Herero Series 3
***
Khey's POV"What else do you need, baby?" Tanong ko kay Harm. She's now three months pregnant at kalakasan ng paglilihi n'ya. Pero hindi naman s'ya gano'n kademand sa pagkain, sa mood swings lang talaga. That's why I'm also careful, ayoko kasing sumama loob n'ya sa'kin. It's not healthy for the baby kapag mastress s'ya. "I'm okay. Thanks." Tipid na sagot lang naman nito. Tumabi ako sa kanya sa kama. Umusog naman s'ya palayo sa'kin. Patay na, may kasalanan yata ako. "Bakit? Sorry na, ano ba kasalanan ko?" Tanong ko agad. Mahirap na baka mas tumindi ang tampo."Nagsosorry ka pero hindi mo alam?" Tanong nito sa'kin. "E syempre, baby. Matic na 'yon, sorry na agad bago ko tanungin kung ano kasalanan ko." Nakangiting assure ko sa kanya. "So you're just saying sorry to stop me from being mad, not because you're really sorry." Parang batang maktol nito. 'Di ko alam kung matatawa o maiinis ako. "Hindi ah," lumapit pa ako sa kanya at yumakap. "Ano na nga kasi 'yon? Aayusin ko." Siniksik ko ang mukha ko sa leeg n'ya. Bango bango talaga, nakakagigil. "I will just ask you instead," she negotiate. Okay, may gano'n. "Hm, go on," pagpayag ko naman. I kissed her neck, hindi ko mapigilan. "Khey, ano ba?" Pagalit ang tono nito kaya tinigilan ko agad. I heard her hissed before she spoke again. "So.. would you still love me if I was a worm?" Pigil na pigil ako ng tawa. Ano raw? Mahal ko parin s'ya 'pag naging uod s'ya? Buti nalang talaga top ako kaya hindi ako ang buntis ngayon. "Yes, baby. I will still love you kahit worm ka pa." Siguradong-siguradong sagot ko. "You sure?" Tanong n'ya nang may pagdududa. "Opo, sure na sure." Sagot ko naman agad. "How about if I was a cockroach? Would you still love me?" Parang batang tanong nanaman nito. Hindi ko na talaga mapigilan ang matawa kaya tinulak ako nito palayo. Pagbaling ko sa kanya ang sama na ng tingin sa'kin. "What's funny?" "Nothing's funny, baby. I'm just happy with you." I said, still trying to suppress my laugh. "Don't fool me like a kid, Khey." She said in a warning tone. As if hindi pa s'ya umaakto nang parang bata sa lagay na 'yan? "Oo na, I will still love you kahit maging ipis ka pa. Kahit maging tutubi, langgam, o kahit anong insekto ka pa." Nakangiting sagot ko na. "Okay, last question." Seryoso ang tono niya. Umayos naman ako ng upo para pakinggan s'ya. Sana after nito ay matulog na kami. Inaantok na rin ako. "Would you still love me if I was your ex?" "Hah?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tapos kapag sumagot ako ng oo, sasabihin mahal ko pa ex ko. Ni hindi ko na nga maalala mga pangalan ng ex ko. "I love you as you are, baby. Kung ikaw ang ex ko, you wouldn't be my ex right now. Ikaw parin pakakasalan ko." "Sounds fake to me." She said in a teasing manner. "Totoo nga, cross my heart. Tamaan man ng kidlat first kiss mo ngayon." I said with a taste of bitterness on my voice. Hanggang ngayon nga hindu ko pa alam kung sino first kiss n'ya at kung kailan nakuha yunh first kiss n'ya. She chuckles softly. Pati ang expression niya ay biglang lumambot. "I'm just messing around," wika niya sa masuyong tono. Kita mo, ayaw talaga pag-usapan kapag tungkol sa first kiss n'ya. "Don't tell me ako yung manunuyo ngayon?" I pouted, naghihintay ng halik but she just pressed her index and middle finger on my lips. Wala na, magdadabog na talaga ako. I crossed my arms, "Ang hirap talaga maging top, hindi sinusuyo ng bottom." "Excuse me? I'm pregnant but I am not a bottom." Pinaglalaban pa. Una palang alam ko namang bottom 'tong asawa ko. "Oo nalang, Harm," I laughed. "Matulog na tayo, bawal kang magpuyat. It's not good for the baby." Aya ko sa kanya pero halata parin sa mukha kong natatawa ako. "Let's see if you can still smile like that after 6 months." May pagbabantang saad niya. Bakit naman ako matatakot? Top ako, hindi natatakot ang mga top. Napaatras ako nang bigla s'yang pumunta sa ibabaw ko. "Oh.. Why would I even wait 'til six months if I can do it now?" "Baby, kumalma ka. Bawal 'yan sa bata." I tried to push her away from my top. 'Pag hindi ko s'ya pinigilan wala na, bottom nanaman ako. "Don't tell me what to do." Banta n'ya, napalunok ako. "I know what's good and what's not for our baby.. it just happens that.. what's good for me isn't good for you." She whispered seductively. Oh shit. "Mommy, be gentle." I said, almost moaning. My internal organs are going crazy. Bakit ba mas lalo siyang naging hot ngayong buntis s'ya? Hindi ko naman magawa mga gusto ko.. I know we can still do it pero natatakot lang talaga ako. Her eyes lingered down to my lips. She licked her which mede it appear as soft and moist as it is. Hahalikan ko na sana ang labi n'ya but she pushed me kaya napasandal ulit ako sa headboard ng kama. "Lay down." Mariing utos n'ya. "Baby, wait lang. Hindi pa ako ready—" she cut me off. "I said, lay down." Mas mariing utos n'ya kaya wala ng patumpik-tumpik pa akong sumunod. Humiga ako sa kama namin. Napapikit ako nang ilapit n'ya ang mukha n'ya sa'kin. I was waiting for her lips to land on mine pero naramdaman ko naman ang pag-uga ng kama sa tabi ko. "Bakit ka nakahiga, baby?" Naguguluhang tanong ko. "I changed my mind. I want to sleep na. Sleep ka na rin." Wika nito, binigyan pa ako ng matamis na ngiti bago pumikit. Laglag ang panga ko. Hayop. Gano'n nalang 'yon matapos n'ya akong pasabikin? Deserve ko ng hustisya! "Khey?" Nagmulat ulit s'ya ng mata. Tsk. "Ito na, pipikit na." Napipilitang wika ko nalang. I heard her chuckle saka lumapit sa'kin at yumakap. Buti nalang mahal na mahal ko 'to....I just came from work. Tingin ko nakauwi na rin ngayon si Harm dahil gabi na rin. May dala akong pasalubong para kay Ivo. "Hi, mom," bagot na bati sa'kin ni Ivo. Lumapit ito to gave me a kiss on the cheeks. "I suppose that is for me?" She asked while looking at the paperbags I brought. "Hi tita!" Maya-maya ay may isang batang babae rin ang naglalakad palapit sa'min. Oh, nandito pala si Tori. Humalik din ito sa pisngi ko. "Hello, Kids. Kunin n'yo 'to, magshare kayo." Inabot ko sa kanila ang dala ko. Si Ivo ang kumuha. Habang parehong nakatayo ang dalawa ay kitang-kita ko ang similarities at differences nila. Pero kung titingnan ay para silang kambal, madalas na nga silang mapagkamalan na kambal. Simula pagkabata ba naman ay halos sabay sila sa mga bagay-bagay. Pero magkamukha man sila, magkalayo naman sa ugali. Si Tori very energetic samantalang 'tong anak ko parang pinaglihi sa sama ng loob. Ewan ko nga sa batang 'yan. Ganyan lang talaga siguro. "We'll eat this na, mom." Paalam sa'kin ni Ivo. "Sa'n si mommy Harm mo?" Tanong ko muna rito. "She's baking po," tipid na sagot ulit nito. "Tita, you should see tita Harm's baked cupcakes. It's very delicious!" Masiglang wika ni Tori. Napangiwi naman si Ivo na parang naririndi. "Taste, not see. How can you know the taste just by looking at it?" Kuwestyon naman ni Ivo kay Tori. Naglakad na ang mga ito papunta ng kitchen. Binaba ko lang ang mga gamit ko sa living room at sumunod na. "It's common sense. Duh." Maarteng wika naman ni Tori. Patay, nak, nabara ka. "Whatever. Atleast my mom can cook." Ivo counters. Owwww. Baka anak ko 'yan. Hindi kasi marunong magluto si Miss Avi eh, nakwento sa'min ni Harm. Nagsanay pa nga raw magluto para lang kay Free. Things you do for love talaga. Ako? Anong ginawa ko for Harm? Sinalo ko lang naman yung apat na bala para sa kanya. Hindi naman ako nagyayabang sa lagay na 'to ah. Hindi talaga. "My mom can cook too!" Dipense naman nitong si Tori. "Can you talk monotone? My ears hurts with your voice." Si Ivo ulit. Inirapan nalang ito ni Tori. Cute talaga ng magpinsan na 'to, sarap pagbuhulin. Nagpunta ang dalawa sa dining room habang ako naman ay dumiretso sa kitchen. Nang makarating ako sa kitchen ay naabutan ko ngang nilalabas palang ni Harm ang binake n'yang cupcakes sa oven. "Oh, you're here na pala?" She softly asked saka nilapag sa counter ang tray na may lamang cupcakes. "Good evening, wife." Nakangiting bati ko sa kanya. I hugged and kissed her lips a smack kiss. "Nagdinner na kayo?" "Not yet. Hinintay ka namin. Dito raw matutulog si Tori." She answered. Naririnig ko parin ang bangayan ng dalawa pero mukhang pareho na nilang kinakain yung inuwi ko. "You gave them dinner already?" "Pang snack lang 'yon. Hindi ko dinamihan so they can still eat dinner. I know you cooked something for us." She automatically smiled. Kasama sa rule 'yon, dapat laging kakainin ang niluto ng asawa mo. Kundi, magkakaroon ng world war sa bahay n'yo. "That's.. so sweet of you, Khey." She said warmly. Ako naman ngayon ang napangiti. Oh, to be appreciated by her is more than enough. Ang sarap kaya sa feeling ng gano'n. Napapansin yung small things na ginagawa mo. "Sweet ka rin, mahal." Mapanuyang wika ko. Natawa ako nang paningkitan n'ya ako ng mata. "So, you baked pala? Pwede ko na bang tikman?" "Yup," she said. S'ya na ang kumuha ng isang piraso. Chocolate cupcake pala itong binake n'ya. Amoy na amoy ang aroma ng ginamit n'yang tsokolate. "Mukhang masarap itong cupcake mo." Wika ko nang ilapit n'ya ang cupcake sa bibig ko. I opened my eyes pero sinamaan n'ya muna ako ng tingin bago tuluyang isubo sa'kin. Kumagat naman ako. Nginuya ko muna 'yon bago nagsalita. "Ang sarap nga ng cupcake mo, mahal." Bulong ko sa kanya. Kinurot naman ako nito sa tagiliran pero natawa parin ako. Ako lang ata yung nakurot na pero tawang-tawa pa. Ang sarap talaga mang-asar. "Pumunta ka nga sa dining room. Maghahain na ako." Utos n'ya sa'kin pero kabaliktaran non ang ginawa ko. Tinulak ko s'ya hanggang sa mapasandal s'ya sa kitchen counter saka ko nilagay sa magkabilang gilid n'ya ang kamay ko. "Okay, save your cupcake. I'll eat that later." Nakangising bulong ko. Inirapan lang ako nito."Khey, ang tanda na natin." May halong banta sa boses nito. "Anong natin? Ikaw lang ah. Bata pa kaya ako—HAHAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko na talaga mapigilang mapahalakhak. Ang sama na kasi ng tingin sa'kin. "Joke lang. Kahit anong edad mo, baby parin kita." Pang-uuto ko pa sa kanya pero syempre hindi naman gagana. "Sige na, Khey. Let me out, maghahain na ako." Pakiusap na nito kaya hinayaan ko na. "Tutulong na ako." I volunteered kaya hinayaan n'ya nalang ako. Hindi naman ako pagod. O sadyang masaya lang ako kaya hindi ko na pansin yung pagod ko? Pagdating namin sa kitchen ay nag-uusap ang dalawa sa mahinang tono. Parang nagrarant ata si Ivo kay Tori. "Shione Kheylor Ivorei. Like really, who would name their child like that? It's so looong, I hate it." Pabulong na reklamo ni Ivo kay Tori. "I have three names too but I don't complain." Bulong naman pabalik nitong si Tori. Harm and I both chuckled. Inilapag namin ang mga ulam, kanin, at utensils sa mesa. Sabay namang napaangat ng tingin ang dalawa. "You can't do anything about your name na, baby." I said saka ako naglagay ng plato sa harapan nilang dalawa. Nilagyan ko na rin ng kutsara at tinidor. "Can I change it, mom? Just Ivorei or Ivo." Reklamo nanaman nito pero pareho lang kaming umiling ni Harm. Ewan ko ba kasi bakit naging tatlo. Pinagkaitan yata kasi sa pangalan yung kambal kaya bumawi sa mga anak. "Eat na tayo." Wika ni Harm. Nakaupo na kami ngayon sa dining table. Magkatabi kami ni Harm at magkatabi naman si Ivo at Tori sa harap namin. Nagsimula na kaming kumain. "How was your work, hmm?" Masuyong tanong sa'kin ni Harm habang kumakain kami. "Enjoy, baby. Vinisit ko kanina yung isang building na ongoing ang pagrerenovate. Mukhang nagugustuhan naman ng client kahit hindi pa tapos." Masayang sagot ko naman. "That's good," she commended. "E ikaw? How's Amherst? How's the new President of Amherst?" Nakangiting tanong kong muli. "Just fine. Thank God Avi's there to help me." She answered all smiling. Mabuti naman may katulong s'ya para hindi gaanong mastress ang asawa ko. "Mommy," we both look at Ivo's direction. "If I get an straight A on my report card, can we change my name na?" Nagkatinginan muna kami ni Harm. Nagtanguan kami bago bumaling muli kay Ivo. "We will change it na, baby. You don't need to make an straight A." Harm said the good news. Nagliwanag naman ang mukha ni Ivo. "Yehey!" Sigaw nito. Parang gusto pang magtatalon sa tuwa pero pinigilan nalang ang sarili dahil kumakain pa kami. "See? My mommies will agree, I told you!" Tori just shrugged but still smiling. "Basta ako, I'm happy with my name." She said saka sumubo ng pagkain. "I'll be happy with my name too once it's changed." Balik na ulit sa normal ang tono ng anak namin. Hindi ko talaga alam kung kanino nagmana 'to. "Gano'n talaga, baby, 'no? Kahit magkanda buhol isip natin makabuo lang ng combination ng name niya, hahayaan parin natin if that's make her happy." I said to harm na ikinatawa n'ya lang. "Indeed, baby. If that makes her happy." Sang-ayon naman ni Harm nang nakangiti. Sa akin ata nagmana si Ivo sa ganong ugali n'ya. Yung gagawin ang lahat makuha lang yung gusto. Matigas din ulo ko lalo nung bata eh. "Bakit ang konti lang ng kinakain mo?" She suddenly asked nang mapansin ang plate ko. "Nagrereserve ako ng space para sa cupcake mo." May bahid ng panunuyang wika ko nanaman. Her face automatically blushed. Ang cute parin. "Kainin ko cupcake mo, later, baby ha? Pang dessert at midnight snack." Bulong ko pa. "Khey, we're infront of kids." Harm warned in a low tone. Nagbubulungan nalang kami, imposibleng marinig pa nila. Isa pa, inside joke 'yon. Pag nagets nila, lagot si Ivo, lagot din si Tori sa mommies niya. "Ano naman masama sa cupcake? Ang dirty minded mo, mahal." Pang-aasar ko sa kanya. Umiling nalang ito habang nagpipigil ng ngiti. Matapos namin kumain ay umakyat na sa kwarto ni Ivo ang dalawa. Naiwan naman kami ni Harm para maghugas ng pinggan. May katulong naman kami, sadyang nakaleave lang ito ngayon. Harm wore a gloves and started washing the dishes. Lumapit naman ako sa kanya and snaked my arms around her waist. I'm hugging her from the back."When you were here, the stars disappear.." I started singing. I felt Harm body loosened. She stopped from washing the dishes, she removed her gloves and rested her body on mine.
"Nothing can outshine the dress that you wear
We should be dancing 'cause girl you look stunning
Let's spend the night together 'till reach the morning.." with my arms around her waist. I guided her body into a slow dance. Sumusunod naman ang galaw niya sa galaw ng katawan ko.
"Up and above, never enough
I wanna hold your hand and show what is love
When you are smiling and when you are laughing
We should keep dancing to treasure the feelings.." I hold her hand para iharap s'ya sa'kin. She's smiling from ear to ear, and I am smiling too.
"Like it's the old love (it's the old love)
This is the way that we both wanna feel
Under the moonlight we made our first kiss
'Cause this is the moment that you made me feel
Like it's the old love (it's the old love)
Come on and hold me, I want you right here
Stay close to me so you don't feel the fear
I'll never let go 'cause I'm just right here.." we started slow dancing. In the middle of the night. Harm and I are treasuring the moment.
Let's keep drinking 'till the moon disappear.." she then hugged me. Her head is placed on my shoulder while we're slow dancing. "You were also my dream come true, Khey.." she whispered softly. Mas humigpit pa ang yakap n'ya sa'kin like she doesn't want me to go anywhere. Hindi ako mawawala, Harm. I'm destined to be with you, just you. "I love you so much, Hermione.. no explanation needed. I love you so, so, sooo much." I whispered in a mellow tone. "Mahal na mahal din kita, Kheyos.." she whispered back as she look at me with so much love in her eyes. We look at each other's eyes intently. The real thing is, we don't need to say how much we love each other. Sa mata palang namin.. we can clearly sa how much we cherish each other. Also with Ivo, she's also the living proof of how much we will sacrifice everything for our family.
Our lips formed a smile. A smile that means more than a thousand words. We slowly lean in each other's faces as we both closed our eyes to feel the kiss. A kiss that only means one thing—love.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store