Herero Series 3
Khey's POVI woke up, my head is still aching, pumipitik na parang mabibiyak na, tapos pakiramdam ko ay nanghihina ang katawan ko. I opened my eyes. Unang bumungad sa'kin ang puting kisame. Saka ko nilibot ang tingin ko, halos puri puti tapos nasa isang side ang mga kaibigan namin. Alam ko na, nasa ospital ako. Lumapit agad si Miss Avi sa'kin. "Khey, how are you feeling?" Bungad na tanong n'ya sa'kin. "Masakit lang po ang ulo ko, Miss Avi. Where is Harm? What happened?" Magkasunod na tanong ko. Nandito silang lahat pero wala si Harm. "You lost consciousness. Harm is talking to the doctors, she'll be here soon." Sagot naman nito saka ako nginitian kaya ngumiti rin ako pabalik. Nakakapanibago sila dahil ang tahimik nilang lahat. Parang mga nasa lamay e. Mamamatay na ba ako? Tama nga si Miss Avi, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Harm na medyo namumula pa ang mata at ilong. Napakunot agad ang noo ko. Akmang babangon ako nang binilisan n'ya ang paglakad at inalalayan ako. "Harm, labas muna kami." Paalam ni Saji saka sila sabay-sabay na lumabas. "Baby, what happened?" Tanong ko. Tinaas ko ang kanang kamay ko para damhin ang pisngi n'ya. Nagsimula muling mamuo ang luha sa mga mata n'ya. "May umaway ba sa'yo?" Masuyong tanong ko ulit. She suddenly hugged me. "Meningiomas, Khey.. meningiomas.." bulong n'ya habang unti-unting humihikbi. "I can't understand, baby. What's meningiomas and why are you crying?" Masuyong tanong ko. I slightly pushed her para makita ang mukha n'ya. I wiped her tears. "I-it's a brain tumor, Khey.." tears rolls down her cheek. "You have a m-malignant brain tumor.." nagsunod-sunod ang pagtulo ng luha n'ya. Sandali akong natutula sa wika n'ya. I have a brain tumor? "Is it real?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko. "Hush, baby, calm down.. we can still have a second opinion, right? The doctors might be mistaken it for something-I don't know, maybe it's just a normal headache. Stop crying.." I hushed her by pulling her closer again for a hug. What the fuck? Brain tumor? May brain tumor ako? Meninfuckery, what the fuck was that? But I can't deny na habang tumatagal ay palala nang palala ang pagsakit ng ulo ko. To the point na gusto ko nalang iuntog sa pader para mamanhid. "Uwi na tayo, please? I need to talk to our mommies about this.. we'll find a way.. we'll get through this, right? Right, Khey?" She asked for assurance. Hinigpitan ko lang ang yakap sa kanya. "Opo, baby. Tahan na.." hinaplos ko ang likod n'ya. Kung totoo man, matatapos din ito. We already conquered so much. From those poisons up to this. Kaya namin 'to. Mas maaga kaming umuwi dahil sa nangyari. We're supposed to leave the place at night pero maaga palang ay umuwi na kami. Halos lahat ay tulog ulit sa byahe. It's seven hours and it's a good time to sleep because it's slightly raining. "Baby, kanina ka pa tutok sa phone mo. Have a sleep muna." I patted my shoulder signaling her to lean but she just shake her head. "May important ka bang inaasikaso d'yan?" "I'm doing my own research." She simply said saka tinuloy ang pagpindot sa cellphone n'ya. "About?" Parang batang pangungulit ko. Hindi n'ya ako sinagot kaya sumilip nalang ako sa cellphone n'ya. Malignant melingiomas. 'Yon ang nasa search bar n'ya. "It says here that melingiomas can be benign or malignant. The doctor says you have m-malignant which means it's cancerous.." pahina nang pahina ang boses n'ya. She left out a deep sigh before she continue to talk. "Although it can be removed by surgery, and treatment, it is still life threatening." Paliwanag nito habang nakatingin sa cellphone. She now turned to me. "Tumor lang 'yan." Nakangiting sagot ko. "May brain na ako, tapos I have two-more, edi I'll have three brains na." I joked.She rolled her eyes frustratedly. "Isa pa, Khey. I'll kick you out of this van." Mariing banta n'ya sa'kin kaya mas lalo lang akong nangiti. "Sungit mo," asar ko. I poke her side waist na agad naman n'yang itinulak paalis. "Because this is serious, Khey. You shouldn't joke about your condition." Masungit na saad nito. "Ayoko namang magmukmok, hindi pa naman ako mamamatay eh." Sinamaan n'ya ulit ako ng tingin. "What?" "I can't believe you!" She exclaimed stressfully. Yumuko ako sa kanya para bumulong. "'Pag kiniss ba kita mahahawa ka sa'kin?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman n'ya akong kinurot sa braso. "Aray!" Pabulong na sigaw ko. "Just sleep, can you?" She said with her piercing eyes. I pouted. "Sleep." Ulit n'ya pa. Tinulak n'ya ang mukha ko para mapasandal sa upuan. "Ito na nga, matutulog na." I said toneless. Mas umusog ako sa kaliwa para doon isandal ang ulo ko pero hinawakan n'ya agad ang kamay ko. She taps her shoulder. "Tss," asik ko pa pero sumandal din naman sa balikat n'ya. S'ya pinapatulog ko tapos ako patutulugin n'ya. Kagaling talaga. Pinikit ko nalang ang mata ko at hindi namalayang nakatulog na rin ako. Nagising ako nang maramdaman kong parang hinahalukay ang loob ko. Tinapik ko agad ang bintana sa tapat ko. Nagising agad si Harm. "Why?" Aligagang tanong n'ya. Nang mapansin ang ginagawa ko ay sumigaw ito kila kuyang driver. "Kuya, pahinto po ng van!" Halos lahat ay nagising sa pagsigaw n'ya. Agad namang pumagili sila kuya sa gitna ng high way. Binuksan ko agad ang van saka sumuka. Naramdaman ko ang yapak n'ya. She slightly leaned to caress my back. Bumaba rin ang ilan sa kaibigan namin. Nag-abot si Free ng tubig sa'kin kaya nagmumog ako. Nakakapanghina matapos ko magsuka. Tatayo sana ako nang muntik nanaman akong matumba kaya agad akong inalalayan ni Harm. Tahimik kaming bumalik sa loob ng van. Nagsimula ulit magmaneho ang driver. Kumuha si Harm ng tissue saka pinunasan ang gilid ng labi ko. Pati ang noo kong namuo ng pawis. Nakapikit ako while she's doing that. Sandali kong minulat ang mata ko to search for her hand. Hinawakan ko 'yon saka muling pumikit. My vision is spinning and it's getting blurry kaya mas gusto ko munang pumikit. Naramdaman ko ang hininga ni Harm sa gilid ng leeg ko. "You'll be okay, baby.. you'll be okay.." she whispered softly. "I will.." paos kong bulong. ..."Harm, gusto ko ring marinig ang sasabihin ng doctor. I deserve to know, right?" I asked Harm. Nandito kami sa isang hospital and they run some tests on me para malaman kung tama ba ang findings ng naunang doctor. Tita Eve and Tita Jade are also here. Minabuti na nilang samahan kami. Huminga s'ya nang malalim bago tumango. Sakto naman ang pagpasok ng doctor. "Can I talk to the relatives?" Bungad sa'min ng doctor. "I'm her girlfriend, doc." Saad ni Harm saka tumayong humarap sa doctor. "I mean the relatives." Pagbibigay diin ng doctor. I get it. "Nasa seminteryo po, doc." Seryosong sagot ko. Bumaling sa'kin si Harm saka ako sinamaan ng tingin. "I see," tumatangong turan ng doctor. Gets n'ya na 'yon. "Ma'am," bumaling ito kay Harm. Sila tita Eve at tita Jade ay mataman lang na nakikinig. "Dr. Natividad and my findings matched. Our patient have a malignant meningiomas." Damn. Narinig ko ang sabay na pagsinghap ng mag-asawang Herero. "But it can be removed by surgery, right, doc? Can we schedule it now?" Nag-mamadaling tanong ni Harm. Her voice is almost shaking. "Yes, ma'am. It can be removed using a surgery but we still need to see if the tumor is accessible or not. If it's not, I'm sorry to say that our patient can't undergo surgery because it will be risky." Paliwanag ni doc. Tumango-tango ako. Matapos no'n ay sila tita Eve at tita Jade naman ang kumausap kay doc tungkol sa condition ko. Pareho kaming tahimik lang ni Harm. "Let's go? Babalik nalang daw tayo tomorrow." Tita Eve said. Sumunod kami pareho. Nauuna silang maglakad ni tita Jade. "Baby, are you okay?" Tanong ko sa kanya. She glanced at me, nodded her head then smiled. "Are we okay?" Tanong ko ulit. "Yup," tipid na sagot n'ya. "Sure po?" Tanong ko pa ulit. "Hm-hm," sagot niya lang. Hindi na ulit ako nagtanong. Nakarating na kami sa bahay nila, nakakain at nakapagshower ay halos hindi parin kami nag-uusap. I know there's really something wrong. "Baby, are we really okay? Did I do something that upsets you?" Tanong ko while she's fixing our bed. Umiling s'ya habang inaabala parin ang sarili kahit maayos naman na ang higaan namin. Naupo ako sa dulo ng kama saka hinila ang kamay n'ya. She's now sitting on my lap so I hugged her tightly. "Khey.." she left out a sigh after calling my name. "Galit ka ba sa'kin? May nagawa ba ako? Sorry na, sorry.." Niyakap ko s'ya nang mas mahigpit habang nakabaon ang mukha ko sa gilid ng leeg n'ya. Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako sa kanya but she wouldn't act this way kung ayos lang kami. "No, Khey.. I'm not mad at you," masuyo n'yang hinaplos ang braso kong nakapulupot sa bewang n'ya. "I'm mad to myself.." she honestly stated. Napabitaw naman agad ako sa kanya to stare at her face. "What? Why? You didn't do anything wrong, baby." Agad kong wika. Hindi ko gusto 'yong galit s'ya sa sarili n'ya kahit ano pang rason 'yan. Nagsimulang magtubig ang mata n'ya. "I should've force you to have a check-up.. sana mas maaga nating nalaman 'yong condition mo. I didn't fullfil my responsibility as your girl.. I hate myself.." nagsunod-sunod na ngayon ang hikbi n'ya. "No, please, don't say that.." I cupped her face and faced her. "Ako 'yong matigas ang ulo rito, 'di ba? Isa pa, it's not the right time to think negatively. We're both on this, right?" I kissed her cheeks. I showered her face with my kisses to calm her. "Khey, you'll undergo surgery, you'll recover, we will get married.. and have kids. Gagawin natin lahat 'yan, 'di ba? Please, say yes." Tumango ako. "Promise me.." pakiusap pa niya. "I promise you, baby.. we'll make a big, happy family.." I said as I hug her tightly again. "Hindi ako mawawala, pangako.." [A/N: Short update lang. Kinda busy sa school. Maybe 1 or 2 chapter/s more and it's completed. Thanks for reading! Take care always, ciao!]
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store