Talk Dirty
Read the book2 (Beautiful Liar)
Panaginip
Isang magabing malamig ang natapos at bumangon para sa panibagong umaga. Ang mga halaman sa labas ay basa pa dahil sa malakas na ulan kagabi. Sa ikalawang palapag ang aking kuwarto at may maliit na veranda doon. Hinayaan ko iyong nakabukas kagabi at tinitigan ang masalimuot na ulan. Nakatulog akong mag isa at umiiyak. Amoy na amoy ko pa ang mga nabasang dahon at lupa nang bumangon ako. Dahil nga bago palang ako dito, hindi na sumagi sa isip ko ang naranasan kundi sa mga bagay na gagawin ko ngayon. Maraming niyugan sa likuran nang bahay at mayroon ring mangga. Nakakatuwa dahil naalagaan ng maayos ni Aling Pena itong bahay dahil mayroon pang mga okra, kangkong at malunggay.Naligo ako nang maaga. Maganda kahit paano ang banyo namin. Bibili akong isda at kung ano pang stocks dito sa bahay. Nagsuot ako nang pantalon at t-shirt. Pag labas ko ay tinungo ko agad ang bahay nila Aling Pena. Nakita kong nasa labas sila at nagkakape. Mayroon ring lalaking nagpapaandar ng trysikel na mukhang kanyang asawa. "Magandang umaga ho!" bati ko sa kanila. "Oh! Edwin! Lantawa bala ang bata bala ni Rosa! Ang miga ko sang una bala!" Napalunok na naman ako. Ano daw? "Halika Ava! Kape ka muna!" anyaya sakin nito. Ngumiti ako at umaling. "Tapos na ako Aling Pena." "Papamerkado ka day? Naga biyahe ako. 10 pesos lang pamasahe." ngumiti sakin ang asawa ni Aling Pena. "Opo. Bibili kasi akong ulam po.""Hindi ka pa nakakain? Kain ka dito." "Busog pa po ako Aling Pena." Ngumiti ako sa kanila. Sa kanilang palengke ay maraming tao. Katulad rin sa Manila ang kanilang palengke. "Dito malapit ang Dumaguette day! Mas maganda doon kag maraming mababakasyonan!"Natutuwa ako sa accent nila. "Fiesta sa amin dito tuwing January. Sinulog! Kasadya diri!"May halong tagalog at ilonggo ang pakikipag usap sakin ni Manong Edwin. Ngiti lang ako ng ngiti sa bawat kwento niya. Itinigil niya ang traysikel kaya bum
aba nako. "Dito kita hintayin day ha?" "Opo manong! Salamat!"Doon ako unang pumasok sa kanilang Gaisano. Namili ako ng mga kailangan ko. May napapatingin pa sa akin. Alam ba nila na taga Manila ako kaya sila napapatingin? Huli kong binili ay isda, baboy, manok at mga frozen foods. Mayroon kasing maliit na ref sa bahay. Nang makauwi ako ay binigyan ko ng pera si Manong Edwin at tip dahil sa pag hintay sa akin. Tuwang tuwa ang mag asawa sa aking binigay. Nagluto ako nang sinigang na baboy para mabigyan ko rin sila Aling Pena.Natapos na ako sa pagluto nang may biglang kumatok sa pintuan. Naghugas ako ng kamay para buksan ang pintuan. Halos hindi ako makapaniwala!"Gaga ka! Ba't mo kami iniwan!?" Bigla akong sinigawan ni Vicco at dinamba ng yakap. Nakita ko ring nasa likod niya sina Chelsea at Kris. "A-Anong ginagawa niyo dito?" hindi ko mawari kung ano ba dapat ang aking mararamdaman. Hindi ko ito inaasahan. "Hindi mo ba kami papasukin?" tanong ni Kris na nakangiti at niyakap ako. "Ava alam na namin lahat. Hindi rin namin alam na buntis ka pala noong kailan. Kaya pala blooming ka.""Oo nga. Ang sama mo. Nang iiwan ka!" Sikmat ni Chelsea sa akin. Napuno ako ng emosyon noong araw na iyon. Ang dami kong sinabi sa kanila habang nasa harapan kami ng dagat at nasa ilalim ng malaking puno. Mataas na ang sinag ng araw. "Ang iksi na nang buhok mo Ava pero bagay naman sayo." hinawakan ni Kris ang aking buhok. Ngumiti ako ng mapait. "Sayang 'yung mahaba niyang buhok. Parang barbie rin e. Kasi bihira ang kulay mala ginger na buhok." dugtong ni Vicco. "Ang tatay ko kasi Italian." Alam na nila iyon. Wala aking hindi sinabi bukod sa mga pribadong bagay na ginawa namin ni Faustino. Si Faustino.Umiwas ako at dinamdam ang sakit ng puso ko. "Grabe rin si nanay mo. Kung ibang nanay iyon umiyak na. Ang nanay mo ang manhid at matalas yung dila. Minura pa nga kami nang pumunta kami sa bahay niyo. May kinukuha siyang gamit doon. Lilipat pala siya." Iyon kasi yung plano namin. May mga chichirya kami at inumin sa buhangin. May nakita kaming naliligo sa dagat. Ang mga damit naman na dinala nila Vicco ay nasa loob na nang bahay. "Kilala ng parents ko ang may ari ng school Ava. Pwede ka ditong mag transfer kahit alanganin na." Napatingin ako kay Vicco. Napamulagat. "T-Talaga?" "Oo." kanina pa sila nagpipigil ng luha nila. "Para naman makatulong kami." aniya ni Vicco. "Basta Ava pag may kailangan ka maasahan mo kami." dagdag ni Chelsea. "Marami pang lalaki diyan. Tulad nun!" tinuro ni Kris ang mga iilang naliligo sa dagat. "Oh shit! Yung may tattoo sa braso ang hot." naglalaway na si Vicco. Nangunot ang noo ko at tinitigan iyong lalaki. Guwapo nga. Sa hindi malamang dahilan ay tumingin rin sila dito sa banda namin. Umiwas ako nang tumagal ang titig ng lalaki. "Hala! Grabe ang tingin niya sa akin!" singhap ni Vicco at kinilig. Umiling ako at ininom ang juice na nasa aking baso. Mukhang hindi ko lang magawang uminom ngayong araw lalo na't may bisita ako. Umiling ako at nakitawa. Ang ganda ng lugar na ito. Parang iniihip ng hangin ang mga masasamang alaala ko. Natanto kong maraming klase nang pagmamahal. Masaya rin palang mahal ka ng isang kaibigan. Natanto ko rin na ang saya ay hindi lamang sa taong iyong minamahal. Minsan nasa kaibigan. Minsan kailangan ring lisanin ang isang lugar kung saan may hindi magandang alaala. Ang paru paro ay hindi nga talaga humihinto sa iisang bulaklak. Maghahanap parin nang maghahanap nang maayos at may kalingang bulaklak. Lumipas ang isang linggo at binigyan ako ng Southland College nang palugit para maka proseso ng aking kailangan para maka transfer. Naging maayos rin iyon dahil sa tulong ng magulang ni Vicco. Kahit hindi ako masyadong pinapansin ay ayos lang naman sa akin. Ang uniporme nila ay long sleeve blouse na light violet na may krabat na simbolo ng eskwelahan ang tatak nito. Ang skirt ay dark violet. May mga pumapansin man sa akin pero hindi yung pansin na gusto akong maging kaibigan. Unti unti ko ring pinag aaralan ang kanilang lenggwahe. "Hoy! Jamica! Kakita ko guwapo didto sagawa pesteng yawa!"Nangunot ang noo ko. "Sige bi. Lantawon ta!" Nagsitakbuhan na sila para lumabas. Umiling ako at nilapitan yung teacher naming may dalang maraming libro. "Ma'am, tulungan na kita." Ngumiti si Ma'am Hernaiz sa akin. "Ang bait mo talaga Ava. Ito kasing school namin ay tumatanggap talaga kahit na may ganyang sitwasyon pero kung oras na ay pinapakuha ka nalang ng exam para makapasa. Hanga ako sa mga estudyanteng nagpapatuloy parin ng pag aaral. "Ngumiti lang ako at sumunod sa teacher's office para dalhin ang mga libro niya. Lumabas ako nang eskuwelahan at nakitang maraming studyanteng nag aabang doon sa labad o may tinitignan. Isang kotse sa kabilang lane nang kalsada ang kanilang tinitigan. "Grabe ka guwapo! Daw milyonaryo bala ya. Kita ko gina gin istorya ang tag iya sang skwelahan! Ambot kun ngaa ah!"Kinausap raw ang may ari ng school?Kinabahan ako. Tinitigan ko ng maigi ang sasakyang itim na ito at halos manlamig ako. Naalala ko ang mga nakaraan. Parang isang kidlat iyon sa aking isipan at sa oras na ito ay gusto kong umiyak kung wala lang may nakatingin. Umuwi ako sa bahay na maraming iniisip. Hindi sinasagot ni nanay ang aking mga tawag. Pero ngayon mukhang maswerte ako dahil si nanay mismo ang tumawag sa akin at mabilis kong sinagot. "Nay?""Kamusta kana diyan Ava?" walang pinagbago sa boses ni nanay. "Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko dito nay.""Mabuti kung ganoon. Ang dami kong ginawa dito Ava. Nakakuha ako ng pera dahil kinontak ko ang abogado ni Armando sa ibang bansa. Ang dami niyang iniwang pera at ari arian sa atin Ava pero parang wala akong gana. Aanhin ko naman ang mga iyon? Kung hindi ko lang pagagapangin sa tae nang karabaw itong si Agnes sana ay umalis narin ako dito.""Nay, mag ingat kayo diyan.""Ava, hinahanap ka nang dalawang Grey.""P-Po?""Iyong si Faustino at Frosto Ava. Nagkaroon kami nang meeting noong kailan dahil isa rin sila sa may shares sa kompanya natin. Aba, syempre sinipot ko iyon." parang nakikita ko ang pag irap ni nanay. "Nagsuot ako nang mamahaling damit ! Lahat! Wala akong pinansin kahit isa sa kanila. Si Agnes kahit hininga ko hindi ko pinaramdam sa kanya. Ganoon siya ka walang kwenta. Pota."Ramdam ko ang gigil ni nanay. "Nay. A-Ayoko na hong may problema na naman po tayong haharapin." Nasapo ko ang mukha. "Gusto ko nalang po ng mapayapang buhay nay. Yung malayo sa lahat ng gulo.""Kaya kita tinapon diyan para hindi kana madamay. Laban ko ito Ava." pinanindigan ni nanay ang kanyang desisyon. Ang gabing iyon ay walang pinagbago dahil tulad ng dati ay puno parin iyon ng panaginip. Hanggang panaginip nalang ang pagmamahal ko sayo Faustino. Hanggang panaginip ko nalang binubuo ang pamilyang naudlot. Kahit walang ama. Kami lang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store