Teach Me Again (Teach Series #2)
Special Chapter
You are in the last part of this story, thank you for joining Daryl and Nade journey. Thank you!
Special Chapter:
I asked myself, what is wrong with me? Naging masama ba akong anak at tao para mangyari lahat ng ito? Did I hurt someone so the fate did this to me? I don't know anymore.
Huminga ako ng malalim habang naka-tingin sa malawak na karagatan, niyakap ko ang aking sarili ng umihip ang malakas na hangin at mariin akong napapikit.
"Can you hear me there in heaven? Can you see I'm hurt?" bulong ko sa hangin, nang dumilat ako ay ang asul na karagatan ang aking nakita.
Life is so unfair.
Ipapatikim sa'yo ang kaunting saya tapos babawiin din pala. I feel something heavy in my chest, I feel suffocated. I bit my lower lip. Don't cry, Grenade! This is your fault.
Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko kung bakit wala na siya. Kung sana ay nakinig ako sa kaniya, kung sana ay hindi ako lumabas ng bahay, sana ay hindi iyon mangyayari, sana ay hindi siya mababaril.
Napatingala ako ng maalala iyon, papadilim na ang langit animong nakikita nito ang sakit na nararamdaman ko. Dahan-dahan akong napa-upo sa pinong buhangin, wala ng pakielam kung madumihan ang suot kong magarang damit.
I still can't believe at the age of thirty five, I lost my husband. I lost Daryl. He died because of a head gun shot.
I saw it! I saw with my own eyes. Kitang-kita ko kung paano siya barilin sa ulo ng lalaking gumahasa sa akin. Eugene.
Malinaw pa sa aking ala-ala ang nangyari nang gabing iyon, lumabas ako dahil tinext ako ni Eugene na may sasabihin pa siya tungkol sa pumanaw kong kapatid, kakalabas lang niya noon sa kulungan.
He fooled and abused me that night. Tanging ipit na iyak at pagmamakaawa ang lumabas sa bibig ko noon habang binababoy niya ako.
Everything blured. Ang sunod kong namalayan ay bumukas ang pinto at ang madilim na mukha ni Daryl ang tumambad sa amin. Kitang-kita ko kung paano siya nawala sa katinuan nang makita ang aking lagay, mabilis niyang hinila si Eugene paalis sa aking ibabaw.
Masiyadong mabilis ang nangyari, yakap ko ang aking sarili habang walang awa niyang binubugbog si Eugene. Nanginginig ang kaniyang katawan sa galit, huli na nang makasigaw ako ay nakabunot na ng baril si Eugene at itinutok sa kaniya.
Namanhid ang buo kong katawan noon nang makitang bumagsak ang walang buhay niyang katawan habang dilat ang mga matang deretsyong naka-tingin sa akin.
I can't forget his eyes that night, para bang ako ang huli niyang nakita bago siya mawalan ng hininga. His eyes were bloodshot. Full of anger, hatred and pain.
He left me that night without goodbyes, I love you and I'll miss you.
I remember our first meeting, when he saved me from bullies, and the last time we saw each other, he saved me again from the person who wanted to hurt me.
I wish I could bring back the time. Sana ay mahahawakan ko pa siya at masasabi kung gaano ko siya kamahal. Binigyan lang kami ng kaunting taon bago siya kinuha ulit sa akin.
Hindi ko maiwasan mapahikbi, sobrang sakit. Hindi ko kaya Daryl, please bumalik ka na.
"D-Daryl isama mo na lang ako d'yan, please. Bakit ang daya mo naman? Ang daya-daya mo!" mahinang daing ko habang nakatanaw sa dagat at madilim na kalangitan, nagbabakasakaling maririnig niya ako.
Gusto kong sisihin ang sarili ko, totoo naman dahil sa akin kaya siya nawala. Kung hindi niya ako iniligtas ay edi sana'y kapiling pa niya ang mga anak namin.
Anak namin... Ni hindi ko alam paano ko itataguyod ang aming mga anak, hindi ko alam kung kaya ko pa bang mag-isa kung ganitong nasanay na akong katuwang siya sa lumipas na panahon.
Sometimes happy memories hurt the most, every time I remember his smile, his I love you, his kisses, his sweet words... my heart hurt so much.
Nang pumatak ang ulan ay napatingala ulit ako saka tipid na ngumiti.
Umiiyak ka ba dyan kasi nakikita mong umiiyak ako? Ayokong makita mo akong malungkot pero nasasaktan pa rin ako Daryl dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong hindi totoo ang lahat.
Sobrang sakit kasi alam kong hindi ka na babalik.
"One day, we'll meet again, my husband... Hope you'll remember me."
Pinunasan ko ang aking mga luha, sasabihin bang maka-sarili ako kung gugustuhin ko ng sumunod sa kaniya at iwan ang aming mga anak? Am I too selfish?
Ang natitira kong lakas ay ginamit ko upang tumayo, naglakad ako papunta sa dagat. Nang tumama ang tubig sa aming talampakan ay sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
Susunod na lang ako sa'yo, Daryl. Sasama na ako.
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang maramdaman kong nasa dibdib ko na ang tubig, mas lalong sumikip ang dibdib ko. Mas umusad pa ako hanggang sa hindi ko na maiapak ang aking paa sa buhangin sa ilalim.
"Nade!" I heard someone calling my name.
Isang tulak pa sa katawan ko hanggang lumubog na ako sa ilalim.
"Nade! Nade!"
Sa huling pagkakataon ay humampas ang malakas na alon sa aking maliit na katawan. Imbes na masaktan ay napangiti ako.
Dax, I miss you so much baby.
"Nade! Nade! Nade!"
Naramdaman kong may humawak sa aking balikat, ini-ahon ako nito mula sa ilalim ng tubig.
"Nade baby please wake up! Damn it!"
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata, nag-aalalang mukha ni Daryl ang unang tumambad sa akin. Inalog-alog niya ang balikat ko kahit pa dilat na ang aking mata.
Namalabis ang luha sa aking mata, mabilis akong bumangon saka mahigpit siyang niyakap na kaagad naman niyang sinuklian. Hinimas niya niya ang aking likod saka niya ako paulit-ulit na hinalikan sa sentido.
"Thank God, you're awake. Pinag-alala mo ako, Nade. Takot na takot ako," bulong niya habang tinatahan ako.
"D-Daryl nanaginip ako ng masama. M-May nangyari raw sa'yong masama. Nawala ka raw sa akin," sumbong ko sa kaniya habang humihikbi.
Daryl brushed my hair using his fingers. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat saka ako ini-upo sa kaniyang kandungan paharap sa kaniya.
I hugged his neck, I'm so scared.
Hindi kami nagsalita, hinayaan niya ako sa aking pag-iyak. Nanatili lang siyang naka-yakap sa akin habang paulit-ulit na hinahalikan ang aking balikat.
"Nightmares?" aniya.
Tumango ako, hinimas ko ang kaniyang hubad barong likod. Mukhang nagising ko lang din siya sa pag-iyak ko habang natutulog. Tumingin ako sa wallclock at mag-aalas kwatro pa lang ng madaling araw.
"Yes," wika ko. Sinimulan kong ikwento sa kaniya ang masamang panaginip ko.
Sabi nila kapag daw ikinuwento mo sa iba ang panaginip mo ay hindi iyon magkakatotoo.
Nang matapos akong magkwento ay seryoso na ang kaniyang mukha, bahagyang gumalaw ang kaniyang panga nang hinimas ko iyon.
"I won't let that happened, Nade. Hindi na makakalabas sa kulungan si Eugene at kung mangyari man iyon uunahin ko muna siyang patayin bago ka pa niya mahawakan," madilim ang mukhang wika niya.
Hinawakan niya ang aking baba habang ang isang braso ay nakapalibot sa aking baywang.
Hinawakan ko ang maliit na hikaw sa kaniyang tainga.
"S-Sorry nagising kita," I whispered.
Bumuga siya ng hangin. "Hanggang ngayon masikip pa rin kabog ng dibdib ko. You made me worried so much, akala ko hindi ka didilat sasampalin na dapat kita," aniya.
Napahalakhak ako sa huli niyang sinabi. He kissed my nose, "Now, you're laughing." Nakangiting puna niya.
Hinimas ko ang aking tiyan. "Nagugutom ako dahil sa panaginip ko, cook for me please?" Ipinaglapat ko ang dalawa kong palad saka nagpa-cute sa kaniya.
He chuckled and then kissed my cleavage, I punched him. "Ang aga-aga!"
"Good morning kiss lang, come on I'll cook breakfast," he gave me a half-smile.
Hinawakan niya ang beywang ko upang tumayo, akala ko ay ibababa niya ako pero hindi kaya mabilis kong ikinawit ang aking braso sa kaniyang leeg at binti sa kaniyang beywang.
Isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang leeg habang karga niya ako pababa sa aming bahah, papunta sa kusina.
I heard him groaned, bahagya kong kinagat ang kaniyang leeg.
Pinalo niya ang aking puwitan bago ako inilapag sa ibabaw ng lamesa. Sinapo niya ang pisngi ko saka kinurot iyon.
"You love me so much?" Nangingiting tanong niya.
"Paano mo nasabi? Crush lang kita."
"Tsk, crush my ass. Kaya pala grabe ang ungol mo tuwing..." Kinurot ko siya sa tagiliran niya.
Natatawang humiwalay siya sa akin saka ako ipinaghila ng upuan. Pinanuod ko siyang mag-asikaso ng almusal, pumalumbaba ako sa lamesa habang naghihiwa siya ng kung ano.
Marunong na siyang magluto, sa halos anim na taon namin mag-asawa ay natuto na rin, paano ba naman kapah nasa kusina ako ay nandoon din siya.
I study him while he's busy, his wearing a sweater pants. No shirt. His shoulder became more wider and when he moved, his muscle flex.
Tumayo ako upang lumapit sa kaniya, bahagya pa siyang natigilan nang yakapin ko siya mula sa likuran. I kissed his back, akala ko noon ay ipinaayos niya ang lahat ng peklat sa kaniyang katawan pero nalaman ko rin na mukha hanggang leeg at braso lang ang ipinaayos niya.
I kissed his scars.
Bahagya niya akong nilingon sa kaniyang balikat at nagtama ang aming mata, "You okay baby?" tanong niya.
Tumango ako.
"I'm just happy that you're my husband," I whispered.
"I'm happy and contented with you and our child too, Nade. Alam mo 'yan."
Nakuntento ako sa ayos kong ganon, nakayakap sa kaniya habang nagluluto, napahiwalay lamang ako sa kaniya nang may magsalita sa bungad ng kusina.
Sabay kaming napalingon doon, I smiled to my daughter.
"Mommy." Pupungay-pungay ang matang wika niya, lumapit siya sa amin kaya kinarga ko siya.
"Why you awake so early, Vivlia?" I asked her.
She's four years old.
Niyakap niya ang maliit na braso sa aking leeg saka ipinahinga ang baba sa aking balikat. Hinimas naman ni Daryl ang kaniyang magulong buhok.
"Nagising na ang bunsong maganda," aniya sabay halik sa noo ng anak. "Nagluluto lang si Daddy ng breakfast huh?"
"I want pancake Daddy."
"Sure, sige na upo muna kayo baka mangawit si Mommy."
Nang matapos si Daryl ay sakto naman nagising ang tatlo, umagang-umaga pa lang ay busangot na ang mukha ni Rev nang humalik sa akin pati kay Daryl saka ginulo ang buhok ni Viv.
"Good morning, Mom and Dad," seryosong aniya.
"Ano na naman mangyari sa kuya Rev ko? Ang aga-aga nakasimangot ka," puna ko.
Dumating naman si Genesis, humalik siya sa kanan kong pisngi saka sa ulo ni Vivlia.
Humalik siya kay Daryl. "Good morning everyone!" masigla naman bati niya.
Nagkatinginan kami ni Daryl. Kumakanta-kantang pumasok si Isa sa kusina, kaagad kinurot ang pisngi ng kapatid bago humalik sa amin.
"Good morning people in the earth!" aniya.
Sinenyasan ko na silang umupo na, bahagyang tumaas ang kilay ko ng lapitan ni Daryl si Rev at may ibinulong. Paniguradong inuuto na naman ang anak, tumango si Rev bago umaliwalas ang mukha.
Hays, boys!
Maaga kaming aalis ngayon, pupunta sa obgyn ko. Iiwan muna namin ang mga bata kila Mommy, saka kami pupuntang ospital kaya alam kong excited ang mga bata. Base sa narinig kong usapan nila kagabi, dadalhin sila ni Mommy sa Clark, paniguradong pag-uwi niyan ay kung ano-ano na naman ang binili.
Hinalikan ni Daryl ang kamay ko habang papasok kami sa ospital. "Huwag ka ngang kabado," inis na wika ko.
"Sino hindi kakabahan, baka anong mangyari sayo!" aniya.
"Hay nako, Sir Daryl magpapatali lang ako, hindi naman puputulin kalahati ng katawan ko," sarkastikong wika ko.
Narinig kong buntong-hininga niya bago mahigpit na hawakan ang kamay ko.
Napagdesisyunan namin na huwag ng sundan si Vivlia, tama na ang apat. Saka sabi ng Doctor ko ay delikado na kapag nagbuntis pa ako ulit lalo't may triplets akong lumabas na sa tiyan ko.
Mas okay ng sigurado kaysa mabiyudo kaagad ang asawa ko.
Napangiti ako... asawa ko.
**
There are different kind of forgiveness, one is you will forgive and go back to them and another is you'll forgive them but you will choose too remove them in life.
I choose both.
Pinatawad ko ang mga taong nagkasala sa akin kahit pa hindi naman sila humihingi ng tawad. Kinalimutan ko ang nakaraan para sa akin sarili.
Ang sabi nila, masiyado raw akong mahina, mahinhin at iyakin. That's not true, alam ko sa sarili kong matutumba silang lahat pero mananatili akong nakatayo.
And crying made me stronger, nailalabas ko lahat ng sama ng loob ko kaya kung ano man dumating sa akin ay nakakaya ko na.
I got hurt. Really hurt.
Ganoon naman talaga ang buhay ng tao, hindi puro saya at ginhawa lang. Naniniwala akong hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kayang lampasan.
Nasa tao na lang talaga kung paano nila iyon haharapin, either you avoid or face it!
Napangiti ako ng maramdaman ang malaking braso na yumakap sa aking beywang mula sa likuran, nakatanaw ako sa payapang dagat sa harap ng aming bahay.
Daryl rested his chin on my shoulder.
"Ang aga naman nagising ng misis ko, mag-aalasais pa lang ah," puna niya.
Paos ang kaniyang boses halatang antok pa pero bumangon para hanapin ako. Hinimas ko ang braso niyang may maninipis na buhok.
Hindi ko maiwasan mapatingin sa bracelet na ibinigay niya sa akin noon bata pa kami, akala ko ay nawala ko na ito. Mabuti at naitabi pala ni Mommy noon. Bago kami ikasal ni Daryl ay ipinakita ito sa akin ni Mommy, simula noon ay hindi ko na ito hinuhubad.
Bahagya ko siyang nilingon sa aking balikat, hinalikan niya ang aking balikat.
"Ganito ata kapag tumatanda na, maaga na nagigising," biro ko.
Narinig ko ang madramang pagsinghap niya. "You're not baby, fifty ka pa lang."
Humalakhak ako. "Matanda pa rin, may apo na nga, pero mas matanda ka gurang ka na e."
"Tsk, mahal mo naman."
Napangiti ako, wow confidence.
"Kidding, I want to see sunrise," I said.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi siya nagsalita, ngayon ay nasa Davao na kami. Napagdesisyunan namin na rito na kami mag retired sa Davao, bumili kami ng lupa malapit sa dagat.
Halos benteng taon na rin nakalipas noong bumalik sa pagtuturo si Daryl.
"May ibibigay pala ako sa'yo, actually noon ko pa 'to nakuha sa dati namin bahay, nadala ko pa 'to sa Pampanga pero ngayon ko lang naalala nang nalinis ang bahay." Humiwalay si Daryl sa akin at may kinuhang box sa drawer.
Binuksan niya iyon sa harapan ko, ganon na lang ang panlalaki ng aking mata nang makitang si Gigi iyon, ang aking manika.
Nangilid ang aking luha.
Napakamot sa batok ang aking asawa. "Akala ko pa naman matutuwa kapag ipinakita ko ito sayo, bakit ka umiiyak?"
Sinapak ko siya sa braso. "A-Akala ko wala na 'to."
Daryl chuckled. "Ito ang unang bagay na ibinigay mo sa akin kaya wala akong planong itapon 'to, I'm giving back your barbie now. We are done to our hide and seek," bulong niya.
Napahikbi ako, ibinigay ko ito sa kaniya noon nang matalo ako sa laro namin. Hindi ko akalain na nasa kaniya pa ito pagkalipas ng madaming taon.
Daryl kissed the corner of my lips. He brushed his thumb on my cheek.
"Thank you for all the small and big things you do, Daryl. I won't regret being your Mrs. Yoshida," I confessed.
"No, baby. Thank you for everything. I lost myself before but you helped me. Ikaw ang sumampal ng katotohanan sa akin na hindi lang sa akin umiikot ang mundo, na may iba rin nasasaktan. Thank you for being the reason of my smile, nawala ko iyon noon at ikaw ang nagbalik, kayo ng mga anak natin ang lakas ko."
Nakita ko kung paano namula ang mata ni Daryl, oh my gosh!
Sinapo ko ang pisngi niya ng makitang naiiyak na siya, ngumiti siya sa akin, sobrang lakas ng tibok ng puso ko na bagay na siya lang ang nakakagawa.
"For all you are, for whatever you do, I still love you Daryl. You teach me how to love myself."
Masuyo niya akong niyakap, sobrang higpit na parang ayaw niya akong pakawalan, niyakap ko siya pabalik.
"Thank you baby, for teaching me to love other people around me. You're the best thing happened to me, akala ko noon hindi na ako magmamahal, akala ko wala na. You changed me and if the fate give me another game to play, I'll choose you again."
Daryl sobbed on my shoulder.
"Thank you baby, for loving me on the day I can't even love myself. You teach me again."
~ THE END ~
Author's Note:
Thank you for reading Teach Me Again. I hope you enjoyed the rollercoaster life of Daryl and Nade.
Medyo iba siya sa naunang series na puro kilig, I want to focus kasi about in denial feelings at kung paano malaman 'yong secret. Dapat mahaba 'yong POV ni Daryl pero binawasan ko hahaha.
Iyon lang, hope you'll share this story to your friends. Give me feedbacks too! Thank you so much!
*Teach Series Guide*
Series #1: Teach Me Sir (Kilig)
Series #2 : Teach Me Again (Drama)
Series #3: Teach Me Back (Comedy)
Started: July 28, 2020
Ended: August 27, 2020
SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store