ZingTruyen.Store

Teach Me Back (Teach Series #3)

Kabanata 14

SaviorKitty

Kabanata 14:

MABILIS kong isinuot ang aking damit habang nanginginig pa ang kamay, nananalangin na sana ay panaginip lang ito pero hindi dahil kahit anong kurap ko ay nandoon pa rin siya, nakahiga pa rin si Kevin doon habang payapang natutulog.

Sinigurado kong wala akong maiiwan na kahit ako bago umalis sa hotel.

Nagpalinga-linga ako sa parking lot, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang aking phone. Napahikbi ako nang mabilis sagutin ni Terron ang aking tawag.

"Lisa? Hey, what happened? Are you okay? Where are you?" sunod-sunod na tanong niya sa kabilang linya.

"P-Please sunduin mo ako, please." Sinabi ko ang lugar kung nasaan ako, hindi ko kayang mamasahe ng ganitong itsura, wala pang limang minuto ay dumating na siya.

Tulala ako habang nakasakay sa kanyang kotse. He didn’t ask, he didn’t question me why I was in that kind of place. He just drove home to his condo.

Unti-unti kong naisip ang ginawa ko, unti-unti akong kinain ng takot at kunsensya.

Nang makarating kami sa condo niya ay kaagad niya akong hinila sa sofa, lumuhod siya sa aking harapan habang umiiyak ako.

Terron cupped my face, wiping my tears away. I couldn't stop but to burst into tears, I hugged him tight.

Hinimas ni Terron ang aking likod, huminga siya nang malalim.

"Did someone force y-you?" nanginig ang kanyang boses, sa galit. "You can tell me Lisa, may p-pumilit ba sa'yo? Pinilit ka ba?" madiin tanong niya habang yakap ako.

Mas lalo akong naiyak nang iyon ang marinig, hindi niya ako pinag-isipan ng masama. Iniisip niyang may pumilit sa akin makipagtalik, na ni-rape ako ng kung sino kaya ako nasa gano'n lugar at kung bakit ako umiiyak.

"N-No one force me," hikbi ko.

Tinulak niya ang balikat ko upang tingnan ang aking mukha, hilam ang mata na tinitigan ko siya upang makita ang panghuhusga pero seryoso niya lang akong tinitigan.

Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "Huwag kang umiyak," sabi niya.

Umiling ako, paanong hindi ako iiyak? Alam kong mali ang nagawa ko at kahit anong dahilan ko ay alam kong hindi tama, alam kong mali.

Pilit kong pinapakalma ang sarili, iniisip sa pwedeng kalabasan ng kagagahan ko. Hindi ko na iyon uulitin, hindi na 'yon mauulit.

"Kilala mo ba ang lalaki?" mahinahong tanong niya.

Hindi ako nagsalita, ayokong sabihin. Wala akong balak na sabihin kung sino ang lalaking kasama ko. Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot iyon, ngayon ko lang naramdaman ang hangover.

"Okay lang kung hindi mo gustong sabihin, basta nandito lang ako kapag gusto mo ng kausap."

Terron tapped my shoulder, the door behind us opened. Terron's wife come out, frowning.

"Girl, anyare sa'yo mukha kang tilapiang bilasa," bungad niya. Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.

Terron chuckled and kissed his wife. "Good morning, babe. May kagagahan ginawa si Lisa. Moment of realization niya 'to, hayaan na natin," narinig kong bulungan nila.

"Ay gano'n?"

Bigla akong nahiya, sa dami ng tatawagan ko ay si Terron pa.

Terron and I broke up, a year ago. Napag-usapan namin iyon nang maayos, sinabi ko sa kanyang hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanya habang patanda kami, na mas may deserving sa binibigay niya at alam kong hindi ako iyon.

Naging mabuti siyang kaibigan, naging mabuting kasintahan pero hanggang doon na lang siguro iyon.

After that break up, his parent settled an arranged marriage. Nagulat din ako noong unang sinabi sa akin ni Terron lalo na noong sabihin niyang pumayag siya.

Like Sir Travis and Sascha. Arrange marriage sila, pero ngayon na nakikita ko silang maayos at masaya na parang nagpakasal sila dahil mahal nila ang isa't isa ay naisip kong tama lang ang ginawa kong palayain siya.

Hinayaan nila akong umiyak, nagluto si Terron habang nag-zumba sa harapan ko ang asawa niya habang umiiyak ako kaya hindi ko rin maiwasan matawa.

Nang kumalma ako ay umupo siya sa tabi ko.

"Ubos na luha mo? Ano bang ginawa mong kalokohan? Baka wala pa 'yan sa mga nagawa ko," paghahamon niya.

Pinaglaruan ko ang daliri ko.

"I sleep with my bestfriend..." mahinang sabi ko na parang maririnig ni Kevin iyon kapag nilakasan ko.

Terron's wife laughed like a witch, I shook my head. Bagay sila, parehas sila mas hyper nga lang 'to, kumbaga si Terron level five ng hyper, siya ay level ten na.

"Yon lang? Girl, wala iyan sa akin," para bang nagmamayabang pa siya, bahagya siyang dumukwang at bumulong. "Blinockmail ko magulang ng asawa ko para ipakasal kami," she chuckled.

Gulat akong napatingin sa kanya, talaga? Ngayon ko lang nalaman iyan. Alam ba ni Terron iyan?

Mas lumapit siya sa akin, mas bumulong. "Saka girl, 'yong hot ba na bakla na lagi mong kasama? Grabe naman kasi 'yon. Kahit naman ako nasa kalagayan mo, baka buntis na ako now," biro niya saka napatakip ng bibig. "Ay, kasal na pala. Papatayin ako ni Terron kapag narinig 'yon, huwag kang maingay." Sinenyasan pa niya ako.

Nang araw na iyon ay nanatili ako sa kanila, nakatulong ang daldal nilang dalawa para kumalma ako. Pinahiram din ako ng damit ng asawa ni Terron para makapagpalit.

Hindi ko alam kung uuwi ako sa bahay namin ni Kevin dahil siguradong nandoon na siya, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kaya dumiretsyo na lang ako kila Mommy.

Naabutan ko siyang umiinom sa kusina. "Mommy, ang aga naman po nyan," bungad ko sa kanya.

Hindi niya ako nilingon, tumungga siya ng alak. "Why are you here? Himala at alam mo pa pala ang bahay mo pauwi," sabi niya, nahihimigan ang inis sa boses.

"Mommy, busy lang po ako sa school. Kumain na ba kayo? Si bunso po?" Hindi ko pinansin ang init ng ulo niya.

Hindi siya kaagad nagsalita, nagpaalam ako sa kanya na aakyat ako sa itaas para may kunin pero bago pa ako makalabas sa kusina ay nagsalita siya.

"Lahat naman kayo iniiwan ako, lahat naman kayo hindi ako naiintindihan," lasing na bulong niya.

Nilingon ko siya, natawa siya sandali bago umiling saka ako sinenyasan na umalis na.

Hindi open si Mama sa akin, kumbaga kami ang mag-ina na hindi open sa isa't isa. Hindi ako nasanay na nagsasabi ng problema sa kanya at siguro ay gano'n din siya sa akin.

Umakyat ako sa itaas, napansin kong wala ang kapatid ko. Mas naglalagi siya sa Lola ko, sa side ni Papa.

Kinuha ko ang ilang papeles ko sa bahay, kung sakali at ilang damit. Mabilis din akong naligo ulit dahil pakiramdam ko ay naiwan pa rin sa akin ang amoy ni Kevin.

Nang pababa na ako ay may narinig akong mahihinang sigawan, animong natatakot may makarinig. Kumunot ang noo ko, sino 'yon? Wala na si Manang, tinanggal ni Mommy.

"Hindi ba sinabi ko huwag kang pupunta rito!" boses ni Mommy sa labas.

"Karapatan ko 'to," mas lalong kumunot ang noo ko nang makilala ang boses na iyon.

Mama ni Kevin.

Lumabas ako bitbit ang bag pero hindi ako nagpakita sa kanila. Bakit nandito ang Mama ni Kevin?

"Pwede ba, Rowena wala siya rito. Ano bang gusto mo? Nasa iyo na lahat," buong puot na sabi ni Mommy.

"Wala kang karapatan magkaruon ng hinanakit, Talia. Ikaw ang may kasalanan ng lahat," ani Tita Rowena.

Lumabas na ako bago pa sila magkasakitan, kaagad akong lumapit kay Mommy at gulat silang napalingon sa akin.

"My, ano pong nangyayari? Tita... bakit po kayo sumusugod dito?" Naguguluhan sabi ko, sandali akong tinitigan ni Tita Rowena bago bumaling kay Mommy.

"Hindi pa rin niya alam? Alam na ni Kevin."

Mas lalo akong naguluhan, anong hindi ko alam na alam ni Kevin?

"Rowena ano ba?! Umalis ka sa bahay ko, pwede kitang idemanda!"

Natulala ako nang tapunan ni Tita Rowena si Mommy ng matalim na tingin bago tumalikod at tuluyan umalis, hindi makapaniwalang nilingon ko si Mommy. Alam kong magkakilala sila pero hindi ko alam na ganito, may pinagtatalunan sila pero tungkol saan?

"Umalis ka na, Lisa," sabi ni Mommy.

Hinawakan ko siya sa braso. "My, bakit ba galit na galit si Tita Rowena? Ano bang ginawa mo?" hindi ko maiwasan kabahan.

Natawa si Mommy. "Ginawa ko? Even you, you're blaming me," hindi makapaniwalang sabi niya saka binawi ang kamay sa akin.

Sinara niya ang gate, tulalang naiwan ako sa labas.

Sobrang pagod ko pag-uwi sa bahay namin ni Kevin, pakiramdam ko ay ang daming nangyari buong araw.

Tumambad si Kevin sa akin sa sala, palakad-lakad animong hindi mapakali.

Nang makita ako ay nanlaki ang mata niya saka malalaki ang hakbang na lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

Natulos ako sa aking kinatatayuan, gulat sa ginawa niya. Naaalala ba niya? Gusto ko na lang tumakbo palabas.

"God, I thought something bad happened to you." Humiwalay ako sa yakap niya, mas tumangkad siya at nagkalaman lalo ang katawan. "Saan ka ba galing? Nagising na lang ako sa hotel. Nagkahiwalay ba tayo kagabi? Sorry, hindi ko na matandaan. Alam mo naman ako kapag nalasing, tinatawagan kita kanina hindi ka sumasagot," sunod-sunod na wika niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa nalaman, hindi niya naaalala.

Nagpeka ako ng tawa. "A-Ah, oo nagkahiwalay tayo. Umuwi na ako kagabi, sa bahay namin."

Nawala ang pag-aalala sa mukha niya at naging blanko. "Nagkausap kayo ng Mommy mo?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tono niya, parang may galit.

Tatanungin ko na sana siya kung ano 'yong alam niya na hindi ko alam pero tumunog ang phone niya, tumikhim siya bago kunin iyon.

Nakita kong pagkabahala sa mukha niya bago sagutin.

"Hello, Daddy?" ani Kevin, bahagya siyang lumayo sa akin para makipag-usap sa tumawag.

Kumunot ang noo ko. Sino 'yon? Sa pagkakaalam ko, Papa ang tawag niya sa ama niya simula noon.

______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store