Talk Dirty
Big time
Nailabas ko si nanay sa hospital at nakabalik na kami sa aming bahay. Akala ko matatapos na ang aking problema pero lumalala lang dahil kay tatay. Nang makauwi kami 'nung umaga ay hindi ko na matuturing na bahay ang aming bahay. Ang daming kalat at daming suka kung saan saan. Mas lalo ring naistress si nanay. "Ano bang pinag gagagawa mo dito Erning?! Ba't ang daming kalat dito? Nagmukha natong tirahan ng mga baboy!" sapo ni nanay ang noo. Tahimik akong naglalagay ng mga damit namin at inaayos ang mga gamit na dinala namin. "Huwag mo'kong dakdakan ngayon Rosal! Masakit ang ulo ko!" Umiling nalang ako nang matapos magligpit at nagkuha ng mop para malinisan ang sahig. "E kasi inom ka ng inom! Imbes na magtrabaho ka puro ka sugal!" "Nay higa na po kayo doon. Bibili ako ng nebulizer pagkatapos ko dito." sabi ko kay nanay para matapos na ang kanilang alitan. Umirap si nanay at pumasok sa maliit naming kuwarto na kurtina lamang ng nagtatakip sa pintuan. Ang kabila naman ay ang kuwarto ko na kurtina rin ang nagsilbing pintuan. Pinuyod ko ang aking buhok ng kinalabit ako ni tatay sa likod. "Baka may extra ka diyan pahinge naman. Bibili lang akong ulam." naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Tumango ako at binigyan siya ng dalawang libo. "Tay, tipirin-""Sige alis na'ko!" tumalikod ito nang hindi ako natatapos sa sasabihin. Natagalan pa ako sa paglilinis ng biglang maalala ko na naman ang pag iyak sakin ni Genevive. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Namumugto ang kanyang mga mata. Palatandaan na ilang araw siyang umiiyak. Hindi ko na iniisip ang magiging resulta ng mga 'to. Kung tutuusin pwede akong pumatol sa iba. Maraming mayaman na nag aalok sa akin sa club. Pero nandito na ako. Hindi na ako makalabas sa alok sa akin ni Faustino. Ilang oras lang, nagkakapera na ako agad. Hindi tulad nang nasa bar noon na labag sa kalooban ko ang aking pinanggagawa. Bahala na'to. Nang puntahan ko si nanay sa loob ng kanyang kuwarto ay mahimbing na itong natutulog. Inaamin ko na payat si nanay dahil sa hirap pero maganda ang kanyang katawan at mala diyosa ang mukha sa kabila ng kastressan. Kahit na ganitong buhay man ang naibigay ni nanay sa akin hindi ako nagsisisi. Ang importante ngayon ay wala na siyang sakit. Dahil kahit sobrang hirap man namin at buhay pa'ko, ikakayod ko ang pamilyang ito. Nagpunta ako sa pwedeng mabilhan ng nebulizer at bumili ng hindi kamahalan. Bitbit ko iyon nang nag grocery ako sa isang mall. Minsan lang ako makapunta sa ganitong mall. Kadalasan doon ako sa mga gilid gilid bumibili dahil mas mura doon. Ngayon, susubukan kong bilhan ang sarili ko ng kahit ano. Pumunta ako sa mga nakahanger na mga lingerie. Nakita ko doon ang isang kulay lavender na silk ang tela. Nagustuhan ko iyon kahit medyo mahal. Plano ko iyong suotin sa gabi namin ni Faustino. Napatigil ako sa sariling iniisip. Bakit ako mag eefort nang ganito? Nagdalawang isip ako kung kukunin ko o hindi. Humigpit ang hawak ko doon sa lingerie at nagdesisyong kunin nalang iyon. Nadaanan ko ang mga nakahilerang food court nang makita ko si Vicco. "Uy!" Kinawayan ako nito."Absent ka kanina!" Ngumiti ako at nilapitan siya. "Ah, lumabas na kasi si nanay sa ospital! Ikaw?" Sinabunutan nito ang sarili. "May magandang bikini doon! Jusko! Kung pwede lang talaga bibilhin ko na iyon!" Ngumisi ako. "Bilhin mo na! Kunwari akin!" "Bright idea!" parang may umilaw pa sa utak nito na reaksyon niya. "Halika!"May iba pang binili si Vicco doon at tumagal pa kami ng ilang oras. "Vic! Kailangan ko na talagang umuwi! Nandito pa sakin ang iilang gamot ni nanay." "Hatid na kaya kita? May driver ako," "Wow! Sige!" Sa loob ng sasakyan ay nagfacebook lang kaming dalawa ni Vicco. "Vic doon lang ako sa may nag iihaw." "Ah sige!" Hininto ng driver niya ang sasakyan nila sa harapan ng nag iihaw. Kumaway ako kay Vicco ng umalis na sila. Nang makaalis ang sasakyan nila Vicco ay namataan ko ang isang sasakyang pamilyar. Tiningnan ko ng paligid at nakita ang iilan na nakatingin sa akin. Huminga ako at nilapitan iyon upang makapasok. "Sir Frosto." mahinang sabi ko. Tinitigan ko siya ng maigi. "Bakit ka nandito?" Malungkot itong ngumiti sakin at hinaplos ang aking buhok. "Are you okay?" Umawang ang labi ko at tumango. "I'm sorry last night." paos niyang saad. "A-Ayos lang." Bumuga siya at tumingala. "Hindi ko na alam Ava pero gusto kita.Gusto kita." Dumagundong ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Umiling ako sa kanya.
"Nalilito kalang sir Frosto.""I like you Ava," ngumiti siya ulit. "Naunahan lang ako ng kakambal ko saiyo." Umiwas ako. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Bakit ako?Hindi ko namalayan na sobrang nag iisip na ako at nakahilig na siya sakin. Hinawakan niya ang aking mukha at lumapat ang kanyang labi sa aking labi. Halos hindi ako makagalaw. Hindi ko siya hinalikan pabalik. Gumagalaw lamang ang kanyang labi sa aking labi hanggang sa kusa siyang huminto. Lumipas pa ang ilang araw na hindi na kami nagkita ni Faustino. Bukas ay sabado at kailangan ko nang mag impake para makapunta kina Genevive. Nag iimpake na ako ng iilang damit nang kumalabog ang aming pintuan. "Sino 'yan?!" tila galit rin si nanay dahil sa ingay. Nagulat kami pareho nang pumasok ang armadong tatlong lalaki at tinutukan kami ng baril!"Nasaan si Erning?" tanong nang isang balbasaradong lalaki. Napalunok ako. May ideya na ako kung bakit. "Anong kailangan niyo kay Erning?!" Dinala ako ni nanay sa kanyanh likod. Nakita kong titig na titig ang tatlo sa akin. Ngumisi ang mga ito at humawak pa ang lalaking balbasarado sa kanyang balbas. "Ang laki ng utang niya samin! Hindi niya man lang sinabing may anak siyang sexy!" Sumipol pa ito. "Pakisabi isang linggong palugit nalang kung hindi! Mapipilitan akong kunin ang anak niya!" "H-Hoy!" hindi natuloy ni nanay ang kanyang sasabihin dahil lumabas na ang mga ito. Padabog siyang umupo sa kahoy na upuan namin habang ako ay kinkabahan at sumasakit ang ulo sa panibagong problema. "80,000. 80.000 ang utang ni Erning sa kanila! Letse siya!" si nanay habang nakayuko. Napalunok nalang ako. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin?"Wag' kang mag alala Ava! Akong bahala!" Umiling ako, "Nay, wag' na po. Ako na po." "Basta! Ako nang bahala." Seryoso nitong sabi. Alam kong nagtatrabaho rin noon si nanay sa isang club. Noong bata ako, minsan ko na siyang nakita na nakikipagtalik sa isang may lahing lalaki. Bata pa ako noon nang sinama niya ako dahil walang magbabantay sa akin. Nakita ko rin noon kung paano siya saktan ni tatay. Sumapit ang sabado at nakarating na ako sa mansyon nila Genevive.Halos pandirihan ako ni Senyora Agnes nang makita pero hinayaan rin. Kahit ang iilang katulong na ayaw sakin ay hindi rin ako kinakausap. Kung sa akin, ayos na yung ganon. Ayoko lang ng gulo. Naghahanda na ako ng kanilang gustong breakfast kasama ang mayordoma. Ang iilan naman ay may kanya kanyang gawain na. "Ava, wag masyadong sunugin ang sinangag. Baka mapagalitan ka na naman," bilin ng mayordoma. "Opo!" "Oh siya! Ako na diyan. Dalhin mo na ang iba sa poolside. Nandito ngayon ang fiancée ni ma'am Genevive." utos pa ng mayordoma. Natigil ako sa ginagawa. Ayos lang. Nandito si Genevive kaya bakit pa'ko magtataka? Kinuha ko na ang tray na may juice para dalhin sa poolside nang makadaan ako sa study nila Genevive. Nakaawang ang pintuan kaya nakita ko at narinig ko kung sino man ang nandoon. Halos masapo ko ang labi sa nakita. Umiiyak si Genevive at may kung anong simpal kay Faustino. Naglakat ang mga iyon sa sahig at kahit medyo malayo ako nakita ko kung ano ang mga iyon.Mga litrato. Litrato namin ni Faustino sa hotel nang papasok kami! "Sino iyan huh? Sino iyang babaeng yan at gamit niya ang jacket mo Faustino?! Sa hotel pa talaga huh?"Nanatiling seryoso si Faustino at walang imik. Nakatitig rin sa litratong nagkalat. "That's nothing Gen." sagot ni Faustino at umigting ang panga. Halos mabingi ako sa narinig. "Don't lie to me Faustino! Dahil noong kailan ko pa nararamdaman na binabalewala mo'ko!" Sabay hampas ni Genevive sa braso niya. "Hindi ka parin ba maka move sa batang iyon Faus? For godsake mga bata pa kayo noon! You're 28 now! Hindi mo na iyon makikita!" Umiling si Faustino, "No, I saw her Gen. I saw her." Rumehistro ang gulat sa mukha ni Genevive. Nanlamig rin ako. "And she'll pay big time."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store