay naramdaman din niya iyon.
"Kev..."
My chest felt so heavy.
"I want to kiss you," he informed me.
Tumama ang mainit niyang hininga sa aking labi, napahawak na lang ako sa balikat niya at mariin napapikit nang lumapat ang malambit niyang labi sa akin.
Nahihirapan akong huminga sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko mapigilan maluha. Hindi ko alam kung bakit, kung nakatayo ako ay baka napaluhod na ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko.
Humigpit ang hawak ko sa balikat niya nang hawakan niya ang aking panga upang mas palalimin ang halik, ang dampi ng labi niya ay unti-unting gumalaw kaya mahina akong napadaing.
We began to breathe heavily. I could feel warmth. I kissed him back.
Tumayo siya pero hindi pa rin pinaghihiwalay ang labi namin, bahagya akong nakatingala sa kanya habang ginagantihan ang mapusok na halik niya.
Kevin entered his tongue inside my mouth, I groaned when he sucked my tongue.
Kevin cupped my face, caressing my wet cheek.
"The first time I saw you, I fell in love with you. I'm in love with you for almost fifteen years, baby," he confessed, resting his forehead on mine.
__________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store