Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 12
Kabanata 12:
Lumipas ang buwan hanggang maka-graduate kami, mas naging abala ako sa pagre-review para sa Licensure Exam for Teachers sa susunod na buwan. Kevin awarded as Magna cum laude, while I got a cum laude award. Hindi ko alam kung natuwa ba si Mommy no'n, wala naman siyang sinabi sa akin dahil masiyado siyang abala noong mga nakaraan buwan, lagi siyang umaalis ng bahay habang si Papa ay halos hindi na umuuwi, ang huling uwi niya ay noong graduation ko.
'Yong ibang kabataan, hinihiling na sana wala ang magulang nila para malaya silang makaalis o walang babawal.
Aaminin kong gano'n din naman ako noon, pero habang tumatanda mas hinihiling ko na lang na umuwi sila kasi pakiramdam ko ang layo-layo na ng loob ko sa pamilya ko.
"Baks, kape?"
Hindi ako nag-angat ng tingin kay Kevin nang maglapag siya ng kape at cheese bread sa aking gilid. Naamoy ko kaagad iyon.
Naghila siya ng upuan sa aking gilid, lumikha iyon ng ingay lalo't tahimik kung nasaan kami. Coffee shop na pwedeng tumambay.
Madalas ay nandito ako, masiyadong nakaka-antok kung sa bahay.
Imbes na makapagbasa ay nakakaidlip ako, hindi ko lang alam kung bakit nandito si Kevin, lagi siyang sumasama kahit maganda naman ang study room niya sa kanila.
Minsan siya, minsan si Terron. Minsan nakakapag-sabay sila at buong oras ay puro barahan lang ang dalawa. Siguradong bardagulan kapag silang dalawa, ayaw magpapatalo ni Kevin, hindi ko rin naman sigurado kung ano ang ipinaglalaban ni Terron.
"Psst."
I looked at Kevin when his elbow hit mine. His lips protruded when he mentioned the coffee he bought for me.
"Kumain ka na muna, balak mo bang mamatay?" eksaheradong bulong niya.
Inilapag ko ang aking hawak na ballpen saka siya nilingon, he was wearing his black sweater jacket. Bumili rin ako ng ganyan noon, para parehas kami.
"Hindi pa naman kasi ako gutom," sabi ko bago humigop na lang din ng kape na binili niya para lang matahimik na siya, sinabihan ko na siya kanina na huwag na pero ang kulit.
"Kahit na, dapat kumain ka sa oras hindi 'yong kakain ka lang kapag gutom. Paano kung hindi ka makaramdam ng gutom sa isang buwan edi magugulat ka na lang kalansay ka na. Kaya ang payat mo e, tingnan mo pulso mo, sakop ng daliri ko."
Ipinalibot niya ang hinlalaki at hintuturo sa pulso ko animong sinusukat ang taba, napanguso ako.
"Mahaba lang kasi ang daliri mo, hindi naman ako masyadong payat. Saka ang sabi nga ni Terron ang takaw ko raw sa—"
"Oh whatever, sis," maarteng aniya saka naglagay ng earphone sa tainga, saka nagbukas ng libro.
"Bakit ba galit na galit ka kay Terron?"
Sinulyapan niya ako saka tinanggal ang suot n earphone.
"Bakit ba lagi mo siyang pinagtatanggol? Sino bang bestfriend mo?" he pointed out.
He closed his eyes and remained silent a long time.
"Ikaw s-syempre, pero wala naman kasi ginagawa 'yong tao sa'yo, mag-iisang taon na ayaw mo pa rin sa kanya?" Pinag-aralan ko ang kanyang mukha habang nasa gano'n siyang posisyon.
Hindi siya sumagot, hinayaan ko siyang mag-inarte roon.
Tingan mo 'tong bakla na 'to, pupunta lang dito para mag-inarte.
Napailing ako nang maisip ang tanong niya noon, syempre ay hindi ako sumagot. Nagpanggap akong tulog hanggang tuluyan makatulog, simula naman noon ay hindi na siya nagtanong.
Nakaka-tang ina lang kasi gusto ko na nga mag-move on pero siya naman lagi ang kasama ko.
Pero kahit papaano ay nakapag-isip na ako, pinipili ko ang pagkakaibigan namin kaysa sa kung ano man 'yong nararamdaman ko, iniisip ko na lang aka simpleng atraksyon lamang iyon dahil siya ang lagi kong kasama at dadating ang panahon na mawawala iyon.
Napa-angat ang tingin ko nang may umupo sa lamesa sa aming harapan.
"Pol," I called the guy.
Lumawak ang ngiti niya, sinimangutan ko siya.
Aba! Akala ata niya nakalimutan ko na ang pang-iiwan niya sa akin sa sayaw noon.
"Hi, date niyo?" Pol teased.
Dumilat si Kevin saka inirapan siya, humalakhak si Pol.
"Parehas ba kayong badtrip?" Bumaba ang tingin niya sa mga notes na nag kalat sa lamesa. "Oh, reviewing? Bakit hindi na lang kayo mag-enroll sa review center?" takang tanong niya, siguro ay nakapag-enroll na siya.
"Sayang ang pera, may pinag-iipunan kami," sabi ko saka nginuso si Kevin na nag-i-sketch na ng kung ano.
"Ano naman?" chismosong ani Pol, inilagay pa niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa.
"Bahay... magpapatayo kaming bahay," si Kevin ang sumagot habang nasa notes na niya ang tingin.
Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Pol, napanguso ako dahil alam ko na ang iniisip niya. Hindi lang naman siya ang ganyan ang iniisip.
"May boyfriend siya," tanggi ko kaagad sa naiisip ni Pol.
"May manliligaw siya," segunda ni Kevin.
Nilingon ko siya.
Tumaas ang kilay ni Pol. "Oh okay? Wala naman akong sinabi. Pero wow, buti pa kayo naka-plano na ang future samantalang ako sabay sa agos lang. Kung papalarin edi ayos, kung hindi edi iyak." Natawa siya sa biro niya bago ilibot ang paningin sa paligid. "Nasaan na ba 'yong pinsan ko... sabi bibili lang kape."
Wala sa sariling inilibot ko rin tuloy ang tingin sa loob ng cafe.
Kumaway si Pol sa isang parte, kumunot ang noo ko nang makilala ang pinsan na tinutukoy niya. Si Jaren. Lumapit sa lamesa namin si Jaren, nang makilala ako ay mukhang nagulat din siya.
"Pinsan ko, Si Jaren," pakilala ni Pol saka kami iminuwestra ni Kevin. "Si Kevin at Lisa, magka—ibigan..." Hindi ko alam kung sinadaya niya bang putulin ang salita.
Tipid na ngumiti si Jaren sa akin, wala na ang yabang noon.
Ang totoo ay hindi ko na siya nakita pagkatapos no'n, nakikita ko pa ang Mommy niya pero hindi na siya kasama, dahil siguro ay naging abala rin siya.
"Yeah, Pol. I know them... hmm Lisa, how are you?" maingat na tanong ni Jaren at inilagay pa ang kamay niya sa bulsa, para bang sinasabi niyang hindi niya ako hahawakan.
Natawa ako kaya natawa rin siya.
"Okay lang, ikaw?"
"Magkakilala kayo?" tanong ni Pol.
"Oo, nagkakilala na kami noon."
Sabay-sabay kaming napalingon kay Kevin nang tumayo siya. Hindi siya nagpaalam pero dumeretsyo siya sa banyo.
Natawa si Pol at nagpaalam na sila.
Napatitig ako sa phone ni Kevin nang tumunog, parang may sumakal sa puso ko nang makitang boyfriend niya iyon. Si Jude, wala akong balak sagutin iyon dahil baka ayaw ni Kevin.
Picture nila ang wallpaper niya.
Natawa ako saka napatitig sa wallpaper ko, picture namin.
**
MABILIS lumipas ang buwan hanggang dumating araw na ipo-post na ang result ng exam namin. Malakas akong bumuntonghininga habang nakatitig sa screen ng laptop ko.
Wala si Mommy, nitong mga nakaraan buwan ay parang naging abala siya at hindi ko alam kung bakit. Nasa barko si Papa, si Ate naman ay buntis kaya hindi rin madalas bumisita, ang bunso kong kapatid ay nasa Lola ko.
Halos hindi ko na matandaan kung kailan kami nagkasabay-sabay kumain.
Bumaba ang tingin ko sa phone ko para i-text si Kevin kung nasaan na siya.
Nangako siyang sabay namin titingnan ang resulta. Pinapangarap pa namin noon natitili kami pareho kapag nakita na namin ang pangalan namin sa mga nakapasa.
To Beb:
kevs, nasaan ka na?
Ilang sandali bago siya nakapag-reply.
From Beb:
Hala beb, sorry. Bigla kasing nag-aya si Jude sa family dinner nila, kakatapos lang namin. Pwede mo na tingnan 'yong sayo once na lumabas na. Advance congrats, Ma'am.
Natawa ako sa text niya.
Gano'n lang 'yon? Ang tagal namin 'tong plinano. Nang mag-educ kami ay ito na ang plano namin tapos dahil sa biglang lakad wala na. Gano'n lang?
Hindi ko alam kung mababaw ako o ano, nagiging emosyonal ako lalo. Hindi naman seryosong tao pero habang mas tumatanda pala, mas madaming problema, mas nakakapanghina lalo't pakiramdam ko ay wala na akong masasandalan.
Nasanay akong malayo ang loob sa pamilya ko, nasanay akong si Kevin ang pinaka malapit sa akin kaya ngayon iba na ang mga priority niya pakiramdam ko ay naiiwan na ako.
Naiiwan na naman ako.
Pinunasan ko ang luha ko saka hindi na siya ni-reply-an.
Lumipas ang oras.
Nanginginig ang aking kamay nang makitang naka-post na ang site. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago hinanap ang apelido ni Kevin.
Lumawak ang ngiti ko nang makita ang pangalan niya.
Hindi ako nagdududa sa'yo Kevin, ang laki ng tiwala kong ipapasa mo. Mas may tiwala pa ako sa'yo kaysa sa sarili ko.
Nang makabawi ay apelido ko naman ang hinanap ko.
Dumaan ako sa mga apelidong letrang J, K, L, M...
Montero, Lisa Lyndell... please.
Hanggang makarating ako ng N at O ay wala ang apelido ko.
Hindi ako nakapasa. Hindi ko nakuha ang lisensya ko.
Natulala ako, walang luha na lumabas. Sinubukan ko pang i-refresh dahil baka may glitch, baka nakapasa talaga ako dahil ginawa ko naman ang best ko. Halos hindi na ako natutulog kaka-review.
Mas lalong sumukip ang dibdib ko dahil wala talaga ang pangalan ko, kahit ang ibang kakilala ko ay nandoon.
Unti-unti nang nahulog ang luha ko, sobra akong nadi-disappoint sa sarili ko, lagi na lang.
Naisip ko kaagad na mas lalo akong mapag-iiwanan lalo na ang mga kasabayan ko, makakapag-trabaho na sila sa public school.
Naisip ko si Mommy, wala pa man ay naririnig ko na kaagad kung paano siya ka-disappointed sa akin. Naririnig ko na kaagad ang mga pagkukumpara ng mga kamag-anak ko sa iba kong pinsan.
Sinapo ko ang mukha saka tahimik na umiyak.
Hindi ako nag-abalang tumingin sa pinto nang bumukas iyon, mas lalo akong napahagulgol nang ikulong niya ako sa kanyang braso.
Kaagad kong nakilala ang amoy niya, humigpit ang yakap niya sa akin.
"It's okay, Lisa. Ayos lang. You're still the best, okay? Ginawa mo ang best mo, may susunod pa beb. Kaya natin 'to."
Umiling ako, wala siya sa posisyon ko kaya madali lang sa kanyang sabihin ang bagay na iyan.
Nasa kanya ang lahat, tanggap siya ng pamilya niya, mahal siya ng magulang niya, malaya siya at may kasintahan siya, mahal na mahal nila ang isa't isa.
Samantalang ako, wala.
Hindi niya ako maiintindihan.
Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa akin, akala ko ba may dinner sila.
Hindi ako tumingin sa kanya, tinuro ko ang pintuan.
"Umalis ka."
"Beb..."
Pilit niya akong inabot pero umiling ako, hindi ko kailangan ng sino man ngayon, hindi ko kailangan ng awa niya.
Nag-angat ako ng tingin, nagtama ang aming mata. Puno ng pag-aalala at awa iyon, bagay na ayokong makita ngayon.
"Umalis ka na muna please..." paki-usap ko.
"W-Wala naman akong ginagawa, beb."
"Oo, wala pero isa ka sa mga dahilan kung bakit nararamdaman ko 'to." Nakita ko ang kaguluhan sa mata niya, umiling ako habang umiiyak. "H-Hindi lang 'to tungkol sa result Kevin, napuno na lang dito," sigaw ko.
Inabot niya ang kamay ko, binawi ko iyon sa kanya habang patuloy na humihikbi.
"Gusto mo malaman kung ano pa ang dahilan?" Hindi siya sa nagsalita, mapait akong ngumiti. "M-Mahal na kita, higit pa sa dapat. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, ayoko ko 'tong nararamdaman ko. Itinanggi ko noon. Ayoko ko 'to pero anong gagawin ko hulog na hulog na ako sa kaibigan ko."
Napahagulgol ako, nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.
Bigo akong tumingin sa kanya, alam ko naman magkaiba kami ng nararamdaman.
"H-Hindi mo ba 'yon nararamdaman? Kevin? W-Wala ka bang nararamdaman para sa akin. Hanggang kaibigan lang ba?" Napahikbi ako.
Pakiramdam ko ay sobrang baba ko na, sobrang kahihiyan pero ang bigat-bigat na ng dibdib ko, kailangan ko na aminin.
Kinagat niya ang ibabang labi saka nag-iwas tingin.
Mabilis ko siyang hinawakan sa batok at hinalikan habang tumutulo ang luha ko, ramdam ko ang pagtigas nang buo niyang katawan sa ginawa ko.
"Please... Kevin, ako na lang," bulong ko sa pagitan ng aming mga labi, ginalaw ko ang aking labi sa kanya, mas diniin ko ang aking halik umaasang tutugunan niya iyon pero wala lang siyang ginawa.
Unti-unti akong tumigil, sunod-sunod bumuhos ang luha ko habang nakatingin sa mata niyang walang buhay na nakatingin sa akin.
"Sorry, Lisa. Hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sa'yo... hindi ko alam na ganyan, may boyfriend ako, kung alam kong ganyan sana... sana lumayo ako," mahinang sabi niya.
Dahan-dahan akong tumango, ngayon sinabi ko na at tinanggihan na niya ay alam kong hindi na kami magiging katulad ng dati.
May mababago na.
"Alam ko kaya umalis ka na. Hindi naman ako umaasa na may katugon 'tong nararamdaman ko, sinabi ko lang. Sorry hinalikan kita." Pinunasan ko ang luha ko, iniiwas pumiyok.
Narinig ko ang malakas na buntonghininga niya bago umalis sa kama. "Sorry."
Hindi ko siya nilingon hanggang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan.
Doon ako napahagulgol. Ang tanga-tanga ko, bakit ako umaasang pipiliin niya ako, na gusto niya rin ako, na baka nagpipigil lang din siya.
Hinawakan ko ang dibdib ko at bahagyang kinabog ang aking dibdib dahil hindi ako makahinga, kailangan ko ng kausap.
Mabilis kong diniall ang number ng isang tao, sumagot siya pagkaraan ng ilang ring.
[Yow. Lisa, bakit?]
Napahikbi ako habang hinihimas ang tapat ng dibdib.
"P-Pwede mo ba akong sunduin, T-Terron? K-Kailangan ko ng kausap."
____________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store