ZingTruyen.Store

Miguel Santillan Completed


Nakangiti si Miguel habang tinitingnan ang paynetang hawak niya. Narito siya ngayon sa pamilihan ng Santa Teresita kasama ang kaibigan na si Ernesto, galing sila sa Gobernadorcillo kanina at kinausap niya ito ukol sa pagpapalagay niya ng kuryente sa kanyang mansyon.

"Para kanino naman 'yan Miguel? Huwag mong sabihing ikaw ang gagamit niyan." May kuryosidad na tanong ni Ernesto sa kaibigan matapos nitong bayaran ang limang piraso na payneta.


"Ibibigay ko ito kay Cristina." Sagot ni Miguel, limang piraso ang binili niya para sa dalaga. Ito ay isang ornamental na suklay na ginagamit ng mga kababaihan, at ang kanyang nabili ay galing pang Ilokos na kung saan ay metikulosong nilagyan ng mga disenyo ng plateros. Bagay-bagay na ito sa mahabang buhok ni Cristina, madalas niya kasing makita na napupunta sa mata nito ang buhok lalo na kapag nakalugay.



"Aba, mukhang iba na 'yan kaibigan. Ngayon ka lang magreregalo sa isang dalaga."


"Ano naman ngayon? At isa pa huwag mo ngang bigyan ng malisya ang tungkol dito." Sabi ni Miguel habang naglalakad sila palabas ng pamilihan. Ang mga kababaihan na nadadaanan nila ay ngumingiti ng makita siya. Sadyang kilala talaga siya sa kanilang bayan, pero gaya ng kanyang nakaugalian
ay seryoso pa din ang kanyang mukha.


"Mukhang hindi na kayo madalas magtalo ni Cristina, ano ang nangyari at hindi mo na iniinis ang magandang Binibini 'yon?" Hirit pang tanong ni Ernesto matapos sumampa sa kabayo.



"Tumigil ka nga sa pagtawag ng ganoon kay Cristina." Napipikon na sabi ni Miguel.



"Wala namang masama kung tawagin ko siyang magandang Binibini, at isa pa hindi mo naman siya nobya para magkaganyan ka."



Sinimangutan ni Miguel ang kaibigan, kung paglakarin ko kaya ito pag-uwi ng mansyon? Kayang-kaya ko naman hilahin ang kabayo na sinasakyan niya habang nakasakay ako sa aking kabayo. "Tumahimik ka na nga Ernesto,nagiging madaldal ka na talaga ngayon katulad ng isang babae." Agad niyang pinalo ng marahan ang kabayo para umusad na ito. Halos isang oras kase ang layo ng bayan mula sa mansyon niya.



Pagkapasok ni Miguel at Ernesto sa mansyon ay ang humahangos na kusinera na si Valencia ang naabutan nila. Animo'y may humahabol dito na kung ano.



"Anong nangyayari dito Valencia? Saglit lang ako nawala ngunit nagkakagulo na naman kayo." Mabilis na tanong ni Miguel sa tauhan.

"Kayo ho pala Senyorito Miguel at Senyorito Ernesto. Si Cristina ho kase  nakahuli ng palaka sa may balon at tinatakot kami." Sagot ni Valencia na siya namang paglabas ni Cristina mula sa kusina.


"Valencia halika na dito, hawakan mo na ang palaka." Pilya kong sabi habang lumalapit sa kinaroroonan ni Valencia. Isang kulay kayumanggi na palakang bahay ang nahuli ko habang nag-iigib kami kanina ni Feliciana sa balon. Kasing laki ito ng aking palad at talaga namang mukhang nakakatakot.



"Cristina! Ano na namang kalokohan ito?" Ang malakas na boses na tanong ni Miguel ang umalingawngaw sa loob ng mansyon. Magkakaroon talaga siya siguro ng sakit sa puso dahil sa babaing ito.


"Nandiyan na pala kayo Miguel, Ernesto. Tingnan niyo ang aking nahuli isang palakang bahay." Buong pagmamalaki kong sabi, lumapit ako sa kanilang dalawa habang si Valencia ay mabilis na pumunta sa kabilang bahagi ng sala.



"Bitawan mo yan Cristina!" Saway ni Miguel sa hawak-hawak na palaka ng dalaga. Nakangiti ito na humahakbang palapit sa kanya. "Nakakabulag 'yan alam mo ba? Pakawalan mo na 'yan!"



"Hindi naman 'yon totoo Miguel,isa lamang haka-haka ang tungkol doon. Sandali, alam mo bang kumakain ako ng palaka? Pero 'yong palakang bukid." Sabi ko naman. "Hawakan mo nga Miguel kung hindi ka natatakot." Natatawa ko pang sabi sa kanya.



"Isa, Cristina! Hindi nakakatuwa 'yan, lumayo ka sa akin." Agad umiwas si Miguel ng ilapit pa sa kanya ni Cristina ang hawak nitong palaka. Kung isa itong bata matatawag niya talaga itong sutil.



"Masarap ang inihaw na palaka Miguel, gusto ko manghuli ng ganoon at kainin." Dagdag ko pa, mukhang ang Senyorito na madalas mangaso at nakakahuli ng mababangis na hayop ay takot sa palaka.



"Oo na, oo na magpapahanap ako ng palakang bukid sa aking mga tauhan, basta ilayo mo na 'yan sa akin." Biglang napasampa si Miguel sa silya na naroon.  Animo'y ihahagis kase ni Cristina sa kanya ang hawak nitong palaka. Napaka-pilya talaga ng dalagang ito.



Malakas na tawa ang naging reaksyon ko sa itsura ni Miguel. Kung ganoon takot nga ang Senyorito sa palaka. Namumutla ito habang inilalapit ko pa sa kanya ang hawak ko. Naglabasan na din mula sa kusina sina Mariana at Feliciana. At maging si Ernesto ay tawa ng tawa.
"Mukhang takot ka sa hawak ko Miguel, akala ko ba ay isa kang matapang na mangangaso? Maliit na palaka lang pala ay takot ka." Pang-aasar ko naman sa kanya.



"Ilayo mo sa akin 'yan Cristina, isa!" Lalong nagtawan ang mga tao na naroon ng tuluyan na ihagis ni Cristina ang palaka kay Miguel, mabilis naman tumalon ang palaka matapos nitong lumagapak sa dibdib ng Senyorito.


"CRISTINA!" Malakas na tawag ni Miguel sa dalaga matapos makababa sa silya. Agad tumungo si Cristina papasok sa kusina.
"Anong tinitingin-tingin niyo?" Bulyaw niya sa dalawang kasambahay na naroon at kanyang kusinera. "Magsibalik na kayo sa inyong trabaho!" Pinagpagan ni Miguel ang kanyang barong haba, mamaya lang talaga sa kanya si Cristina.




Alas sais na ng gabi at nasa mansyon pa din si Ernesto, niyaya siya ng kaibigan na dito na lamang mag hapunan. Lumabas si Cristina mula sa kusina habang bitbit ang hapunan, ginataang tilapya ang ulam niluto ni Valencia para kay Miguel.


"Anong tinatawa-tawa mo diyan Ernesto?" Nakasimangot na tanong ni Miguel sa kaibigan. Dapat yata ay pinauwi niya na lamang ito.



"Wala Miguel." Nagpipigil na tawa ni Ernesto, naalala na naman niya kanina ang nangyari. Bumaling siya kay Cristina. "Halika na magandang Binibini, maghapunan na tayo." Pag-aya niya dito at inurong  niya pa ang silya sa kanyang tabi para doon umupo ang dalaga.


"Naku hindi na Ernesto, salamat na lang, sa kusina na lang kami kakain." Sagot ko naman sa kanya, mukhang galit sa akin ang Senyorito dahil hindi man lang ako nito tinatapunan ng tingin. At baka makatikim ako ng sermon kapag sumabay ako sa kanilang kumain. Kasalanan ko ba na takot pala siya sa palaka?


"Hayaan mo na siya Ernesto at baka kung ano na namang kalokohan ang gawin niyan ni Cristina." Sabi naman ni Miguel.



"Naku Miguel huwag ka ng sumimangot at ang iyong balat ay kukulubot. Hindi ka naman napano kanina dahil sa palaka." Hindi ko mapigilang sabihin.


"Kumain ka na, at pagkatapos ng mga gawain mo ay umakyat ka sa aking cuarto mamaya." Sabi naman ni Miguel at inukol na ang atensyon sa kanyang plato. Muli namang nagpaaalam si Cristina at pumasok na sa kusina.



"Mukhang tatanda ka ng maaga dahil kay Cristina Miguel, baka ilang araw pa ay maputi na ang iyong buhok." Sabi ni Ernesto na napapangisi. Parang aso't-pusa ang dalawa kung mag-bangayan sa mansyon. At kung dati rati ay tahimik ang mansyon ng mga Santillan ay nagkaroon ito ng sigla simula ng manilbihan dito si Cristina.


"Sinabi mo pa, nakita mo naman ang ginawa niya kanina Ernesto. Tuwang-tuwa pa sa kalokohan niya." Napapailing na sabi ni Miguel, dapat yata ay bigyan niya ng leksyon ang dalaga.



Matapos makapaligo ay agad akong tumungo sa cuarto ni Miguel, ang sarap ng aking pakiramdam ngayon. Malamig talaga ang tubig sa balon na naroon sa likod ng mansyon, doon kase ako naliligo pagsapit ng gabi bago matulog.


"Miguel.." Tawag ko sa kanya, naabutan ko siyang nakatingin sa labas ng bintana, oo nga pala bilog ngayon ang buwan at masarap ito pagmasdan.




"Nandiyan ka na pala, halika Cristina may ibibigay ako sa 'yo." Nilingon ni Miguel ang dalaga, kanina niya pa ito hinihintay. Mukhang kakaligo lang nito dahil nakalugay pa ang basang buhok. Hmmnn.. Komportable talaga siya sa akin magpakita na tanging manipis lang na kamiseta ang suot niya, kung ibang lalaki lang siguro ang makakakita ngayon sa itsura niya ay siguradong pagnanasahan na siya. Nakahantad ngayon ang mapuputing braso ni Cristina na ngayon niya lang nakita, bakit parang may kung anong binubuhay ito sa loob niya?



"Ibibigay?" Tanong ko sa kanya.


Kinuha naman ni Miguel sa isang supot ang mga paynetang binili niya kanina. "Para sa 'yo Cristina." At inabot niya dito ang limang payneta na iba-iba ang disenyo. "Binili ko kanina 'yan sa Bayan ng magpunta kami ni Ernesto kanina doon."


S-salamat Miguel." Natuwa ako sa binigay niya, ang gaganda ng disenyo at makulay pa. Ganito ang mga nakikita kong gamit ng mga kababaihan kapag nagagawi ako sa bayan. Hindi ko nga lang kaya bumili ng ganito dahil may kamahalan, kaya naman goma na lang ang pinapangtali ko sa aking buhok.


"Siya nga pala nalalapit na ang pista dito sa atin at maghahanda ako dito sa mansyon." Sabi ni Miguel, nakaplano na ang mga nais niyang ihanda sa pista dalawang linggo mula ngayon.



"Ganoon ba? Mayroon kang mga bisita?" Inilapag ko muna ang mga payneta sa lamesa.



"Oo, mga kaibigan ng aking namayapang ama ang pupunta dito." Sagot ni Miguel at nilapitan ang dalaga. Para itong isang anghel dahil sa suot na puting kamiseta. Napakaganda naman talaga nito kahit na may pagka-pilya kung minsan.

"Mga pulitiko at mga elitista ang kaibigan ng iyong ama hindi ba?"


"Tama, kailangan ko pa din makipag-ugnayan sa kanila kahit wala na ang aking mga magulang. Kailangan ang ganoon lalo pa at isa akong negosyante at Haciendero."


Napatingin ako sa mga mata ni Miguel, bakit ba ito lumalapit ng husto sa akin? "L-lumayo ka nga ng bahagya Miguel at ako ay naiilang." Saway ko sa kanya.


Napangiti si Miguel sa tinuran ng dalaga. Kung ganoon naaapektuhan marahil ito kapag nagkakalapit silang dalawa. "Ang pupula ng iyong mga labi aking Cristina." Hindi niya maiwasang sabihin.


"N-natural na mapula ang aking mga labi Miguel." Napahawak ako sa kanyang matipunong dibdib ng mas lumapit pa ito sa akin. Ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha. "Miguel ano ba."

"Alam mo bang gustong-gusto ko halikan ang iyong mga labi?" Buong tapang na sabi ni Miguel habang hindi winawalay ang tingin sa mga mata ng dalaga.  Ayos lang sa kanya na mahampas o makurot ni Cristina mahalikan niya lang ito ngayong gabi.


"A-ano bang sinasabi mo Miguel?" Naiilang na tanong ko.

Inilagay ni Miguel ang buhok ni Cristina na tumakip sa pisngi nito sa kanyang tainga, maging ang mukha ng dalaga ay malambot at makinis ng mahawakan niya.  "Patawarin mo ako sa aking kapangahasan ngunit gusto ko talagang matikman ang iyong mga labi Binibini." Yon lang at dahan-dahang lumapat ang labi ni Miguel sa mga mapupulang labi ni Cristina.


Hindi ako nakagalaw o nakapagsalita pa ng tuluyang lumapat ang labi ni Miguel sa akin. Ito ang aking unang halik! Unang halik na nakuha pa ng hambog na binatang ito. Ngunit napaungol ako ng magsumiksik sa aking bibig ang kanyang malikot na dila. "Hmmnn.. M-miguel."

Para nanalo si Miguel sa isang patimpalak ng unti-unting tugunin ni Cristina ang kanyang halik. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nag aksaya pa ng oras. Ang kanyang dila ay naglumikot sa loob ng bibig ng dalaga.
Napakatamis at napakasarap ng mga labi ni Cristina, parang mahuhumaling na siya dito simula ngayon. Ayaw man ay pinigil ni Miguel ang sarili na palalimin pa ang paghalil niya sa dalaga. "Tama nga ako, kay sarap halikan ng mga labi mo.."


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, napahawak ako sa aking mga labi habang nahihiyang nakatingin kay Miguel. "Magnanakaw ng halik! 'Y-Yon ang unang halik ko alam mo ba."

"Alam ko." At hinapit ni Miguel ang dalaga na namumula na naman ang mga pisngi ngayon. Kay sarap din ipalibot dito ang kanyang mga bisig. "At masaya ako na ako ang unang nakahalik sa 'yo."

"P-pero bakit? Gumaganti ka ba dahil sa palaka kanina? Napaka-salbahe mo kung ganoon." Pilit akong kumakawala mula sa kanyang pagkakayakap ngunit mas lalo pa niya akong hinapit papunta sa kanya.

"May aaminin ako Cristina." Bulong ko sa kanya. "Gusto kita.."


Good afternoon! Pa comment nga kung naiintindihan niyo yung story na to😅 feeling ko kase kaunti lang ang magbabasa ng ganitong kuwento. Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store