Miguel Santillan Completed
Narito kami ngayon sa simbahan sa bayan ng Santa Teresita, araw ng linggo at katatapos lamang ng misa na dinaluhan namin ni Miguel. Alam kong hindi siya pala-simba katulad ko kahit pa maraming santo sa mansyon niya pero wala itong nagawa ng ayain ko siya kanina.
"Halika, madaming paninda sa labas ng simbahan, baka may maibigan ka Cristina." Pag-aaya ni Miguel sa dalaga, ang daming tao ngayon sa simbahan at kanina pa siya binabati ng mga tao doon. Sadyang kilala talaga siya sa Santa Teresita, maging ang pari ng simbahan ay nagpasalamat pa sa kanya dahil sa pag-dalo niya sa misa, nagbigay din kase siya ng salapi sa pari tulong na din para sa simbahan.
"Gusto ko ng inihaw na mais Miguel!" Sabik na sabi ko, magka-salikop ang aming mga kamay na lumabas ng simbahan. Kung dati rati ay nahihiya ako na magkasama kami lalo pa at maraming tao ngayon ay hindi na. Panatag na ang aking loob, isa pa hindi ako kailanman ikinahiya ni Miguel, lagi niya pa nga ako pinag-mamalaki bilang nobya niya.
Agad naming nilapitan ang babaing nagtitinda ng inihaw na mais, siniko ko pa nga si Miguel ng hindi man lang nito binati ang nagtitinda. Napaka-sungit talaga ng taong ito, akala mo ay laging pasan ang daigdig.
"Santillan.."
Pareho kaming napalingon ni Miguel sa tumawag sa kanya, pero namutla ako ng mapag-sino ito. Si Gerardo!
Anong ginagawa nito dito?
"Anong kailangan mo Gerardo?" Matikas na tanong ni Miguel.
"Kanina ko pa kayo namataan sa loob ng simbahan, kasama mo pala ang magandang si Cristina." Binigyan ni Gerardo ng malagkit na tingin ang dalaga.
"Nagsimba ka Gerardo? Mabuti at hindi ka umapoy sa loob ng simbahan." May panggagalaiting sabi ni Miguel, alam niyang natatakot si Cristina dahil mahigpit ang pagkaka-kapit nito sa kanyang braso.
"Hindi ko pa oras Santillan, mayroon pa kase akong nais matikman." Walang habas na sabi ni Gerardo na ang tingin ay na kay Cristina pa din. Hindi pa siya nakakabalik sa Espanya, at tanging pag-liliwaliw lang ang ginagawa niya ngayon. Balewala sa kanya ang usap-usapan sa buong Santa Teresita tungkol sa ginawa niya kay Cristina, ang kanyang mismong ama nga ay walang nagawa eh.
"Ponyeta!" Akmang susuntukin ni Miguel si Gerardo ng hilahin siya ni Cristina.
"H-halika na Miguel, hayaan mo na siya." Bulong ko sa kanya, pinag-titinginan na kase kami ng mga tao sa labas ng simbahan. At ayokong masira ang imahe ni Miguel.
"Mag-ingat ka Gerardo baka sa susunod hindi ka na makapasok sa simbahan o makapunta sa kung saan." Sabi ni Miguel.
Pinag-babantaan mo ba ako Santillan?"
"Hindi, dahil kaya kong gawin ang sinasabi ko. Huwag na huwag mong babastusin si Cristina sa aking harapan. Dahil sa susunod na gawin mo pa ito, bala na ng aking baril ang tatama sayo." Galit na turan ni Miguel bago inakay si Cristina sa kanyang karawahe. Lagi pa naman na niyang dala ang kanyang pistol, katulad na lamang ngayon. Kung sila lang marahil ni Gerardo ay babarilin niya talaga ito.
Agad kaming umalis sa simbahan sakay ng karawahe ni Miguel, natatakot ako. Ito ang unang beses na nakita ko si Gerardo pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Parang baliw ang itsura nito, ang pag-ngisi nito sa akin kanina ay nakakatakot.
"Wag ka matakot Cristina." Hinigpitan ni Miguel ang pag-hawak sa kamay ng dalaga, namumutla ito at pinag-papawisan.
"N-natatakot ako Miguel." Sabi ko sa kanya. "P-paano kung may gawin na naman siya sa akin? S-sa 'yo? Hindi ko na kakayanin!"
"Sssshhh..." Pag-aalo ni Miguel kay Cristina. "Hindi ko hahayaan na makalapit sa 'yo ang hayop na 'yon! Hinding-hindi ka niya magagalaw, at sisiguraduhin ko na kapag may ginawa siyang hindi maganda ay bala ng aking pistol ang tatama sa kanya." Seryosong turan ni Miguel, naghain siya ng kaso sa ginawa ni Gerardo kay Cristina pero dahil Gobernadorcillo ang ama nito ay madaling naharang ang kaso. Kaya naman, hinding-hindi na siya makakapayag na may gawin pa ito ulit na masama kay Cristina, nawalan na sila ng isang anghel at ayaw niya ng maulit pa 'yon.
Santillan mansion..
"Anong ginagawa mo dito Miguel?" Tanong ko sa kanya ng pumasok ito sa aking silid, pasado alas otso na ng gabi at oras na ng aking pag-tulog.
"Doon ka na lamang matulog sa aking cuarto, gusto kitang katabi at mayakap." Ungot ni Miguel na parang isang batang paslit.
"Umayos ka nga Miguel, bumalik ka na doon at matulog." Sabi ko naman, umuulan pa naman ngayon kaya masarap matulog dahil malamig ang panahon.
"Sige na Binibini, doon na tayo matulog sa aking cuarto, o gusto mong buhatin pa kita?" Pilyong sabi ni Miguel.
Inirapan ko ito at dinampot ang unan sa aking higaan tsaka marahang hinampas sa kanya. "Nakakainis ka talaga!"
"Oo na nakakainis na kung nakakainis pero iniibig mo naman." Pinatay ni Miguel ang ilaw sa silid ni Cristina bago ito iginiya sa kanyang cuarto. Isinara niya ang pintuan at mga bintana sa cuarto niya pagpasok nila, maliban sa malakas na ulan ay kumikidlat din at kumukulog. Tanging ang isang ilaw lamang ang tinira niyang nakabukas. "Makakatulog ako ng mahimbing nito." Sabi pa niya matapos pahigain si Cristina sa kanyang braso.
"Napaka-bolero mo talaga Miguel.." Niyakap ko ito at mas sumiksik pa sa kanyang matipunong katawan, malamig nga at tiyak kong makakatulog kami ng mahimbing.
"Iba ang bolero sa nagsasabi ng totoo Binibini."
"Ganoon na din 'yon Miguel, bolero ka na hambog ka pa."
Napangiti si Miguel sa sinabi ng dalaga, lagi nito iyon sa kanya sinasabi pero nakasanayan niya na lang. Kung ibang tao siguro ang magsasabi sa kanya ng ganito ay baka samain na sa kanya.
"Magandang gabi Cristina, matulog ka na.." At mabilis na hinalikan ni Miguel sa noo ang dalaga.
"Magandang gabi Miguel, mahal kita.."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store