ZingTruyen.Store

Taking Chances (Published Under Flutter Fic)

Kabanata 9

heartlessnostalgia

Kabanata 9

Hiding

"May sakit ka ba? Balot na balot ka, eh," pambungad na bati sa akin ni Ralene pagkapasok ko sa opisina. Tipid na ngiti ang isinagot ko at inayos ang pagkakatupi ng sleeves ng damit ko.

"Nilalamig ako," sagot ko at nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.

"Ang init-init ng panahon, Ally, tapos nilalamig ka? Seriously?" nagtataka niyang sabi at tumango na lang ako.

"Oo nga, hayaan mo na lang ako. Nilalamig ako, eh," pagtatapos ko sa pag-uusap namin. Pumihit na ako patalikod para makapapunta nang tuluyan sa cubicle ko. Napahinga ako nang malalim nang makaupo at naiinis na inayos ang turtleneck kong damit.

Napakainit!

Ayoko mang suotin ang damit na ito ay wala na akong choice. I should wear this or else, the world will see the sinful red marks on my flesh!

Ibinalik ko sa ayos ang damit ko nang tumunog ang intercom sa harapan ko na nakakonekta sa boss ko.

"Sir?" magalang kong sagot.

"In my office, now."

Agad akong kinabahan nang marinig ang boses ng amo ko. It sent chills to me at mukhang may mangyayaring hindi kaaya-aya. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at dumiretso sa pintuan ng opisina niya. Mahina ang ginawa kong pagkatok at pumasok nang sabihin niya.

"Good morning po," bati ko at tumayo sa harapan niya. Nag-angat siya ng tingin at napahinga ako nang maluwang nang agad siyang ngumiti.

"Good morning din. Have a seat," nakangiti niyang sabi. Umupo naman ako sa upuan sa harapan ng mesa niya at nakita ko ang pagsiklop niya sa mga kamay niya sa mesa.

"I heard you're doing a great job sa pakikipag-usap kay Mr. Salcedo," simula niya.

Hindi ko alam kung hahalgalpak ako ng tawa o magwawala sa sinabi niya. Doing a great job? Really?

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo, Sir, kapag nalaman mo ang kalokohang nagawa ko. Napailing na lang ako sa kawalan.

"Mukhang mapapabilis nating mapapirmahan ang kotrata sa kanya," pagpapatuloy niya.

"Bakit, Sir? Hindi ba siya agad pumipirma sa mga business proposals?" tanong ko na may kalakip na pagtataka.

"Not really but Salcedos are really serious when it comes to business. Masyado silang pihikan. Mas pihikan pa sa babae." Tumawa siya nang bahagya. "And I was really shock noong hanapin ka niya sa akin noong nakaraang araw."

"H-Ha?" Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.

Paanong hinanap? Ako? Bakit?

"Dapat ay ibinigay mo sa kanya ang numero mo para ikaw ang tinawagan niya," sabi niya sa akin nang nakangiti pero ni hindi ko masuklian ang ngiting iyon.

"B-Bakit po ako hinahanap?" tanong ko at pilit na kumakalma sa inuupuan ko.

"He wants to set another appointment with you. Nawala ka raw kasi bigla pagkatapos ng ginawa n'yo." Napasinghap ako sa sinabi niya. "Ano nga pala ang ginawa n'yo? Care to share, Miss Madlang-Awa?"

Shit!

"P-Po? Ano...ahm...we..." Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Shit! I've never been this nervous in my entire existence!

"W-We...just ate and sumakit po ang tiyan ko kaya hindi ako nakapagpaalam at umuwi agad. Tama, tama! Iyon po ang dahilan!" kumbinsi ko pero parang hindi naman siya ang kinumkumbinsi ko kundi ang sarili ko! God!

"I see." Tumango siya at unti-unting nawala ang kaba ko. "How is he, as a client, by the way?"

"Masarap..." wala sa huwisyong sagot ko.

"Pardon?" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang sinabi ko.

"Masarap po iyong pagkain sa resto!" maagap kong sagot at nag-iwas ng tingin. Paniguradong nangangamatis na ang mukha ko ngayon dahil sa mga kahihiyang sinabi ko.

What am I thinking?

Masarap? Really? Oo, masarap.

Shit!

"Good, mukhang maayos naman ang pag-uusap n'yo. May appointment ka nga pala sa kanya mamayang hapon." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at ilang segundo pa ang lumipas bago ko ma-realize ang sinasabi niya.

"S-Sir? Pwede pong...iba na lang?" Nagtaka siya sa sinabi ko at napaayos ng upo.

"What do you mean, Miss Madlang-Awa?" Hindi ko alam kung saan ako matatakot: sa seryosong boses niya o sa pagtawag niya sa apelyido ko?

"I'm not good enough para po makipag-usap sa mga kliyente n'yo," mahinang sabi ko at nanatili ang seryoso niyang mukha.

"What are you saying, Allison? Siya na mismo ang nagsabi na humahanga siya sa 'yo and besides, I trust your capabilities," mahinahong paliwanag niya pero bakas ang pagtataka sa akin.

"I-I'm sorry, Sir."

"May nangyari ba?" tanong niya sa akin. Disappointment was written all over his face.

"W-Wala po...Natatakot lang po kasi akong makipag-usap sa kanila. I might fail," sagot ko at bahagyang tumungo. Pinag-isipan ko nang mabuti ito.

"Alright, I will attend the appointment, instead. Sayang, Allison. You're a smart woman pero napangungunahan ka ng takot pero hindi kita pipilitin." Tipid siyang ngumiti at nakaramdam na naman ako ng hiya sa katawan.

"I'm sorry, Sir," paumanhin ko. Hindi ko lang talaga siya pwedeng makita pa. After that night? No, I should not see him again.

Tahimik akong lumabas ng opisina at ginawa ang mga normal kong ginagawa. I would really be grateful and proud because of that opportunity pero pagkatapos ng hindi dapat mangyari ay alam ko sa sarili kong hindi na pwedeng magkasalubong ulit ang landas namin.

I should not surrender myself to him pero nangyari na, eh. I can't blame anyone but myself. Siguro, isa na rin sa dahilan ang may inilagay sa inumin ko but it does not justify the mean. Dapat ay pinilit kong umiwas kaya kasalan ko pa rin.

Napabuntonghininga ako at napatitig sa salamin na nasa harapan ko. Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko at inayos ang turtleneck kong damit. Kailan kaya mawawala ang marka nito? Damn, tinanong pa ako ng anak ko kung ano ito. Mabuti na lang at nakalusot ako.

My boss actually asked me to come with him sa appointment kay Mr. Salcedo pero hindi ako sumama. Hello? Iniiwasan ko nga tapos magpapakita pa ako? Hindi ko nga alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanya, eh.

Sigurado pa akong alam na niya na inuwi ko pa ang boxers niya. Damn it. Wala na talaga akong mukhang ihaharap. Baka manalangin na lang ako na kainin ako ng lupa kung sakali.

Napatingin ako sa orasan at napabuntonghininga nang makita na alas-sais y media na ng hapon at oras na para mag-out ako. Mabilis akong nag-out at kinuha ang mga gamit ko para bumaba.

"Ingat ka, Ma'am," sabi sa akin ng guard sa entrance ng building at ngumiti ako sa kanya.

"Ingat din, kuya," nakangiti kong sabi at nag-umpisa na sa paglalakad pero iyon na lang ang pagdikit ng paa ko sa lupa nang makita ang isang itim na kotse na pumarada hindi kalayuan sa pwesto ko. Lumabas mula roon ang lalaking pilit kong iniiwasan.

Nahigit ko ang aking hininga at napaatras nang magsalubong ang mga mata namin at nakita ko ang kaseryosohan doon. Iniabot niya sa valet ang susi ng kotse niya at iyon na lang ang pagkaripas ko ng takbo nang humakbang siya palapit.

Mukhang nagulat ang guard sa ginawa ko pero hindi ko na siya napansin. Ang mahalaga sa akin ay makatakbo palayo! God, hindi dapat siya nandito!

Hindi ko alam kung saan ako lumusot at napunta pa ako sa iba't ibang parte ng building. Nakahinga lang ako nang maluwang nang nasigurado kong hindi na niya ako mahahanap sa pinagtaguan ko.

"Oh my god!" hinihingal kong sabi at napahawak ako sa dibdib ko. Lumingon ako sa magkabilaan ng pwesto ko at napapikit. That was close!

Nang mahimasmasan ay nag-umpisa na akong maglakad pero wala pa man ako sa ikatlong hakbang ay naramdaman ko ang malamig na kamay sa braso ko. Napatili na lang ako sa gulat nang may humatak no'n at huli ko nang mapagtanto na isinandal na niya ako sa pader.

Umikot ang tiyan ko at nagtambol ang dibdib ko nang masalubong ang mukha ng lalaking humaltak sa akin.

"G-Greg..." Nanginig bigla ang boses ko nang sabihin ang pangalan niya. Salubong ang kilay niya at mabilis din ang paghinga habang nakatingin sa akin. Hindi siya nagsalita at sa halip ay bumaba ang mukha niya hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko pababa sa tainga ko at paos na bumulong.

"Hiding?"

Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang marahang pagkagat nito sa tainga ko.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store