ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 21

SaviorKitty


Kabanata 21

I have thought of this thing many times. I always thought that I would be happy to see my daughter's father but now, I pray that what he said is not true. I hope he is not Isaiah's father.

Humigpit ang aking hawak sa hamba ng pintuan, hindi ko maialis ang tingin kay Eugene na malamlam ang tingin sa akin. I want him to take back what he said.

Natatawang umiling ako sa kaniya, hindi ko namalayaan na umiiyak na ako.

"H-Hindi iyan totoo, hindi ikaw!" disperadong wika ko, hinawakan ko siya sa kaniyang braso. "Bawiin mo 'yon!" I shouted.

Umiling siya.

"There's no point of hiding, Nade. Nang makita ko ang larawan ni Dean sa wallet mo, I know... you're that woman." Hinawakan niya ako sa braso, pakiramdam ko ay nanlalata ako. Hindi sa ayaw ko kay Eugene, I just can't accept that he's my boyfriend's cousin.

Hindi ko alam kung paano niya iyon matatanggap, si Daryl ang una kong naisip. Alam kong matutuwa ang anak ko kapag nalaman ito. Ang kaso, si Daryl anong mararamdaman niya?

"I want to see my daughter, Nade. I want to meet her." Nangilid ang aking luha dahil alam na alam ko na gustong-gusto siyang makita ng anak ko, pero bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan nandyan na si Daryl para sa anak ko.

Umawang ang labi ko, hindi makapag-salita.

"You're Isaiah's father?"

Nanlaki ang aking mata at napalingon sa nagsalita, ganoon na lang ang aking gulat nang makita si Daryl na nakatayo sa hagdanan, nakapamulsa habang may sarkastikong titig sa amin, mas lalong dumilim ang kaniyang titig nang makita ang hawak sa akin ni Eugene.

Naglakad siya papalapit at sa takot kong baka mag-away sila ay sinalubong ko siya.

"Daryl..." I called him and placed my hand on his chest.

Bumaba ang tingin niya sa akin, he looked at me like I made him disappointed. Kaagad akong nagpaliwanag bago pa man siya maka-isip ng kung ano. "I didn't know. Ngayon ko lang din nalaman. Please, calm down."

Bumuga siya ng hangin, tumingala siya saka tumingin kay Eugene na nasa labas pa ng pintuan.

"Pumasok ka," sabi ni Daryl.

"A-Ayos lang, hindi na siya papasok sa susunod na lang kami mag-uusap," pagtanggi ko.

Tiningnan ako ni Daryl, natatakot ako dahil seryoso ang kaniyang mukha na para bang nawala na 'yong Daryl na kasama ko noong mga nakaraan araw. Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot sa kaniyang mata.

"It's okay, Nade," sabi niya saka tumingin sa kaniyang pinsan. "We'll talk."

I looked at Eugene, I can feel that there's something between them. Pakiramdam ko ba'y may alitan na talaga sila noon pa man o masiyado lang akong nag-iisip ng kung ano.

"It's none of your business, Daryl."

Daryl smirked at him. "This is my girl, she's my business. Now come in, if you want to talk to her I'll let you but I won't leave her here to you."

Tumango ako kay Eugene para sabihin ganon na lang dahil wala rin naman akong plano makipag-usap sa kaniya na kami lang dalawa.

Hinawakan ako ni Daryl sa akin beywang saka ako inalalayan umupo sa isang sofa, malayo kay Eugene. Prenteng umupo si Daryl sa akin tabi, wala talaga siyang balak na iwan kami.

Tiningnan ako ni Eugene na parang kinukwestyon kung bakit nandoon si Daryl, na para bang gusto niya munang mag-usap kami na kami lang. Hinawakan ko ang kamay ni Daryl na nasa aking hita upang ipaalam sa kaniya na wala akong balak paalisin ang kasintahan ko.

If he want us to talk, It's okay. I'll give him that, but I respect Daryl.

"Sige mag-usap na kayo," pursigi ni Daryl habang prenteng naka-sandal sa sofa, ang isang kamay ay nasa aking likuran at halos iyakap na ang braso sa akin habang ang isa ay nasa hita ko.

Tumikhim si Eugene habang naka-tingin sa kamay namin.

"I want to meet my daughter."

Tumawa si Daryl na para bang nakakaloko ang sinabi ng pinsan niya. I'm glad that the kids are sleeping, I don't want them to hear this specially my Isaiah.

"After you left them?" ani Daryl, naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa beywang ko animong iyon na lang ang pumipigil sa kaniya para sapakin ang pinsan.

"Wala kang alam dito, Daryl."

Naramdaman kong natigilan siya doon, bahagya kong pinisil ang kaniyang kamay upang kumalma siya. Kung meron man dapat magpaliwanag noon sa kaniya ay ako dapat iyon.

How I forgot to tell him this? I know he said that it's okay, alam kong tanggap niya kung anong meron ako pero dapat ay sinabi ko pa rin sa kaniya ang totoo. Siguro ay gustong-gusto na niya akong tanungin sa bagay na ito pero ayaw niyang pangunahan ako, kaya ba hindi siya nagtatanong tungkol kay Isaiah? I know Daryl, hanggat maaari ay hindi siya makikielam ganoon siya noon pa man.

"Stop it, Eugene," saway ko sa lalaking nasa harapan ko. I held Daryl's hand tightly, listen baby okay? I want you know everything. "W-Where's my son, Eugene?" iniwasan kong pumiyok ang aking boses.

Narinig kong malulutong na mura ni Daryl sa gilid ko. "Bullshit! What son?!" mura niya.

Walang nagsalita sa amin ni Eugene. Akala ko'y aalis si Daryl pero pinaharap niya ako sa kaniya, gusto kong maiyak nang makita ang kaniyang mukha.

"What son, Nade? Please tell me everything. Anong namamagitan sainyo ng pinsan ko? Matagal mo na siyang kilala? Ginagago niyo ba ako?" Umiling siya parang hindi rin siya naniniwala sa sariling sinabi. "I saw you with him, sa k-kwarto niya. Nade. What was it? What son? Anong ama siya ni Isaiah? Oh fuck!" Nasapo niya ang kaniyang ulo.

Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi. Natatakot akong baka magising ang mga bata, mas lalong magiging mahirap iyon.

Nilakasan ko ang aking loob.

"B-Before college graduation, I met my long lost sister... Dean."

Hindi makapaniwalang nilingon ako ni Daryl. "I thought you're only child?"

Napatungo ako, hindi ko na kayang makita pa ang reaksyon niya. "That was I thought. Ang akala ko rin ay ako lang, noon ko lang din nalaman na may kapatid ako, mas matanda siya sa akin. A-Ang kwento ni Daddy, noong apat na taon pa lang ako ay nawala si Dean, hinanap nila siya hanggang lumipas ang taon pero wala t-then after years... may nagpakilala sa amin babae, she said she's my sister at nagpa-DNA rin sila nila Daddy at positive. Kaya pala hindi siya makita dahil napunta siya sa isang bahay ampunan noon at may naka-ampon s-sakaniya na mag-asawang nakatira sa ibang b-bansa," pumiyok ako sa huli kong mga salita.

Nag-angat ako ng tingin kay Daryl na nakatutok lang sa mga sasabihin ko, ganon din si Eugene.

Pain crossed my chest, I feel suffocated. "I thought we will be happy, finally! P-Pero kaya pala kami hinanap ni Dean dahil may tumor siya sa utak, she had a brain cancer. She decided to look for us, at least makita man lang kami bago s-siya mawala."

"I-I don't get it, baby. Anong konek no'n dito sa putang inang 'to?" Duro niya sa pinsan.

Nakita kong matalim siyang nitingnan ni Eugene. "Shut up, hanggang ngayon ba ay selos ka pa rin sa akin dahil ex din ako ex mo?! For fuck sake may girlfriend ka na."

Napatayo ako ng akmang susugod sila sa isa't-isa ay kaagad akong pumagitna.

"Please!" Mahinang singhal ko. "May mga bata sa itaas please!" I said hopelessly.

Kumalma si Eugene at bumalik sa upuan niya, hinawakan ko sa braso si Daryl upang paupuin siya, noong una ay masiyado siyang matigas at walang balak umupo.

"Daryl, sit."

Nilingon niya ako saka umupo. Sinuklay niya ang buhok saka hinagilap ang kamay ko upang hawakan iyon para bang makukuha no'n lahat ng inis niya.

"Ex? Sinong ex?" tanong ko sa kanila.

"He's Genvery ex too," ani Daryl.

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa nalaman pero nasaktan din sa isipin na kaya galit pa rin si Daryl sa kaniya ay dahil pa rin kay Genvery.

And what a small world. Ang daming ex girlfriend ni Eugene, baka magulat ako pati isa sa kaibigan ko ay ex din niya.

Nagkibit-balikat si Eugene sa akin. "High school pa noong naging ex ko ang ex niya. Hindi ko alam kung anong kinaka-galit niya, wala na sa akin iyon."

Tumalim ang mata ni Daryl sa kaniya. "I don't care whose ex are you, just don't come near my family now."

Napahilot ako sa sentido, pakiramdam ko ay binibiyak iyon.

Lumingon sa akin si Daryl, hinawakan niya ang balikat ko. "Are you okay?"

Tumango ako saka nagpatuloy magpaliwanag.

"M-Maniwala ka man o hindi madaming nangyari sa taon na iyon. One of that is... I became their surrogate m-mother. We used Artificial Insemination, they inject sperm inside my cervix and-"

"Damn. Nade, stop it!" mahina pero madiin wika ni Daryl sa gilid ko.

Umiling ako tuluyan ng tumulo ang aking luha na kaagad niyang pinunasan gamit ang kaniyang mainit na palad.

Napahikbi ako.

"N-No! You need to know this!" iwinaksi ko ang kamay niya sa aking balikat upang maituloy ang sinasabi ko. "G-Ginawa ko lang iyon para sa kapatid ko, nagmakaawa siya sa akin na bago man lang siya mawala ay mabigyan niya ng anak ang lalaking m-mahal niya and that is him..." turo ko kay Eugene. "I didn't know who's my sperm donor, nang pumunta kasi sa Thailand ay naka-ayos na ang lahat, ako na lang ang kulang."

Akala ko ay aalis si Daryl, akala ko ay iiwan niya ako kaya nagulat ako ng yakapin niya ako at paulit-ulit na hinalikan ang balikat ko kahit pa nandoon ang kaniyang pinsan.

"Hush, baby... you're hurting my heart please stop crying nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan," bulong niya sa akin.

Nanuyo ang aking lalamunan doon.

"That's why I don't know how to answer their question, kapag tinatanong sino ang ama kasi hindi ko alam, masiyado akong bulag noon na sa kagustuhan kong mapagbigay ang kapatid ko ay hindi ko na naisip ang sarili ko." Gusto kong magpasalamat na kahit patuloy na tumutulo ang aking luha ay nagagawa ko pang sabihin sa kaniya ang lahat, kung ano man ang kalabasan nito ay tatanggapin ko.

"I g-gave birth to a twin through cesarean, a girl and a boy. Ang isa ay nasa akin at ang isa ay nasa ama raw ng anak ko," naguguluhan wika ko. Tumingin ako kay Eugene na tulala lang, mapula ang kaniyang mata anumang oras iiyak na siya. "N-Na sayo siya 'di ba? If you're really the sperm donor, where's my son? Where's my son?!"

Naramdaman kong hinalikan ako ni Daryl sa aking buhok, habang yakap-yakap pa rin ako para bang kaya non kunin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Umiling siya.

"I-I'm sorry, nagkasakit siya noon apat na taon pa lang siya, nasa ibang bansa kami. I lost our son. K-Kaya lumabas ako ngayon kasi nangungulila ako, gusto kong itama lahat, wala na rin si Dean nangako akong aalagaan ko ang bata pero nabigo ko siya pero sa pagkakataon na 'to ay hindi na, babawi ako kay Isaiah." Nagulat ako nang pumatak ang kaniyang luha tanda na hindi siya nagbibiro.

Pakiramdam ko ay bigla nagdilim ang paligid, nag paulit-ulit sa akin tainga ang sinabi niyang wala na isa sa anak kong matagal na nawalay sa akin.

Mabilis akong tumayo tuluyan akong sumabog.

Sinugod ko si Eugene. Hinampas ko siya sa sobrang puot. "I trusted you my son! Ang sabi niyo ay aalagan niyo siya kaya kahit mahirap sa akin mawalay sa isa sa kanila ay hinayaan ko! Anong klase kang ama! Bakit mo pinabayaan ang baby ko!" sigaw ko sa kaniya.

Hinayaan niya lang ako, hindi pa ako matitigil kung hindi may malaking braso na yumakap sa aking beywang at hinila ako papalayo sa kaniya, tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina ng aking tuhod,

"I'm here, I won't leave you, It's okay to cry," Daryl whispered while hugging me.

Sunod-sunod ang naging hikbi ko.

"M-Mama why are you crying?"

***

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store