ZingTruyen.Store

Talk Dirty

Bag

Hindi ko aakalain na sa magarang restaurant ako dadalhin ni Sir Frosto. Gusto kong umapila kanina pa dahil baka hinahanap na ako ni inay.

"Sana sa simpleng kainan nalang po. M-May pera naman ako."

Ngumisi siya at umiling bago pinisil ang ilong ko. Umawang ang aking labi dahil doon.

"Keep your money. Alam kong kailangan mo 'yan."

Tumahimik nalang ako at hindi na umapila pa. Tinitigan ko siyang mabuti. Maliban sa kulot niyang buhok at maaliwalas na mukha, wala na silang pagkaiba ni Faustino. Kahit katawan magkatulad silang dalawa.

"Palagi kabang napapaaway?" tanong niya habang sumisenyas sa waiter na lumapit.

"Hindi e. Ayoko naman ng ganon'."

"Halata nga sayo. So mama mo nasa hospital?" Tinanggap naming dalawa ang menu. Halos hindi ko maintindihan ang mga nandoon. Nangunot ang aking noo habang binabasa iyon at sobrang mahal!

"Anong gusto mo?" tanong ni Frosto.

Napalunok ako, "T-Tubig nalang." sabay lapag ko sa menu.

Humalakhak si Frosto at umiling siya na mismo ang umorder para sakin.

"Ang mahal pala dito."

Tahimik lang siya at titig na titig sakin.

"Grabe no? Karne lang naman at gulay pero ang mahal ng presyo nila. Kung ako ang pipiliin ko nalang mamalengke at ako na mismo magluto." suhestiyon ko.

Tumahimik ako nang naglapag ang waiter ng wine, sumunod ang inorder ni Frosto ng karneng may gulay at parang may mayonaise!

"Alam mo Ava. Meron talagang bagay na kahit mahal ay gagastos at gagastos ka kung hinahanap hanap mo." Ang mata niya'y bumaba sa aking labi. "Tulad mo. Kahit mahal ka ay uulit at uulit ako Ava."

Ramdam' ko ang pagpula ng husto ng aking pisngi kaya napainom ako sa wine. Hindi na ako umimik dahil takot na baka kung ano pa ang marinig ko mula sa kanya.

Ang mga mata ng kambal ay parang langit. Kahit saan man ako tumingin ay iisang anyo parin ang nakikita ko.Mayroong kadiliman at mayroong liwanag.

Hindi ko pa matukoy sa dalawa kung sino ang liwanag at kadiliman.

Patapos na ako sa pahirapan kong pagkain ng may nahagip akong pumasok sa restaurant.

Ako'y natuod sa kinauupuan nang pumasok si Faustino at Genevive. Bumilis ang tibok ng aking puso. Yumuko ako at nagkunwaring sinisimot ang natitirang pagkain.

"F-Frosto? Ava?!" Pumikit ako ng mariin ng marinig ang boses ni Genevive.

Bahaw akong ngumiti ng tumingin sa kanya. "G-Genevive."

Gulat itong titig na titig sa amin. "W-Wow. Small world! K-Kayo?"

Narinig kong nagbatian ang magkapatid pero tipid lang. Ayokong tignan kung saan si Faustino. Ayoko.

"H-Hindi. Magkakilala lang kami at n-niyaya ako dito ni Sir Frosto."

Tumango si Genevive at ngumiti.

"Okay, total nandito nalang rin naman kayo.Share table na tayo ha?" masayang wika nito.

"Sure," sagot ni Frosto. Nakita kong inalalayan ni Faustino ang baywang ni Genevive para makaupo. Parang bumara ang aking lalamunan. Natahimik lamang ako nang umorder sila at nag usap nang tungkol sa trabaho nila.

Pakiramdam ko kahit tahimik lang ako nakakahiya parin ang aking presensya dahil wala akong kaalam alam sa pinag uusapan nila.

Umubo ako. "Uh, comfort room lang ako," paalam ko sa kanila. Narinig ko ang pag sang ayon nila kaya umalis na ako ng walang lingon.

Hay. Ba't ba kasi ako napasok sa ganito. Nakakahiya namang ayawan si Frosto. At hindi magandang tingnan ang mukha ko ngayon! Hindi ko alam kung napuna ba nila ang kalmot ko o ano.

Walang tao sa comfort room nang pumasok ako. Suminghap ako at tinuko ang dalawang kamay sa sink. Kitang kita ko ang kalmot sa aking kaliwang braso kaya binasa ko iyon ng tubig sa gripo.

Uuwi ako pagkatapos ko dito. Hindi na ako kailangan pang gamutin ni Frosto at baka sa hospital niya pa ako dalhin. Iba nga talaga kapag mayaman, nag aaksaya ng pera.

Nag ayos ako sa loob ng comfort room at lumabas naman agad ng matapos. Sa madilim na pasilyo nito ay nakakita ako ng anino. Inignora ko iyon at nagpatuloy sa pag lalakad ng hinawakan nito ang aking braso.

"Faustino!" diin kong sigaw at kumawala. Nagreplekto ang ilaw na kulay pula sa mga mata ni Faustino. Hindi ko mawari ang kanyang pinapahiwatig.

"Sir Frosto sa kapatid ko at Faustino lang sa akin?" sarkasmo ang boses nito sakin.

Napalunok ako.

"After what happened inside my car-"

"Wala lang 'yon! H-Hindi na mauulit pa iyon. A-Ayokong saktan si Genevive."

"I don't care Ava," tiim bagang sabi niya. Hinigit niya ang aking baywang at naramdaman ko ang init ng kanyang labi sa aking tenga. Nagpumiglas ako.

"Hinahanap hanap kita," bulong niya. "I am no saint Ava. Masaktan kung sino man ang masaktan pero akin ka."

Uminit ang aking mata sa samu't saring emosyon.

"Kahit magtago ka ay mahahanap kita."

Nagkunwari akong walang nangyari nang bumalik ako sa aming mesa. Nag uusap ng masinsinan si Frosto at Genevive ng bumalik ako. Hindi ko alam kung saan pa pumunta si Faustino.

"S-Sir Frosto. Mauna napo ako. Kailangan na po talaga ako ng inay ko."

Pinigilan ako agad ni Genevive. "W-Wait! Nasa hospital parin mama mo?" Alalang tanong nito. Tumango ako sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "What if, mag part time job ka sa mansyon namin? Kahit sabado at linggo kalang."

"Talaga p-po?"

Tumango si Genevive at ngumiti. "Yes! Pero minsan lang kaming umuuwi doon ni Faus. My mom loves flowers-"

"Magaling po ako sa bulaklak. Tsaka marunong akong maglaba,magplantsa -"

Tumawa silang dalawa ni Frosto. "Sige sige. Tawagan mo'ko sa sabado. Para naman may extrang income ka."

"Salamat po talaga."

"Maliit na bagay Ava. You're like a sister for me."

May hang over pa ako sa mga nangyari kahapon. Nakokonsensya parang hindi ko na kayang tanggapin ang alok ni Genevive sa akin. Napakabait niya.

Sumapit ang sabado at nakatawag na ako kagabi palang kay Genevive. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko talaga ng extra income para kay inay. Hindi man lang nababawasan ang plema sa baga niya. Ilang taon siyang mabisyo kaya hindi madali ang kanyang pag galing.

Nasa mansyon na raw nila si Genevive at hinihintay ako. Sumakay ako sa jeep at sumakay ulit sa traysikel papasok sa pribado nilang lupain. Sa labas ay matayog na gate lang ang nakikita ko at mukhang babaybayin ko pa ang sementong daan papasok patungo sa mansyon.

Masarap ang ihip ng hangin ng nakababa ako. Nakasuot ako ng jeans, puting t shirt at may dalang isang bag dahil sabado't linggo ako dito matutulog. Tuwing gabi ng lunes hanggang biyernes ay sa club naman ang trabaho ko. Si tatay rin ang nagbabantay doon kay inay sa hospital.

Sa gate ay may nakabantay na guwardiya.

"Uh, magandang araw po. Ava pojas po ang pangalan ko at alam po ni ma'am Genevive na pupunta ako ngayon."

Pinasadahan ako nito ng tingin. "Pasok kayo."

Ngumiti ako at pumasok. Sa magkabilang gilid ko ay ang nagtatayugang bamboo tree. Ang iilang sanga nito at dahon ay nahuhulog sa tuwing hinihipan ng hangin. Ang mga dahong tuyo ay nagmistulang palamuti, dumagdag sa mansyong kulay kayumanggi at itim sa hindi kalayuan. Mukhang antigo ito na inalagaan ng mabuti.

"Ang ganda." hindi ko mapigilan ang pagkamangha.

Napapatingin sa aking ang sa tingin ko ay gardener ng mansyon na ito. Nakita kong ginugupitan nila ang iilang dahon at meron ring nagdidilig.

"Ava!" masiglang tawag sa akin ni Genevive. Kumaway ako sa kanya na nasa balkonahe ng kanilang mansyon.

Hindi nga ako nagkakamali dahil mas maganda dito sa loob. Ang kisame ay may nakaguhit na iilang anghel at ulap. Kahit ang larawan na nakasabit sa bawat dingding ay nagsisigaw ng karangyaan at makayamanan.

"G-Genevive parang nakakahiyang magtrabaho dito. B-Baka makabasag ako,diyosko."

Pinalo ako ng pabiro ni Genevive.

"Ikaw talaga. Marami narin akong tinulungan at pinasok dito. Alam mo kasi, marami talagang taong nangangailangan ng tulong ngayon. At tsaka ang bait mo kaya."

Nakaramdam ako ng pait sa dibdib. Ayoko nang makarinig na kahit anong kabutihan mula sa kanya.

Ang sabi ay darating ang iilang pamilya nila ngayon. Kaya unang araw ko palang ay sandamakmak na ang gawain namin. May sariling kwarto ako na maliit dito. Ang bawat katulong dito ay tig dalawa sa iisang kwartong maliit kaya may kasama ako sa kwarto.

Naging mabilis ang oras. Kumakain sila habang kami ay nasa sulok nakahilera at nag aabang ng kanilang utos. Nakasuot ako ng pang katulong na uniporme. Hindi lang iyon ang kinababahala ko kundi ang matinik na titig sa akin ni Faustino. Nang tumingin ako pabalik ay umiwas naman ito at uminom ng wine.

Bawat araw na nakikita ko siya ng hindi sadya ay hindi ko makakaila na mas lalo akong humahanga sa tikas ng katawan niya at kaguwapuhan. Wala dito si sir Frosto. May kakaiba rin akong naramdamang bigik sa lalamunan sa tuwing hinahaplos ni Genevive ang braso ni Faustino.

Hindi dapat ganito.

"My earrings is missing!" nagkagulo na ang iilang katulong ng masindak sa sigaw ni Senyora Agnes. Ang mama ni Genevibe.

"What? Anong earrings mommy?" alalang tanong ni Genevive.

"I bought in Spain last time!"

"Oh my god." singhap ni Genevive.

Dumapo ang tingin ni senyora Agnes. Napalunok ako at napakurapkurap.

"Mukhang hindi mapagkatitiwalaan yang bagong katulong Genevive."

Nakaramdam ako ng kaba at pagguho.

"Mom, wag kayong ganyan!" saway ni Genevive. "Mayordoma. Please pakicheck lahat ng gamit ng mga katulong at kahit saang sulok. Yaya Emliy, call doctor Cortes!"

Mukhang nagka highblood ang mama ni Genevive. Umalis ako doon at tumulong sa pag hahanap. Wala akonh tiningnan.

"Senyora! Nakita ko na po!" may isang katulong na sumigaw bitbit nito ang aking bag! Napamulagat ako. Bakit nandoon ang bag ko?

Lahat sila ay napatingin sakin. Nakita ko kung paano umiwas si Faustino at pumikit ng mariin.

"Siya po! Sa bag ni Ava po senyora."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store