Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 19
Kabanata 19
"What is it, Daddy?" tanong ni Genesis. Kinagat ko ang aking ibabang labi saka tumingin kay Daryl.
Ngayon araw namin napag-usapan na sabihin na sa kaniyang mga anak, tapos mamayang gabi naman kay Isaiah. Kakatapos lang ng session namin ngayon araw, dalawang araw na simula nang umuwi kami galing Zambales.
Nakaupo ang dalawang bata sa isang mahabang sofa habang nasa isahang sofa naman ako sa tapat nila.
Tahip-tahip ang kaba sa akin dibdib, daig pa ng kaba ko ngayon ang kaba ko noon nag demo ako at licensure exam for teachers ako.
Tumayo si Daryl mula sa kaniyang swivel chair at pumunta sa akin saka niya ako binigyan ng maliit na ngiti. Umupo siya sa arm rest ng aking inuupuan saka ako inakbayan.
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ni Genesis habang nagsalubong naman ang kilay ni Revelation.
"Gen, Rev... Your Tita Nade and daddy are in relationship. She's my girlfriend now," ani Daryl.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang lakasan ang loob niya dahil alam kong natatakot din siya sa magiging reaksyon ng kaniyang anak.
"No way! She will never be my mom!" sigaw ni Rev.
Parang may kumurot sa puso ko sa simpleng salita lang niya. Napatayo si Daryl, hinawakan ko siya sa braso. "Don't talk like that to your Tita Nade, Rev," madiin wika ni Daryl.
Kaagad nangilid ang luha ni Rev saka siya tumakbo papalabas ng library, lumingon ako kay Genesis na laglag ang panga animong hindi pa naiintindihan ang nangyari.
Akmang susundan ni Daryl si Rev ay pinigilan ko siya. "Ako na ang kakausap sa kaniya. Kausapin mo si Genesis."
Nag-aalangan pa siya pero sa huli'y tumango siya't hinayaan na ako.
Mabilis akong bumaba nang bahay, wala sa sala at kusina si Rev. Mabilis akong lumabas at nakahinga naman ng maluwag nang makita siya sa gilid ng kanilang bahay, naka-upo sa damuhan.
Nag-iwas siya ng tingin nang makitang papalapit ako, ang matalim niyang tingin ay hindi maalis para bang anumang oras ay mangangagat na lang siya.
Naiintindihan ko naman siya. Lumaki silang walang kasamang babae o kasintahan ang daddy nila kaya alam kong natatakot lang sila.
Umupo ako sa damo katulad ng kaniyang upo.
"Galit ka ba kay Tita Nade?" malumanay na tanong ko.
Hindi niya ako nilingon at nanatiling masama at busangot ang kaniyang mukha habang nakatingin sa mga damo.
"I-I'm not mad at you po, I hate d-daddy." Pumiyok pa ang kaniyang boses tanda na anumang oras ay iiyak na siya.
"Bakit naman? Ayaw mo bang maging masaya ang daddy mo?" Tuluyan siyang lumingon sa akin, tipid naman akong ngumiti sa kaniya. "Alam mo bang mahal na mahal kayo ng daddy niyo? Natatakot din siya noon hanggang ngayon kaya nga ngayon lang ako nakuha ng daddy niyo kasi kayo ang iniisip niyang dalawa, masyado pa kayong bata noon, pakiramdam niya ay wala pang oras para isipin niya ang sarili niya," paliwanag ko sa kaniya.
Hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy ako.
"I love your daddy so much, Rev. You don't have to worry, hindi naman ibig sabihin na kami ay mawawalan na siya ng oras sainyo, na balewala na kayo. Maniwala ka man o hindi, I love you and Genesis. Kung gaano ko kamahal ang Daddy niyo, ganon din sainyo."
"B-But we have a m-mommy..." Nanginig ang ibaba niyang labi.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, sobra akong naaawa sa kaniya.
"I know at hindi ko naman papalitan ang mommy niyo. Your mom will stay here..." Tinuro ko ang kaniyang puso. "Mananatili r'yan ang mommy niyo and Tita Nade will guide you and will take care of you, tutulong lang ako sa Daddy niyo, hindi ko papalitan ang mommy niyo sa inyo at lalong hindi ko kukunin ang daddy niyo."
Nagdududa pa ang kaniyang mata ayaw pang maniwala sa akin, pero alam ko na medyo naiintindihan na niya dahil matalino siyang bata siguro ay kailangan lang talaga niya ng sapat pang-oras para tanggapin iyon.
"Let's play basket ball," pangbasag ko sa katahimikan. Tumaas ang kilay niya animong hindi naniniwala. "Kapag nanalo ako, hindi ka na magagalit sa daddy mo."
"What if I'll win?"
"Then I'll break up with your daddy." I smirked at him, naningkit ang kaniyang mata para bang nagulat sa desisyon ko.
Ang totoo ay hindi pa ako ganon marunong pero nagbasa-basa na ako at saka nagpractice ako sa mall magshoot, so I know the basic.
May gusto lang talaga akong malaman.
NAG SIMULA ang laro namin, hindi ko alam kung pinagbibigayan niya ako o talagang ako ang nananalo. Para naman kasing hindi niya ako hinahabol kapag hawak ko ang bola.
I dribble the ball while looking at Rev. He's turning red, ang maliit niyang katawan ay pawisan na at ganon din naman ako.
"Last," sigaw ko.
Mabilis akong tumakbo, sinubukan ko pa talagang dumaan sa mas malapit sa kaniya parabharangin niya ako pero binunggo niya lang ako dahilan para malampasan ko siya't nai-shoot ang bola.
"Yes! I won, Rev!" masayang sigaw ko.
Nakanguso siya sa akin, hindi naman pala magaling si Rev, akala ko ba tinuturuan siya ni Daryl e bakit natalo ko pa siya?
Inakbayan ko siya papasok sa bahay, hindi naman siya nagreklamo doon. Tumingin ako sa veranda sa itaas ng bahay nila dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin, napangiti ako nang makitang nandoon si Daryl at pinanuod kami.
Hinila ko na papasok si Rev sa loob, I brushed his hair. "Magpalit ka na ng malinis na damit, huwag ka muna mahihiga at huwag ka muna maliligo ha?"
Tumango lang siya bago umakyat sa itaas, aakyat sana ako sa itaas para katukin ang kwarto ni Daryl pero nakita ko si Genesis, ang mala-pusa niyang mata ay nagmamasid sa akin habang nanunuod siya ng tv sa sala.
Nilapitan ko siya.
"Are you mad at Tita Ma'am?" I asked him.
Kaagad siyang umiling. "No po, I like you so much and daddy like you too. Sinabi na po sa akin ni Daddy na crush niya kayo dati pa, don't be mad at Rev makulit lang po talaga siya pero gusto niya rin kayo." Hindi ko alam bakit naiiyak ako sa sinabi niya.
Pinanggigilan ko ang kulot niyang buhok, gusto ko siyang yakapin ang kaso ay puno ako ng pawis.
"Thank you, Gen." I kissed him on his forehead.
Nagpaalam ako sa kaniyang aakyat na, kumatok ako sa kwarto ni Daryl bago pumasok. Naabutan ko siyang naglalatag ng damit sa ibabaw ng kaniyang kama.
Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit, parang may humaplos sa puso ko nang alisin niya gamit ng likod ng kaniyang kamay ang mga pawis sa noo ko.
"Rev likes you," he said.
Napanguso ako. "I'm not sure, huwag na muna natin ipilit."
"Bakit ba kayo naglaro ng basketball?"
"Sabi ko kapag natalo ko siya hindi na siya magagalit sa'yo at kapag ako naman ang natalo ay makikipag hiwalay ako sa'yo..." sumama ang mukha niya pero sa huli'y napangiti na lang.
"He likes you, kayang-kaya ka niyang talunin kanina habang pinapanuod ko kayo pero hinahayaan ka lang niya. Ayaw niyang makipaghiwalay ka sa akin."
"Do I look good?" Napairap ako sa tanong ni Daryl. Hindi lang ata sampong beses niya iyan tinanong simula nang umalis kami sa bahay nila papunta sa bahay namin para naman ipakilala siya kila Mommy.
Ang kaniyang mga anak ay kinuha naman ni Ate Angel, ang kaniyang kapatid kanina bago maghapon.
I actually don't feel nervous about my mom and dad, kung pwede nga lang ako ireto ni mommy sa mga tambay sa kanto sa amin ay ginawa na niya para lang may maging kasintahan ako kaya paniguradong wala silang masasabi sa akin.
And what they will say about my Daryl? He's working, he's kind, he's hot and he's damn gorgeous. May bahay rin naman siya at negosyo.
"You look good enough, don't worry they will like you." Nakangiting pagpapagaan ko sa loob niya nang maiparada niya ang sasakyan sa labas ng bahay namin.
"Pano mo nasabi?"
Natawa ako. "Ako ngang pihikan, ako ngang mataas standard pumasa ka sila mommy pa kaya na kulang na lang ay tawagin 'yong mga sabit sa truck na dumadaan para lang magka-syota ako e."
Akala ko ay matutuwa siya pero tumalim ang tingin niya. "Ginagawa nila 'yon?"
Tumango ako habang nangingiti.
"Noong mga dalawang taon pa lang si Isaiah, nasa bakery kami dyan sa labas tapos tinawag ba naman ni Mommy 'yong tambay, ibinigay number ko." Natawa ako ng maalala iyon.
Grabe ang inis ko noon kay mommy dahil kung kani-kanino lang binibigay ang number ko.
"Let's change phone then, 'yong sa akin na gamitin mo simula ngayon."
"Hah?"
"Hahalikan kita kapag tumanggi ka," banta niya.
Natawa ako sa kaniya bago bumaba sa kotse, nagdadabog naman na bumaba siya habang masama ang timpla ng mukha.
Nilapitan ko siyang pinilit na pangitiin ang kaniyang mga labi.
"Sisimangot ka na naman e. Paano ka nila magugustuhan kung parang kakain ka ng tao?" tanong ko sa kaniya.
Inirapan niya ako. "Kumakain talaga ako, ikaw una kong kakainin."
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya, ano raw?
Napa-iling siya saka sinapo ang aking magkabilang pisngi. "God, my baby I wonder if there's a wild side under your innocent doll face." Natatawang wika niya saka ako hinalikan sa tungki ng aking ilong.
Sasagot pa sana ako sa kaniya pero parehas kaming natigilan nang may magsalita sa amin gilid.
"Mama?"
Gulat akong napatingin sa akin anak, hindi ko man lang namalayaan na nakalabas na siya ng bahay.
Tumikhim ako saka bahagyang lumayo kay Daryl.
Nanlaki ang mata ng aking anak, paniguradong nakita niya ang posisyon namin kanina.
"Tito p-pogi... Daddy!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at gusto ko na lang maiyak nang mabilis na tumakbo si Isaiah papalabas sa gate para salubungin si Daryl.
"I-Isa..."
Hindi ko maipaliwanag ang sakit lalo't nang makalapit siya kay Daryl ay niyakap niya kaagad ito sa beywang habang umiiyak na.
"D-Daddy... Daddy..." paulit-ulit na tawag niya kay Daryl.
Hindi ko alam na ganito siya kasabik sa ama, gusto ko sana siyang ilayo kay Daryl pero umiling si Daryl sa akin. Lumuhod siya saka hinayaan umiyak sa balikat niya ang aking anak.
"Daddy bakit n-ngayon ka lang? B-Bakit mo kami iniwan?" narinig kong iyak ni Isaiah sa kaniyang bisig.
Napatakip ako sa aking bibig at hindi na naiwasan mapaiyak, nasasaktan ako para sa akin anak. Kung alam ko lang sana ay sinabi ko na sa'yo Isaiah.
"Hush... It's okay. Daddy's here. I won't leave you okay," wika ni Daryl hahang hinihimas ang likod ng aking anak.
"D-Daryl."
"Later Nade," makahulugan aniya.
Binuhat niya ang aking anak kahit pa mabigat na ito, parang walang kahirap-hirap na kinarga niya ito.
Lumapit ako sa kaniya, hinimas ko ang likod ng aking anak para tumahan siya, gusto ko sana siyang kunin kay Daryl pero mahigpit ang yakap niya sa leeg nito animong ayaw niyang pakawalan pa.
"I'm sorry," I whispered to him.
Daryl reached me and kissed my forehead.
"I love you...." he mouthed.
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store