ZingTruyen.Store

SDSS 1: Wrath

WAKAS

SaviorKitty

W A K A S

༺❀༻


DEMITRI let out a loud sigh after the staff at the cafe informed him that they don't accept cards. He had already ordered coffee, and the other customers behind him were angry.

It's not his fault, though. That's a stupid machine fucking problem. Damn it!

Umigting ang kaniyang panga dahil napapahiya na siya, baka akalain pa ng iba ay wala siyang pambayad.

Bumukas ang kaniyang bibig para sana ipaliwanag sa babaeng nasa cashier na wala siyang cash na dala pero bago pa niya magawa iyon ay may naglapag na ng limang daan sa counter.

His eyebrows shot up when he smelled the woman's perfume. He looked down at the little woman with a red headband. He was caught off guard by her smile as she spoke to the cashier; she turned to him and smiled sweetly.

"Bayad ka na," she informed and tapped his arm like they were friends before she turned back, leaving him dumbfounded.

What the hell? Who's that?

Naguguluhan man ngunit kinuha niya ang order na kape, bago mabilis sundan ang babae palabas ng cafe na lagi niyang dinadaan papasok sa opisina.

"Fuck," he cursed when he lost her.

Nang makalabas siya ay wala na ito.

Hindi niya alam kung ano bang mayroon sa babae na 'yon kung bakit hindi siya mapakali na hindi ito muling makita. It's not about the five hundred pesos, huh?

Kung dati ay dumadaan lang siya cafe na iyon, ngayon ay naglalaan na siya ng oras tumambay roon maski isang oras, bago pumasok sa opisina at uwian.

Nababaliw na nga siyang talaga.

Patingin-tingin siya sa kaniyang wrist watch, mag-aalas-siyete na ng umaga at kagaya ng mga nakaraan araw ay hindi nagpakita ang babae.

Demitri sighed and stood up.

He has work he needs to do. Maybe this is just a simple attraction. Who's stupid man that would like a woman in just a second?

Bagot si Demitri nang pumasok sa opisina, ipinasa sa kaniya ito ng kaniyang magulang. Isa sa negosyo nilang pamilya ang agency.

Blanko ang mukha habang dala ang takeout na kape na pumasok siya sa elevator, hindi pa man siya tuluyan nakakasakay ay may bumunggo sa kaniyang babae na sasakay rin dahil para matapon ang kape.

"Damn," mura niyang muli, badtrip!

Handa na niyang sigawan ang babae nang magtama ang kanilang mata, naisara niya ang bibig nang makilala ito.

"Hala, sorry! Bibili na lang kita mamaya ha? Jusko, interview ko ngayon, late na ata ako! Pasensya ka na ha? Uh..." Hindi siya nakapagsalita, parang dinambol ang puso niya, ang ganda ng boses ng babae. Shit.

"Sasakay ka pa ba?" nag-aalangan na tanong nito.

Demitri cleared his throat before going inside the lift. He can't take his gaze away from the woman, who is both nervous and beautiful.

Nang sumara ang elevator at silang dalawa lang ang sakay ay naglakas-loob na siya.

"What's your name? What's your address? Uh, number?" sunod-sunod na tanong niya.

"Huh?"

"You will pay my coffee, right?"

Natawa ang babae. "Ah, oo nga pala.'" Naglahad ang dalaga ng kamay na kaagad niyang tinanggap, ang lambot ng kamay nito. "Sabrina..."

He smiled. "Dem... Demitri Flavier."

༺❀༻

Hindi maiwasan mapait na mapangiti si Demitri habang inaalala ang una nilang pagkikita ng asawa, kung paano sila nagkakilala, paano naging mabilis magkapalagayan ang loob nila ng babae, kung paano niya ito niligawan at kung paano sila nagpakasal, kung paano unti-unting nasira ang pamilya na sanang bubuuin pa lang nila.

Tinungga niya ang baso ng alak habang iniisip ang naging desisyon.

He gave Sabrina what she wanted: an annulment.

Minsan naiisip niya, paano kaya kung hindi sila pumunta ng asawa sa ibang bansa? Paano kung hindi niya tinanggap ang project doon? Dahil doon ay sunod-sunod at kabi-kabila ang kliyenta niya at pag-angat ng kompaniya ngunit dahil din doon kaya nawala ang kaniyang asawa.

What if he didn’t let the wrath control his mind? What if he didn’t believe his wife’s letter? What if he searched for her and didn't mind his pride? What if he has broad understanding? 

"I'm sorry, love. I let my wrath blur my love for you," he whispered in pain.

Alam niyang mali ang nagawa niya.

Nang bumalik ang asawa ay natakot siya. Natakot siyang gawin na naman nito ang pinaniwalaan niyang ginawa nito noon.

Pinerahan siya, pinaikot, ginamit at niloko.

Walang kapatawaran ang ganti na ginawa niya, alam niya iyon, nasaktan niya ang babae, nagpalamon siya sa galit at ito na nga... pinagbabayaran niya lahat, pinagsisisihan niya.

Mariin siyang pumikit, nang dumilat ay pumatak ang kaniyang luha sa papeles na nasa kaniyang harapan dahilan upang mas madurog ang kaniyang puso.

Decree of annulment.

Their marriage is now invalid.

Sabrina signed the papers. Everything is too fast. The entire process takes only about six months.

Six month of pain and torture.

Ayaw naman niyang bitawan ang babae, ngunit alam niyang nasaktan na niya ito. Ayaw niyang ipilit, walang niya itong ikulong sa kaniya, mahal na mahal niya si Sabrina, at katulad noon, kung anong magpapasaya rito ay gagawin niya kahit pa siya ang magdusa.

"Demitri?"

Nagising si Demitri dahil sa isang boses ng babae.

"Sab?"

Kunot-noo niya habang inaaninag ang babae sa kaniyang kwarto, tumiim ang kaniyang bagang nang makitang hindi ito si Sabrina kung hindi si Selena.

Bagot na bumangon siya at nilingon ang babae.

"Why are you here? Sinong nagpapasok sa'yo?

"Dem, pinilit ko ang maids, nabalitaan ko kasi ang nangyari... uh, nag-aalala na rin ang mga kaibigan natin." Umupo ito sa kama. "Dem, nandito lang ako."

"No. Get out."

"Hah?"

Demitri sighed. "Ilang ulit kong sasabihin sa'yo, wala kang mapapala sa akin. Nandito o wala man ang asawa ko, hindi ko mapapantayan 'yang nararamdaman mo, Selena. Yes, I respect you because you're my mom's goddaughter, but that's it. The next time you enter my house without my permission, I won't think twice about sending you to jail."

Nakita niyang namutla ang babae bago nagmamadaling umalis.

Sinabunutan niya ang buhok bago walang buhay na bumangon.

Isang araw na naman na kailangan niyang malagpasan. Ang hirap pala, ang hirap mag-isa.

Noon... inakala niyang nagloko ang dating asawa ay nakaya niya, kasi nasa isip niyang ito ang mali at kung bumalik man ito ay mapapatawad din niya.

Ngayon, iba na. Alam niyang tapos na ang lahat, wala na siyang hihintayin.

Nga naman, mas matagal silang hiwalay kaysa sa panahon na magkasama sila.

Parang mas gugustuhin na lang niyang nagloko ito, na ginagamit lang siya nito. At least, kapag iyon ang dahilan ay may tiyansa pa itong bumalik sa kaniya kapag nawalan ng pera.

Kahit kunin siguro ng babae lahat ng ari-arian niya, basta huwag na itong umalis ay bukas-kamay niya itong ibibigay.

Napangiti siya habang nakaupo sa kama at tinitingnan ang larawan nila ni Sabrina noong kasal nila.

Hindi niya ito inalis doon, ngayon ay nadagdagan pa iyon ng larawan ng anak nila na kinuha niya.

"I love you both, mahal na mahal ko kayong dalawa, kayo lang ang mayroon ako," mahinang bulong niya.

Nakakausap naman niya si Devon ngunit may araw lang. Base na rin sa usapan nila ni Sabrina, nasa ibang bansa na kasi ang dalawa, doon na naninirahan ang mag-ina niya.

Demitri kissed their family picture, pinagtagpi-tagping larawan nila iyon na tinape lang niya para kahit papaano ay may larawan silang pamilya.

"I'm sorry, Sab. Kung hindi ko natupad 'yong pangako ko noon kasal na magiging mabuting asawa ako, pasensya na kung nabigo ko kayo, alam ko naman hindi mo na maririnig ang paulit-ulit na sorry ko, g-gusto ko lang malaman mo, na kahit galit ako noon... nanatili ang pagmamahal ko, hindi nagbago, natakpan siguro ng galit... pero kung papapiliin ako... ikaw pa rin ang papakasalan ko, Sab. Ikaw pa rin kahit alam kong hindi na ako." He whispered before he took sleeping pills again, just to forget the pain, just to feel numb to survive another day.

༺❀༻

ONE YEAR

It is almost one year since that day. Since their marriage is officially void.

Hindi na alam ni Demitri kung paano niya nakaya lahat. Imbes na magmukmok ay pinatunayan niya sa mag-ina niya na kaya niya, na kakayanin niya. Bago namatay si Mr. Venturi ay nakausap niya ito, humingi siya ng tawad sa nangyari sa anak nito maski hindi siya ang nakasagasa rito kung hindi ang kakilala na tiga-Mandrid na gumamit ng kotse niya at siyang naghatid sa kaniya sa hotel nilang mag-asawa noon.

Humingi rin ng tawad ang matanda ng tawad sa nangyari sa kanilang mag-asawa, sa huli ay pinatawad niya ito.

Ayaw na niyang makulong sa nakaraan.

Malakas siyang bumuntonghininga bago pumasok sa office ng nililigawan niyang babae, kinakabahan pa siya habang dala niya ang isang bulaklak at coffee na alam niyang magugustuhan nito.

Demitri smiled when he saw her at her table, busy with her papers.

"Hey beautiful," kuha niya ng atensyon dito.

Nag-angat ito ng tingin, nakita niya ang pag-irap nito bago ngumisi.

Maingat na lumapit siya sa lamesa nito, saka masuyo itong hinalikan sa noo.

"Good morning, Ma'am."

"Good morning, hindi ka pa ba late sa work mo?"

Demitri chuckled. "Late na, dinaan ko lang 'to, alam kong hindi ka na naman nag-breakfast."

Maingat niyang inilapag ang kape sa isang table sa gilid at inabot ang paboritong bulaklak ng babae, nakita niyang inamoy ito ng nililigawan at kaagad napangiwi, animong nasusuka.

"I don't like the smell, Demitri."

"Huh? But—"

Nagtatakbo ang babae sa restroom sa office nito, kaagad naman siyang sumunod, naabutan niya itong dumuduwal sa lababo, kaagad niyang hinimas ang likod nito.

Nagtama ang tingin nila sa salamin pagkatapos nitong magmumog.

"Are you okay?"

Sandaling natahimik ang babae bago siya sinapak sa braso, naguguluhan tinitigan niya ito.

"What?"

"Binuntis mo ba ako?"

Hindi siya nakapagsalita, laglag ang kaniyang panga.

"You impregnated me while you're still courting. Wow, Mr. Flavier."

Nanlaki ang mata niya nang matanto ang sinabi nito. May nangyari nga sa kanila noong nakaraan buwan, unang pagkikita nila iyon at may nangyari sa kanila.

"B-Buntis ka? Talaga, Sabrina? You're not joking, love?" He gasped. "Fuck! Fuck, yes! Yes! Daddy na ulit ako!" Humalakhak na sigaw niya.

Hindi niya maiwasan magtatalon, habang sumusuntok pa sa hangin.

Mahigpit niyang niyakap si Sabrina, ang inis na mukha nito ay unti-unting napalitan ng ngiti.

"Tss."

Pinugpog niya ng halik ang mukha ng babae na natawa lang.

Sobrang tuwa ang kaniyang nararamdaman. Sobra-sobra na nga ang saya noong umuwi ito, hindi naman nawala ang komunikasyon nila sa isang taon dahil sa anak nila.

He gave her the space she needed, but he made sure she wouldn't feel alone during those months.

Hanggang umuwi ang mag-ina niya last month lang dahil nagtayo ng negosyo si Sabrina rito sa Pilipinas.

Of course, he took a chance to flirt with his ex-wife, he seduced her.

Nililigawan niya ang babae ngayon, masaya na nga siya na pumayag ito tapos ngayon, may baby ulit sila!

"Thank you, love for another chance. You won't regret it, I promise. I love you so much baby."

Mas napangiti siya nang gantihan ni Sabrina ang kaniyang yakap.

"Mahal na mahal din kita, Dem. Salamat dahil hinayaan mo akong unahin muna ang sarili ko, salamat kasi pinatawad mo pa rin ako."

"Hush, love. We both make mistakes. We're not perfect. We're both flawed. The important thing is that we learn."

Sandali silang natahimik habang magkayakap. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Magpakasal ulit tayo, Sab. Please, marry me again."

༺❀༻

Nakatingin si Sabrina sa buong kwarto habang sinisipat ang mga naka-display na ilang beses na niyang nakita pero hindi pa rin siya nagsasawa. Naaalala pa niya noon, sinabihan sila ng mayordoma na huwag papasok sa kwarto na ito sa third floor, alam na niya kung bakit.

Hindi niya maiwasan mapangiti nang pasadahan ang mga paintings na gawa ng asawa. Iba't ibang laki ng mga ito pero isa-isa lang ang mga nasa paintings.

Siya.

Demitri told her about the paintings, he said that everytime he missed her, he would paint something that related to her.  Kaya naman halos mapuno na ang buong kwarto. Ibig sabihin ay lagi siyang miss ng asawa sa lumipas na panahon kaya hindi niya maiwasan hindi mapangiti.

Nang makuntento ay lumabas siya roon at bumaba sa sala kung nasaan ang mga anak niya.

Mas lumawak ang ngisi niya nang makita ang ang dalawang anak na naglalaro sa carpet. Si Denver at Dexter, limang taon na ang mga ito.

Napatingin siya sa panganay niyang si Devon na naka-headset na pumasok sa bahay habang nakasukbit ang bag sa balikat.

Kaagad siya nitong sinalubong ng yakap.

"Mom, I miss you," ani ng anak at hinalikan siya sa nuo.

Napangisi siya. Ang laki na ng baby niya noon, sa edad na labing-walo ay mas matangkad na ang anak sa kaniya.

"I miss you too, Son. Kamusta pambabae este pag-aaral?" biro niya.

Inikot ng anak ang mata, saka ngumuso.

"Mom, wala akong oras sa pambabae na iyan. Study first," anito kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"Weh? Sabihin mo na kasi anak kung bakla ka okay lang na—"

"Mom!" Pinanlakihan siya ng mata ng anak kaya natawa siya. "I'm not, Mom. Hindi ko pa lang siguro nakikita 'yong babae para sa akin. Kayo nga ni Dad, twenty one na si Dad noong nakilala ka niya. I'm still young," anito

"Oo na, sige na at magbihis ka na bago magmiryenda. Where's Deign?" kunot-nuong tanong niya.

Tinuro ng anak ang pinto tapos ay pumunta ito sa kambal na kapatid at ginulo ang mga buhok at hinalikan sa ulo bago mabilis na umakyat.

Sakto naman bumukas ang pinto at pumasok ang anak niyang si Deign na nakasimangot habang madaming bitbit na paper bag.

"Ahh! Mom. I need help! Help!" histerikal na sabi nito kaya natatawang sinalubong niya ito at kinuha ang ilang bag.

"What happened? Ano ba iyan?" tanong niya.

Nakasimangot na nagtali ng buhok si Deign. Ang unica iha nila. She's thirteen teen years old.

Lumapit ito sa kaniya tapos ay hinalikan siya sa pisngi.

"Si Kuya Devon, nag-aya siyang magmall after class pumayag ako tapos ang dami niyang biniling books at kung ano-ano, akala mong gagawing library ang kwarto. Ini-libre naman niya ako pero pagdating sa labas kanina ako ang pinagbuhat niya lahat. Ahh! I hate him. Hindi gentle man," ingit ng anak kaya pinisil niya ang pisngi nito.

"Stop pouting babygirl. Sige na magbihis ka na at magmiryenda hayaan mo pagsasabihan ko si Kuya mo." Tumango si Deign.

Lumapit ito sa mga nakakabatang kapatid at hinalikan sa mga pisngi bago umakyat sa itaas.

She's happy and contented.

Sinong mag-aakalang makaka-apat pa siyang anak. Akala nga nila ay hindi na masusundan si Deign pero noong walong taon gulang na ito ay nabuntis siya ulit at kambal pa.

Speaking of pagbubuntis.

Nasaan na ba ang magaling na lalaki na bumubuntis sa kaniya?

Napabuntonghininga siya tapos ay nilapitan ang anak na abala sa naglalaro.

"Hey babies. Kumusta naman?" aniya na pumukaw sa atensyon ng mga anak.

"Mommy!" sabay sigaw ng dalawa at malambing na niyakap siya sa leeg hindi katulad ni Devon nuong bata pa.

Ang dalawa ay malambing.

Ilang minuto pa siyang nakipaglaro sa anak hanggang inutusan niya ang isang katulong na paliguan ang mga ito.

Habang nasa sala at nililigpit ang mga laruan na nakalat ay bumukas ang pinto kahit hindi siya lumingon ay alam niya amoy pa lang nito.

Napangiti siya nang may yumakap sa kaniya galing sa likod tapos ay naglalambing na hinalikan ang kaniyang balikat.

"Hey love. I'm home," bulong ng asawa tapos ay hinalikan ulit ang balikat niya animong naglalambing.

Humarap siya sa kay Demitri na naka-formal attire galing sa opisina. Ipinalupot niya ang mga braso sa beywang nito habang nakatingala sa gwapong mukha ni Demitri.

"Hey. Kumusta naman ang asawa ko, pagod ka?" malambing na tanong niya at dinampian ng halik ang asawa sa labi.

Ramdam niyang nangingiti ang asawa habang hinahalikan niya. Nang ilayo niya ang labi ay mas lumawak ang ngisi ng lalaki.

"Aw, namiss ako ng misis ko," ani Demitri na ikinatawa niya.

Masuyong sinuklay ni Demitri ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.

Parang may humaplos sa puso niya sa mga simpleng galaw ng asawa. Simula noon hanggang ngayon, nagpakasal ulit sila nang tuluyan gumaling si Devon at makabalik siya sa Pilipinas. Ang galing nga ng hinayupak na ito, kino-comfort daw siya pero ang totoo ay inaakit na siya.

Si Selena naman ay tumira na sa America. Mabuti na lang talaga at hindi na nanggulo ang babaeng iyon. Mukhang nakaramdam naman.

Aminin man niya o hindi ay masakit din ang pakikipaghiwalay niya sa lalaki dati, mahirap na desisyon iyon ngunit noong panahon na iyon ay sarili muna niya ang inisip siya.

Tinanggap niya ang alok ni Mr. Venturi na mana, wala naman ng magagawa ang paninisi sa mga taon na tapos na, inisip na lang niya na magagamit niya ang pera sa paninimula nila ng anak niya.

"Nasaan ang mga bata?" tanong ng asawa habang nasa gano'n posisyon pa rin sila.

"Nasa itaas nagbibihis tapos 'yong kambal naliligo, buong araw kasi naglaro," paliwanag niya.

Inihilig niya ang ulo sa dibdib ng asawa. Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa buhok.

"I will call Mom, sabihin ko roon muna ang mga bata kahit isang linggo," ani ng asawa kunot-nuong nag-angat siya ng tingin dito.

"Ha? Bakit?"

Ngumisi ang asawa.

"My Nephew called me, remember Reagan? Iyong may-ari ng maliit na isla sa Palawan. He offered me a one week vacation to his island." Kumindat pa ang asawa.

Kilala niya ang pamangkin ng asawa. Ilang beses na niya iyon nakita. Napaawang ang labi niya, unti-unting  nanuyo ang lalamunan sa naisip pero ayaw muna niyang umasa, mahirap na.

Isang linggo sila roon? Madaming pwedeng mangyari.

"Anong gagawin natin doon?" tanong niya.

Masuyong hinaplos ni Demitri ang pisngi siya.

"We will make another baby," seryosong sabi nito dahilan ng pagsinghap siya.

Natawa ang asawa nang makita ang panlalaki ng kaniyang mata. "Why? Come on love, limang taon na sina Dexter at Denver," anito na natatawa.

"Umayos ka, Demitri! Ang hirap ng—" banta niya sa asawa pero tumawa lang ito tapos inilabas ang phone kaya hindi na niya natapos ang sasabihin.

"Hello Mom? — Diyan muna ang mga anak ko—No of course, everything is fine. May gagawin lang kami ng asawa ko—Haha, yes Mom. Okay thanks."

Pagkapatay ng tawag ay ngumisi ito sa kaniya.

"Ready yourself Love."  Kumindat pa ito, naramdaman niya ang kamay na hinimas ang kaniyang balakang.

Kahit kailan talaga.

Napailing na lang siya bago yakapin ang asawa sa beywang.

Kung mayroon man siyang hindi pinagsisisihan ay iyon ang magpatawad, dahil alam niyang kung hindi, hindi siya masaya ngayon.

"I love you, Demitri."

"Damn good, because I love you so damn much too."

A smile appears to her lips.

Sabi nga nila, your life is like a play with several acts. Some of the characters who enter have short roles to play, others, much larger. Some are villains and others are good guys. But all of them are necessary, otherwise they wouldn't be in the play. Embrace them all, and move on to the next act.

There's one thing she is sure.

Demitri's love for her prevails his wrath.



༺❀༻

• THE END •

"Thank you for reading Wrath, the first story of the Seven Deadly Sins series."

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

S a v i o r K i t t y

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store