My Naughty Boastful Boss Freezell 2 Published Under Psicom
AVREIN"YOUR lips, Clei. Your lips taste like hers . . . my secretary's lips." Walang sabi-sabing itinulak ko siya palayo sa akin at mabilis akong bumalik sa table namin ni Fria.Narinig ko pang tinatawag niya ako ngunit hindi ko siya nililingon. Natatakot ako na baka makita niya ang reaksyon ko. Alam kong mukha ako ngayong binuhusan ng balde ng malamig na tubig."What happened?" maagap na tanong ni Fria sa akin nang kuhanin ko ang bag ko."I need to go, Fria," tanging anas ko, saka mabilis na lumakad palabas ng bar na iyon. Ramdam ko pa ang habol tingin na ginawa ni Fria sa akin.Pasakay na sana ako ng sasakyan ko nang may humigit sa braso ko. Malaki talaga ang pasalamat ko at hindi ang sasakyan ni Avrein ang dinala ko kung hindi ay baka nakilala na ito ni Vience. Mas nakakatakot dahil mas lalong hindi ko na alam ang idadahilan ko."Where are you going?""Far away from you," sagot ko, saka ko tangkang hinigit ang braso ko ngunit nabigo ako. Mahigpit ang hawak niya rito ngunit sa hindi masakit na paraan."Ano bang problema?" tanong nito."You're really asking me?" sarkastiko kong saad habang pinipilit kong patigasin ang dating ko. "Ikaw kaya ang ikumpara sa labi ng iba? Paano kung ako ang nagsabi na kalasa ng labi mo ang lasa ng labi ng driver ko, matutuwa ka ba?" kunwaring galit na anas ko, saka ko na tuluyang binawi ang braso ko. Nagpapasalamat ako at naging mabilis ang utak ko sa pag-iisip ng epektibong palusot."Sorry.""Sorry? Saka mo na sabihin 'yan 'pag sincere ka na talaga." Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at akmang sasakay na ako nang ako mismo ang tumigil. "And next time pala, kung hahalikan mo man ako, siguraduhin mong hindi mo ihahambing sa iba ang mga labi ko dahil nag-iisa lang ito. Iyon ay kung may next time pa," muling turan ko bago tuluyan na akong sumakay ng sasakyan at iniwan siyang lito sa mga sinabi ko.NARITO na ako ngayon sa opisina at kasalukuyan kon ikino-compile lahat ng files na dapat pirmahan ni Sir Vience. I need to be efficient dahil sa pagliban ko kahapon.Hindi ko namalayan ang oras at pagtingin ko sa orasan ko sa loob ng opisina ay nakita kong mag-aala una na. Ipinagtaka ko lang na hindi nagkakaingay sa opisina? Iyong tipong walang tao?Hindi ko na lamang iyon pinansin at nilabas ko na ang baon kong pagkain mula sa bag ko at sinimulan ko na itong kainin.Natapos akong kumain saktong ala una at wala pa rin akong naririnig na nagkakaingay kaya't napagdesisyonan ko na lumabas at tingnan ang paligid.Paglabas ko ay nagtuloy ako sa third floor kung saan marami dapat tao dahil nandoon ang mga field workers.Napabunot ako sa cellphone ko nang wala man lang akong naabutang tao. Mabilis kong kinontak ang numero ni Fria."Hello?""Fria, nasaan ka?""Sa baha. Bakit?" Nangunot ang noo ko sa tinuran nito."H–hindi ka pumasok?" Hindi ko maiwasan ang unti-unting kabahan dahil tila may mali."Gaga! Wala kayang pasok dahil may malakas na bagyo ngayon!""Pero—""Don't tell me nasa office ka?""N–nandito nga ako," utal na sagot ko sa kaniya."May dala ka bang sasakyan—""W–wala!""Avrein, I knew you. Huwag magpa-panic, okay? Ang alam ko pupunta riyan sina Delia at Nina nang bandang alas tres dahil may kukuhanin sila at dahil kalapit lang naman ng apartment nila ang office. Sumabay ka na lang sa kanila at doon ka na muna.""Fria, alam mong galit sa akin ang dalawang—""Wala tayong choice, Avy. Pagdating kasi ng alas dos binawalan na ang mga public vehicles sa pagbiyahe dahil baka abutan ng bagyo sa daan. Gusto mo bang sunduin kita—""No, Fria! Baka kung mapano ka pa," anas ko, saka ko mabilis na pinatay ang telepono dahil siguradong mangungulit siya.Bakit ba kasi hindi ko hilig ang manood ng balita? Pambihira!Naupo na muna ako sa isa sa mga upuan dito sa floor ng field workers at hinintay sina Delia at Nina dahil sigurado akong dito ang tungo nila since dito sila naka-assign.Ilang oras din akong naghintay at nagpatay ng oras bago ako makarinig ng mga boses at tawanan na papalapit sa akin.Nakita ko sina Delia at Nina na palapit. "H–hi," alanagining bati ko sa mga ito ngunit gaya ng nakasanayan ko ay tinaasan lamang ako ng kilay ng mga ito."Bakit nandito ka?" mataray na tanong ni Delia."H–hindi ko kasi alam na walang pasok.""Kasi pala-absent ka? Pangit ka na nga pala-absent ka pa, hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho?"Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Nina at sinabi ko na ang sadya ko sa kanila. "Makikisabay lang sana ako sa inyo sa pag-uwi n'yo, wala na kasing dumadaan na taxi.""Paano kung ayaw namin?" sagot ni Delia ngunit agad siyang siniko ni Nina."Sige," sagot naman ni Nina na ikinaluwag ng paghinga ko. "Pero bago iyon, ikaw na lang ang maglagay ng mga folder sa basement bilang pambawi sa pagsabay mo," utos nito at tumango na lamang ako. I'm not naive, alam kong maaaring may balak sila sa akin but I need to trust them. Wala akong ibang maaaring hingan ng tulong sa mga oras na ito.Kinuha ko na iyong mga folder sa ibabaw na isang table at sumakay ng elevator. "Magkita na lang tayo sa entrance!" sigaw ni Nina.Mabilis lang akong nakarating sa basement at tinungo ko agad iyong lumang silid kung saan inilalagay 'yong mga 'wasted file' kung tawagin namin.Pagkalapag ko pa lamang ng mga folder sa isang sulok ay nagulat ako nang bigla ang paglagabog at pagsara ng pinto na pinasukan ko.Ito na nga ba ang sinasabi ko!Lumapit ako sa pinto at pinagkakabog ito. "Please pakibuksan!" sigaw ko ngunit nakakarinig lang ako ng tawanan mula sa labas."Diyan ka bagay. Wasted ka rin naman." Boses iyon ni Nina, saka pa nasundan ng tawanan.Kinabahan ako nang makarinig ako ng papalayong mga yabag mula sa kinaroroonan ko.Naupo ako sa isang sulok at hinintay na balikan nila ako. Gusto lang nila akong asarin—iyan ang sinasabi ko nang paulit-ulit sa isip ko.Para akong ginagapangan ng antok habang naghihintay sa kanila.Ilang saglit ang nakalipas ay tumingin ako sa relo ko at nakita kong mag-aalas sais na ng gabi. Naidlip pala ako. Tumayo ako at tiningnan ko kung binuksan na ba nila ang pinto ngunit nabigo ako—hindi pa rin.Naalarma ako nang maramdaman kong basa ang sapatos ko.May pumapasok na tubig!Hindi ko malaman ang gagawin ko kaya't kinontak ko na lang si Fria. Para akong kinakapos sa paghinga dahil sa kaba."Fria, magpadala ka na lang ng kahit na sinong tao basta 'wag ikaw. Nandito ako ngayon sa basement ng opisina, nakulong ako. May pumapasok ng tubig dito Fria, natatakot ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis ko nang pinatay ang telepono ko.Bumaling ako sa paligid at nagdesisyon akong itumba ko ang isang shelf para kahit paano ay may tutungtungan akong hindi basa.Nataranta na akong lalo nang unti-unting tumaas ang tubig. Gusto kog pumalahaw ng iyak at sumigaw nang sumigaw ngunit tila hindi iyon makakatulong.Nasa kalagitnaan ako ng paghikbi nang biglang magiba o may gumiba ng pintong kinaroroonan ko. Halos sumikdo ang puso ko sa sobrang gulat."Avrein!""S–sir Vience?" gulat na bulalas ko nang makita ko na si Sir Vience ang nasa harap ko. Basang-basa ito."Halika na bago pa tuluyang tumaas ang tubig!" sigaw nito, saka ako nito kinuha sa tinutungtungan ko at kinarga na animo sako ng bigas.Marami-rami na ang tubig sa dinadaanan namin kaya't alam kong mahihirapan na din siyang maglakad. Dagdag pa na hindi rin biro ang timbang ko dahil matangkad akong babae."Sir, ibaba n'yo na po ako, kaya ko na pong maglakad—""Shut up! Sino bang nagsabi na pumasok ka ngayon, ha!? At bakit nasa basement ka!?" galit na galit na anas nito."Hindi ko po kasi alam na walang pasok—""Because you were absent yesterday!" putol niya sa akin."S–sorry po, pero, Sir, bakit po kayo nandito?" Iyon ang kanina ko pa naman talagang ipinagtataka."Ako ang natawagan mo at hindi si Fria," sagot nito na ikinabigla ko.Hindi na ako sumagot pa hanggang sa nasa main entrance na kami at ibinaba na niya ako. "May dala ka bang sasakyan?""Wala po.""Wala din akong dala. Magpalipas na lang tayo sa motel diyan banda sa likod ng opisina," sagot nito na ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin siya sa akin at nakita niya ang reaksyon ko. "Ano bang ikinagulat mo? Iyong wala akong dalang sasakyan dahil naglakad lang ako o 'yong sinabi kong mag-motel na lang tayo?""W–wala po," tipid na sagot ko.Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko saka ako hinatak. Tila naglakbay ang bilyon-bilyong boltahe ng kuryente sa katawan ko. Dagdag pa na naglalakad kami ngayon habang malakas na malakas ang ulan.Narating namin ang sinasabi niyang motel at napakadaming tao na na-stranded din.Lumapit kami sa receptionist at siya na ang nakipag-usap."One bedroom please," aniya sa receptionist at napamulagat ang mga mata ko."Sir—""Gusto mo bang kumuha pa tayo ng dalawang kwarto? Paano na lang ang ibang mai-stranded gaya natin kung maubusan sila ng kwarto? Huwag kang mag-alala, I won't fuck you," putol na bulong nito sa sinasabi ko na nagpatahimik sa akin."Here's your key, Sir, room 3021 po," sabi niyong receptionist na halatang kinikilig pa kay Sir Vience."Tara na, asawa ko," ani Sir, saka pa ako inakbayan at nagulat ako sa itinawag niya sa akin."Kainis! May asawa na!" bulong niyong babae ngunit sapat na para marinig ko.Kinaladkad niya ako hanggang sa sapitin namin ang kuwartong nirentahan niya.Naupo na muna ako sa sofa na naroon habang siya ay nagkakalkal doon sa cabinet."Maghubad ka," pukaw niya sa atensyon ko na sobrang ikinagulat ko. Awtomatiko akong napatayo sa kinauupuan ko sa nadinig kong sinabi nya."S–sir, sabi n'yo po hindi n'yo po ako—""Maghubad ka at isiuot mo 'to," putol niya, saka niya hinagis sa akin ang bathrobe. "Baka sipunin ka." Tila naman napahiya ako sa ginawi ko. Nakita ko pa siyang ngumisi nang nakakaasar dahil sa naging reaksyon ko. Muli akong umupo sa sofa para pakalmahin ang sarili ko.Hawak-hawak ko lang ang bathrobe nang bigla na lamang siyang maghubad sa harap ko. Hubad talaga! Pambihira! Itinira niya lamang ay ang boxer niya.Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang katawan niya. Madalas kasi sa opisina ay hindi ko 'to tinitingnan dahil ilang na ilang ako at madali kong naibabaling sa iba ang atensyon ko."Mesmerizing, right?" Tila napahiya ako nang mahuli niya akong nakatingin sa abs niya."Ah . . . eh . . . h–hindi po!" Inilihis ko ang tingin ko at yumuko.Nakita ko ang paghakbang niya papalapit sa akin na ikinakabog ng dibdib ko. Nakita kong huminto siya sa tapat ko at lumuhod. Hinawakan niya ang baba ko at marahang itinaas ang mukha ko kaya't nagtama ang paningin namin."Am I not mesmerizing?" anito sa mapang-akit na tono. Sinasadya ba niya ito?Hindi ko siya sinagot, sa halip ay ibinaling ko ang tingin ko sa iba ngunit muli niya lamang akong inilingon sa kaniya."Maghubad ka na." Muling napamulagat ang mga mata ko sa sinabi nya. This time para talagang may ibig siyang ipakahulugan. Nakita ko siyang ngumisi at binigyan ako ng mapang-akit na tingin. "S–sir Vience—""Babe, conserve water. Let's shower together."Pambihira! Ano na naman ba ito!?
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store