Taking A Step Closer To You
"All this time, Blaire was keeping us apart..."Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa sinabing iyon ni Felix. All this time, sinisiraan lang ni Blaire si Felix sa akin. Either dahil gusto pa niya si Felix o sobra lang talaga ang galit niya rito. I wanted to talk but no words were coming out from my mouth. No words were even enough to describe the enormous amount of confusion in my heart. "B-Bakit gagawin ni Blaire iyon?" I asked rhetorically. "Kilala ko siya. Blaire will never do that—she's not that bad.""Kilala mo siya?" Tanong ni Felix. "Kilala mo nga ba talaga?" Bigla akong nanahimik. Maraming mga sikreto si Blaire na hindi ko na binalak alamin dahil privacy niya iyon. Pero sa tuwing mababanggit ko si Felix, puro masasama ang sinasabi ni Blaire.Kesyo manggagamit lang ito, katawan lang ang habol, hindi seryoso, pinaglalaruan lang ang feelings ko, marami nang nabiktima, a womanizer, a distraction.It has been five years since Felix and I met. Sa loob din ng limang taon na iyon, no good words came out from Blaire's mouth pertaining to him. All were warning.Matagal ko nang kilala si Blaire. Marami na kaming napagsamahan. Sa mga panahon na pinagkaisahan akonng lahat at tinalikuran ng mundo, she was there. Noong mga panahong kahit ang sarili kong pamilya ay itinaboy ako, hindi niya ako iniwan. Pinatuloy niya ako sa bahay niya nang walang kapalit at walang pag-aalinlangan. Siya rin at ang pamilya niya ang tumulong sa akin para makamit ko ang pangarap kong maging doktor. Tinulungan nila ako sa lahat ng aspect ng buhay ko nang walang hinihinging kahit na ano.They even helped me to save up, para man lang makabili ako ng mga kagusutuhan ko. Blaire has done a lot of good things to me. That's why hearing the bad thing that Blaire did, I felt torn. Hindi ko malaman ang gagawin o mararamdaman. "Isn't it absurd?" Tanong ko. "Hindi ganoon kababaw si Blaire. Hindi ka niya sisiraan sa 'kin dahil lang galit siya sa 'yo o gusto ka pa niya. Masiyado iyong mababaw." "Honestly speaking, Maia, I don't really know," Felix said. "Alam niyang gusto mo ako at alam niyang hindi ako babaero. She knows how I respect women, the way I respected her before." Felix paused for a second. "She has asked all my friends and she heard nothing bad about me. I never dated two or three women at the same time. Kaya paano akong naging womanizer? Paano akong naging masamang tao? I didn't even hold her hand, or kissed anyone without their consent. Paanong naging katawan ang habol ko sa kanila? Sa 'yo?" I gulped. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan. "I just find it hurtful on my end," Felix said. "Hindi sa ini-invalidate ko ang rason ng kaibigan mo, pero isn't it unfair on my part, knowing na sobrang sincere ko sa feelings ko sa 'yo? Na wala akong ipinakita o ginawang masama, but I was left hanging?" Felix looked disappointed. "Maiintindihan ko pa kung na-realize mo lang na hindi mo talaga ako gusto. Mas okay sa akin na ang rason mo ay na-realize mo na hindi tayo magwo-work or I was unworthy investing your time and emotions with. Pero 'yong ang rason lang ay dahil sa sinabi ni Blaire na hindi naman totoo? Maia, I feel... hurt. Really, really hurt." "Hindi gagawin ni Blaire 'yon nang wala siyang dahilan," depensa. "She has her reason.""And that reason is to keep us apart," sabat ni Felix. "Maia, it was emotionally traumatic for me. Gustong-gusto kita noon, even up 'till now. Have you ever imagined my pain? The nights I kept asking myself what went wrong, what did I do wrong, or what was wrong in general?"Hindi ako makapagsalita. Kahit naman nang mga panahong iyon ay nagdurusa rin ako emotionally. Pero tama si Felix. Sa aming dalawa, siya ang mas may karapatang magalit. "You could've asked me, Maia..." Felix told me. "You could've done that and I would tell you nothing but the truth." I left him hanging, because I was scared to confront him. I was terrified by the thought that he might be toying my heart. Na sobrang emotionally attached na ako, pero pinaglalaruan lang pala ako. I had enough emotional baggages that time. "Maia... have you ever imagined us if Blaire didn't meddle?" tanong ni Felix. "Limang taon ang nasayang nating dalawa. Sa loob ng limang taon na 'yon, we could've spent a lot of time with each other. Nagtulungan na sana tayo sa med school, sabay nag-aaral, sabay inaabot ang pangarap. Thinking about it now, a lot of what ifs are filling me up. Nakakapanghinayang..."Iyon at iyon din ang iniisip ko. "I'm... I'm sorry, Felix..." iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako anytime.But rather showing disappointment, Felix gave me a weak smile. "It isn't too late for us to start again, don't you think?" Bumuka ang bibig ko."To tell you honestly... I lied. Hindi ako naghihintay ng result ng application ko bilang volunteer doctor sa ibang bansa. I... uh, I got accepted already at bukas na ang flight ko." My eyes widened. "Bukas?" Tumango siya. "Hindi na ako nagsabi kahit kanino, gusto kong mawala sa lahat at magsimula ulit. Pero, buti na lang nagkita tayo ngayon para makapagpaalam man lang ako. Na kahit na isang tao, alam kung nasaan man ako naroroon." My eyes watered. "Felix...""Sa Terminal 2 ako bukas, 8AM ang flight ko," dagdag ni Felix. "Evaluate your feelings for me overnight. Think about if I am still worthy, and if you can take risk with me again. See if you can see your future with me. Kasi ako, Maia, walang nagbago. Mahal pa rin kita simula nang una." Tears finally fell from my eyes. "If you ever come tomorrow to stop me, hindi na ako aalis. I will sacrifice everything, and we can start all over again. Kung hindi ka sisipot, alam ko na. Tanggap ko na. I will just carry on with my life and move on. Be wise." In a blink, I saw myself inside Blaire's house. Naguguluhan sa dapat kong maramdaman ay pumasok na ako sa loob para harapin ang katotohanan. Nadatnan ko siyang nasa sala at nanonood sa TV. Nakadapa ito sa sofa at kumakain ng chips. Napatingin siya sa akin at agad na ngumiti."Kumusta?" Tanong niya. "Mukhang nag-enjoy ka sa me-time, a?"Kumuha ito ng chips at ngumuya. "Saan ka pala pumunta?""Kay Felix," diretso kong sagot.Natigil sa pagnguya si Blaire at napatingin sa akin. Kumunot ang noo niya. "Kanino?" "Wala ka bang dapat sabihin sa akin?" Malumanay kong tanong."Tungkol saan?" Tanong pabalik ni Blaire."Tungkol sa lahat-lahat, Blaire," sagot ko. "Especially tungkol kay Felix." Muling napahinto si Blaire at mula sa pagkakadapa ay napaupo siya. "Did he say something about me?" "Should he tell something about you?" Ganti ko."Maia..." Napabangon si Blaire. "What's wrong with you?!"Tumaas ang boses ni Blaire, bagay na unang beses kong narinig simula nang magkakilala kami."Totoo bang nag-date kayo noon and he turned you down?" Tanong ko."Shut up, Maia... please..." sabi ni Blaire."Totoo bang nagalit ka sa kaniya dahil doon kaya sinisiraan mo siya sa akin?" Tanong ko at nagsimulang mangilid ang luha."Maia, I was just protecting you!" Sigaw ni Blaire."From what?!" Ganti ko."He's a womanizer—""We both know that he's not!" Sabi ko. "Niloloko mo lang ang sarili mo. Alam nating hindi ganoong tao si Felix! Alam nating hindi siya babaero, hindi katawan ang habol niya sa akin, at wala siyang masamang intensyon. But why did you manipulate me for five long years into thinking that he's a jerk?!""Maia, listen—" "Among anyone, ikaw ang nakakaalam kung gaano ko siya kagusto. Ikaw ang nakakaalam na sa buong buhay ko, siya lang 'yong minahal ko nang ganito. Alam mo kung paano ako nasaktan, umiyak, at nag-overthink. Yet... you continued feeding me with those lies. Only because you liked him!" "Yes, I like him!" Sigaw pabalik ni Blaire. "E, ano naman? Oo, sige, I was jealous when he picked your lace that blind date night. I was mad, really mad, pero wala akong magawa. Pinapatay ako ng inggit lalo na nang makita kong seryoso sa 'yo si Felix noong mga panahong nagkakamabutihan na kayo. 'Yon ang gusto kong gawin niya sa akin noon, but he didn't even give me a chance. Instead, he pursued you and I got insulted, Maia." Namuo na rin ang luha sa mga mata ni Blaire. "No offense, pero sino ka ba naman? I am way better than you financially, physically, socio-economically. Pero bakit ikaw ang gusto niya, ako hindi? What made it more infuriating was because you are a friend to me, Maia..." Tumulo ang luha sa mga mata ko."Kaya nang nasira ko na ang relasyon ninyo, I felt guilty. Kaya tinulungan kitang makapasok sa med school para makamit mo ang mga pangarap mo. Masaya naman tayo, 'di ba? Masaya tayo na wala si Felix sa buhay nating dalawa. We made it for five long years, Maia, we can drop him off forever. Hindi natin kailangan si Felix sa buhay natin." Umiling ako."Dahil lang hindi mo nakuha si Felix, gusto mong wala rin siya sa buhay ko?" Tanong ko. "Blaire... you are... selfish...""Am I?" Tanong ni Blaire. "Pero anong magagawa ko, Maia? I want you to be happy, yea, but not with Felix. Career-wise, sige. Kaya nga tinulungan kita makapasok sa med school at magkaroon ng tutoring jobs. Pero with Felix? No, I can't. Hindi ko kayang makita si Felix na masaya, lalong-lalo na sa 'yo." Tears fell from my eyes."Kaya Maia, please lang... don't think about getting back together with him. Ikamamatay ko 'yon..." Pumikit ako nang mariin. Nakakaramdam ako ng galit, ng awa, ng lungkot."Isipin mo na lang lahat ng naitulong ko sa 'yo. Sa tuwing kailangan mo ng matutuluyan, pinapatuloy kita sa bahay ko. Sa tuwing kailangan mo ng pera, hindi ako nagdadalawang-isip na pahiramin ka. Tuwing nagugutom ka, ipinagluluto kita. I was a sister to you, Maia, a little sacrifice for me will do..." Doon siya lumuhod at muling umiyak."Maia... please..."Pumikit ako at awtomatikong tumulo ang luha sa mga mata ko. After a thorough thought, I have finally made up my mind."I see you as a sister, too..." tugon ko. "But this time, I will choose my own happiness." Dumilat si Blaire at tumaas ang tingin sa akin."I choose Felix..."Bumuka ang bibig ni Blaire."I'm sorry, Blaire..." sagot ko. "I really am so sorry." Doon ko na siya tinalikuran at naglakad papasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang bag ko at nagsimulang mag-impake ng mga gamit.Doon ako sinundan ni Blaire at tumayo siya sa may pintuan."Anong ginagawa mo, Maia?" Tanong niya. She sounded tensed. "Wala na akong mukhang maihaharap sa 'yo o sa pamilya mo. Aalis na lang ako, Blaire." "You're... really choosing him over me?!" She threw a tantrums. "Maia, wake up! Mas marami tayong napagsamahan kaysa sa lalaking 'yon!" "I had enough. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako may nagustuhan para sa sarili ko. Simula bata ako, puro na lang sakripisyo ang ginawa ko para sa mga magulang ko, mga kapatid ko, mga tao sa paligid ko. I have never demanded anything. I have never wanted anything for myself—until I met him. Until I met Felix." Umiiyak na ako ulit habang nag-iimpake. I have never realized how he made my miserable life happier when I met him. He painted color to my dull life. Kahit na pinipilit kong mawala ang nararamdaman ko sa kaniya sa loob ng limang taon na 'yon, hindi ako nagtagumpay. Bumabalik-balik ang feelings ko para da kaniya dahil hindi naman talaga iyon nawala. Natatakot lang akong masaktan dahil sa mga sinabi ni Blaire.Pero ngayong nalaman ko na ang totoo, nothing can stop me now from pursuing my happiness. I will choose him this time. "Matapos lahat ng ginawa ko para sa 'yo? Matapos ang lahat ng tulong na ibinigay ko para lang makaahon ka sa kahirapan, you will betray me like this?!" Blaire shouted. "Sana hindi na lang kita tinulungan. Sana hinayaan na lang kitang palaboy-laboy sa lansangan nang itakwil ka ng pamilya mo. Sana hindi kita ipinasok sa med school, you are no different from a leech, Maia!" Huminto ako sa ginagawa ko at tiningnan si Blaire. Sobrang sakit masumbatan. "Kung hindi dahil sa 'kin, wala ka sa kung nasaan ka man ngayon!" sigaw niya at muling tumulo ang luha dahil sa galit."Alam ko naman 'yon, Blaire, at habang-buhay kong ikaka-thankful ang lahat ng ginawa mo at ng pamilya mo sa akin," sagot ko. "Pangako, babawi ako. Sa kahit na anong paraan, babawi ako sa lahat ng naitulong ninyo sa akin. Pero itong bagay na 'to... hindi ko na kaya pang i-give up ito. I deserve to be happy this time..." I gulped."Aalis na si Felix bukas at baka hindi ko na siya makita pa. He applied as a volunteer doctor overseas at kapag hindi ko siya pinigilan, there might be no chance for me to meet him again. Ito na lang ang tanging pagkakataon, Blaire. Kaya sana... sana maintindihan mo..."Natahimik si Blaire at tinitingnan lang ako habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. "Bukas? Anong oras ang flight niya?""Eight in the Morning," sagot ko. Natahimik siya nang ilang segundo. "Maia..." she started. "Hindi mo na kailangang bumawi sa mga tulong na nagawa ko. Ako na ang kusang maniningil." Kumunot ang noo ko.Maya-maya lang ay naglakad siya at huminto sa may pintuan."I'm sorry," she added.And everything happened as if things were in slow motion. Sa isang iglap, Blaire shut the door and locked me up inside.Mabilis akong tumayo at sinubukang buksan iyon mula sa loob. Ang kwarto na tinutuluyan ko ay sira na ang pihitan. Kaya kapag na-lock ka ay hindi ka na makakalabas pa unless may magbukas mula sa labas. "Blaire! Anong ginagawa mo?! Blaire!" Hinampas-hampas ko ang pinto."I'm sorry, Maia," tugon niya. "Pagbubuksan kita kapag nakaalis na si Felix. Hindi ako papayag na magkatuluyan kayo. Sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko.""No! No! Blaire! Blaire!" Pagmamaka-awa ko. "'Wag naman ganito! Hindi ka ganito!" Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Narinig ko na lang ang mga yabag niya papaalis. Hinampas-hampas ko ang pinto at pilit na binubuksan ang pinto habang tinatawag ang pangalan ni Blaire. When I realized that she was no longer there, I looked for my phone only to realize that I left it on the sofa.Binuksan ko ang bintana pero napakataas ng babagsakan ko kung sakali. The injuries and bone fractures may kill me. Kahit ang laptop ko ay nasa sala. Umiiyak na napaupo ako sa kama habang inaalala si Felix. Bakit ba ganito kasama sa akin ang mundo?Sa buong magdamag ay wala akong nagawa. Nakailang tawag na rin ako kay Blaire at pinilit sirain ang pinto pero walang nangyari. Ilang oras din ang lumipas at nawalan na ako ng lakas. Nakaupo na lang ako sa gilid, yakap-yakap ang sarili at hindi na tumitigil ang luha. Will I ever see Felix again? Para akong pinapatay sa sakit.Hanggang sa kahihintay ay naipikit ko na lang ang mga mata ko at tuluyang kinain ng dilim.Nagising na lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Ngunit sa pagkakataong iyon ay umaga na at nariyan na ang araw. Bumungad sa akin si Blaire. Kagaya ko ay namamaga rin ang mga mata niya."You still have twenty minutes to meet him," sabi ni Blaire sa akin. "For one last time, Maia, papipiliin kita. Ako o si Felix?"Walang pagdadalawang isip akong tumayo at hinarap si Blaire."Kahit anong gawin o sabihin mo, hindi magbabago ang pasya ko," sagot ko. "Si Felix pa rin ang pipiliin ko. Kaya please lang, Blaire, putulin na natin kung ano mang mayroon tayong dalawa. With all the things that you did, I can't even call you a sister anymore.""Ang kapal naman ng mukha mo," Blaire said bitterly. "After all the help that I gave you?! Wala kang utang na loob!""Let me ask you this," putol ko sa kaniya. "Tinulungan mo ba ako dahil gusto mo akong tulungan, o ginawa mo lang 'yon para mawala ang guilt mo sa pagsira mo ss relasyon namin ni Felix?" Hindi nakasagot si Blaire. "Think about that," I added.Without even looking back, I stormed out of the room, took my wallet and phone, and went away.Dali-dali akong pumunta kay Felix. Kahit sa daan ay umiiyak na ako."Taxi! Taxi!" Ako na mismo ang sumasalubong sa mga taxi para lang isakay ako."Saan po tayo ma'am?" Tanong sa akin ng isa. Habang nasa biyahe ay umiiyak pa rin ako. My phone was turning on and off. Sira na ang battery at hindi ko matawagan si Felix. "Please... wait for me..." pagmamaka awa ko. "Please, Felix..." When I reached the Airport, dali-dali akong tumakbo papasok sa loob, pero napahinto ako nang makita ko ang oras. "8:03..." I was few minutes late. Nang makarating ako sa airport ay wala na siya roon. Hindi ko napigilan ang luha ko. Nang lumabas ako ng airport ay nakita ko sa himpapawid ang eroplanong sinasakyan niya. The pain was swallowing me alive. When my phone finally stopped acting up, nabasa ko ang huling text niya sa akin."You didn't show up. I respect your decision, Maia. Mamimiss kita. Good bye for now. I love you, forever. Forever and always." My knees gave in. I started crying hard."I'm sorry, Felix..." I said in between my tears. "I'm so sorry..."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store