ZingTruyen.Store

Teach Me Back (Teach Series #3)

Kabanata 18

SaviorKitty


Kabanata 18:

"Oh, kumot." Inabutan ako ni Kevin ng kumot, pagkatapos nang nangyari sa dagat ay mabilis na kaming umahon, ako ang naunang magbihis.

Niyakap ko sa katawan ko ang kumot saka umayos ng higa, magkaharap kami.

I remember the last time we slept together. A mistake that I can't correct now. Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon gabi, hindi ko naman alam na ganito pala ang pupuntaham namin.

Pumikit ako, ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya dumilat ako.

"Maganda ka pala," he whispered, his eyes gleamed.

Natigilan ako at pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil sa kilig na naramdaman pero sa huli ay natawa na lang. "Aray ha? Ngayon mo lang nalaman? Grabe ka naman," I joked.

Sandali kaming natahimik, naging mabagal ang aking paghinga dahil natatakot marinig niya ang lakas ng kabog ng aking puso.

Naiilang ako sa kanya. Bakit parang naging mainit ang kotse?

"Kumusta pala kayo Papa mo?" biglang natanong niya, tumihaya ako at napatitig sa bubong.

"Ayos naman, hindi kami masiyado nakakapag-usap. Text minsan. I don't know, nasanay na lang siguro ako." Dati ay close kami ni Papa, hindi ko alam kung dahil sa trabaho niya ay parang lumayo siya.

Pero kung pamimiliin ako, si Papa pa rin ang pipiliin ko kaysa kay Mommy. Ewan ko, nasasakal ako kapag si Mommy ang kasama ko kaya siguro mas pinush ko 'yong bahay namin ni Kevin, kahit nagka-utang-utang kami.

"Hmm, may sama ka ba ng loob sa mga magulang mo, beb?" mahinang sabi niya, kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Hindi ko masabing sama ng loob, hindi lang siguro ako gano'n kalapit sa kanila alam mo naman 'yon. Hindi kami tulad ng ibang pamilya na super close... katulad niyo." Kevin nodded.

Ang totoo ay naiinggit ako sa pamilya nila, kaunti lang sila. Silang tatlo lang ng magulang siya pero super supportive ng parents niya, saksi ako roon.

Malakas na bumuntonghininga si Kevin. "Mukha lang perpekto ang pamilya ko pero hindi..." he paused. "Sana kapag ako nagkapamilya, sana kahit gaano kahirap ang buhay namin sana hindi kami mag-iwanan ng magiging asawa ko," mahinang sabi niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako, nakaka-touch 'yong sinasabi niya at ramdam ko iyon dahil gusto ko rin iyon. Iyon din ang hinihiling ko, na sana kapag kinasal ako, sana sa tamang tao na.

"Sana ako rin no," sabi ko.

"Naaalala mo pa 'yong sinabi natin dati? Kapag wala tayong nakatuluyan at lumagpas na tayo sa kalendaryo ay tayo na lang," he chuckled.

Napanguso ako, noon ay wala lang iyon sa akin pero ngayon na parang bumabalik lahat ay naisip kong pwede kaya? Kaya ba namin iyon? Sa iba siguro ang weird kasi bestfriend, pero sa akin pakiramdam ko ay mas ayos iyon dahil mas kakilala ko siya higit kung kanino man.

"Keri ba 'yon? I mean... hindi ba weird?" mahinang sabi ko, natatakot sa isasagot niya.

"Weird bakit naman? Mas maganda nga iyon. Para bang nagligawan tayo ng halos fifteen years bago ikasal," he reached my hand so I let him.

Palihim akong lumunok, hindi ko alam kung kailan bumalik 'to? O nandyan lang 'tong nararamdaman ko sa kanya at nagbulag-bulagan lang ako kasi nasaktan ako noon.

Hindi ko alam.

Siguro dapat tanungin ko ang iba kong kakilala kung narasana na nila ito, 'yong akala mo wala na pero nandoon pa rin pala, siya pa rin pala.

Naisip kong hindi pa kami nag-aaway ng sobra, kung magkakatampuhan kami ay araw lang at pinaka matagal na ay buwan noong umamin ako sa kanya, ako rin naman ang lumayo no'n kasi ay nahiya ako.

Naiisip kong paano kaya kung mag-away kami ng todo? Parang hindi ko kayang mahiwalay sa kanya nang matagal dahil nasanay na ako.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'n posisyon, nakatulog ako na hawak niya ang kamay ko at nagising ako na nakatalikod na ako sa kanya habang bahagyang nakayakap sa aking tiyan ang kanyang kamay kaya napabangon ako, muntik pa akong mauntog sa bubog ng kotse.

Sandali pa kaming tumambay roon bago tuluyan umuwi.

Dumaan kami sa SM Pampanga para bumili ng groceries, ubos na ang laman ng ref namin at kapag bibili kami ay laging hati kaya kailangan ay may resibo madalas pa naman niya akong dinuduga sa presyo.

Nasa bilihin kami ng mga fresh foods. Meat and fish, nang madaan kami sa mga isda ay hinarang kami ng sales lady.

"Ma'am ano po 'yon? Bangus? Fresh na fresh po," magiliw na sabi niya.

"Hindi po siya kumakain ng isda, thank you," magalang na sabi niya saka tinulak ang cart.

Ang sungit, ang aga-aga.

Pero hindi talaga ako nag-iisda, lalo ba ang paksiw. Ayoko talaga, nakakatuwa lang kasi hindi pa rin iyon nakakalimutan ni Kevin.

Napadaan kami sa mga chocolates. I love dark chocolates, iyon lang. Hinanap kaagad ng mata ko ang brand na lagi kong binibili, napanguso pa ako nang makitang nilalagay na iyon ni Kev sa cart namin, anim ang binili niya.

"Akin isa ha," paalala niya kaya natawa ako, akala mong aagawan nang aagawan.

Nang matapos kami ay naisipan namin kumain sa isang resto, paalis na sana kami sa parking lot nang huminto ang isang itim na kotse hindi kalayuan sa amin, kaagad ko iyon nakilala dahil ilang beses na akong nakasakay roon.

Terron's car.

"Uy, si Terron beb. Teka!" pigil ko kay Kevin nang akmang aandar na kami, binuksan ko ang pintuan para sana tawagin sila ng asawa niya pero natigilan ako nang makitang padabog na isinara ng asawa niya ang pintuan.

"Wait, calm down okay?" Dahil nakabukas ang pintuan ay rinig na rinig namin ni Kevin, nasa mismong harapan lang namin sila.

Tinted ang kotse ni Kevin at mukhang hindi nila nahalata na kami ang nasa loob.

"Calm down, Terron?! Hanggang kailan pa ako magtitiis? Isang taon pero siya pa rin? Hindi ba? Ako ang kasama mo pero pangalan pa rin niya ang nababanggit mo, ano ako? Display? Lisa where do you wanna go? Lisa you want anything? Lisa are you okay? Tangina hindi Lisa ang pangalan ko pero walang araw Terron na hindi ka namali sa pagtawag sa akin na pangalan niya ang binibigkas mo!" malakas na singhal niya saka tumalikod.

Nagkatinginan kami ni Kevin, hinabol ni Terron ang asawa.

"Umuwi na tayo, saan ka ba pupunta ha?"

"Bitawan mo ako, Terron! Ayoko na, sabihin na lang natin sa mga magulang natin na ayaw na natin kaysa ganito."

"Ikaw na ang asawa ko ano pa bang—"

"Ako nga pero siya pa rin hindi ba? Sa papel lang ako pero siya pa rin diyan sa puso mo. Mahal na mahal mo pa rin!"

Nang tuluyan silang mawala sa parking lot ay natulala ako, hindi ko tanga para hindi ma-gets ang pinag-uusapan nila.

Suminghap ako saka bumaling kay Kevin, pinapanuod niya ako mukhang alam niya ang naisip ko kaya bahagyang tinapik niya ang aking balikat bago buhayin ang kotse.

"Hindi mo iyon kasalanan, problema nila 'yong mag-asawa at labas ka na roon," mahinang sabi niya.

Hindi ako sumagot at lumingon na lang sa labas ng kotse.

Ayokong makasira sa kanila at mas lalong ayoko sa pakiramdam na nakakagulo na pala na hindi ko alam.

Habang naipit kami ni Kevin sa traffic sa gawing San Fernando at tulala ako sa labas ng kotse ay napalingon ako sa kabilang kotse, hindi sila tinted kaya kita ang tao sa loob.

"Papa?" Kumunot ang noo ko dahil parang si Papa ang nasa kabilang kotse, may kasama siya.

Hindi ko masyadong makita dahil bahagya silang nauuna sa amin.

Hinampas ko si Kevin. "Kevin! Si Papa 'yon dali! Tapatan mo may kasama, hindi 'yon si Mama! Bakit siya nandito? Akala ko may sakay siya sa barko ngayon buwan," mabilis na sabi ko habang pilit tinutulak ang kotse gamit ang puwet ko na animong may magagawa iyon.

Imbes na bumilis ay bumagal pa si Kevin.

"Kevin, nawala na tuloy!" inis na sabi ko.

"Sorry, b-baka naman kamuka lang? Nakita mo ba 'yong kasama?"

Humalukipkip ako. "Hindi, ang bagal mo kasi."

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga saka nagpatuloy na lang sa pagda-drive, buong biyahe ay hinahanap ko ulit ang sasakyan pero hindi ko na makita.

              Mabilis lumipas ang araw, gano'n pa rin. Sabay kami pumasok ni Kev, kadalasan ay sabay rin kaming kumain.

Nang dumating ang biyernes ay araw ng laban ng English Choir sa ibang school at kasama si Kevin doon kaya ako lang ang umuwi, magko-commute sana ako pero may lumapit sa akin pagkalabas ko pa lang ng gate.

"J-Jude..."

Magulo ang buhok ni Jude, madilim ang ilalim ng mata. Napaatras ako dahil natakot akong baka masaktan niya ulit ako pero mas nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

Umawang ang labi ko dahil ang daming tao, kapwa guro at estudyante na pauwi pa lang din.

Pilit ko siyang hinawakan sa braso at tinatayo pero umiyak na siya na parang bata na inagawan ko ng laruan.

"L-Lisa please, huwag mo naman kunin si Kevin sa akin... please. Mahal na mahal ko siya, sabihin mo naman sa kanya na nagsisisi na ako. Hindi ko na uulitin." Pinilit niyang kumapit na tuhod ko.

"Jude tumayo ka, please!" Halos mapataas ang boses ko sa sobrang kaba sa ginagawa niya.

Umiling si Jude, liham ang mata. Akmang hahawakan siya ng guard para ilayo sa akin pero umiling ako, dahan-dahan akong lumuhod upang magpantay kami.

"J-Jude, huwag mong gawin 'to sa sarili mo."

"Mahal ko siya, I love Kevin so much. Siya na 'yong buhay ko. Hindi ko siya kayang pakawalan. Please, help me. You're my friend right?" buong pagmamakaawang tanong niya.

"Huwag ako ang kausapin mo diyan, wala sa akin ang desisyon. Kung babalikan ka ni K-Kevin, kung hindi ay nasa kanya iyon. Wala sa akin."

Tumayo na ako at tumalikod, nakakailang hakbang pa lang ako ay napatigil na ako dahil parang gumalaw ang paningin ko.

Inalalayan kaagad ako ni Jude.

"Lisa okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Humigpit ang hawak ko sa braso niya nang kumirot ang puson ko, sobrang sakit.

Napaawang ang aking labi nang may maramdaman likido na lumabas sa aking pagkababae, mabilis napuno ang panty ko at pakiramdam ko'y kumalat iyon sa uniform kong kulay gray.

"Lisa!" Jude slapped my face slightly. "Ayos ka lang ba?"

"J-Jude, dinudugo ako," I whispered at him.

"Period?"

"N-No, this is not normal."

Nanlaki ang mata niya, kaagad akong inalalayan sa kotse niyang nakaparada sa hindi kalayuan. Mabilis ang naging kilos niya, may mga sinasabi siya sa akin sa biyahe papuntang ospital pero hindi ko na maintindihan, sobrang sakit.

Napapadaing ako at sigaw sa loob ng kotse.

Halos hindi ko na matandaan kung paano ako na-check ng Doctor, Jude stay beside me.

Kung ano-ano na ang naiisip ko, baka may sakit ako sa ovaries o kaya abnormal menstrual, mga gano'n.

Nang bumalik ang Doctor ay in-announce niya ang bagay na hindi ko naisip.

"The baby is okay, Misis."

Napakurapkurap ako. What? Okay? Who?

"P-Po?"

"Your baby is okay, thankfully. Congratulations, Ma'am you're pregnant," anunsyo siya. May sinasabi pa siya na gamot na kailangan kong bilhin para mas kumapit ang bata dahil nasa stage pa lang daw ako ng delikado pa pero natulala na ako.

Si Jude ang nag notes ng lahat.

Nang umalis ang Doctor ay ngiting-ngiti si Jude, masayang hinawakan niya ang kamay ko. "Lisa magkaka-baby ka na! Ninang ako? Alam na ba ng boyfriend mo?" masiglang sabi niya.

Unti-unti ay para akong sinampal ng katotohanan, unti-unti kong naisip ang nangyayari.

Buntis ako at ang bestfriend ko ang ama.

Hinawakan ko si Jude sa braso, nagulat siya sa ginawa ko. Unti-unting nangilid ang luha ko. "H-Hindi pwede 'to, Jude. Hindi pwede. K-Kailangan ko 'tong alisin habang maaga pa, I-I don't want this baby!" Humagulgol na ako, hindi ko na naiisip pa basta ang alam ko ay hindi 'to pwede.

Sinuntok-suntok ko ang aking tiyan habang umiiyak, hinawakan kaagad ni Jude ang kamay ko at pinigilan.

"Lisa! Ano ba?! Kumalma ka! Ano bang nangyayari sa'yo?!" sigaw niya.

Umiling ako, ayoko 'to. Ayoko sa baby na 'to.

I need an abortion...

_______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store