ZingTruyen.Store

Race 3 One Hot Night Cassidy Forbes

CHAPTER THREE

"AKALA ko ba dalaga ka na? Bakit umiiyak ka pa?" Natatawang tanong sa kanya ng mommy Elisse niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya. Ang daddy niya naman ay inaayos-ayos ang buhok niya na nagulo na kakaiyak niya. "We will visit you there, hindi ka naman dapat malungkot dahil kasama mo naman ang mga kaibigan mo do'n, anak. Oo at magiging malayo kami sayo ng daddy mo pero pipilitin namin na iparamdam sayo na nasa malapit lang kami para hindi ka na malungkot diyan."

"Tama ang mommy mo, Stella. Hindi naman kami mawawala sayo, lagi lang kaming nasa tabi mo iyon ang isipin mo." Hinalikan ng daddy niya ang noo niya. "I will ask Cassidy to look after you tutal naman hindi niyo kasama ang kapatid niya kaya ikaw muna ang baby sister niya."

"Dad naman, ayokong maging kapatid si Cassidy I want more than that."

"Aba ang anak ko may nalalaman ng 'I want more than that' don't tell me may gusto ka sa kinakapatid mo?"

"Crush ko lang naman si Cassidy, mom." Mahinang wika niya sa ina. "Its a secret between the three of us, hindi niya dapat malaman na crush ko siya kasi baka lalo niya akong layuan." Mataman lang na nakatingin sa kanya ang ama na nginitian niya lang ng matamis. "Huwag kang mag-alala dad hindi po ako magboboyfriend do'n kahit pa madaming gwapo sa pupuntahan namin. Tutuparin ko po ang promise ko na dapat maging ganap na doctor muna ako kagaya mo bago ko unahin ang love life ko."

"Anak, hindi naman kita pinagbabawalan na mag boyfriend na. I am just reminding you that you should know your limits. Masyadong aggressive ang kabataan ngayon ayoko lang na matulad ka sa kanila. I trust you Stella, study hard." Her dad patted the top of her head and snake his arm in her mother's waist.

"Hindi ko po sisirain ang tiwala na ibinigay mo dad." Yumakap siya sa mga ito at nagpaalam na.

Papasok na sila sa eroplano ng tapikin siya ni Saleen sa braso. Binalingan niya ito, nakasuot ito ng malaking sunglasses. Kapag nasa public place sila ay ayaw niya ditong lumapit ng sobra dahil mabilis itong ma-recognize ng mga tao kaya madaming lumalapit.

"Why?"

"Sino katabi mo?"

"I don't know."

"Katabi ko si Aeon." Sumimangot pa ito. "Hindi ba pwedeng si Von Ether na lang ang katabi ko?"

Nilibot niya ang tingin hanggang sa makita niyang prente ng nakaupo at magkatabi ang magkapatid na sina Ether at Lexus. Sa kabilang side naman ay dalawang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa paligid, sa dulo ang mga ito nakapwesto kung saan kitang-kita ng mga ito ang bawat galaw ng sinomang taong pasahero doon.

"Don't tell me na love at first sight ka sa mga pinsan ko?" Maarteng tanong ni Saleen na nakatingin din sa kung saan siya nakatingin. "Si Corvette at Mazda iyan. Na-meet mo na sila di ba? Nung 18th birthday ni Charlton?"

Napakurap-kurap siya at muling tinitigan ang dalawang lalaki. "Ah yes, I can still remember them pero bakit hindi nila kasama 'yung isa nilang kapatid?"

"Si McLaren? Hindi sumama eh, pasaway kasi iyon at isa pa ayaw din yata ni Tita Valerie na sumama ang bunso niya."

"Oh I see." Napatango-tango na lang siya at hinanap na kung saan ang upuan niya. Si Saleen ay tumabi na kay Aeon na tahimik lang. Magkakasunod lang ang upuan nila. "Wala akong katabi?" Tanong niya sa sarili ng makita na ang upuan niya. Ilalagay niya na ang luggage niya sa itaas ng inuupuan niya ng may umagaw no'n sa kanya. "Hmn?" Nilingon niya si Cassidy.

"Ako na, mas mabigat pa sa iyo itong luggage mo." Walang kahirap-hirap na naipatong nito ang mga kagamitan niya at bumaling sa kanya. "Sa dinami-dami ng pwede kong makatabi bakit ikaw pa?"

Doon lang niya napagtanto na magkasama ang gamit nila ng binata. Imbes na mainis siya sa sinabi nito ay natuwa na lang siya. Sino ba ang mag-aakala na makakatabi niya pa si Cassidy sa mahabang byahe nila?

Ngumiti siya ng matamis dito. "Ayaw mo ba no'n? Hindi ka mabobored sa byahe dahil kasama mo ako at hindi ka din mapapanisan ng laway." Napangiwi ito sa huling sinabi niya.

"Do I have any choice?"

"Wala na." Idinipa niya pa ang mga palad niya. "Excuse me, baby." Bahagya naman itong gumilid upang makadaan siya at makaupo na.

Ilang oras na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa habang bumabyahe kaya binasag niya na ang nakakabinging katahimikan na iyon. Ngayon pa lang ay namimiss niya na ang magulang niya, she needs to divert that feelings of being alone kaya kinausap niya na lang si Cassidy.

"Baby," Kinalabit niya pa ito.

"Stop that, Stella Venisse. I don't want to talk to you."

"Hindi pwede! We need to talk."

"Then talk."

"Okey," Umayos siya ng upo at luminga sa mga kasamahan nila sa eroplanong iyon. Tahimik lang naman ang lahat, mukhang siya nga lang ang nagsasalita. "Hindi mo ba sila namimiss?"

"Who?"

"Your family."

"No, not yet."

"Buti ka pa. Namimiss ko na kasi agad sila mommy at daddy, ngayon lang ako malalayo sa kanila, eh. Independent talaga kayong mga lalaki 'no?"

"Because we need to."

"Siguro kung may kapatid akong lalaki baka hindi ko na kailangan pang mag pursige sa pag-aaral para lang pumalit sa posisyon ni daddy. Masuwerte si Liberty kasi may Kuya Ryxer siya na susunod sa yapak ng daddy nila. Masuwerte si Charlton dahil may kapatid siyang kagaya mo na magpapatakbo ng negosyo ng magulang niyo samantalang ako... Mag-isang anak lang kaya sa akin lahat."

"Yes they are lucky because they have us pero masuwerte ka din naman kahit wala kang kapatid na lalaki."

"Paano mong nasabi iyan? Mahirap kaya magpatakbo ng negosyo lalo at babae pa ako."

"Then its time for you to prove na kahit babae ka ay may ibubuga ka pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Patunayan mo na kahit wala kang kapatid na lalaki, makakaya mong sumunod sa yapak ng daddy mo. Kapag nagawa mo iyon siguradong magiging proud na proud sa iyo ang magulang mo."

Napangiti siya ng maisip na nakikipag-usap sa kanya si Cassidy.

"Pagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko at tutuparin ko ang promise ko sa kanila na hindi muna ako magboboyfriend." Sinulyapan siya nito iiling-iling na ibinalik ang tingin sa harap nito. "Ikaw ba, ano ang promise mo sa parents mo bago ka umalis sa inyo?"

"I don't need to say any promises to them. You know, promises are made to be broken."

"Hindi ha! Hindi ko sisirain ang promise ko kila mommy." Ngumuso siya, para kasing wala itong tiwala sa kanya na kaya niyang tuparin ang promise niyang iyon sa magulang. "I don't want to disappoint them, hanggat kaya ko mabuhay ng walang lalaki sa tabi ko ay gagawin ko basta matupad ko lang ang pangako ko sa kanila."

"Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin, Stella Venisse. Malayo tayo sa magulang natin kaya magiging malaya tayo sa lahat ng iba't-ibang klaseng tukso sa paligid lalo at ang bansang pupuntahan natin ay normal ang pagiging liberated."

"Then lalayo ako sa tukso na sinasabi mo." Hindi naman siya sobrang tanga para hindi malaman kung anong klaseng tukso ang nais nitong iparating.

"Kahit gaano mo pa kayang kontrolin ang sarili mo upang huwag makagawa ng pagkakamali, magagawa mo pa din iyon dahil mas mangingibabaw ang kagustuhan mo at curiosity mo sa mga bagay-bagay."

"Cassidy—"

"Stay away from me, Stella Venisse." Kung may anong sumikdo sa puso niya sa sinabi nito. Bakit? Ano ba ang nagawa niya para palayuin siya nito sa buhay nito? "That's the only thing I can advice right now. I am not attracted to you but you're a woman, hindi lahat ng oras nasa wisyo ako para mag control lalo na kapag dumidikit ka sa akin at dumadampi ang balat mo sa akin. I don't like the feeling of you near me, it's quite frustrating."






BUONG maghapon siyang nagkulong sa loob ng condo unit niya. Ilang buwan ng nagsimula ang klase nila. Nasa iisang University lang sila pumapasok, si Saleen ang madalas niyang kasama dahil sila lang ang magkatugma ang schedule. Sa iisang condominium din sila nakatira, iba't-ibang unit at iba't-ibang floor.

How about boy hunting, tonight?

Binasa niya ang text message na iyon from Saleen. Katext niya ito kahit nasa kabilang unit lang naman ito.

Kung makapag-aya ka akala mo naman kaya mong pagtaksilan si Ether. She replied.

Goodness! I can't do that to my future husband! Mag bar na lang tayo pero dapat sa ibang bar tayo magpunta para hindi nila tayo makita.

Sure, bored na bored na din ako. Namimiss ko na sila mommy pati ang baby ko. Tukoy niya kay Cassidy.

Hindi ka pa din pinapansin ni Cassidy?

Yes, simula ng dumating sila sa New York hindi na siya pinansin ng lalaking iyon pero minsan naman ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Kaya niya pa naman magmatigas na huwag kausapin si Cassidy, hindi lang siya sigurado kung hanggang kailan.

Nakapunta lang ng NYC nang snob na.

Loka-loka. Talk to you later. Nandito si Aeon.

Hindi na siya nagreply. May ilan oras pa naman siyang natitira bago sila umalis ni Saleen kaya nagbasa muna siya ng mga books niyang about medicines. Nakakatuwa ang mga kaibigan niyang magkakapatid, dahil talagang binabantayan ng mga kapatid na lalaki ang kapatid na babae. Siya lang nga ang walang bantay.

Si Cassidy naman ay walang binabantayan kaya sobrang laya nito. Madalas daw ay madaling araw ng umuuwi pero wala pa naman siyang nasagap na tsismis na may inuwi itong babae.

Pagkatapos niyang igayak ang sarili ay lumabas na siya ng unit niya. Sa lobby sila magkikita ni Saleen. She's wearing a black fitted dress na mababa ang neckline kaya naman lumitaw ang cleavege niya. Kung sa Pinas niya ito sinuot siguradong lilingunin siya ng kahit na sinong makakita sa kanya pero iba sa America though may napapatingin pa din naman sa kanya ngunit batid niyang normal lang ang suot niyang iyon sa paningin ng mga ito.

Kukunin niya na sana ang iPhone sa dalang black purse upang tawagan si Saleen ng biglang bumukas ang elevator at iluwa no'n ang kaibigan. Kung daring ang suot niya di hamak naman na mas daring ang suot ni Saleen. Dark red na dress ang suot nito na sobrang iksi pero hindi naman masyado mababa ang neckline ngunit ng tumalikod ito ay talagang napasinghap siya.

"Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" Tanong niya ng makalapit ito sa kanya. Bukas na bukas kasi ang likod nito hanggang balakang. "Baka pagalitan ka ni Aeon? Alam mo naman 'yung kambal mo masyadong conservative."

"Don't mind him, hindi naman tayo magpapakita sa kanila na ganito ang suot natin."

Sumakay sila sa itim na sasakyan na pumarada sa tapat nila. Personal Driver nila iyon, ito din ang naghahatid sa kanila ni Saleen sa University kapag may pasok sila. Isa ito sa mga loyal na trabahador ng pamilya ni Saleen kaya ito ang napili ng daddy ng kaibigan niya na ipadala sa NYC para maging driver ni Saleen lang sana kaya lang lagi naman silang magkasama kaya naging driver na din niya.

"Senorita, suotin niyo po itong coat." Inabot ni Mang Roman ang brown na coat kay Saleen. Nakaupo sila sa backseat.

"No, I don't like to wear that."

"Sige na po senorita kahit ngayon lang, kapag umandar na po kasi tayo gagana na din ang camera na nakakabit dito sa sasakyan. Makikita po ni Boss Matthew ang suot niyo." Mabilis pa sa alas kwatro na isinuot ni Saleen ang coat. "Isuot niyo din po ito Miss Stella Venisse." May inabot din itong coat, kulay itim this time.

"Huh? Bat nadamay ako sa coat coat na iyan?"

"Ipinapasa po kasi sa magulang niyo and mga kuha ng camera dito sa sasakyan. Hindi po nila magugustuhan ang suot niyo kapag nakita nila kayo."

"Sino ba kasi ang nagpauso ng camera na 'yan?" Inis na sabi niya at isinuot ang coat.

"Kami."

Sabay silang napatunganga ni Saleen sa lalaking bigla na lang pumasok sa sasakyan nila, nasa passenger seat ito.

"Mazda!"

"Mazda?"

"Yes, the one and only. Mazda Lane at your service. Manong Roman, let's go baka mahuli pa sa lakad ang dalawang Prinsesa sa likod." Sinulyapan sila ni Mazda mula sa rearview mirror ng maramdaman ang nanghuhusgang tingin nila dito. "Don't look at me that way, you two. Hindi ko papakialaman ang gusto niyo sa buhay kung 'yan ang nasa isip niyo."

"At bakit ka sumama?" She asks.

"Para bantayan kayo."

"Wala naman kaming gagawing masama."

"Kayo wala, eh, paano naman 'yung mga nasa paligid niyo? Kaya niyo bang ipagtanggol ang mga sarili niyo kapag may nangbastos sa inyo do'n?"

"Walang mangbabastos sa amin!"

"The way you dress, I doubt it." He said sarcastically.

Si Saleen naman ay tahimik lang, nagpapanggap na mabait lalo at nalaman na may camera pala sa sasakyan.

"Wala ka ng pakialam do'n! Malaya kaming gawin ang gusto namin as long as hindi kami lumalabag sa batas pangtao at isa pa hindi namin kailangan ng bodyguard na kagaya—"

"Oh, woman shut your mouth. Naririnig ka ng daddy mo." May itinuro ito sa gitnang bahagi ng rearview mirror na maliit na bagay na umiilaw-ilaw ng kulay pula. "There, they can hear you and they can see you, so watch your words."

"May mga lalaki pala talagang nakakainis kahit gwapo, ano?" Wala sa sariling tanong niya kay Saleen.

"Mabait naman iyang si Mazda—"

"That's my cousin." Proud na sabi ng lalaki. "Ilalakad kita kay Ether dahil diyan."

"Talaga?" Kumislap ang mata ng babaeng katabi niya. "Sige, sabi mo 'yan ha. Kapag hindi mo ginawa iyan malalagot ka talaga sa'kin, Mazda."

"Of course I'll do that." Bumaling sa kanya si Mazda. "Ikaw babae..." Pinaningkitan niya ito ng mata. "Hindi uubra sa akin 'yang mga ganyang tingin mo so stop that. Itatanong ko lang naman kung magpapatulong ka din sa akin na ilakad kita kay Cassidy, hindi ka niya pinapansin, di ba?" He's grinning at her.

Tumingin muna siya sa camera pero wala ng ilaw iyon. Di siya sigurado pero parang na-off bigla ang camera. "Saan mo naman nakuha ang tsismis na 'yan?"

"I won't tell you, just answer me, do you want me to help you?"

"At ano naman ang maitutulong mo kung sakali?"

"Wala ka bang bilib sa akin?"

"Wala!" Mabilis na sagot niya.

"Woman!" Tumaas na ang boses nito.

Napatingin siya kay Saleen na pasimple nitong tapikin ang braso niya.

"Why?" She mouthed at her.

"Don't talk to him like that. Don't be rude to him." Saleen mouthed back.

"Okey." Tumikhim siya at muling binalingan si Mazda. Nagbago agad ang aura nito. Dumilim na. "Mazda, I don't need your help."

"That's fine. I know one day you will ask for my help. Remember that."

"Never!" Nag smirk lang ito na para bang alam nito ang mga mangyayari sa hinaharap.

"Si Cassidy 'yun di ba?"

"Where?"

"May kasamang girl, papasok sa Hotel." Sinundan niya pa kung saan nakaturo ang daliri ni Saleen. "Anong gagawin nila do'n?"

Hindi niya alam kung nagtatanga-tangahan lang si Saleen o wala ba talaga itong alam. Iba kasi ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Nagbago na din ang timpla ng mood niya. Nasasaktan siya makita na may kasamang babae si Cassidy. Ito na ba 'yung sinasabi ng binata na 'Tukso' sa paligid nila? Kung ganon, hindi nalabanan ni Cassidy ang tukso sa mga babae.

"Kaya pala gusto niyang lumayo ako sa kanya kasi may girlfriend na siya." She said and smile bitterly. "Bakit ganyan kayong mga lalaki?"

"That's our nature." Mazda answered.

"Likas na sa inyo ang manakit ng babae?"

"No, that's not what I mean. Likas lang sa amin ang mambabae lalo at magandang lalaki kami." Ang yabang ng isang 'to!

"Manhid kasi ang mga lalaki, eh."

"We are not. Sadyang sensitive lang kayong mga babae. Lagi mong tatandaan na dapat kayang manduhan ng isip mo ang puso mo para less 'yung sakit na mararamdaman mo oras na saktan ka ng mahal mo."

"I don't love him!"

"Did I say that you love my cousin?"

Mazda and Cassidy are blood related. Mag pinsang buo kasi ang daddy ng mga ito.

"No," Bulong niya sa hangin.

Alam niyang crush niya lang talaga si Cassidy pero bakit may parte ng puso niya na nasasaktan siya? Normal ba iyon?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store