ZingTruyen.Store

Taking A Step Closer To You

"GUSTO KO NA MAMATAY!"

Umalingawngaw ang boses na iyon mula sa isang kwarto. Nang tingnan ko ay mula iyon sa loob ng Emergency Room.

"Ang sakit! Ang hapdi! Patayin n'yo na lang ako!" umiiyak sa sakit na sabi ng isang estudyante.

"Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko hinila patawid, ano?!" galit na sagot ng isa pang lalaki na kasalukuyang tinatahi ng doktor ang sugat sa noo.

"Mamaaaa!" sigaw naman ng isa pang lalaki at humagulgol.

"Sir, 'wag ho kayong tumayo. Paano gagaling 'yang injury niyo?" sabi rito ng nurse pero puro reklamo at iyak lang ang lalaki. "At 'wag po kayong sumigaw. Lalong natatakot ang ibang pasyente."

Nakita ko kung paano kinuha ng nurse ang mga gasa na ginamit at punung-puno ang mga iyon ng dugo.

Sa paglabas ng nurse ng kwarto ay narinig kong muli ang mga naghahalong ingay—mga sigaw ng mga ginagamot na mga pasyente, mga iyak ng mga magulang na nag-aalala sa anak, at mga doktor at nurse na kaliwa't kanan ang ginagamot na ultimo pag-inom ng tubig ay hindi na magawa.

Paglabas ng nurse ng pinto ay nagtama ang paningin namin. Nang makilala n'ya ako ay umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napailing na lang ako at pinigilan ang sarili.

Now is not the time, Maia.

Tiningnan kong muli ang mga pasyente mula sa pinto. Ang sabi, tumatawid lang ang mga ito sa pedestrian lane at ginagabayan pa ng traffic enforcer nang walang anu-ano'y humarurot ang jeep na animo'y nawalan ng kontrol at sabay-sabay na nasagasaan at nakaladkad ang mga tumatawid.

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at wala pang reply ang kaibigan kong nasa loob ng Emergency Room.

Understandable naman dahil napakaraming pasyente. Pero sana mabasa naman niya, baka ugatin na ako rito sa tagal.

"EXCUSE ME! EXCUSE ME!"

Bigla akong napa-gilid nang para bang bigla na lang dinumog ang emergency room. Awtomatiko akong napangiwi nang makita ko ang mga bagong dating na mga pasyente.

Tagaktak na mga dugo.

Lapnos na mga balat.

Mga iyak ng paghihirap.

Anong aksidente nanaman ang nangyari?

"HOY, ANONG NANGYARI?!"

Napatingin ako sa babaeng lumabas. Isa itong doktor at may katamtaman lang ang taas. Maikli ang itim nitong buhok at nakasalamin na bilog.

"Gumuho 'yong building nila, doc," pagpapaliwanag ng paramedics kasama ang ilang emergency personnel na isa-isang nagdaratingan at dala-dala ang mga biktima.

Sinalubong ang mga ito ng mga doktor at mga nurse na halata ang pagod sa mga mukha.

Ang mga paramedics ay mga trained healthcare professionals na handang mag-provide ng pre-hospital treatments and first aid the moment you called an ambulance.

Habang ipinapasok ang mga pasyente sa loob at nagkakagulo ang mga tao, ipinaliliwanag naman ng paramedic sa doktor ang nangyari.

"Bakit hindi naitawag sa amin 'to?" tanong ng babaeng doktor at kita sa mukha nito ang pagka-stress. "Kulang na kulang kami sa workforce at sa facility."

Napa-ismid ito nang makitang napakarami pang pasyente ang nasa labas at hindi na makapasok dahil wala nang espasyo sa emergency room.

"This could've been prevented kung na-notify po kami," dagdag ng babaeng doktor. "Napakarami pang tao sa labas—"

"You were notified, they called you."

Pareho silang napatingin sa akin.

"Si Abby ata nag-take ng call, narinig ko," I added.

Nang makita ako ng babae ay nanlaki ang mga mata nito—kung sa gulat o sa tuwa ay hindi ko na alam.

"MAIA!" sigaw nito. "BAKIT KA NANDITO?!"

Ininguso ko ang paramedic. Nang mapansin iyon ng babae ay bigla rin siyang napatingin dito.

"Ay, kuya, saglit," sabi nito at tinawag ang isang doktor na kararating lang. Halatang kagigising lang nito at pinapasok sa trabaho dahil kulang sa tao.

"Jayson, halika," sabi nito.

Nang makilala niya 'ko ay kinawayan niya 'ko at bahagya ko naman siyang nginitian. Hindi naman kami close.

"Take note of what kuya paramedic did and assist the patients inside," utos nito.

"Huh?" tanong nito. "Hindi naman ako sa ER nakatoka today—"

"Gusto mo ma-toka sa ER o mag-browse sa Job Street mamaya?"

"Oo na," sabi nito. "Power tripping ka rin, e."

"Good boy," nakangiting sabi ng babae at lumabas ang dimples sa ilalim ng labi niya.

Nang tingnan ko siya ay nagawi ang tingin ko sa pangalan niya na naka-imprinta sa doctor coat niya.

'Blaire Kynlee, MD.'

"Tinitingin-tingin mo, ha?" pabiro niyang tanong. "Ba't ka nga pala nandito?"

Inubos ko ang laman ng matcha milk tea ko bago sumagot at ikinainis niya iyon.

"Maia Allison Brynn, wala na nga akong panahon para sa sarili ko, hintayin ka pa kayang maubos 'yan?!"

Sinimot ko ang inumin at itinapon sa malapit na trashbin.

"Nasa'n si kalbo?" tanong ko.

"May pangalan si Doc Trev," sabi nito sa akin. "Nasa affiliated hospital. Why are you here? Restricted kang pumunta rito, 'di ba? Suspended ka for a month. That means bawal kang tumuntong sa ospital, let alone sa ER. Do you really wanna risk your license?"

She's Blaire, my bestfriend. Nagkakilala kami noon nang pareho kami ng sinalihang study group para makapasok ng med school. Naging study buddies kami at Awa ng Diyos ay parehong pumasa. Simula noon ay hindi na kami mapaghiwalay.

To be a doctor wasn't an easy road, of course—there were bumps along the way.

At first, kailangan mong grumaduate ng kinder at elementary school—seven years na agad 'yon.

Then kailangan mong makatapos ng Junior High at Senior High—six years na 'yon.

After that, kailangan mong mag-take ng pre-med course. It can be B.S Biology, B.S. Nursing, B.S. Psychology, B.S. Medical Technology, B.S. Pharmacy, B.S. Public Health, B.S. Physical Therapy, your choice basta grumaduate ka.

Kung late bloomer ka naman at naisipan mong mag-med, that's fine. Basta Bachelor of Science or Bachelor of Arts degree holder ka, pwede mo pa ring i-pursue. It's just that if kulang ang science units mo than the required, need mong mag-take ng extra units to qualify.

Then you have to take and pass the National Medical Admission Test or NMAT. Once nakapasa ka, then proceed to the 4-year long med school. Kapag naka-survive ka at grumaduate, doon ka na magkakaroon ng Doctor of Medicine diploma.

And guess what? It doesn't stop there.

After you graduated, need mo namang mag-take ng post-internship. Dito, makakasama mo ang ilang residents na nagpapaka dalubhasa sa healthcare subspecialty na gusto nila.

You will be trained intensively in different subspecialties like Dermatology, Urology, Pediatrics, Gynecology at marami pang iba. Kailangan mong ma-fulfill ang training hours na required dahil kung hindi, hindi ka makakapag-take ng Licensure Exam.

After the internship, you need to take the Licensure Exam para maging isang ganap na doktor. Syempre, kahit na may diploma ka kung wala kang lisensya, hindi ka makakapagtrabaho.

Once you passed the licensure exam, pwede ka na mag-work privately or as a general practitioner. Mostly na type of works dito ay mga company doctors, school doctors, clinics and the like.

The disadvantage? Fixed and mostly, mababa ang sahod.

Kung gusto mo pang maging mas professional than you really are and earn more, then proceed with Residency Program.

Residency Program ay iyong magpapaka dalubhasa ka pa based on the specialization of your choice. Mostly tumatagal iyon ng three to six years, depende na lang talaga sa specialization mo.

For Anesthesia, Dermatology, Emergency Medicine, Family Medicine , Ophthalmology, Internal Medicine, Pediatrics, Rehabilitation Medicine, three years ang residency.

Sa Obstetrics, Gynecology, Orthopedics, Pathology, Psychiatry, and Radiology ay four years.

While sa Surgery ay posibleng umabot ng four to five years.

May biruan pa nga na kaya raw 'residents' ang tawag dahil sa buong panahon ng residency program ay sa ospital na kami nag re-reside. Sa sobrang busy ay hindi na nakaka-uwi. Syempre, sumasahod na rin kami.

Pero akala mo tapos na after n'on?

May fellowship pa!

Sa fellowship ay posible kang mag-specialize sa mga subspecialties for two to four years ulit. Kapag natapos mo ay may exam ulit para maging ganap kang specialist.

Guess what?

A specialist surgeon may earn Php 100,000 per one surgery alone.

It is THAT worth it.

Kung tatanungin niyo ako kung ano na ako, I am currently a third year general surgery resident same with Blaire.

"Maia, didn't you hear me?" Blaire asked me that brought me back to my senses. "Why are you here? Umuwi ka na bago ka pa makita nila Doc Trev—"

"Simple," sagot ko at isinuot ang doctor coat ko. "I refuse to obey them."

Akmang papasok ako sa loob ng Emergency Room nang harangin niya ako.

"Bawal," sagot niya.

Tiningnan ko siya nang masama.

"Bawal Maia, kaibigan mo ako kaya makinig ka sa 'kin, pwede ba?" sabi niya. "Mainit ang ulo sa 'yo nila Doc Trev dahil sa ginawa mo. Ayaw kitang mawalan ng lisensya kaya please go home and enjoy your suspension."

"Ba't hindi ikaw ang umuwi tutal bukambibig mo naman?" naiirita kong sabi.

"Kung pwede lang!" naiirita niya ring sagot.

"Then go home and step aside. Papasok ako," pagpupumilit ko.

"Gusto mo pala mag-trabaho then why did you do that to the patient?" Blaire asked with her arms crossed. "Really, Maia? Choking your patient while trying to intubate her?"

There.

She said it.

I literally choked a patient while trying to intubate her.

Ginagawa ang intubation para tulungang makahinga ang pasyente. Ginagawa namin 'yon by inserting a tube called endotracheal tube sa bunganga ng pasyente papuntang airway para magamitan namin sila ng ventilator.

Ang nangyari, I accidentally choked her at kitang-kita pa ni Doc Trev—ang attending physician that time.

"Aksidente 'yon, okay?" sabi ko. "Nag-panic lang ako dahil nanunuod si Doc Trev. Alam mo namang nagpa-panic ako 'pag may nanunuod."

"Kahit na," tutol ni Blaire. "Napapelan ka na at pinirmahan mo pa. So—"

Biglang kaming natigil nang dagsa-dagsang dumating ang mga ambulansya na kahit ako ay napanganga sa dami.

"Sino bang tumatanggap ng patients?!" inis na sigaw ni Blaire sa mga nagtatakbuhang mga nurse. "Puno na tayo! We can't cater them anymore! Why's everyone injured? May purge ba?!"

"Doc, we need you inside," sabi ng isang nurse kay Blaire. "Kulang na po tayo sa tao."

"Sure, I'll take over," sabi ni Blaire.

Akmang papasok si Blaire nang higitin ko ang braso nito.

"Hindi mo man lang ba hihingin ang tulong ko? You need a General Surgeon, GS ako."

"You know what? Bahala ka na," sabi ni Blaire at dali-daling pumasok sa loob at nagsuot ng stethoscope. "Ako na rito, Jingks. Doon ka kay tatay."

Pinanuod ko kung paano niya inutusan ang mga natatarantang mga med students na nasa internship pa lang. 'Yong iba unang araw pa lang pero ganito agad ang nadatnan.

Welcome to Emergency Medicine, kids.

Sinilip ko ang labas at nakita ko ang mga naghihingalong mga pasyente pero hindi sila makapasok dahil wala nang espasyo sa loob ng ER. Mayroon pang mga umiiyak at nagtitiis ng sakit habang ang bilang sa daliri na mga nurse at doctor ay chine-check sila.

Ito ang mahirap.

Kapag gusto mong tumulong pero kapos sa resources.

Lahat ay nagdurusa at nahihirapan pero wala kang magawa kung hindi unahin ang mas malala ang kalagayan, kahit na rinig na rinig mo kung paano nagdurusa ang bawa't isa.

Kung pinagtuunan lang sana ito ng nasa posisyon at pinalaki ang budget para sa mga ospital malamang ay hindi magdurusa ng ganito ang taong bayan. Not to mention that health workers are overworked but underpaid.

Who needs April Fools kung araw-araw naman tayong niloloko ng gobyerno?

I sighed.

Lumapit ako sa mga pasyente at nag-diagnose. Halos kaya pa naman ng lahat maliban sa isang lalaki na namimilipit.

"Doc," lapit sa akin ng isang lalaking first year resident.

"Bakit?" tanong ko. "You need help?"

"Opo, e," sabi nito. "Anyway, I'm Oliver po, first year emergency medicine resident. My patient is experiencing pain in his abdomen pero madalas naman din daw mawala pero ngayon sumasakit na raw po. May diarrhea rin daw last time at medyo mataas ang temperature. Madalas din daw siya mahilo."

"Anong diagnosis mo, Oliver?" tanong ko.

"Hindi ko pa po sure, e."

Tiningnan ko ang pasyente niya at namumutla na rin ito at namimilipit.

"Sumakit ba ang tiyan niya kanina tapos biglang nawala at bumalik ngayon?" tanong ko at nilapitan ang pasyente.

"Opo," sagot nito. Ipinatong ko ang likod ng palad ko sa noo ng lalaki at napaka-init na nito.

"Tiniis niya kasi kanina. N'ong sumakit ulit at todo na raw, doon siya pumunta ng ospital," concerned na sabi ng resident.

"Sir, totoo ba 'yon?" tanong ko sa pasyente.

Tumango ang lalaki kahit na namimilipit. Sinubukan kong hawakan ang tiyan nito pero humiyaw iyon sa sakit.

"What's your diagnosis now?" I asked Oliver, the resident.

"I think appendicitis po," sagot nito at kinakabahan.

That's my diagnosis too.

"Sumakit daw kanina at nawala at saka bumalik. What do you think?" tanong kong muli.

Hindi ito makakibo.

"Pumutok na panigurado ang appendix niya at possible siyang magka-peritonitis, a serious infection of the inner lining of the abdomen, kung ganoon," sabi ko rito. "Go bring him inside the ER nang matingnan. He might need a surgery."

"Yes, Doc," sabi nito at nagpa-assist sa isang nurse na kasama niya.

"Tingnan niyo naman ang asawa ko!" umiiyak na sabi ng matanda. "Kanina pa kami rito!"

Agad akong tumulong. Tiningnan ko ang lahat ng pwedeng tingnan para ma-assure sila na walang masamang mangyayari at magagamot sila. Maya-maya lang ay bumalik ang resident na kausap ko kanina at pawis na pawis.

"Bakit, Oliver?" taka kong tanong.

"Doc, busy po lahat," sabi nito at natataranta.

"Wala bang senior resident, fellow, o kahit sinong attending physician sa loob?" tanong ko.

"Nasa operating room po halos lahat, 'yong iba raw po nasa day off pero papunta na after malaman 'yong volume ng tao tonight."

"E, sila...Doc Trev?" kinakabahan kong tanong.

"Nasa affiliated hospital pa po. With the traffic, baka hindi raw po siya makarating."

Nasapo ko ang noo ko at nag-isip.

"First time raw po na ganitong karami ang na-admit kaya hindi sila handa," dagdag nito.

"Ospital 'to, dapat handa sila. May booking ba kung kailan puputok appendix mo?" naiinis kong tanong.

Natahimik ito. "Sorry po, Doc."

"Pahiram ng ballpen," sabi ko at kinuha ang ballpen niya at inipit iyon sa bulsa ng white coat ko.  "Let's go."

"Po?" maang tanong nito.

Hindi na agad ako kumibo. Nang marating ko ang pinto ng Emergency Room ay pumikit ako at huminga nang malalim.

Now is the time, Maia.

In a snap, I opened the door with so much confidence and authority. No doubt, everyone's eyes were on me.

Lahat ay busy sa paggamot sa kanya-kanya nilang pasyente pero halos matulala ang lahat nang makita ako.

Agad akong nilapitan ni Abby, isa sa mga nurse ng ospital.

"Maia?" gulat nitong sabi sa gitna ng mga bulungan ng ibang nurse at mga kapwa ko doktor. "Why are you here? Temporarily banned ka sa ER—"

"Nasa'n 'yong patient ni Doc Oliver?" putol ko sa kanya.

"Maia, baka mapano ka kapag nalaman nila. For sure, magagalit si Doc Trev kapag—"

"Ayun po," turo ni Oliver sa pasyente niya.

Iniwan ko na roon si Abby na tinatawag pa rin ako pero sa huli ay sumuko na rin. Muli kong chineck ang pasyente at walang duda, appendicitis nga.

"He needs laparoscopic appendectomy surgery as soon as possible," bulong ko.

"Noted, Doc," sabi ni Oliver.

"Kung nasa labas ang family, hingin niyo ang consent. Mag-book ka na rin ng operating room. Patulong ka kay..."

Huminto ako at naghagilap ng pwedeng nurse na tumulong sa amin pero lahat ay busy. 

"Kahit na may ma-book tayo, Doc, walang mag-oopera," sabi ni Oliver.

Hindi ako naka-imik dahil may punto siya.

What should we do?

Bahala na nga.

"Saglit," sabi ko kay Oliver at iniwan siya roon. Dali-dali kong nilapitan si Blaire. Nagtatahi iyon ng pumutok na kilay.

"What do you want?" tanong nito.

"Anong oras matatapos ang operations ng surgeons na nasa operating room?"

"About two hours," sagot nito at nagpatuloy sa pagtahi.

"May vacant ba na operating room?" tanong ko.

"Mayroon pero 'wag mo nang pangarapin," sabi ni Blaire. "Bawal kang mag-opera ng walang supervision ng attending physician. If you want to put your license at waste, go on, Maia."

Ngumiti ito sa pasyente niya.

"Okay na sir, higa lang po kayo."

Nang humiga ang pasyente ay tsaka tumayo si Blaire at sinundan ko siya. Lumipat naman ito sa pag-assist sa patient na may bandage ang ulo.

"Na-CT scan na si Sir, Abby?" tanong ni Blaire.

"Yes, Doc. Waiting po sa result."

"Nice," sabi nito at naglibot pa. Huminto ito sa lalaking bali ang hita.

"Blaire, ilang oras pa bago dumating 'yong mga surgeons natin?" tanong ko.

"Maybe half an hour?" sabi ni Blaire at tiningnan ang mga papel na binigay sa kanya ng nurse. "I don't know."

"We just need an attending physician to operate on someone, right?" I asked.

"Don't think about it," Blaire said, brushing me off.

"May appendicitis 'yong pasyente. I suspected pumutok na at pwedeng s'yang magka-peritonitis. We know how dangerous that can be."

Huminto si Blaire. "Appendicitis? Who?"

Pareho namin itong nilapitan at ganoon din ang diagnosis niya.

"Wala tayong magagawa," sabi ni Blaire. "Kailangan nating maghintay ng surgeon."

"Didn't you hear me? It might get worse," I said.

"I know but even though we know how to operate appendicitis, hindi pwede kapag walang supervision ng attending physician."

"Blaire, come on!" I frustratedly said. "A patient might die!"

"So are you once we operated him," Blaire said. "Kahit gusto ko, hindi talaga pwede."

Nagtitinginan na sa amin ang mga tao sa loob.

"So attending physician lang ang kailangan?" I asked, annoyed.

"Yea," Blaire said. "If you find one, I might even help."

"Okay, then," I immediately dialled Doc Trev's number. After a couple of minutes, he answered.

"Maia, don't even think about convincing me to—"

"I WILL OPERATE A PATIENT AND I NEED YOU TO BE THE ATTENDING PHYSICIAN,"  mariin kong sabi.

Lahat ay gulat na napatingin sa amin.

"Maia...what the fuck?!" gulat na tanong ni Blaire.

"Ano 'yong... narinig ko?"  tanong ni Doc Trev sa kabilang linya.

"May ooperahan po ako at kailangan namin ng attending physician," pag-uulit ko.

"Maia, are you in the ER? Hindi ba't suspended ka?"

"That's not the point here," I said. "Marami nang injured at nasa bingit ng kamatayan. I have a patient here, a confirmed appendicitis patient with potential peritonitis."

"Maia, ano ba!" putol ni Blaire.

"Pumutok na ang appendix niya at anytime now, he can be at risk. We need to do the laparoscopic appendectomy surgery. Alam ko kung paano 'yon gawin, nakapag-assist na 'ko  before," I said with full of eagerness.

"Let's say I'll help you, but there's no available—"

"Operating room?" tanong ko at tiningnan si Oliver na nag-thumbs up sa akin. "May isa pang available at na-reserve na namin."

Nasapo ni Blaire ang noo niya at hindi malaman ang gagawin.

"Bakit hindi mo nalang hintayin dumating ang mga—"

"I told you, Doc, the case is urgent. Handa naman akong mag-step aside kung may darating man. Ang akin lang, kailangan na ho itong maumpisahan. The more we prolong it, the more risk the surgery gets."

"Aren't you scared? If the family sues you, lagot ka. Wala kang attending physician with you," sagot ni Doc Trev.

"Meron po," sagot ko. "Kayo."

"Huh?" tanong ni Doc Trev.

"You can assist me through phone call or video call, whichever you like."

Bahagyang natahimik si Doc Trev at natawa. "Ibang klase, Doc Maia. Where did you get that brain?"

"Of course, I learned from the best," I said fiercely.

"Sadly, I have to take it down. Hindi ko pwedeng i-risk ang pangalan ng ospital at ang lisensya mo. Wait 'till Doc Jess comes. She'll be there in 15 minutes."

"15?!" sigaw ko. "Pero—"

Maya-maya ay naputol ang linya.

"You heard it," Blaire said. "Wait for Doc Jess."

Tinapik nito ang balikat ko at tumalikod.

No.

I can't let my patient die knowing I can do a lot better.

No, can't be.

I closed my eyes hardly.

I sighed heavily.

Bahala na.

"I'LL OPERATE HIM."

Blaire literally stopped and looked back with confused face.

"I'll operate him whatever it takes," I said and walked towards the guy's direction.

Agad akong sinundan ni Blaire. "Maia, ano ba!"

"Oliver, tara sa OR," sabi ko at akmang itutulak ang kama ng pasyente nang harangin ako ni Blaire.

"Stop it, Maia. Baka anong mangyari sa 'yo—sa license mo so please stop, okay? Let's wait for Doc Jess and—"

"Step aside," sabi ko.

"Maia—"

"I SAID STEP ASIDE!"

Umalingawngaw ang boses ko sa buong ER.

Napapikit nang mariin si Blaire at halatang nagtitimpi.

"Stop being childish," mariing niyang sabi.

"My patient is dying, Blaire," mariin ko ring sabi. "You don't understand."

"I do understand but what can you do?" she asked. "Hintayin na lang natin si—"

"STEP ASIDE!" sigaw ko sa dalawang resident na papalapit sana para pigilan ako. "Mas mataas ang year ko sa inyo, senior niyo 'ko."

Tumigil ang dalawa at hindi malaman ang gagawin.

"Pinagtitinginan na tayo, Maia. Let's just stop!" Blare exclaimed.

"We'll stop if you'll stop blocking the way," I answered.

"Why don't you stop being so childish and act your age? Resident pa lang tayo, Maia. Hindi tayo allowed—"

"Then sinong allowed? Nasaan ang mga allowed? Wala sila!" sagot ko.

"Kaya nga maghintay, 'di ba?" sagot ni Blaire.

"Buhay ang nakasalalay dito. Every second counts!"

"I know but we are still residents—"

Napapikit ako nang mariin sa inis.

"KUNG HINDI NATIN GAGAWIN, SINONG GAGAWA?!"

A deafening silence followed until someone broke the tension.

"Ako."

Sabay-sabay kaming napahinto nang marinig namin iyon. Ang boses ay hindi galing kay Blaire o kay Abby. Malalim ang boses pero hindi galing kay Oliver.

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto at isang lalaki na kararating lamang ang nandoon.

Nakasuot ito ng doctor coat, puting polo na naka-tuck in sa itim nitong slacks, at isang black shoes. Payat ang lalaki at may katangkaran. Maputi rin ang kutis nito at mayroong itim na buhok at bangs na halos takpan na ang itim na itim niyang mga mata.

Agad natahimik ang mga tao sa loob at maya-maya'y lumakas ang mga bulungan.

"I'm a second year gastroenterology fellow," the guy said as he walked inside. "I'm also a GS."

It took us a couple of minutes until the moment Blaire noticed who he was, the papers she was holding fell to the ground helplessly.

As my system started to absorb everything, I felt my heart racing inside me.

I felt them again.

After a long time of getting numb, things hit me again.

The mixture and overlapping emotions that used to fill me up—they were back.

I literally got frozen—as if I was stupefied.

That hair.

That face.

That eyes.

That stare.

That voice.

How can I forget those?

He was, and still is, the stranger that I am most familiar with.

Unti-unting lumakas lalo ang bulungan nang makilala siya ng iba pang mga doktor at nurse sa loob.

"He's back!" reaksyon ng isa. "Oh my ghaaad, he's back!'

Paano ka mag-rereact kung iyong taong dahilan ng gabi-gabi mong pag-iyak ay sumulpot sa harapan mo, makatapos ang ilang taon, na parang wala lang?

Paano ka mag-rereact kung iyong taong bigla na lang naglaho ay biglang darating sa panahong akala mo, okay ka na?

Sa panahong akala mo wala na siyang epekto sa 'yo?

How do you move on if you have no idea  of what went wrong?

How do you move on from a love that didn't even begin?

How can you move on from the love that made you realized that you are capable of love?

How do I move on from you?

While everyone's eyes were still on him, he stood and faced us.

"I am Doctor Felix Kendrick Rye."

Like a magical moment it was, a smile curved on his lips as he looked straight into my eyes.

"It's been a while..."

And everything that had happened between us flashed in my mind again, as if they all happened just yesterday.

Your laughs.

Your giggles.

Your kisses.

Our first everything.

The time when I was lost and seeking for myself, I found you.

With you standing there and looking deeply in my eyes, for the hundredth time, I knew it.

The memories of the past flashed in my mind.

And once again, my heart's taking a step closer to you...

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store