Miguel Santillan Completed
Sa nag iisang nagpakape sa akin @Aiza grace Fuensalida thank you ng madami😅 Merry christmas!
Nakasimangot na pinapanuod ni Miguel ang dalawang tao na nag-uusap sa ilalim ng punong mangga sa kanyang bakuran. Kanina pa si Cristina nakikipag-kuwentuhan kay Simon at naiinis na siya ngayon. Ano ba kaseng ginagawa nito dito?
"Mukhang may nag-seselos na naman.." Sabi ni Ernesto na hindi na naman nakuhang kumatok pag pasok niya sa silid ni Miguel, naabutan niyang nakadungaw ang kaibigan sa bintana at alam niya kung bakit.
"Hindi ka na talaga natuto kumatok Ernesto, ano na naman ang sadya mo dito?" Baling ni Miguel sa kaibigan.
"Narito lang ako para tanungin kung napirmahan mo na ba ang titulo ng lupa sa tabi ng Hacienda? Kailangan na natin ipa-notaryo yun Miguel." Pag-papaalala ni Ernesto.
"Bukas ko na gagawin yun, tinatamad akong kumilos ngayon Ernesto." Balewalang sabi ni Miguel at muling tinuon ang atensyon sa labas ng bintana, mas importante na makita niya sina Cristina at Simon ngayon.
"Tinatamad o na kay Cristina na naman ang atensyon mo? Tumigil ka na Miguel at hayaan mo silang mag-usap ni Simon."
"Hayyyy! Ibibilin ko na talaga sa bantay ko dito sa mansyon na huwag papasukin yang Simon na yan!" Inis na turan ni Miguel, masaya silang nag-uusap kanina ni Cristina sa kanyang sala ng dumating ang lalaki. At dahil siguro alam ng dalaga na mainit ang ulo niya kay Simon ay lumabas ang mga ito sa kanyang bakuran para doon mag-usap.
"Ewan ko sayo Miguel, iba na yang tama mo. Selos ka ng selos wala naman sa lugar." Sabi pa ni Ernesto.
"Magpalit man tayo sa puwesto ay tiyak na ganito din ang mararamdaman mo Ernesto. Waring gusto kong sakalin yang Simon na yan hanggang malagutan ng hininga."
"Kaya kung ako sayo ay pakasalan mo na si Cristina Miguel, ikaw din madami pa naman ang nagpapalipad hangin kay magandang Binibini.." pang-iinis pa ni Ernesto sa kaibigan.
Nakatanaw ako sa paalis na si Simon na sakay ng kanyang kabayo, hindi ako makapaniwalang mabilis kumalat ang balita sa bayan sa sinabi kong pagpapakasal namin ni Miguel noong kaarawan ng Alcalde. Kaya nga pumarito ito sa akin para kumpirmahin kung totoo ba o hindi. Sadyang may pakpak nga talaga ang balita dito sa Santa Teresita, maging ang kanyang ina ay nakurot pa nga ako singit dahil nalaman din nito ang tungkol doon. Napapailing na lamang na pumasok ako sa mansyon para maghanda ng hapunan, nangako kase ako kay Miguel na ipagluluto ko siya ng sinigang na baboy, mahilig talaga ang binata sa maaasim na ulam lalo na kung may bunga ng sampalok o hindi kaya ay kamias na marami din sa loob ng Hacienda.
Nakapalungbaba si Miguel habang tinitingnan si Cristina na abala sa pag-hihiwa ng karne ng baboy, mayroon na siyang refrigerator kaya naman nakaka pag-imbak na sila ng mga karne at mga isda ngayon.
"Doon ka na lang Miguel sa sala at naiilang ako sa kakatingin mo sa akin." Saway ko sa kanya, ang hilig talaga nitong panuorin ako kapag may ginagawa ako. Buti sana kung kami lang ang nandito, kasama ko din si Feliciana at Mariana.
"Umalis ka na nga kanina para kausapin ang Simon na yun tapos ngayon naman papaalisin mo ako, aba ang sakit naman sa dibdib niyan Cristina.." malungkot pa kunwari na sabi ni Miguel.
Naghagikgikan naman si Feliciana at Mariana sa sinabi ng kanilang Senyorito.
"Nangamusta lang si Simon Miguel kaya tumigil ka sa kakasintir diyan, at isa pa araw-araw naman tayo magkasama ah!" Sabi ko sa kanya.
"Pero masakit sa akin ang makita na may kausap kang iba Binibini, parang gusto ko tuloy siyang habulin ng aking itak."
Binitawan ko ang hawak kong kutsilyo at tiningnan si Miguel, pangisi-ngisi ito at alam kong nang-iinis lang. "Umalis ka na nga muna dito Miguel at ako ay naiinis na sayo." Sabi ko sa kanya.
"Ayoko nga Cristina, gusto kong panuorin kita habang nagluluto ka."
"Sige tulungan mo na lamang ako." Kinuha ko ang isang sangkalan na katamtaman lamang ang laki at nakasabit pati na din ang isang kutsilyo at inilapag ito sa harap ni Miguel. "Ipaghiwa mo ako ng sangkap sa lulutuin ko." Binigay ko dito ang tatlong hinog na kamatis, sibuyas at bawang. "Hiwain mo yan Miguel.."
Dapat yata sinunod ko na lang si Cristina at doon na lang ako sa sala. Sabi ni Miguel habang binabalatan ang apat na pirasong bawang, hiniwa niya din ito pagkatapos.
Tapos na ako maghiwa ng baboy pero si Miguel ay pakusot-kusot na ng mata. "Para paghiwa lamang ng sibuyas umiiyak ka na, napaka-simple lang niyan Miguel."
"Eh sa nakakaiyak eh, mahapdi sa mata." Sani ni Miguel. Dapat talaga ay hindi niya na pinanuod si Cristina na magluto, nautusan pa tuloy siya.
"Maliban sa inisin ako, ano pang alam mo?" Pinameywangan ko pa ito, kamatis na lang ang hinihiwa niya.
"Sumisid Binibini, magaling akong sumisid at bumayo." Nakangiting sagot ni Miguel at inurong kay Cristina ang mga pang-rekado na tapos niyang hiwain.
"MIGUEL!"
"Oh bakit totoo yun Cristina magaling talaga ako sumisid at bumayo.." natutuwa na naman si Miguel na makitang nagsasalubong ang mga kilay ng dalaga.
"Bastos ka talaga!" Nag pulasan naman sina Mariana at Feliciana ng tumaas ang boses ko.
"Walang bastos doon Binibini, iba yata ang pagkakaintindi mo sa aking sinabi." Bulong ni Miguel sa kanang tainga ni Cristina.
"Alam kong kahalayan lang ang nasa isip mo, iba talaga ang pagkakaintindi ko sa sinasabi mong pagsisid at pagbayo."
"Pero ang tinutukoy ko ay pagsisid sa dagat aking Cristina at pagbayo ng palay. Hindi ba sinabi ko sayo na magaling ako doon?"
Huminga ako ng malalim, diyos ko po parang awa niyo na bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya kay Miguel! "Ganoon ba Miguel? Patawad kung nagkamali ako." Nakangiti ko ng sabi sa kanya. "Sayang at gusto ko pa naman na sinisisid mo ako, papayag pa naman sana ako mamayang gabi."
"C-christina.." Laglag ang panga na tawag ni Miguel.
"Sayang.." Pailing-iling ko pang sabi habang si Miguel na ang magka-pasalubong ang kilay. "Uuwi na lamang ako mamaya kay ina para doon matulog. Sige na Miguel magluluto na ako ng iyong hapunan."
"Christina naman hindi ka na mabiro." Nilapitan pa ni Miguel ang dalaga pero inirapan lamang siya nito. Anak ng teteng!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store