Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 16
No portrayer intended. No'ng time na nag-maid custome sila Lisa at Kevin. 👆👆
Kabanata 16:
"Ma'am, nasa labas po si Sir Kevin, tinatawag po kayo." Napalingon ako sa isa sa mga estudyante ko nang sabihin niya iyon, kumunot ang aking noo saka napatingin sa labas ng room.
I saw Kevin outside the room, he waved his hand. Sinenyasan niya akong lumabas sa sandali, tumayo ako.
"Finish your lecture," bilin ko sa mga estudyante ko bago lumabas, wala pa naman ay nag-ingay na sila kaya sumilip ulit ako. "President, maglista ka ng maingay, bawas sa scores kanina," pananakot ko, kaagad silang natahimik.
I'm wearing my gray uniform, like Kevin. May roon burda sa balikat hanggang dibdib.
Hindi maiwasan puruhin ang itsura niya sa uniform niya, napaka linis niyang tingnan lalo't nagpa-clean cut siya noong nakaraan.
"Bakit? May klase pa ako, tapos na 'yong ginagawa niyo?" bungad ko sa kanya, tiningnan ko ang orasan sa aking pulso.
Mag-aalas tres na ng hapon.
Ang alam ko ay isa siya sa mga teachers na naka-assign sa english choir sa susunod na linggo kaya medyo busy sila lalo't may grade ten siya na tinuturuan na lalaban.
"Oo kakatapos lang namin, kumain ka na ba?" he asked me with a low voice.
Kumunot ang noo ko saka tumango, hindi kami nagkasabay kanina dahil nga marami silang ginagawa. Hindi ko naman siya mahintay pa kasi may klase rin ako saka ang bilis kong magutom ngayon.
"Hmm, oo." Nahiya pa ako dahil nasa harap lang kami nang room, bahagya akong lumakad palayo pa para hindi marinig ng mga bata. "Ikaw ba? Kumain na kayo?"
Kev nodded.
"Wala na akong klase, ano bang oras last class mo?" tanong niya habang nakapamulsa. His eyes travelled to my hair, walang pag-aalinlangan inayos niya iyon.
Halos mapaigtad ako, ako na ang tumapos no'n.
Sandali kong inisip ang oras, mayroon pa akong isang klase sa kabilang section. "Ala-singko na ang tapos ko, kung gusto mo na magpahinga ay umuwi ka na, mamamasahe na lang ako pauwi." Naisip kong baka pagod siya, karaniwan kasi ay sa kotse niya kami sumasakay lalo't isang bahay lang naman ang inuuwian namin.
Lagi tuloy kaming napagkakamalan ng ibang katrabaho namin, hindi ko alam kung alam nila ang sexual orientation ni Kevin. Siguro nahahalata naman nila, hindi lang nagtatanong. Hindi naman kasi sobrang lambot na ni Kevin o siguro dahil na rin sa propesyon namin ay nasanay na rin siya na ganito sa school.
Sumimangot siya saka umiling.
"Hindi, hihintayin na lang kita sa office. Sige na, pasok ka na."
Salubong ang aking kilay nang bahagya niyang guluhin ang buhok ko saka naglakad palayo papunta sa office, kumaway pa siya sa akin. Aayusin tapos guguluhin? Buang na talaga.
Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga, halos dalawang linggo na simula noong may nangyari sa amin at hindi ko alam kung paano ako nakakaarte sa harapan niya na parang wala lang.
Mas pinili kong hindi siya iwasan, kapag ginawa ko iyon ay mas lalo siyang maghihinala. Mas lalo siyang magtatanong. Pasalamat na lang talaga ako at wala rin ako maalala sa mismong gabi, kasi kung mayroon ay baka hindi ko siya mahaharap.
Naiiling na pumasok ako sa room, ang mga mapanuksong tingin ng mga estudyante ko ang bumungad sa akin.
"Uy, ang sweet naman ni Sir Kevin, Ma'am. May pabisita, kayo po ni Sir?" tanong ng isa.
Umiling ako saka ngumiti. "Magkaibigan kami."
"Aw. Ma'am ilang taon na po kayong magkaibigan ni Sir?" tanong ng isa sa likod, napaisip tuloy ako.
Simula high school ay kakilala ko na siya. "Mag-fifteen years na, halos kalahati ng edad ko kakilala ko na siya." Gumawa sila ng ingay na parang kinikilig, may naririnig pa ako na sana ay sila ay meron. Sa isip ko ay kaagad ko iyon kinontra dahil alam kong mahirap. "Oh, tapos niyo na ba ang sinusulat niyo? Nililibang niyo lang ata ako e. Tapusin niyo na 'yan."
Mabilis lumipas ang oras, katulad ng tinuro ko sa kabilang section ay itinuro ko rin sa kabila. Mas maingay nga lang sa kabila pero ayos lang, basta 'yong ingay nila ay sa pagsagot at hindi kwentuhan ay ayos lang.
Nang matapos ang buling klase ko ay bitbit ko ang chalk box at index cards pabalik sa faculty.
Habang naglalakad sa hallway malapit na sa faculty ay nagulat ako nang may isang lalaking titig na titig sa akin animong kinikilala ako, nang mas makalapit ay mas nakilala ko siya.
"Lisa?" gulat na sabi niya saka natawa. "Lisa ikaw nga! Wow, teacher na ah," natatawang sabi ni Reymark, 'yong nanliligaw sa akin noon.
Napangiti ako, ang tagal ko siyang hindi nakita. Hindi ko siya nakilala, ganyan pala kapag napupunta sa ibang bansa, guma-gwapo. "Reymark. Nakabalik ka na pala, kumusta? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
Nginuso niya ang isang room. "Transferee student kapatid ko rito, kinausap ko lang 'yong magiging adviser. Ayos naman, ito baka rito na ulit kami. How about you? Married?"
Umiling ako, itinaas ang bakante kong kamay na walang suot na singsing.
"Tatanda na siguro akong dalaga," sabi ko saka humalakhak.
Napapantastikuhan tinitigan niya ako. "Eh, nasaan 'yong boyfriend mo noong college? 'Yong lagi mong kasama? What's his name again? K... something? Oh yes! Kevin. Yeah, naalala ko na," konyong sabi niya, iba na talaga ang accent niya kahit magtagalog siya.
"Si Kevin?" I raised a brow. "Bestfriend ko 'yon hindi ba?" baka kasi nakalimutan niya lang.
Pabirong hinampas niya ako sa balikat. "Sus, alam ko na no. Why are you still hiding it? Sinabi niya kaya sa akin noon. Dapat talaga itutuloy ko ang panliligaw sa'yo kahit sa malayo ako kaso kinausap niya ako e. Kayo na raw, kaya tigilan na kita," balewalang kwento niya.
Napapantastikuhang tinitigan ko pa si Reymark, baka gumagawa lang siya ng kwento.
Magtatanong pa sana ako pero tinawag na siya ng teacher ng kapatid niya kaya naguguluhan na naglakad na ako.
Sinabi 'yon ni Kevin noon? Bakit hindi ko alam 'yon, hindi niya nabanggit sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil bumibilis na naman ang tibok nito, alam kong delikado na talaga ako.
Nang makapasok sa faculty ay walang ibang guro roon maliban kay Kevin na nakaupo sa upuan ko, kahit katabi lang no'n ang sa kanya. Nakatitig siya sa mga picture sa lamesa ko, karaniwan picture namin kasi siya lang naman lagi ko kasama noon, may picture rin kami nila Sascha noong fieldtrip namin.
Meron din kami ni Terron at pamilya ko.
Lumapit ako at ibinaba ang dala ko, seryoso ang kanyang mukha.
Mula sa gilid ng mata ay nakita ko siyang isinandal ang ulo sa sandalan ng swivel chair ko saka tumingin sa aking gawi. Nagkunwari akong sinasalansan ang mga notebook na nagkalat na kanina ay chine-check ko.
"Lisa," he called me.
I gasped a little because of his voice. Palihim akong suminghap, ang lalim ng boses niya. Bakit malalim? Pakiramdam ko ay malambing iyon o sadyang mahihibang na ako.
"Oh?" kunwaring walang pakielam na sabi ko.
"Date tayo?"
Gulat akong napalingon sa kanya, pakiramdam ko ay nanlaki pa ang mata ko. "Ano kamo?"
He chewed on his bottom lip. "Date tayo mamaya, Saturday naman bukas hindi ba?"
Tumuwid ako nang tayo, nanatili siya sa gano'n posisyon. Sumandal ako sa aking lamesa at pinagkrus ang braso sa tapat ng aking dibdib, para itago ang kaba.
"Ano bang meron? Hindi pa naman natin sweldo ah."
Malakas siyang bumuntonghininga. "Wala lang, naisip ko lang na nitong lumipas na taon hindi tayo masyadong nakakalabas. Busy ako at busy ka rin, nagkikita tayo sa bahay pero hindi talaga tayo nakakalabas ng tayo lang. Come on, I'm single, you're single. Walang magagalit, friendly date like before." Humalakhak siya, pangpalubag loob sa akin.
Friendly date.
Kinagat ko ang aking dila para pigilan ang isang emosyon sa aking didbib.
Naiisip kong baka isa 'to sa mga paraan niya para mag-move on kay Jude. Gusto niyang maglibang at bilang bestfriend ay dapat ko siyang samahan.
Dahan-dahan akong tumango, lumawak ang kanyang ngiti.
Umuwi muna kami sa bahay para magpalit ng damit. I wore a simple high waisted leggings and maroon crop top jacket. Si Kevin naman ay nag-jeans at white shirt, saka denim jacket.
Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, siguradong kakain.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" sabi ko sa kanya habang nasa biyahe kami.
"Huwag kang atat, gorl," biro niya. Natawa ako kasi namiss ko 'yong ganyan niya.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin, nagtataka akong nilingon siya. Akala ko ay naniningil siya ng ambagan namin, mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya natawa rin siya.
"Kamay mo," sabi niya habang nasa daan pa rin ang tingin.
Kahit naguguluhan ay inilahad ko ang kamay sa kanya, kinuha niya ang kamay ko mabilis nagtahip-tahip ang ka ba sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.
Tiningnan niya ang daliri ko, walang kulay.
"Pa-tattoo tayo," biglang sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Gagi ka ba? Baka nakakalimutan mong Teacher tayo, bukod sa mukha ay kamay ang tinitingnan sa atin kapag nasa harapan tayo ng silid. Bawal," mabilis kong sabi saka binawi ang kamay ko sa kanya.
Pinaglaruan niya ang ibabang labi. Ipinirmi ko naman ang kamay ko sa ibabaw ng aking hita.
"Hmm, edi hindi sa kamay. Kahit sa tagong part, maybe chest or waist, Beb."
Ano naman kaya ang nakain nito at kung ano-ano ang naiisip?
"E-Ewan ko, Kevs. Pag-iisipan ko." Nag-iwas tingin ako sa kanya at tinuon na lang ang atensyon sa labas.
Papadilim na nang makarating kami sa tabing dagat, hindi gano'n kalapit pero tanaw namin ang dagat. Ipinarada niya ang kotse patalikod sa dagat kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Bakit tayo nandito? May malapit bang resto rito? Dapat paharap sa beach ka pumarada," suwestyon ko.
Nakilala ko kaagad kung nasaan kami, Porac Pampanga.
Hindi niya ako sinagot, bumaba siya sa kotse kaya sinundan ko siya. Kaagad tumama ang malamig na hangin sa aking katawan, napasinghap ako dahil iba ang simoy ng hangin sa tabing dagat.
Binuksan niya ang likuran ng kotse, napakurap-kurap ako nang makitang may basket at mga unan doon.
Kailangan pa niya iyan inayos?
Mabilis siyang binaba ang upuan ng kotse para maging pantay, nilatag niya ang kutson at mga unan pati pagkain namin. Kaagad akong natakam nang makita ang chicken wings at fries.
Hindi ko maiwasan ma-excite dahil hindi ko pa nata-try ang ganito.
Nang matapos siya ay umupo kami roon, paharap sa dagat. Nagpapalit na ang kulay ng langit, sumisilip na rin ang buwan, rinig ang paghampas ng alon.
Hindi ko maalala kung kailan ako huling nakapunta sa tabing dagat.
Niyakap ko ang aking tuhod saka nilingon si Kevin, bahagyang nakataas ang sulok ng kanyang labi, nakatukod ang mga braso sa likod.
"You planned this huh?" may tinatago pala siyang ka-sweet-an sa katawan.
Marahan siyang tumango, nasa dagat pa rin ang tingin nang magsalita siya.
"Wanna play?" Hindi ako nagsalita, hinihintay ang sunod na sasabihin niya. "Truth or dare."
_________________________
For visual purposes only.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store