Hush Louder
TILA SIRANG PLAKA sa utak ko ang mga salitang binigkas ng doktor. I'll give you more than just a job, I'll give you your own company. Nakapatong ang dalawang paa ko sa inuupuan kong study chair at yakap-yakap ko ang aking mga binti habang inuugoy ang upuan. I can give you your very own news company where you can write whatever you want.I buried my face in the space between my knees and squealed like a happy little girl. Dr. Xalvien, alam mo ba kung gaano kadelikado ang mga binitawan mong salita? Hindi mo ba alam na kahit sinong babaeng sabihan mo no'n ay tiyak na mahuhulog sa'yo?Isinigaw ko na naman sa hangin ang kilig kong hindi na maitago. Doc, bakit ka ganiyan?!Kagat-labing nagbukas ako ng Google sa laptop para mag-search tungkol sa doktor. Paglitaw ng guwapo niyang mukha ay lalong lumalim ang pagbaon ng ngipin ko sa'king labi. Gago, guwapo talaga.Binuksan ko ang artikulo niya sa Wikipedia. Habang nagbabasa ay unti-unting nawawala ang kagat ko sa labi at napalitan ito ng pagnganga.Dr. Xalvien Vouganville has provided lots of people with their very own companies. The doctor has given an old lady her own sari-sari store. He has donated a wet market business to a retired fisherman, and has supported lots of young students by funding their kickstarter projects.Sinarado ko agad ang laptop ko nang may labing nakanguso. Ano ba 'yan, akala ko pa naman ay special ako.Nevertheless, I still fell asleep smiling because of the doctor's kindness. I hugged my pillow and pulled up my blanket as I looked forward to seeing him tomorrow.
***
TINALI ko ulit paikot ang buhok ko. Ganito lagi ang aking hairstyle kasi ito ang pinaka-convenient para sa katulad kong laging on-the-go. Hinila ko na lamang palabas ang ilang hibla sa bawat gilid ng tainga para kahit papaano ay presentable.I chose to wear a lipstick in the shade of burnt russet. I smacked my lips twice and pursed them in front of the mirror. It feels different from the first time I wore make-up before seeing the doctor. Ngayon ay parang mas may effort ako na magmukhang maayos.Tulad ng nakasanayan ay nakasuot ako ng off-white blazer sa ibabaw ng black polo-blouse na may ribbon sa harap. I wore a pair of washed-out denim jeans and a pair of white rubber sneakers for my feet.Nang makarinig ng busina ay napatalon ang puso ko. The doctor is here. I turned my head from side to side, checking if I look nice in different angles. Puwede na!"Good morning, Miss Fiorisce," he greeted me with a smile as I entered his car.Tumalikod muna ako't humarap sa bintana para lumunok ng kilig. Pagkaharap sa kaniya ay saka ako tumango na kunwari ay hindi ako apektado. "Mhm. Morning," I said as uncaring as possible.Pinaandar niya na ang kotse kasabay ng pagkuwento. "I saw an office space for rent which I think can be your new company. I can also help you out with your government registration, and provide you with the employees you need. Ilan ba ang kailangan mo?"Napalunok ako bago sumagot. "K-Kahit kaunti lang muna. Wala pa kasi akong mapapasuweldo. I guess I just need three for now—a researcher, a writer, and a proofreader. Tapos kahit ako na ang editor, nagsisimula pa lang naman kami."Ngumiti ulit ang doktor at nakita kong napataas siya ng isang kilay habang nagmamaneho. "Don't worry about their salary."Napayakap ako sa dala kong bag para hindi niya marinig ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "B-Bakit mo pala ito ginagawa?"Siguro crush mo 'ko, 'no? Iyon ang gusto kong ihirit kaso siyempre wala naman akong lakas ng loob para sabihin iyon. Baka mapahiya pa ako."I don't know... maybe I have a crush on you." He said that so swiftly without looking at me, as if it was something so easy to say.I blushed hard. My cheeks turned redder than my lipstick.Nang makita ang mga naglalakihan kong mata ay tumawa siya nang mahina. "Well, Miss Fiorisce, I saw your talent for journalism when I worked with you and I've read your written articles. May shares ako sa magiging kompanyang ito kaya it's also an investment for me."Ah, investment pala.Hindi ko tuloy alam kung bibigyan ko ba ng malisya ang pasimpleng hirit niya kanina. Pero 'yong puso ko, tila nakikipagkarera sa sinasakyan naming kotse dahil sa sobrang bilis ng pagtibok.***
WE ARRIVED at the vacant office space. Dalawang silid ang mayroon ito at isang lobby para sa mga bisita. Ang silid sa dulo ay para sa editor-in-chief na magiging opisina ko, samantalang ang kabilang silid ay para sa mga iba pang empleyado.My eyes surveyed the whole area in wonder. Kumislap ang mga mata ko habang naiisip na ang mga istoryang ilalathala namin sa loob ng lugar na ito. Habang nakatingin sa mga office desk ay nai-imagine ko na ang mga magiging empleyado ko na pare-parehong masisipag at may mabubuting puso."Do you like it?" the doctor whispered in my ear, and his cool breath tickled me from within. "This is all yours now, Miss Fiorisce."Dr. Xalvien's lips were so close to my skin. I know that if I turned around immediately, my lips would meet his. My heart was thumping so loud that I can no longer hear my thoughts.Walang ibang tao rito, kaming dalawa lang. Nag-init ang mga pisngi ko nang mapagtanto iyon. Maybe, just maybe...Halos napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. His huge warm hands occupied my trembling shoulders. Nakadampi ang tungki ng kaniyang ilong sa buhok ko sabay sabing, "I missed you..."There was a lump in my throat when I answered him. "I-I missed you too, Dr. Xal—"Paglingon ko sa kaniya ay may malaking ngisi siya sa mukha. "Venge!"Ang kanang parte ng kaniyang buhok ay sinuklay niya pataas. Niluwagan niya rin ang pagkakatali ng kurbata niya.Xalvenge's eyes narrowed while his lips stretched into a wide smirk. "Did you miss me, reporter? Nabasa ko ang text mo sa doktor. Grabe ka naman, kakakilala pa lang natin ay makikipag-break ka na agad."My brows furrowed because I never told him that I'm a reporter. Siguro ay nadiskubre niya iyon dahil sa mga mensahe namin ng doktor sa isa't isa."Reading text messages is an invasion of privacy," I warned him with angry eyes. "Deleting is considered tampering."Nagulat ako dahil bigla niyang pinisil ang pisngi ko. "Aww, you would make such a cute lawyer!"Sinampal ko paalis ang kamay niya at inangilan ko siya. Ngunit lalo lang natutuwa kapag sinusungitan ko ang hambog na lalaking ito."Speaking of, I will represent a defendant in a trial later. Do you want to see me in action?" Marahan niyang hinila ang mga hibla ng buhok ko na nakalugay sa may tainga. He was tugging my loose tendrils lightly as if they were some sort of toy. "I want to impress you. Baka magbago ang isip mo at sa'kin ka magkagusto," he said in a husky voice.Kusang umirap ang mga mata ko, tatanggi na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Professor Xildius. Take the offer."Alright, fine. If I see you defending innocent people in court then maybe I'll change my mind about you."Ang sabi sa akin ni professor, hindi lahat ng mga taong may DID ay masama. In fact, it's a result of an extreme defense mechanism. They are not dangerous, they are actually the ones who are in danger."It's a date then," he claimed with a smug face.Kokontrahin ko na sana siya kaso naging sanhi pa ng kaniyang pagtawa ang nakasimangot kong mukha. Wala akong kawala sa lalaking ito. He always wins, whatever I do. He's really testing my patience."I want to talk to the doctor," aking saad na may mga nanunulis na mata.He gazed back with the same intensity. "Sorry, reporter. It's not as easy as turning on a light switch.""Bakit ba reporter ang tawag mo sa'kin? May pangalan ako, Fio—""Hush." The attorney placed his finger over my lips, causing my cheeks to heat up. "Iyon ang gusto kong itawag sa'yo."Again, smug face. I exhaled a harsh, "fine."Hindi ko inaasahan na si Xalvenge ang makakasama ko magdamag ngayong araw. Akala ko pa naman ay makaka-date ko na si Xalvien.***
WE WENT to the public trial that afternoon. Nagpaalam na muna si Venge dahil kakausapin niya ang kaniyang kliyente. Umupo ako sa general seating at maya-maya ay nakita ko na si Venge na nakapuwesto sa defendant's table. Lumingon siya sa'kin at ngumiti."Watch and learn," his lips mouthed and I rolled my eyes in response.The opening statements began, starting with the prosecutor. "On Friday night of May 6, 2022, the defendant Mr. Domingo was working overnight as the head gardener in Mr. Sy's house. Your Honor, I would like everyone to pay attention to Exhibit 1."May CCTV video na pinalabas sa screen. Napahawak ako sa bibig nang makitang hinahampas ng malaking pala ni Mr. Domingo ang kaniyang amo na si Mr. Sy hanggang maging duguan at walang malay. Pagkatapos no'n ay nagbulungan ang mga tao.Awtomatikong napatingin ako kay Mr. Sy na siyang nakaupo sa wheel chair at maraming bendahe sa katawan. Buti na lamang ay naagapan siya't naipadala sa ospital.What the hell? Is Venge defending a criminal?!Sunod na tinawag ng prosecutor bilang witness ang mga doktor sa ospital, kung saan nilarawan nila ang matitinding bugbog at sugat na natamo ng biktima.Everyone's face was in shock, except for Venge who's smiling confidently. It was his turn to defend and he walked forward to face the judge.Sinuklay niya ulit ang kanang parte ng kaniyang buhok bago nagsalita. "Your Honor, I'd like to a call a witness, the defendant's neighbor."May babaeng nasa kuwarenta ang edad na pumunta sa witness stand. May ilang punting hibla na sa kaniyang buhok na kulot na kulot."Ms. Sullivan, ikaw ang may-ari ng bakery sa tabi ng bahay na tinitirahan ni Mr. Domingo? Tama ba?" tanong ni Xalvenge pagkatapos manumpa ng testigo sa ilalim ng batas. "Opo, ako nga po," sagot nito."Kayo nina Mr. Domingo ay nakatira sa iisang compound kung saan ang mga bahay ay magkakadikit, tama ba?""Opo.""Maaari mo bang idetalye kung may napansin ka sa mga kinikilos ng defendant sa mga araw bago nangyari ang insidente?" Venge looked at her as he stated his questions.I have to admit that he looks attractive over there, talking, standing, and walking in court."Noong Lunes na iyon, dinig na dinig ko ang ingay ng kaniyang takure," pag-alala ng testigo na si Ms. Sullivan. "Naaalala ko itong maigi dahil iyon ang gumising sa'kin sa umaga. Panay hiyaw ko na ngunit hindi sumasagot 'yang si Allan o si Mr. Domingo kung tawagin. Nakakapagtaka dahil bukas naman ang ilaw kaya sigurado akong nasa bahay siya."Nang matapos sa stand si Ms. Sullivan ay nagtawag naman ng isa pang witness si Venge. Isa siyang lalaking medyo payat at bata-bata pa. Siguro ay mga nasa disinuwebe ang kaniyang edad."Mr. Bonifacio? Maaari mo bang sabihin kung ano ang iyong trabaho at kung kailan ka naka-duty?" bungad ni Venge sa kaniya."Isa po akong delivery rider ng online shop na nagtitinda ng mga tsinelas. Naka-duty ako buong araw hanggang maubos ang mga parcel," sagot nito."Sa linggo ng insidente ay may pinadala ka bang parcel sa defendant na si Mr. Domingo?" dagdag na tanong ni Venge habang nakapamulsa."Oo, ang katunayan ay hindi lamang isang parcel. Ang nakakapagtaka ay paulit-ulit lamang ang mga order niya. Sa loob ng isang linggo ay limang beses niyang in-order ang Size 9 na tsinelas na iisa lamang ang disenyo't kulay."Napakunot ako ng noo nang marinig iyon. Ayon sa mga impormasyon ay mahirap lamang si Mr. Domingo kaya hindi ko maintindihan bakit siya gagastos nang gano'n karami.Naimbitahan lamang ako rito ni Venge para manood, pero aaminin kong naging invested na ako sa trial na ito. Gusto kong malaman kung ano ang kahahantungan nito at kung ano ang pinaplano ni attorney."Your Honor, I would like to call Mr. Sy to the witness stand," sunod na sabi ni Venge. Nagtaka kaming lahat at pinanood namin kung paano nahirapan ang baldadong biktima pumunta sa puwesto ng stand."Mr. Sy, anong oras nangyari ang insidente?" panimula ng attorney."Mga... alas onse na ng gabi.""Ibig sabihin ay madilim na, tama ba?" Venge poked. "Nakita mo bang maigi ang hitsura ng defendant nang mangyari ito?"Hindi alam ni Mr. Sy ang isasagot."Mr. Sy, madilim ba? Madilim kasi ang CCTV na pinakita kanina. I wanted to clarify if it was also dark from your point of view."Tumingin ang biktima sa prosecutor."Objection, your Honor! The defense attorney's question is leading!" sigaw ng kalabang abogado."Your Honor, lights on or lights off lang naman ang tinatanong ko," kibit-balikat na pagkontra ni Xalvenge. "Kahit si Tito Boy ay marami nang napasagot diyan.""Objection overruled. You may continue."Tinaasan ng kilay ni Venge ang biktima na nakaupo sa witness stand."O-Oo...madilim. Pero kitang-kita niyo naman na sinasaktan niya 'ko!" pagtataas ng boses ni Mr. Sy.Humarap muli si Venge sa judge at nagsabi ng kaniyang obserbasyon. "Your Honor, the defendant is a gardener. If his objective is to murder his boss, he can freely use lots of other tools that are more dangerous such as the rake, pitchfork, or shears."Lahat kami na nasa korte ay nasindak. It was an attempted murder case with an actual video footage as evidence. Iisipin ng lahat na wala nang takas ang kahit sino sa defense side. But Attorney Xalvenge was able to turn the tables around. "The case is not an attempted murder..." the attorney declared with a smirk.What he said next created an uproar inside the courtroom.Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store