Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 1
Kabanata 1:
"Mga putang ina niyoooooo!"
Itinirik ko ang aking mata dahil sa malakas na sigaw ni Kevin na lasing na lasing na. Hinimas-himas ko pa ang kanyang likod habang nakaupo siya sa gutter sa parking lot kung nasaan kami.
"Papapapapa-fuck you kayong mga lalaki!" Ipinakita niya ang middle finger niya sa asong dumaan na mabilis naman tumakbo.
Hala, natakot. Kingina naman kasi ni Kevin e.
Finuck you niya rin ang mga halaman sa gilid.
Bahagya kong hinarangan si Kev sa mga dumaan na napapatingin sa amin. This bitch, kapag talaga kami nakita ng mga nakakakilala sa amin siguradong matatanggalan kami ng lisensya sa ginagawa niya.
"Tama na 'yan, Kev. Umuwi na kaya tayo? Beb, anong oras na oh? Titilaok na ang manok, nalaklak mo na ata lahat ng alak," mahinang wika ko at kurap-kurap pa para maka-focus ang aking mata.
I scanned my eyes around the area, I'm not drunk, not yet. Compared to Kevin, I can still think properly... I think.
"B-Bakit gano'n, Lisa Lyndel? Binigay ko naman lahat ha? Pagmamahal, pera at oras, kulang pa ba 'yon? Bakit dahil b-bakla ako?" puno ng galit ang kanyang boses.
Lumuhod ako sa kanyang harapan at sinapo ang pisngi ng aking kaibigan. "Si Kevin Yeomra ka, wala kang inuurungan, wala kang tinatalikuran. Naiintindihan mo? Lalaki lang 'yan, bukas hahanap tayo sampo!" pang-uuto ko sa kanya.
Bigla ay naging alerto ang mata ng bakla at sinubukan tumitig sa akin. As he blinked, I saw his long eyelashes.
"Talaga? L-Legit 'yan ha?" parang tangang tanong niya.
"Oo naman! Kailan ba kita ini-scam."
Ang malungkot na mukha niya ay napalitan nang malawak na ngiti, pero alam kong pilit lang iyon. Lasing na hinimas niya ang buhok ko.
"You're my favorite Lisa, you know that right? You're my bestfriend," mahinang sabi niya sabay tampal sa pisngi ko nang mahina.
Sandali akong napatigil pero sa huli ay nginisian ko siya't inalalayan tumango. Akala ko ay uuwi na kami pero nagtatakbo siya papasok ulit sa bar kaya wala akong nagawa kung hindi sundan na lang siya.
༺❀༻
Napakapit ako sa bakal na hawakan ng elevator ng magsimulang umangat ito. Parehas kaming natawa ng lalaking kasama ko sa hindi malaman dahilan. Pinilit kong idilat ang mapungay kong mga mata upang sulyapan ang lalaking katabi ko.
I just want to sleep.
Who are you boy, hmm?
Nakaakbay siya sa akin habang paulit-ulit niyang dinadampian ng mainit na labi ang gilid ng aking sentido.
"Hmm. You smell good," bulong niya sa akin tainga kaya bahagyang napa-igtad pa ako, napakunot ang aking noo dahil parang kilala ko ang boses na 'yon.
He sounds so familiar... Smell familiar too.
Hindi ko mai-deretsyo ang aking tingin sa kanya, pero nasisigurado kong mas higit na matangkad siya sa akin. Uh-huh. Bakit kamuka 'to ng kakilala ko? Gano'n na ba ako ka-hayok sa kupal na 'yon para makita ko siya sa ibang lalaki?
Pinikit ko ang aking mga mata habang pilit na inaalala ang mga nangyari kanina. I remember I went to bar with my friend, Kevin. We parted our ways after an hour, I'm not sure. Panigurado naman na may nabingwit na naman iyon na lalaki at pinabayaan na akong mag-isang uminom.
Ayos din naman iyon dahil ayoko rin naman siya makasama talaga.
Leche siya.
I knew that alcohol is not good for me, mahina ang alcohol tolerance ko but here I am being drunk again. Great Lisa!
Pinilig ko ang aking ulo upang mawala sa isip ang dahilan kung bakit ba ako nagpakasalasing ngayon gabi.
I'm just confuse, alright!
'Yong pakiramdam na may magustuhan kang bagay na alam mo sa sarili mo na kahit kailan ay hindi naman mapapasayo? 'Yong may gusto akong makuha pero alam kong hindi para sa akin.
"Calm down," I laughed when I heard the sounds from his keys.
Naniningkit ang matang pinanood ko ang mabangong lalaki na pulutin ang nahulog nitong susi. Bahagya pa akong natawa nang makitang nanginginig ang kamay ng lalaki.
Nang mabuksan niya ang pintuan sa aming harapan ay kaagad niya akong hinawakan sa pulsuhan upang makapasok. Kaagad niya akong itinulak sa nakasarang pinto at walang sabi-sabing sinakop nito ang aking labi.
"Damn! You're making me excited baby," he groaned on my lips.
His kisses are very toxicating. Nakakaliyo ang bawat dampi ng labi niya, ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang balikat at unti-unting bumaba ang aking kamay upang tanggalin ang butones ng kanyang damit.
Ginantihan ko ang kaniyang halik, I want to forget someone. Ilang araw na akong ginugulo ng pesteng pakiramdam na ito.
Ayoko! Ayokong maramdaman ito, hindi sa kanya. Bawal sa kanya! Hindi pwede!
Bumaba ang halik ng lalaki sa aking panga, he smells so good too. So manly. Hindi ko alam kung bakit wala akong pagtutol na nararamdaman?
Umangat ako't naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa isang malambot na kama. Tinanggap ko ang bawat haplos niya sa akin katawan, sobrang bilis ng pangyayari parang pumikit lang ako't naramdaman kong lumamig na ang paligid.
Wow magic! I giggled.
I tried to open my eyes to see his face again, baka sa pagkakataon na ito ay hindi na siya kamuka ng lalaking gusto ko. Baka sa pagkakataon na ito ay magising na ako sa katangahan ko.
Pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki pero masiyadong madilim ang kwarto dagdagan pa ng pag-ikot ng aking paningin.
Unti-unting bumaba ang halik ng lalaki sa aking lantad na dibdib.
"Hmm..."
"What baby? What is it? You want this?" paos na boses ng lalaki at dahan-dahan bumaba ang halik sa aking tiyan.
"Y-Yes," aniko na may kasamang pagtango pa.
Damn it! I'll forget him.
NANG magising kinabukasan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman kong may nakayakap na braso sa aking beywang mula sa likudan.
Unti-unting bumalik sa tamang wisyo ang aking pag-iisip. Parang isang kidlat na bumalik ang nangyari kagabi, malabo ang ala-ala pero alam na alam kong totoo iyon. Hindi panaginip ang nangyari dahil ramdam ko ang sakit ng aking ibaba, sa aking hita. What the!
Oh Gosh! Ang tanga-tanga mo Lisa Lyndel! Nakipag-jack n poy ka sa hindi mo kakilala! Ang gaga!
Napakurap-kurap at huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili.
Wait, Am I hallucinating?
Malakas na kumabog ang aking dibdib, para sa sagot bahagya akong bumaling sa lalaking nasa likod ko upang makita ito. Hindi ko na maalala ang itsura niya kagabi, kung mabuntis man ako at least alam ko mukha ng naka-sisid sa perlas ng Silangan ko.
Para akong sinampal ng tatlong kabayong bakla nang makita ang gwapong mukha ng lalaki na mahimbing na natutulog at mahigpit ang yakap sa kaniyang beywang.
Napakurap-kurap pa ako nagbabakasakaling mababago ang nakikita ko.
"Oh no!"
Napatakip ako sa aking bibig ng unti-unting maisip ang ginawang kabaliwan.
I had a wild steamy night with my bestfriend.
My gay best friend -- Yeomra Kevin Rowan.
➵➵➵
SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store