ZingTruyen.Store

Knock, Knock, Professor

CHAPTER 15

irshwndy


KINABUKASAN ng umaga ay sinundo ako ni Officer Flick sa mansiyon. Habang nasa sasakyan ay ipinapaliwanag niya sa 'kin ang sitwasyon.

"Nakakuha kami ng tip mula sa isang key witness," salaysay ni Flick habang nagmamaneho. "May magaganap na pagtitipon ng malalaking pangalan sa mundo ng krimen."

Suot ko ang espesyal na communication device na gawa ni Xantiel. Nakakabit ito sa 'king blusa para naririnig din ng propesor ang lahat.

"Para hindi ma-trace ng mga kasamahan niya, sasabihin sa 'tin ng witness ang mga impormasyon nang harapan," patuloy ng hepe. "Nagmamadali ako dahil sa bawat segundong lumilipas ay nasa panganib ang buhay ng ating impormante."

Tuloy-tuloy ang aking pagtango. Kumapit ako nang maigi sa maliit na butones na nagsisilbing komunikasyon ko kay XV. Through this device, I can somehow feel that the professor is with me.

Pumarada na ang aming sasakyan sa ibinigay na address ng impormante. Kumatok kami sa pinto at nagtaka dahil walang sumasagot. Dahan-dahan naming binuksan ang pinto at maingat na pumasok sa loob.

"Mr. Halsen?" pagtawag ni Officer Flick.

Nagtawag siya ng ilan pang mga kasamahan para sumunod na rin sa loob ng bahay dahil kanina pa walang nagpapakita sa 'min. Umakyat kami sa pangalawang palapag at binuksan isa-isa ang mga pinto ng mga kuwarto.

***

LAKING gulat namin nang makakita ng isang lalaking nakahiga sa kamang duguan, putol ang kaniyang mga kamay at baldado na rin ang mga binti. Pilit itong sumisigaw ngunit walang boses na lumalabas dahil ultimo dila niya ay pinutol na rin.

"Fift, are you okay?" I heard Professor XV's concerned voice through the small device. "Your breathing is unstable. Is everything alright? Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Buwisit! Naunahan nila tayo!" galit na singhal ni Flick. "Pinutulan nila siya ng dila at binaldado para hindi niya masabi o masulat kung saan magaganap ang pagtitipon!"

"Fifteen . . . is the witness still alive?" patanong na bigkas ng boses ni XV. "Kung oo, tumawag agad kayo sa ospital at baka maagapan pa siya. Fift? You're not answering. Are you okay?"

Nanginginig ang buong katawan ko sa 'king nasaksihan. First, I witnessed a murder. Now, I just encountered a tortured body. Magiging madalas ba ang mga ganitong eksena sa 'king trabaho?

"Fift?" ulit ni Xildius.

"Y-Yes, professor. Tumawag na agad ng ambulansya sina Officer Flick. Mukhang masasagip pa raw namin ang impormante," aking ulat.

"How . . . about you?" I heard him sigh. "You okay? If this is too much, I can ask help from Xalvien or Xanti—"

"Ayos lang ako, prof!" determinado kong sagot. "Siguradong busy rin sila sa mga trabaho nila. Don't worry, professor. I can do this."

Sinamahan namin ang witness papunta sa ospital. Tatlong oras din siyang nasa emergency room bago namin siya nabisita sa isang pribadong silid.

Napatakip ako ng bibig nang mabalitaang hindi na nakakakita at wala na rin daw pandinig si Mr. Halsen ayon sa mga doktor. Siniguro ng mga kalaban na hindi na siya makakapagkomunika pa kahit kailan.

"Make sure that he is guarded at all times," utos ni Officer Flick sa kaniyang mga kasamahan. "Baka bumisita uli ang mga nanakit sa kaniya. If there's anyone suspicious, report it to me immediately."

"Hindi ko maintindihan . . ." sambit ko habang naaawang nakatingin sa pasyente. "Sinadya ba nilang hindi siya patayin? Para habambuhay siyang nahihirapan? He's still alive, but he's living in hell. Napakawalang-puso nila."

Sa wakas ay nagising na si Mr. Halsen. Panay kurap nito dahil sa sobrang di-pagkapaniwala sa nangyari sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang matinding takot.

Napuno ng lungkot ang puso ko nang makita ang kaniyang tahimik na paghihinagpis.

"Can you tell me your observations about the patient, Fift?" saad ng boses ni XV.

"Malinis ang pagkakaputol sa kaniyang dila at dalawang kamay. D-Dinurog naman ang mga buto sa kaniyang mga binti," mahinahong dikta ko sa propesor. "Kumpirmado ring hindi na siya nakakakita't nakakarinig. Wala rin siyang tigil sa pagkurap, siguro ay dala ng matinding emosyon."

"Did you say he's blinking?" Xildius noted. "Consistent ba ang pagkurap niya? O nag-iiba ito ng bilis at diin?"

Tinitigan ko uli ang pasyente. Saka ko lamang napansin na iba-iba nga ang bilang ng kaniyang pagkurap. "Tama ka, professor! Minsan ay mabilis, minsan ay mariin."

"Which means he hasn't given up yet. He has a strong heart like you, Fift." Narinig ko ang mahinang pagngiti ng propesor. "He's communicating with us through Morse code. Write down his quick blinks as dots and his long blinks as dashes."

Lumapit sa 'kin si Officer Flick habang sinusulat ko sa papel ang mga sinabi ni Xildius. I noted down the patient's continuous blinks with full concentration.

"Wow. Ang akala ko ay wala na tayong pag-asa dahil hindi na nakakapagsalita ang witness. 'Buti na lang ay nariyan si Professor XV," paghanga ng batang hepe.

Idinikta ko sa propesor ang aking isinulat. Mabilis niyang nasalin ang mensahe ng impormante.

"Sabi ni professor, sa basement daw ng Pulpa Casino ang lugar ng pagtitipon. Mamayang alas-siyete raw ng gabi ito magaganap," pagbahagi ko kay Officer Flick.

"Maraming salamat, Fifteen. Napakalaking tulong ninyo ng propesor." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko bilang pasasalamat. "Mapanganib ang operasyong ito. Kami na ang bahalang humuli sa kanila. Ipapahatid na kita sa isa sa 'king mga tauhan at babalitaan na lang namin kayo."

***

NANLULUMO ako pagkarating sa Villa Vouganville. Binigyan ko ng matipid na ngiti ang propesor na umiinom ng kape sa may kusina.

Dere-deretso lang ako ng lakad dahil gusto kong ibuhos ang aking ikinubling mga luha pagkarating sa kuwarto, ngunit nagulat ako nang bigla akong hinarangan ng propesor. My head bumped into his chest, forcing me to look up at him.

My heart melted when I saw his gentle frown. He's looking very worried.

"Fifteen . . ."

Yumuko ako at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. "B-Bakit gano'n? Hindi ba dapat ay maging masaya ako dahil nagawa natin ang misyon? Dahil na-solve natin ang kaso? P-Pero bakit . . ."

All the tears I held back started rolling down my cheeks, wetting the professor's pinstripe suit.

"Because you're an empathic person, Fifteen." He scooped my face up, and my puffy eyes met his somber gaze. "You pour your heart out to everyone you meet."

Dahan-dahang lumalapit ang kaniyang mga labi, kaya naman kusang napapikit ang mga mata ko. I gasped a little because he planted his soft kisses on the side of my eye, drying my tears with his lips.

He didn't kiss me on the mouth, yet he made all the butterflies in my chest go crazy.

Nakadampi pa rin ang malambot na mga labi ng propesor sa gilid ng aking mata. Biglang natukso ang puso kong gumugusto na maramdaman ang mga iyon na nakalapat sa aking mga nanunuyot na labi. I tilted my head, slowly reaching for his lips.

Matitikman ko na sana ang matatamis niyang mga labi nang biglang umiyak na naman ang pesteng telepono sa sala. Kontrabidang telepono naman 'to!

Padabog akong naglakad papunta roon at inangat ang telepono sa 'king tainga. "Sino 'to? Busy po kami—este, ano po ang maitutulong namin sa inyo?"

"Fift, the raid was a success. Nahuli namin ang lahat ng mga kilalang kriminal sa listahan. Maraming salamat uli sa inyo." Si Officer Flick pala ang tumawag. "Bibigyan namin ng malaking gantimpala ang matapang nating impormante."

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "Maraming salamat din po sa mabuting balita, officer!"

Pagkababa ko ng telepono ay masaya ko na sanang ibabahagi ang balita sa propesor, kaso nagulat ako dahil nasa likuran ko na pala siya. "Professor XV—"

"Were you just trying to kiss me a while ago?"

"Ha? H-Hindi, ah!" namumulang pagtanggi ko. "'Nga pala, sabi ni Officer Flick—"

"Sobrang tulis kaya ng nguso mo kanina." His lips curved up into an amused smile. "Para ka ngang may tutukain, eh. Are you turning into a chicken, Salustiana?"

Umigting ang ugat ko sa sentido dahil sa kaniyang pang-aasar. "Hindi ako chicken! Wala ka bang paki kung ano ang naging balita sa kaso?!"

"Fifteen, hindi ko na tatanungin ang isang bagay na alam ko na," kibit-balikat na saad ni Xildius. "Halata naman sa tono ng boses mo at sa laki ng ngiti mo na naging matagumpay ang operasyon."

Masaya ako na nahuli na ang mga kriminal, ngunit di ko pa rin magawang matuwa nang lubusan dahil sa sinapit na kapalaran ng impormante naming si Mr. Halsen.

"Professor XV . . ." mahina kong daing. "Gusto ko sanang magpasalamat sa ginawang katapangan ng witness natin, kaso . . . paano makakarating ang mensahe ko kung hindi na siya nakakakita at nakakarinig?"

Ngumiti ang propesor at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya ito at marahang inangat, sabay hatak sa akin papunta sa kung saan.

"Come, there are a lot of secrets in this mansion that you do not know yet."

***

DINALA ako ni Xildius sa loob ng silid kung saan nakatayo ang grand piano na tinugtog niya noon. Inutusan niya akong kunin ang isang malaking kahon na nakatambak sa gilid malapit sa pintuan.

"Ano'ng mayro'n?" nauubo kong tanong dahil maalikabok ang kahon. Pagbukas ko nito, may isang lumang tape recorder na nakalagay roon.

"Bring that recorder and sit beside me," the professor instructed as he tapped the velvet cushion on the piano bench.

Napalunok ako nang tumabi ako kay Professor Xildius sa pahabang upuan. Napakalapit kasi ng katawan namin sa isa't isa. Saka nakakakilig naman kasi talaga kapag may katabi kang guwapo sa tapat ng piano.

"Press the record button, then tell me the message that you want to say to our witness," he stated.

Nagtaka ako kung para saan ang pag-record dahil hindi naman ito maririnig ng nabinging pasyente, ngunit sinunod ko na lamang ang sinabi ng propesor.

Habang isinasalaysay ang aking mensahe, nagsimulang tumugtog ng piano ang propesor. But this time, he was only playing one note—the single key at the farthest end of the piano. Sinusundan niya ang bawat salita ko at isinasalin niya ito sa pamamagitan ng pagtipa sa teklado.

He's translating it into Morse code, just like what the witness did. Mabilis. Matagal. Mabilis. Matagal uli at biglang bibilis.

Pero paano ito maririnig ng pasyente kung wala siyang pandinig? Hindi pa rin nasasagot ang tanong sa 'king isipan.

***

IPINAKUHA sa 'kin ng propesor ang isang malaking boombox na nakatago rin sa isa sa mga kahon doon sa music room. He inserted the recorded cassette tape inside. Dalhin ko raw ito sa ospital kung nasaan ang pasyente.

"Professor, nakakalimutan mo yatang bingi ang pasyente," paalala ko kay Xildius sa pamamagitan ng communication device na nakakabit sa damit ko habang naglalakad sa ospital.

"Fifteen, nakakalimutan mo yatang si Professor XV ang kausap mo?" natatawa niyang sagot. "Hanggang ngayon ba ay nagdududa ka pa rin sa 'kin?"

"Fine. So what do I do now?"

Pumasok na ako sa silid ni Mr. Halsen at nakitang gising siya.

"Place the boombox on the patient's bed. Siguruhin mong malapit ito sa kaniyang katawan," dikta ni XV na siya namang ginawa ko. "Press play, Fift."

Pagkapindot ay narinig ko na ang aking boses na nagsasalita. Akala ko ay 'yon na 'yon, pero napadilat ako bigla nang marinig ang kasunod na tumugtog.

The repeating piano notes were converted into heavy bass sounds, booming through the speakers of the boombox.

Dahil nakalagay ito sa kama, ramdam na ramdam ni Mr. Halsen ang bawat pagkabog. Mabilis. Matagal. Mabilis. Matagal uli at biglang bibilis.

My message was translated into Morse code that the patient was able to feel through the rhythmic vibrations surrounding his body. Sa pamamagitan n'on ay nakarating sa kaniya ang aking mensahe.

Nakita kong may luhang tumulo mula sa kaniyang mata. Hindi nagtagal ay naiyak na rin ako dahil sa magkahalong pait at tamis ng eksena sa 'king harapan.

"O, ikaw ba 'yong naririnig kong humahagulhol at sumisinghot?" Biglang sumingit ang malalim na boses ng propesor.

"Professor XV . . ." pabulong kong banggit habang pinupunasan ang aking mga pisngi.

"Yes?"

I think I'm already falling in love with you.

"N-Nothing," I said instead. "Thank you, professor."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store