ZingTruyen.Store

Race 3 One Hot Night Cassidy Forbes

CHAPTER THIRTEEN

"LILIPAT na po ba tayo sa house niyo mommy?" Maang na tanong ni Madeleine habang tinutulungan siya nitong maglagay ng mga damit nila sa maleta o kung tulong ba talaga ang ginagawa ng anak niya dahil panay salaksak lang nito ng mga damit na mahawakan nito.

"No baby, hindi pa tayo pupunta sa house nila grandmommy. Lilipat lang tayo ng ibang house."

"Hmm..." Madeleine purse her lips. "Bakit tayo lilipat ng house mommy? Ayaw mo na ba dito?"

Umakyat ito sa ibabaw ng kama at nagpasyang panoorin na lang siyang magligpit.

"Nalipat kasi si mommy ng ibang Clinic anak kaya kailangan natin lumipat ng house 'yung mas malapit sa bago kong Clinic."

Sinadya niyang maghanap ng bagong Clinic or Hospital na mapapasukan niya dahil na din nasabihan na siya ni Mazda na patuloy lang sa paghahanap sa kanila si Cassidy sa halagang isang bilyon. Hindi niya alam kung saan at paano nalaman iyon ni Mazda. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makapagtago sila ni Madeleine.

Wala siyang idea kung bakit kailangan pa siyang hanapin ni Cassidy... Siya ba talaga ang hinahanap? O si Madeleine? Its confusing.

"Are we going to ride on a plane?" Inabot nito ang bag niya at may kinalkal do'n. Inalabas nito ang passport nilang dalawa. "Are we going to fyay mommy?"

"Yes baby. Are you ready to fly?"

"Opo! Opo!" At nagtatatalon na naman ito sa kama nila. "I will going to touch the clouds mommy." Umakto pa itong tila inaabot ang langit na ikinatawa niya lang.

"You can't touch clouds Madeleine but you can see them."

"But why? Why can't I touch clouds?" Ito na naman po sila, tanungan portion na naman.

"Because clouds can't touch. You can only see them. Parang hangin lang din sila anak, ang pinagkaiba lang nila ang hangin mararamdaman mo pero hindi mo makikita. Ang clouds naman makikita mo pero hindi mo mararamdaman."

"Like ghost?"

"Exactly."

"Like a stayrs in the night?"

"Yes honey, like a stars."

"I can see stayrs but I can't touch them. May hands were too small to r-reach them." Ibinalik nito ang passport sa shoulder bag niya at nahiga naman sa kama. Nakatingin lang ito sa kisame, nakadipa ang mga braso. Alam niya kapag ganito na ang anak.

"Are you sleepy?"

"A little."

"You can take a nap baby." Nakita niya ang paghikab nito at ang pagpikit-pikit ng mata kaya napilitan siyang ihinto ang ginagawa at tinabihan si Madeleine. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito para makatulog na ito ng tuluyan.

Mamayang gabi pa naman ang flight nila papunta sa bansa na lilipatan nila. Yes, kailangan nilang umalis ng Amerika bago pa sila matunton ng lalaking hindi niya na ninais pang makita at sana nga ay huwag na mangyari iyon pero alam niyang sobrang imposible ng gusto niya. Maya-maya lang ay tumunog ang ringtone ng Skype apps niya. Lumabas muna siya ng kwarto bago iyon sinagot.

"Mom?" Nakita niya ang pagngiti ng ina sa screen ng iPhone niya. "Late na ha. Napatawag po kayo?"

"Ang daddy mo kasi lagi akong kinukulit. Gusto na daw niyang makita ang baby girl niya. Kailan ka ba uuwi anak? Gusto na din kitang makasama."

"Mom, I already told you my reasons kung bakit hindi pa ako makauwi-uwi dyan. Isang taon pa bago ko matapos 'yung kontrata na pinirmahan ko. Don't worry malapit na naman iyon, magkakasama na po ulit tayo nila dad." Sumulyap siya sa pinto ng silid nila bago muling itinuon ang atensyon sa screen. "Na-assign din ako sa Canada mom, actually mamaya na ang flight namin—I mean ko."

"Siguro naman pwede ka na namin mabisita ng daddy mo?"

"Huwag na mom, magpahinga na lang kayo ni dad. Ako na lang po ang uuwi diyan kapag—kapag pwede na po." Ang hirap talaga magsinungaling lalo at sa magulang mo pa pero wala siyang choice. Hindi niya pa kayang magtapat sa parents niya.

"Hindi mo naman kailangan pagurin ang sarili mo sa pagtatrabaho diyan anak. Kung dito ka sa Hospitals natin magtatrabaho mas magiging madali para sayo. Ikaw pa ang boss." Ngumiti lang siya sa ina. Oo siya talaga ang boss kapag napagpasyahan niyang umuwi na sa Pinas at pumalit sa pwesto ng daddy niya.

"Soon mom, ako na po ang papalit kay daddy para makapagpahinga na din siya."

"Tumatanda na kami ng daddy mo kailangan na namin ng apo. Kailan mo kami balak bigyan Stella Venisse?" Hay. Kung alam lang ng mga ito na tatlong taon na ang apo ng mga ito.

"Malay mo mom, pag-uwi ko diyan may dala na akong apo niyo." Biro niya na totoo. Pwede pala talaga iyon ano? Nagbibiro ka pero totoo pala?

"I would love that. Gusto kong makakita ng mga batang tumatakbo sa malawak na hardin natin."

"Okey mom. Aayusin ko lang po muna 'yung ibang gamit ko. Tatawag na lang po ako kapag nasa Canada na ako." Matapos magpaalam sa isa't-isa ay bumalik na siya sa silid nila. Nadatnan niya ang anak na gising na, nakaupo ito sa ibabaw ng bed at nakatingin lang sa kanya. "Baby, gising ka na agad?"

"Did you talk to my grandmommy?" Instead she ask that question.

"A-ah, yes baby." Pilit siyang ngumiti. Alam niyang nagtatampo na naman ito.

"Did you tell her about me?"

"N-no, not yet."

"Okey po." Matamlay na bulong nito at muling humiga.

"Anak, ipapakilala naman kita sa kanila pero—"

"Its okey mom. Whatever your reason I will try to understand na lang." Malalim na lang siyang napabuntong hininga at hindi na nagsalita pa.

Naiinis siya sa sarili niya dahil bakit pinili niyang hindi ipakilala si Madeleine sa magulang niya. Ngayon pa ba siya matatakot na magsabi ng totoo?

"WELCOME to Red Scorpion Club, Ladies & Gentlemen! Enjoy the night!" Dumagundong ang boses na iyon ng Host sa buong paligid ng naturang Club na kinaroroonan niya bago pinalitan ng nakakabinging tugtog at nagsasayaw na iba't-ibang kulay ng ilaw.

Pinapunta kasi siya ni McLaren sa lugar na iyon dahil may balita na daw sa ipinapahanap niya. Kaya kahit madami siyang ginagawa sa opisina ay nagpunta pa din siya.

"Hi there handsome." A flirty voice from his back said while her hands caressing his shoulder. "Hindi ko akalain na mas gwapo sa personal ang isang Cassidy Forbes."

Kinuha niya ang kamay ng babae at inilayo sa katawan niya. "Thanks for that compliment but I am not interested."

"At suplado din pala. Wow, interesting."

"Woman, if you don't mind, you can leave—"

"Lahi talaga tayo ng lapitin ng mga babae." Napatingin siya sa gawing kanan niya ng magsalita ang hinihintay niya. McLaren.

Bumaling ito sa babae sa likod niya. "Hi sexy." Tapos kumindat na ikinailing niya lang. "Later okay? Abangan mo siya sa labas. Sa kanya 'yung black top down na nakaparada sa parking lot."

"The hell!" He frowned. Talagang sinabi pa ang dala niyang sasakyan.

"Sure. See you later." Tinapik siya ng babae sa balikat bago umalis sa likod niya.

"Hindi iyan ang pinunta ko dito McLaren."

"I know." Inilibot nito ang tingin sa buong paligid. "Sumunod ka sa'kin Kuya C." Tinignan niya lang ito. Nagtatanong ang mata niya. "Hindi tayo makakapag-usap ng maayos kung ganito kaingay ang paligid at..." Bahagya nitong inilapit ang bibig sa tenga niya dahil umingay ng umingay ang paligid. "... At baka pagkaguluhan ang kagwapuhan natin ng mga chickababes dito. Hurry!"

Sumunod na lang siya sa pinsan niya. Ayaw niya din na may lumapit na naman sa kanyang babae. Wala siya sa mood.

"What now?" Prente lang siyang nakaupo sa mahabang sofa sa isa sa mga VIP room ng Club na pag-aari ng Lane's Brothers.

"Chillax. Wait for me here." Wala na siyang nagawa ng lumabas ulit si McLaren.

Nilibang niya na lang muna ang sarili sa pag-inom ng alak. Hindi niya din pinapansin ang banda na tumutugtog sa stage kahit pa sexy at maganda ang babaeng vocalist. Glass kasi ang wall ng isa sa apat na bahagi ng VIP room pero batid niyang tinted iyon kaya hindi sila makikita mula sa labas.

Hindi naman nagtagal si McLaren at bumalik din. May dala itong envelope na inilapag sa center table. Nakatingin lang siya sa bagay na iyon hanggang sa kunin ulit iyon ng pinsan niya.

"Walang mangyayari kung tititigan mo lang ang envelope na 'to." Tinanggal nito ang pagkakasealed niyon. "I'll show you what's inside. Prepare yourself Kuya C."

"Why should I?"

Ano bang balita ang matatanggap niya ngayong gabi? Babaguhin ba ng balitang iyon ang buhay niya? He smirk.

"Give it to me." Agad naman nitong ibinigay ang envelope.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ang laman niyon kahit pa biglang may dumaan na kaba sa dibdib niya ng lumapat sa palad niya ang bagay na iyon.

Sa loob ng envelope ay may dalawang maliit na envelope pang nakasealed na sa tingin niya ay mga litrato ang laman. Para bang kailangan niyang pumili sa dalawa kung ano ang uunahin niyang buksan at kung ano ang una niyang malalaman na nagkakahalaga lang naman ng isang bilyon. Dahan-dahan niyang tinanggal ang sealed at kinuha ang laman niyon.

Natunaw ng paunti-unti ang pader na nakaharang sa dibdib niya ng makita ang mga larawan ni Madeleine sa iba't-ibang anggulo at mas malinaw na ngayon sa mata niya na wala sa Pilipinas ang bata ayon na din sa background ng mga litratong kuha dito.

"She looks like an angel, isn't she?" Wala sa sariling tanong niya kay McLaren. Hindi napapansin na napapangiti na pala siya.

"Yes she is."

Inisa-isa niya talagang tignan ang mga larawan bago ibinalik ang atensyon sa kausap na prenteng nag-iinom ng alak.

"Did you check her family background?"

"Yes."

"Where's the information? Where can I see her?"

"Are you freaking serious Kuya C?" Napapantastikuhan na tanong ni McLaren. "Well, hindi ka magsasayang ng isang bilyon kung hindi."

"I want to see her personally. I want to meet her."

"Why?"

"I just feel like seeing her and its quite frustrating you know. Gusto mong makita ang isang bata na hindi mo naman talaga kilala. This is crazy."

"And the second envelope will surely makes you insane." Tukoy nito sa isa pang envelope na hindi pa nabubuksan at kung ano man ang laman niyon na mas lalong magpapabaliw daw sa kanya ay hindi niya din alam. "But before that, I'll let you hear that kid voice."

"What? Her voice? Really?" He felt like he is longing to hear Madeleine's voice. Ano ba itong nangyayari sa kanya.

"Yes, her voice."

"Where is it?" Inilahad niya ang isang kamay.

"Here." May dinukot ito sa bulsa ng sira-sirang faded jeans nito at inilabas ang cellphone. "Actually, video talaga 'to the problem is I don't want to be spoiler so I converted it through mp3."

"Whatever."

"Kaya hindi mo maririnig ang boses ng sinoman na kausap niya."

"Can you play the video or your so called mp3, please?" Naiinip na sabi niya dahil gusto niya na talaga marinig ang boses ni Madeleine.

"Okay." May pinindot lang ito sa cellphone nito bago iyon inilapag sa lamesa.

"Mommy, milk... Milk." His lips suddenly form a smile as he heard that cute voice. Damn! He's smiling! "Mommy can you sing the Twinkeyy Twinkeyy Yiteyy Stayrs?"

"Twinkle twinkle little star?" He asked McLaren who just nods as an answer.

"I can't pronounce correctly the letter L and R!" May bahid na inis na sa boses ng bata. Batid niyang edited na ang pinapakinggan niya dahil hindi niya naman naririnig ang boses ng kausap ni Madeleine.

"T-twin-kel—twinkle... Li-tel—little... Is-tar—Star. Is that correct mommy?"

Naghintay siya ng sagot ngunit wala naman kundi boses ulit ng bata ang narinig niya.

"Let's sing mommy." And again he is waiting to hear the voice of the woman whom she called 'Mommy'.

Bigla siyang nagkaro'n ng interes na marinig din ang boses ng kausap ni Madeleine. Tahimik na umaasa siya na sana kahit isang salita lang ay may maligaw na boses ang ina ng bata. At dininig naman ng langit ang nais niya dahil...

"Okey baby, let's sing."

His heart stop beating for a moment as he heard that familiar voice.

At hindi pa do'n natapos ang pag-iiba ng pintig ng puso niya dahil narinig niyang muli ang boses na iyon ng sabayan nitong kumanta si Madeleine.

Twinkle, twinkle, little star,

How I wonder what you are!

Up above the world so high,

Like a diamond in the sky.

Napatingin siya kay McLaren dahil sigurado siya sa sarili niya na boses ni Stella Venisse ang naririnig niya.

When the blazing sun is gone,

When he nothing shines upon,

Then you show your little light,

Twinkle, twinkle, all the night.

"What's with that look Kuya C? Hindi naman sila sintunado. Ang cute nga eh."

Then the traveller in the dark

Thanks you for your tiny sparks;

He could not see which way to go,

If you did not twinkle so.

"Is not that. The voice of-of the woman whom she called 'Mommy', kaboses niya s-si Stella Venisse." And after so many years nabigkas niyang muli ang pangalan na iyon. "Its her voice." Sure siya do'n.

In the dark blue sky you keep,

And often through my curtains peep,

For you never shut your eye

Till the sun is in the sky.

"Madami namang magkakaboses pero..." Sinadya nitong putulin ang sasabihin nito at dumako ang mata sa isa pang envelope na hindi niya pa nabubuksan. "... Malay natin, baka boses nga iyon ni Miss Stella."

As your bright and tiny spark

Lights the traveller in the dark,

Though I know not what you are,

Twinkle, twinkle, little star.

"But that's impossible." Kinuha niya ang envelope. May kaba pa din sa dibdib niya na hindi pa nawawala simula ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. "What is this?"

"Another revelations."

He lifted his eyebrows. "Revelations?"

"Yeah."

Kunot-noong napatingin siya sa hawak na envelope. Walang pag-aalinlangan na unti-unti niyang tinanggal ang pagkakadikit ng bagay na iyon at inilabas ang laman niyon na mas nagpagulo sa takbo ng utak niya at tibok ng puso niya.

"What the—"

"Yes Kuya C, that's true. Believe it or not, totoo ang mga nakikita mo."

Muling ibinalik niya ang tingin sa mga larawan na naman sa harap niya pero this time hindi lang si Madeleine ang nakikita niya kundi ang mommy din nito...

Si Stella Venisse.

Magkasama ang dalawa sa mga litrato at halatang halata ang pagmamahal at kasiyahan sa mukha ng isa't-isa. And then he felt like missing her... Damn! He missed Stella Venisse!

"Madeleine is Stella's daughter??" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes, anak ni Miss Stella Venisse si Madeleine. What a coincidence?" Sarkastikong sabi nito.

"W-where is the father?" Kusa lang lumabas iyon sa bibig niya. "I mean, who is the father?"

"Do you really asking me that question? Come'on!"

"I'm asking you McLaren, answer me!"

Hindi sinasadyang tumaas ang boses niya dahil na din sa parang sumasakit ang ulo niya pababa sa dibdib niya sa hindi malaman na dahilan. Bakit? Bakit ganito 'yung nararamdaman niya? Bakit feeling niya apektado siya?

"Answer me!"

Nanatiling kalmado lang si McLaren pero may naglalarong kapilyuhan sa mata nito na para bang trip siyang pagtripan.

"I need an answer McLaren, tell me!" He seems like he's begging... Begging for an answer.

"Calm down."

"How can I?" Pigil ang boses na sambit niya.

Paano siya kakalma kung nararamdaman niyang siya ang ama ng bata? Dahil aminin niya man o hindi, malaki ang pagkakahawig nila ni Madeleine lalo pa at nalaman niyang anak iyon ni Stella Venisse.

"You looked tense." McLaren chuckled.

"I know you know the answer." Gusto niya ng kasiguraduhan! "Again, who is the father?"

Ilan segundo muna silang nagbatuhan ng tingin ni McLaren bago siya nito sinagot.

"You."

You

You

You

Hindi siya nakapagsalita agad. Ikinakalma niya ang sarili pati na din ang patuloy na pagbilis at paglakas ng pintig ng puso niya dahil sa mga natutuklasan niya.

"You are the father."

Sobrang linaw sa pandinig niya ang mga katagang iyon. Naghalohalo na ang emosyon niya. Damn! He doesn't know if he can still handle his emotions.

"Cassidy Forbes is the father of Madeleine. And yeah, may anak kayo ni Miss Stella Venisse at kung hindi pa din nagsisink-in sa utak mo ang mga sinasabi ko, uulitin ko ulit, anak mo si Madeleine kay Miss Stella. If you still doubting, may DNA Test kaming ginawa, tignan mo na lang."

Tumayo na ito pero siya nakaupo pa din at nakatitig lang sa mga larawan ng mag-ina niya... Mag-ina ko?

"Congrats Kuya C and good luck." Akmang maglalakad na palabas si McLaren ng magsalita siya. Sa wakas, nakuha niya ng magsalita.

"Send me their complete address. Complete."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store